Mr. Maniac meets Ms. Pervert...

By justchin

83.5M 1M 283K

Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ? More

Mr. Maniac meets Ms. Pervert
Her reason
Hongkong
Foreplay?
Period
Bowling in Thailand
Phone call
I Love Her
Spicy noodles
Angels
Sapi
Snakes and Ladders
Spotting
I love you
Mahal kita ..
LabletterniChin(A/N)
Still the one
Jelly
Kill me
Luck
Twins
Exercise
America
Angel of Mine
Daniel
Ella's Time
Jd's Tears
The truth
His Family
Jd and Ivan
Bromance
Angelico and Angelo
2 become 1
Ella's comeback.
New Life
The beginning
Birthday
Confirmation
Picture Perfect
Miyu and Mayu
Family Picture
Dravet Syndrome
Marijuana
Downfall
Begging
Her Angels
Rainbow
Tears
Goodbye Mayu
One last cry
Ending
EPILOGUE (all caps para intense! haha )
Author's kaechosan
Softcopy
Special Chapter

Let's end this.

1.3M 16.4K 7.4K
By justchin

[ Enjoy reading. Dedicated to you. ]

Asha's POV

"Here's your food Babe .." nilapag ni Jd yung tray sa side table ng kama ko. It's been one weeks since nakarating kami dito sa America.

At hanggang ngayon, tinitikis ko pa din sya, hindi ako lumalabas kapag inaaya nya akong kumain, and it end up dinadlhan nya na lang ako.

Hindi ako natinag sa pagkakahiga ko, hindi ko sya tiningnan, ni hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Babe .." naramdaman kong lumundo yung kama, naupo sya sa tabi ko at niyakap ako. "Kailangan mong kumain para sa babies, kung galit ka sakin wag mong idamay ang anak natin. Please?"

Kinokonsensya nya na naman ako, tumayo ako sa kama kaya napatayo din sya.

"Puro na lang gulay at isda! Wala na bang iba?" reklamo ko sa nakahain na steamed fish at vegetable.

"Kailangan mo yan ngayon dahil mataas ang BP mo (Blood Pressure) sabi ng Doctor umiwas ka muna sa matatabang pagkain, don't worry ipagluluto kita mamaya ng beef steak."

Dahil sa pagtikis ko sa kanya ay naaapektuhan na ang pagkain ko. Gusto kong sumuko sya sakin kaya naman hinahanapan ko sya  ng mga pagkain na wala.

Madalas na matatabang karne ang hinahanap ko kaya tumaas ang dugo ko, dahilan para sumakit ang batok ko at himatayin. And of course Jd is at my side.

"Ayoko nyan .." inatras ko ang tray kaya natabig ang baso ng tubig na nasa iibabaw nito, buti na lang mabilis na nakalapit si Jd sa side table at naagapan ang lamp shade na katabi nito para di bumagsak.

Tiningnan nya ako kaya naman iniba ko ang tingin ko, ayaw kong makita nyang nahihirapan akong magpanggap na galit sa harap nya.

"Ipagluluto na lang kita ng bago.." dinala nya ang tray at lumabas ng kwarto.

Nakakulong ako sa isang sitwasyon na hindi ko naman kayang alisan, isang linggo ng nahihirapan si Jd sa ginagawa ko, at isang linggo na din akong lihim na nasasaktan, i know hindi sya ganun katatag, pero kailangan ko tong gawin, dahil kapag hindi ko nagawa ang bagay na dapat matagal ko ng ginawa ay baka masaktan lang kami pareho.

Simula ng makarating kami dito sa America, hindi ko pa nakakausap si Ate, nawalan ako ng contacts sa kanya, sinira ni Jd ang phone ko at tinapon ang card nun, pati laptop ko ay shutdown na din, nawala ang charger ko, at alam kong si Jd ang may gawa nun.

Ang mga gadgets nya ay nakatago sa isang bag kung saan lagi nyang tinatabi at dinadala, gusto kong kamustahin si Ate, nag aalala na ako sa kanya.

