The Haunted School PART 2 (Ob...

By Pink_Bubblesssss

12.3K 367 98

Matapos ng madilim na trahedya na nangyari sa mga Mag-aaral ng Our Lady of the Rosary ay namuhay na ng maayos... More

Cast
The Haunted School part 2
Chapter 1
Chapter 2: The changes
Chapter 3: #Friendship Goals
Chapter 4: The Scary Path
Chapter 5: The Flashbak of Catrinne and Joshua
Chapter 6: Dolls
Chapter 7: Finding The Love ones
Chapter 9: The Discovery
Chapter 10: The Dream
Chapter 11: You Can Hide but You Can Never Escape
Chapter 12: Forest of Death

Chapter 8: Where are You?

568 18 2
By Pink_Bubblesssss

"Wait!"

Lumingon ako.

"Aalis ka mag-isa? Sa malaking bahay este, old school na 'to?" Sabi ni Brian

"Like I said, sasama ako kung ikaw yung maghahanap." Sabi ni Joshua sa akin.

"Brian, sandali lang naman ako eh. I'll be fine." Sabi ko kay Brian habang dineadma si Joshua

"Wait. Sasama ko sayo." Sabi ni Joshua

"What?!" Sabi ko

"I said, sasama ako." Sabi nya

"I've heard what you said. And my answer is No hindi ka sasama." Sabi ko

"Oh come on Cat. Mag pasama kana kay Josh para mahanap na si Joanna. Nasan na kasi yon? Nahanap ba talaga nya yung cr?" Sabi ni Nicka

"Kaya nga Cat. Magpasama ka na. Malay mo may Multo diyan." Sabi ni Sean

Napatingin ako kay Ms. Tonia at parang seryoso sya sa itsura nya. Na para bang nainsulto ang pamamahay nya o kung ano man ito.

"No. I can handle it by myself." Matipid kong sagot at saka nagsimulang mag lakad

Pag alis ko ay huminga ako nang malalim. Nagpunta ako ng cr kung saan sinabi ni Joanna na doon daw sya pupunta pero wala sya doon. Mabilis ang pag lalakad ko na para bang wala akong iniisip at kinakatakutan. Nang makalayo na ako sa kinaroroonan ko ay nadaanan ko ang Malaking pinto kaya napa tigil ako at nakatingin lang ako sa Pinto. There is something strange about this door.

Dahan dahan kong nilalapit ang kamay ko sa door knob pero na alala ko na bawal daw buksan ito. Pero baka nandito si Jo. Kaya kinatok ko na lang.

*Knock knock knock knock*

"Joanna? *Knock knock* Joanna nandyan kaba?" Sabi ko

Nilapit ko ang tainga ko sa pinto upang marinig ang nasa loob. Mukhang wala namang tao eh. Kaya nilagpasan ko iyon at pumunta naman sa isang pinto. Isang ordinaryong pinto kaya naman binuksan ko iyon at nakita ko ang loob. The room is empty. Ang meron lang doon ay ang bintana na may ilaw galing sa buwan. Akala ko Empty pero may manika na naka upo lang sa sahig. Strange. Di ko nalang pinansin at sinarado ko nalang ng dahan-dahan ang Pinto.

"Joanna?? Joanna??" Tawag ko ng malakas habang nage echo ang boses ko

Papunta ako sa napaka habang hagdan papuntang third floor. Sa bawat hakbang ko ay may tunog. Na alala ko tuloy yung larong Slendrina. Yung sa hagdan? Kinabahan tuloy ako kasi feeling ko, may taong nasa likod ko. Huminga ako nang malalim at hindi ako lumingon. Dirediretsyo lang ako sa pag-akyat.

Catrinne,, relax. Relax lang. Walang tao sa likod mo. Wala yon. Imahinasyon molang yon. Walang slendrina dito okay?

Habang umaakyat ako nang tahimik ay parang may tumutugtog na Piano sa itaas. May nagtutugtog nga ng Piano kaya pag-akyat ko ay may naka lagay sa pinto na Music room. Si Joanna kaya yung tumutugtog ng Piano? Teka. Alam ko yung kanta nayon eh. Yung kantang
"The Swan" na pa Piano version.