Siguro nag aalala na yun dahil matagal na din since nagkausap kami. Si Jd kasi lahat ng ginagawa ko binabantayan nya, di ko nga lam kung paano pa sya nakakapagtrabaho ng hindi umaalis ng bahay.

Lagi lang syang nandito, madalas nakaharap sa laptop at minsan naman ay umaalis din. Pero hindi naman ganoon katagal.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang cellphone ni Jd na naka charge sa gilid ng sofa.

"Jd!" tawag ko sa kanya. pagkakataon ko na 'to para makausap si Ate.

"Bakit Asha?" lumabas sya mula sa kusina at sumilip sakin.

"Gusto kong soup. Yun na lang kakainin ko. Please." utos ko sa kanya.

Tumango sya at agad din naman tumalikod.  Pagtalikod nya ay inalis ko sa pagka-charge yung phone nya at kinuha ko yun. Pumasok ako sa kwarto at nag-lock.

Kinalikot ko yung phone nya dinayal yung number ni Ate Ella. Nakailang ring na pero wala pa din sumasagot kaya lalo lang akong kinakabahan, hanggang sa wala talagang sumasagot, nag-try naman akong tawagan ang number ng bahay namin, wala pang tatlong ring ay may sumagot na, lalaki, at hindi ako pwedeng magmamali, boses pa lang kilala ko na.

"Kuya Daniel.."

"Asha? Asha ikaw ba yan?"

"Kuya, kamusta si Ate Ella?" tanong ko.

"Nasa Hospital sya,  paalis na nga dapat ako para bisitahin sya, kumuha lang ako ng damit nila Mommy and Daddy, sila ang nagbabantay sa kanya." napalunok ako sa narinig ko at napa upo sa kama.

"Anong nangyari kay Ate?" kinakabahan kong tanong, napahigpit ang hawak ko sa bedsheet at pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

"She comitted suicide one week ago." and right after i heared that, tumulo na ang luha ko.

"It's my fault." alam kong kasalan ko ang nangyari kay Ate.

"Huh? What do you mean Asha?"

"Kuya kamusta si Ate, is she alright?"

"She's fine now. But she needs to take some test and treatment?" naguluhan ako sa sinabi ni Kuya.

"What do you mean kuya?"

"Sabi ng Doctor, psychological trauma daw, dala ng pagkamatay ni uhm .." even him still can't move on. "Well yun nga, as the day past lalong lumalala yung sitwasyon nya until last week she almost kill her self."

"Oh God!" nasapo ko yung noo ko at di ko napigilan yung mga luha ko.

"I really don't know how to handle her Asha, ang hirap ng sitwasyon namin, di ko alam kung saan ako dapat magsimula, I wanna help her but I don't know how." ramdam ko sa boses ni Kuya Daniel ang sakit at hirap ng pibagdadaanan nya.

"How's my Parents?"

"Theyre helping me na mag alaga kay Ella, salitan kami sa pagbantay sa kanya, araw araw nyang hinahanap ang anak namin."

"Kuya I'm sorry." nasabi ko na lang dahil alam kong ako ang may kasalanan nito.

"Don't be Asha, walang may gusto, walang may kasalanan, stop saying sorry ok?"

"But it's all my fault." pinahid ko ang luha ko at tumayo. "I wanna help you kuya, i'll try my best para makuwi dyan at-"

"No Asha, the more na lumapit ka sa kanya the more na maaalala nya yung nangyari, I'm sorry but it's better na magkalayo kayo, she can harm you, lahat kami nakakaranas nyan, iba na si Ella ngayon, she didn't think normally, patient lang ang pinapairal namin para matulungan sya. Hayaan mo na ok? We'll be fine here." nakagat ko yung labi ko at napatingala na lang, nasasaktan ako sa nangyayari kay Ate, alam kong kailangan nya ko ngayon.

"Kuya .."

"Sige na Asha i need to go, call us anytime here, lalo na sila Mommy at Daddy. I know they miss you so much, kung nasaan ka man ngayon, sana nasa maayos kang kalagayan, don't worry us here. ok?"

"Ok." nang maputol yung tawag ay napatulala na lang akong nakatingin sa sahig.

Biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Jd, hawak nya yung susi ng kwarto.

"Babe your food is re-" natigil din sya sa pagsasalita ng makita nyang hawak ko ang phone nya.

Bago pa sya makapagsalita at bago nya paako maunahan sa gusto nyang sabihin ay tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Jd please, parang awa mo na, umuwi na tayo." hinawakan ko sya magkabilang braso at nagmakaawa.

"Kinausap mo na naman sya?"

"Jd may sakit si Ate, kailangan nya ako, at mas lalong kailangan.nya ang anak ko." hinawakan ako ni Jd sa magkabilang balikat at nilayo sa kanya.

"Asha, mas lalong kailangan.kitang ilayo sa Ate mo, kung may sakit ang Ate mo, sa tingin mo maaalagaan nya ng naayos ang anak mo? No." naiiling nyang sabi at binulsa yung cellphone nya.

"Pero Jd kailangan nya yung anak natin para gumaling sya, it'll can help her."

"Yun lang ba ang gusto mo? Sanggol na magpapagaling sa kanya? Then fine; mag aampon tayo at ibibigay sa kanya, tapos ang problema." isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi nya.

"Hindi ganoon kababaw ang rason ko, kahit kailan di mo ko maiintindihan dahil wala ka sa pwesto ko." tinalikuran ko sya at tuloy tuloy na lumabas.

Kung sana ganun lang kadali ang lahat, kung sana tulad din ako ng ibang tao na kayang isantabi at ipagpalit ang pamilya nila para sa taong mahal nila, kung sana hindi ako nakokonsensya sa bawat tingin ko kay Jd, na meron akong isang taong handang gawin ang lahat para sakin, ngunit sa kabila ng lahat ay parang reminder na kusang tumutunog ang paalala sa utak ko, ang gulong iniwan ko, ang buhay na sinira ko, ang sakit na dinulot ko kay Ate. Halos mabaliw ako sa tuwing inaatake ako ng guilty, masaya na sana ako, kayang ibigay ni Jd lahat ng gusto ko, pero yung nakaraan ay pilit akong binabalikan, hindi ako pinapatahimik, pilit akong ginugulo, at sa huli, maiisip kong sobrang unfair nga, masaya ako kay Jd, samantalang sira at wasak ang sarili kong kapatid sa panahong ako'y tumatawa.

Kinabukasan nagising akong prepared na lahat, pati sya, nakabihis at mukhang aalis.

"I don't like that.." inurong ko yung plato ng pagkain na hinanda nya, natapon ang laman noon at tiningnan ako ni Jd na parang nakikiusap ..

'please tama na' i can read at his look. Tumayo ako at lumipat sa  sofa, dun ako naupo at nanonood. Nang sulyapan ko sya ay nakita kong nililinis nya ang natapon na pagkain, ang sama kong babae, dahilan para lalo kong ilayo ang sarili ko sa kanya. 'please Jd, give up .. tama na ..

"Asha kahit ito na lang ang kainin mo .." nilapag nya yung prutas na hiniwa hiwa na sa center table.  "Kailangan mong kumain." tiningnan ko lang yung prutas at saka binalik ang atensyon.ko sa tv.

"Asha please .." hindi ko sya pinansin, nag ring yung phone nya dahilan para matigil sya sa pagkulit sakin.

"Aalis lang ako saglit, babalik din ako." tumuloy sya sa pintuan at dumiretso palabas.

Nang makalabas sya ay tinanaw ko sya sa bintana, sumakay sya ng kotse at umalis. Ngayon ko lang napagmaadan ng mabuti yung bahay na tinutuluyan namin ni Jd. Malaki sya at maganda.