Dahan dahan kong binuksan ang Pinto nang walang ingay.

('_')

I--Iss that a--a g--ghost??

Mapapa sigaw na sana ako pero......

Biglang may tumakip sa bunganga ko! Nagpanic ako pero hindi makasigaw dahil ang higpit ng pagkakatakip sa bunganga ko. Inilayo ako sa Music room at hinila ako sa isang kwarto na kung saan ay malayo na sa music room. Nang naka pasok na kami sa loob ay pag tingin ko sa nag takip ng bubganga ko......

"Josh?!" Sabi ko

Naka tingin lang sya sakin.

"What the heck Josh?! All this time you're following me?! At wag mong sabihing ikaw din yung nararamdaman ko sa likod ko kanina habang umaakyat ako ng hagdan?!" Pagalit kong sinabi

"Dahil hindi kaya ng konsensya ko ang hayaan kang umalis mag-isa! Pano kung may mangyari sayong masama?!" Sabi ni Joshua

"Wala nang tayo. Kaya wala ka nang pakealam kung ano man ang mangyari sakin."

"Ganyan din ba inisip mo kanina nung sinagip mo ako sa white lady?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko...

"Look... Isipin mo na lang na utang na loob ko to sayo sa pagsagip mo saakin kanina." sabi nya

"Stop acting like you're still my boyfriend! Di ko kailangan ng concern mo at mas lalong hindi kita kailangan!" Sabi ko

"Ang sakit mo namang magsalita."

"Talaga lang ha?! Nasaktan ka na nyan?! Mas okay na yung masaktan ako ng mg multo dito sa loob kesa sa makasama ko yung taong pinag palit ako sa isang babaeng classmate nya raw nung grade 4 pa sya!" Pagalit kong sinabi

"Talaga bang pag-aawayan pa natin yun dito ngayon? Okay. First of all... hindi kita pinag palit kay Shaine. Kaibigan ko lang sya. Yun lang at pangalawa,,,,

Di ko sya pinatapos na magsalita.

"No need to explain Josh! Matagal na tayong wala at tanggap ko na yon! Matagal mo na ring pinutol ang relasyon natin. So please lang ?! Wag na nating pag-usapan yung past?!" Pa sigaw kong sinabi

"E sino bang nag simula ng topic na 'yon?!" Sabi ni Joshua

"Hindi mabubuo ang topic nayon kung di ka sumunod sakin dito!" Sabi ko

"Kung hindi ako sumunod sayo, siguro, kanina ka pa hinanting ng multo sa music room!" Sabi ni Joshua

"I can protect my self without you Josh! I said I don't need you so iwanan mo na ako!"

Bigla syang nanahimik at naka tingin sa pinto. So ano? Tinatakot nya ako na kuwari may multo?!

"Ha-ha-ha-ha nice try Joshua! Wow. Natatakot ako huhuhu! Wooh I'm so scared, protect me now!!" pang asar ko

"Sssshhhassshhhh!" mahinang sabi ni Joshua

"Anung ssshhassh?" Mahina ko ring sinabi

Dahan dahang nagbubukas ang pinto kahit na walang hangin. At t-tama ba yung nakikita ko?! Yung multong babae na nakita ko sa music room kanina. Reflect na reflect sya sa dingding pero nakikita parin namin sya. Nang makita ko sya ay tinakpan ko ang mukha ko dahil ayokong makita ang mangyayari. Habang tinatakpan ko ang mukha ko at kabang-kaba ay niyakap ako ni Joshua.

Maya maya ay kumakanta na ang multo habang nag lalakad. My Gosh! Bakit may multo dito?! May hindi talaga sinasabi samin si Ms. Tonia.

"Don't worry. I'll protect you. Hindi na ulit kita iiwan Catrinne." Bulong ni Joshua

Ewan ko ba pero sa kalagitnaan ng katatakutan na nangyayari samin ay nagagawa ko pa ring kumalma dahil sa lalaking to.

"Just shut up" sabi ko


Naomi's POV

Its been an hour matapos umalis si Ms. Tonia at sinabing may aasikasuhin lang daw sya.