Hindi dito uso ang mga kapitbahay, wala pa nga akong kakilala ni isa dito, malaki din ang labas ng bahay na may tanim ng bermuda grass, tama si Jd, maganda ito at tama lang para sa magiging anak namin, nasabi minsan ni Jd sakin na gagawin daw nyang playground ang harap ng bahay, para sa laruan ng magiging anak namin, nakakatuwang pagmasdan ang labas ng bahay, nai-imagine ko na yung eksena sa labas sa oras na lumaki na sila, magtatawanan at magkukulitan, alam kong magiging isang kaibigan din si Jd sa mga anak nya. At magiging isang masayang  pamilya din kami ..

Kung  tatalikuran ko ang pamilya ko at kakalimutan ang gulong ginawa ko ..

Hapon ng umuwi sya sa bahay, halatang pagod sya at nakita kong nagdiretso sya sa kusina, nasa kwarto ako at bahagyang nakasilip sa kanya, nakita ko kung paano sya magbuntong hininga ng makita nyang walang makakain sa lamesa. Pero agad din syang ngumiti ng makita nya ang dalawang styrofome sa basurahan, kanina ay may nag deliver ng pagkain ko for lunch, at base sa pagkakangiti nya alam kong sya ang nagpa deliver nun, inaalala nya pa din ako kahit na wala sya sa tabi ko. Napasandal na lang ako sa wall ng kwarto at napapikit .. Jd bakit ka ganyan? Naitanong ko na lang sa sarili ko.

"Asha, Babe!" mabilis akong naglakad palapit sa kama at nahiga dun. Narinig ko ang papalapit nyang paglakad at ang pagbukas ng pinto.

"Asha .." naamoy ko ang pamilyar nyang cologne, nakapikit ako at nagtulog tulugan, naramdaman ko na lang na hinaplos nya ang braso ko at hinalikan ang buhok ko, nilagyan nya ako ng comforter hanggang sa bewang at lumabas na ..

Bakit kahit anong sama ng pinapakita ko sakanya ay patuloy pa din sya sa pag aalaga sakin? Bakit kahit pinapahirapan ko sya ay minamahal nya pa din ako? Bakit napaka strong ni Jd? Bakit di na lang nya ako pababayaan sa gusto ko?

Gabi ng magpasya akong bumangon, naligo ako at lumabas ng kwarto, suot ko ang isa sa mga tshirt  ni Jd dahil lubhang di na kasya sakin ang mga damit ko, naka pajama na ako. Nakita ko si Jd na nag aayos ng hapunan namin.

Nang makita nya ako ay lumapit sya sakin at inilalayan na makaupo.

"You look cute wearing my shirt." he kiss me on my head at naupo sya sa katapat kong upuan. "We should go out and buy some of your clothes. Ang bilis ng panahon no? Four months na si Baby." nakingiti nyang sabi habang pinaghahain ako ng pagkain.

"Hanggang kelan mo 'to gagawin?" tanong ko sa kanya.

"What?" dinaanan nya lang ako ng tingin at nagsimula na syang kumain.

"Jd di ko kaya to. Stop." tumingin sya sakin at ngumiti.

"You stop Asha. " nagkatitigan kaming dalawa at naiiyak na ko sa determinasyon na nakikita ko sa mga mata nya.

"Jd kailan mo ba ko maiintindihan? May sakit ang Ate ko, kailangan nya ako, kailangan nya ang Baby." nagsimula ng maglandas ang mga luha sa mata ko.

"I should the one asking you that. Kailan mo ako maiiintindihan Asha? Kailan mo mare-realize na ginagawa ko 'to hindi para sa sarili ko, para sa inyo 'to ." napatungo ako dahil di ko kayang salubungin ang titig ni Jd. "I've talked to your Mom. We've settled."

"What do you mean?" napahigpjt ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Walang alam sila Mommy at Daddy sa sitwasyon ko. Hindi nila alam na buntis ako.

"Sinabi ko sa kanilang buntis ka at nakakasama sa'yo ang masasamang balita. So they say it's better na nandito tayo malayo sa kanila."

"How could you do that Jd, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon ko."

"Inaayos ko ang sitwasyon mo Asha. From now on, hindi ka na makakatanggap ng balita sa kanila."

Di ko napigilang mapahikbi sa sinabi nya, alam na nang parents kong buntis ako. Na nag asawa ako, anong gagawin ko? Paano ako haharap sa kanila?

Tumayo sya at lumapit sakin. "Asha I'm only protecting you. Nagagawa  at naiisip mo lang yan dahil nagi-guilty at nqguguluhhan ka, matatauhan ka din sa huli." niyakap nya ako. Pero di ko matanggap ang sinabi nya, patong patong na ang problema ko. Si Ate at ang parents ko, paano ko pa ibibigay ang baby kung alam na ng parents kong buntis ako? Magagalit si Daddy oras na malaman nya ang plano namin ni Ate. Paano pag identical twins ang anak ko? Malalaman nilang sakin sila galing.

"Babe .." narinig ko ang pagtawag ni Jd.

Naiinis ako sa kanya, nagagalit ako, lalo nya lang akong pinapahirapan. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya. Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay nagsalita muna ako.

"I hate you Jd .. I hate you .." at pumasok na ako sa kwarto.

Jd's POV

Wala akong nagawa ng isara ni Asha ang pinto at umiiyak na pumasok sya dun. Akala nya sya lang ang nasasaktan sa nangyayari, hindi nya alam sobrang sakit sa part ko yung ginagawa nya, tinitiis nya ko para lang mapapayag, nadadamay ang mga anak naming walang kamuwang muwang.

Kasalanan ko naman kung bakit sya nagalit, alam kong ayaw nyang ipaalam sa mga magulang nyang buntis sya, pero sa tuwing nakakatanggap sya ng balita mula sa pamilya nya ay sya rin ang naaapektuhan. Kaya ng nakita ko ang phone number na naiwan nya sa phone ko ay dali dali ko yun tinawagan. Nagkataon naman na Mommy nya yung nakasagot kaya nagpasya na kong sabihin yung totoo.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Sinilip ko si Asha. Alam kong ayaw nya kong makausap kaya lumabas na lang ako. Naupo ako sa sofa, hindi ko na kaya to, parang sasabog na yung utak ko sa sitwasyon namin ni Asha, pero hindi ako dapat sumuko, kelangan ko silang ipaglaban, kelangan nila ako 

Pero kailangan ko munang ilabas ang sama ng loob na to. So dinayal ko yung number ni Mommy.

"Hello?" sagot nya sa kabilang linya.

"Mom." napaupo ako sa couch as i've heared my Mom's voice.

"Son how are you?" bungad na tanong nya sakin.

"How's Karla?" pagkamusta ko muna sa kapatid ko, kasalukuyan din syang buntis.

"Karla is good, in three months time manganganak na din siya same as Cass." pagbabalita ni Mommy. Napangiti ako dahil sa sibabi nya. "We are hoping that you'll here that time."

"I will try."

"So, what's the problem?" napapikit ako ng mariin, she's the best Mom in the world, alam na alam nya talaga.

"Mom? Why does it hurt?"

"What do you mean Son?"

"Love." sinandal ko ang ulo ko sa likod ng sofa at nakatingalang dumilat ako.

"You can't call it love, if you're not hurting." napangiti ako, a bitter one.

"Mom, i'm strong right?"

"You're the strongest person I've ever known."

"Then I can do everything?"

"You can do whatever it is, if you're heart is willing to do it." napatungo ako sa sinabi ni Mommy.

Ayaw ko, ang gustong gawin ni Asha, pero puso ko ang nag uutos na tigilan na 'to. Na walang mangyayari pag walang nag give way.

"Mom . I'm going to be a father." pagbabalita ko sa kanya.

"Finally you've said it. Ang dami ng rumored na kumakalat dito, especially from the Feddiengfield Company." nabigla ako sa sinabi ni Mom.