"Are we just gonna stand here and do nothing?!" Sabi ko

"Keep calm Naomi. Hinahanap na ni Catrinne si Joanna pati si Joshua kasama nya din." Sabi ni Brian

"Oh come on! Sila nag hihirap doon sa kakahanap habang tayo, nag hihintay sa wala?!" Sabi ko

"Bakit ba bigla nalang umiinit ang ulo mo?" Sabi ni Abram

"Umalis na tayo dito.." sabi ni Eman

"Eman! Isang daang beses mo na yang inuulit-ulit ah! Di ka ba titigil dyan?!" Sabi ni Nicka

"Tama ka Naomi. Hanapin narin natin sila Joanna at Catrinne." Sabi ni Sean

"Guys! I'm telling you! If si Ms. Villarosa ang hinahanap natin, bakit tayo nag sasayang ng oras dito ha? Hanapin na natin agad sila Joanna, Catrinne at Joshua nang makaalis na tayo dito sa nakakatakot na bahay na to!" Sabi ni Eman

"Oo Eman. Wag kayong mag-alala."sabi ni Sean

"Don't worry about the ghosts" sabi ni Luis sa likod kaya lahat kami ay napa tingin kay Luis at kay Julius sa likod

Kinuha nila ang dalawang baril at kinasa nila ito. Natawa si Eman.

"Para namang mababaril nya mga multo HAHAHAHAAHAH"

Tumigil naman sya sa pagtawa dahil nakuha sya sa tingin nila Julius.

"Psshhh. Mga kayabangan ang pinapa iral eh -_-" sabi ni Nicka

"Ano?!" Sabi ni Julius

"Wala sabi ko, bagay sa inyo yang baril na 'yan." Sabi ni Nicka

"Let's do this baby" sabi ni Luis

"Edi nyeee!" Sabi ni Nicka

"Tara na!"

Nakaalis na kami sa kwarto at habang naglalakad kami ay nag salita si Eman.

"Hindi kaya magagalit si Ms. Tonia dahil umalis tayo sa kwarto?" Sabi ni Eman

"Eman, maiintindihan tayo ni Ms. Tonia. Di na nga nakabalik yung dalawa eh." Sabi ko

Bigla kaming naka rinig ng Alulong ng Aso sa labas. Tumingin kaming lahat sa bintana at napaka dilim na sa labas at buwan nalang ang nag papaliwanag sa paligid. Nakita na namin ang aso na nag-aalulong sa labas. Asong napaka laki at itim at naka harap sa bahay na ito.

Biglang humawak si Eman sa braso ko ng napaka higpit.

"Ano ba naman! Masyado ka namang duwag!" Sabi ko

Biglang may nag salita sa likod namin.

"Hello there."

Lahat kami ay napa lingon.

"A--A-Anabelle?" Mahinang sinabi ni Sean

Teka! Namimilik mata ba ako?! Na nakikita ko ang manika na naka tayo at nag sasalita?! Hinde eh! Nakikita din sya nila Sean! Lahat kami ay hindi maka galaw sa takot. Di namin alam ang gagawin.

"Oh come on guys! Its just a doll!" Sabi ni Julius

Binaril nya ang manika na kamukhang kamukha ni Anabelle kaya natumba ito at what the....

"What the what Julius? Bakit mo binaril?! Baliw ka ba? Maririnig ni Ms. Tonia yan at malalaman nyang nakalabas tayo ng kwarto at malalaman nyang binaril mo yung laruan nya!" Sabi ni Eman

"Ang creepy kaya!" Sabi ni Julius

"MAY DUGO ANG MANIKA SA PINAGBARILAN MO!!!!!" Sigaw ni Nicka

"Hoy! No need to shout Nicka. Nakikita nga namin eh.." sabi ni Luis

Dahan-dahang lumapit si Julius sa manika habang ang manika naman ay naka steady lang na naka higa.

"Julius!" Mahinang sinabi ni Brian

"Oh?" Sabi ni Julius kaya napa tigil sya sa pag lalakad

"Hahawakan mo yan?! Malay mo buhay talaga yan ehh!" Mahinang sinabi ni Brian kay Julius

Di nya pinansin ang sinabi ni Brian at diretsyo lang sya sa manika. Alam nyo ba yung manika na kapag nakahiga, pipikit yung mata nya? Ganun yung manika na nilalapitan ngayon ni Julius.