"What do you mean Mom? Paano nila nalaman? "

"I don't know, two months when you left here, they talked to us, wala naman kaming maisagot dahil wala kaming alam. And now, Ivan is shutting his mouth off, ayaw din magsalita. Can you tell me what's true, aside from that?"

"Mom."

"Ok. If you're not yet ready, I can wait. Nandito lang ang Mommy ok?"

"Thanks Mom."

"And be a good husband and a Father."

"Yes Mom."

"Remember marrying the daughter of the Feddiengfield, is your decision, so ikaw lang ang nakakaalam ng gagawin mo. I trust you son." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Mom, bumalik sa alaala ko yung panahon na una kaming nagkakilala ni Asha, at kung paano kami napunta sa sitwasyon na ito.

"You know you're responsibility son, alam mo kung anong tama at mali sa mga gagawin mo, always, think you're familiy first."

"Yes Mom. I will. Thank you for being  a Good Mom."

"That's my responsibility Son. Bye, I love you."

"Love you too Mom."

Nang matapos ang pakikipag usap ko kay Mom ay napaisip ako.

Gusto ko ding maging mabuting ina si Asha sa mga anak namin, darating ang araw na kakailanganin din sya ng mga anak namin, hihingian ng payo at magpapalakas ng loob nila, gusto kong pag dumating ang araw na yun ay nasa tabi ko pa din sya, pero alam kong hindi mangyayari yun hanggat nakatali kami sa sitwasyong ito.

Kailangan kong magdesisyon hindi lang para sa sarili ko kundi para na din sa mga anak ko at kay Asha. Tama si Mommy, dapat buong puso mong ginagawa.

Bumukas ang pinto at lumabas si Asha. Hindi nya ako tiningban ng matagal, dinaanan lang nya ako. Nakita kong kumuha sya ng baso at naghanap ng maiinom sa ref. Tumayo ako at lumapit sa kanya, binuksan ko ang isang fresh milk at naglagay sa baso.

"Nagugutom ka ba Babe? Sandali lang, iinitin ko lang itong gatas mo." nagutom siguro sya kaya lumabas, hindi nga pala sya nakakain ng hapunan, hindi nya ako kinibo at naupo lang sya sa dining, naglabas na din ako ng mga cookies at nilagay sa plato. Inihain ko na din ang gatas nya.

"Kumain ka na." una syang kumuha ng cookies at sumubo.

Ang hirap talaga ng ganito, kahit sabihing nasa tabi ko sya at nakikita ko, pero kung tinatrato nya akong parang wala ay halos ikabaliw ko na, kaya dapat lang na magdesisyon na ako.

"Asha Babe .." hinawakan ko ang kamay nyang nasa ibabaw ng table .  Tiningnan nya lang ako at di nagsalita  "I've decided to go back to Philippines. Let's end this. "

Kahit kinakabahan ako sa magiging desisyon ko ay gagawin ko pa din, kailangan kong harapin muna ang kasalukuyan para makita ang maganda naming kinabukasan.

"What do you mean Jd?" nagtataka nyang tanong sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sumagot.

I will end this.

---

A/N: May fb account na sila  Asha at Jd, add them now!  Sali din kayo sa Group ko .. JustChin Stories. Salamat sa nag effort na gumawa, di ko alam username mo dito sa Watty eh. Salamat sa mga nagbabasa.

Nasa profile ko yung link ng group.

Dun nyo din makikita ang account nila Jd at Asha. Sino gusto mag Op?

'







Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 181 13
He was once my best friend, and I fell in love with him. Now that we are strangers, I still love him. The first person I felt a fast connection with...
889K 1.5K 1
Cover by @Coverymyst thank you! Chasing is tiring but loving you is fulfilling... Maria Lian Fortaleza story. She has a twin. They are the exact opp...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
34K 256 2
Xylia Ailana Hidalgo | Jaden Logan Ruiz - Start: February 2022