"Careful Julius" sabi ni Luis

Hahawakan na sana ni Julius ang manika pero bigla itong dumilat!

"AAAAAAHHHHH!!!!!" Tumili agad si Nicka nung makita nya iyon.

Biglang kumapit ang manika sa mukha ni Julius at nagboses galit na pusa kaya nagulat kaming lahat at nagpanic.

"AAAAHHHH!!!!!"

Sa sobrang panic namin ay bumaril si Luis kahit saan habang naka pikit sya. Pinigilan namin sya ni Nicka. Umuusok na sa loob ng mansion dahil sa pagbabaril nya.

"Luis ano ba!" Sabi ko

"AAAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ni Luis habang nagpapanic

Pinampalo ni Brian sa manika ang baseball bat na hawak nya kaya natanggal ang manika sa mukha ni Julius at lumayo kaming lahat. Nagsitakbuhan kaming lahat!!

Pero habang tumatakbo kami...

"Guys! Help meeee!!" Sigaw ni Eman

Kaya napa lingon kami habang tumatakbo at napatigil kami. Hinihila si Eman ng manika. Sinusubukan nyang kumawala... Bakit sa laki nyang tao mas kinakaya sya ng manika??

"Stay away from Eman!" Sabi ni Sean

"I got this!" Sabi ni Abram

Kinasa nya ang baril na hawak nya at tinutok sa manika.

"PAG AKO ANG TINAMAAN MO IKAW ANG UNANG GAGAMBALAHIN KO ABRAM!" pasigaw na sinabi ni Eman habang nagpapanic

Hindi na lamang pinansin ni Abram si Eman at nagconcentrate sa pagtutok ng baril aa manika.

BOOM!







............ .... .... ......







perfect shot! Nang mabitawan ng manika si Eman sa paa nya ay dali daling tumakbo si Eman papunta saamin at niyakap kaming lahat.

"Walang makakalabas ditooooo!!!" Malakas na sinabi ng manika (DEMON VOICE)

"What the what?!" Sabi ni Luis

Tumakbo kami papuntang taas at kahit na ilang beses pang barilin ang manika ay nakaka tayo pa din sya at hinahabol kami na parang tiyanak.

"TULONG!"









Joanna's POV

Ugh.... where am I?

Ang na alala kolang ay hinahabol ako ng napakatangkad na babaeng nakaputi at napaka habang buhok ng babae sa may pool. At hindi ko alam na-corner na ako. Dead end na kasi kaya nabangga ako ng napaka lakas sa pader at bago ko maipikit ang mga mata ko non ay nakikita ko na silang papalapit na sakin. Gusto kong tumakbo pero... di ko maigalaw ang buong katawan ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Pag gising ko ay naka higa lang ako sa sahig sa isang kwarto.

Ang tanong ko......

Bakit di pa ako patay?

Chineck ko ang mga braso at mukha ko mga binti ko ay wala namang sugat.

Sinong nag ligtas sakin?

Biglang may narinig akong kumakatok. Pero hindi sa pinto. Bigla nalang akong nagulat at kinabahan. Tumingin ako sa paligid ko pero di ko maramdaman kung saan yung naririnig kong kumakatok. Ewan ko pero bigla na lang akong napatingin sa bintana.

Habang naka bukas ang bintana ay feeling ko doon ang may kumakatok.

I took three steps at tumigil ako.

"Hoy... kung sino ka man, take note that I have a gun." Sabi ko

Biglang narinig ko syang nag salita.

"Tik tik.. tik tik.... tik tik...."

Tik tik!

Sinarado ko ang bintana ng napakabilis at saka sya nag pakita kaya napasigaw ako at napaatras. Sinusubukan nyang basagin ang salamin sa binatana para makapasok. Ano ba tong pinasok ko.

Sa sobrang takot ko ay nanginginig ako ng sobra kaya hindi ko maikasa ang baril ko at pawis na pawis ang buong katawan ko pati na ang kamay ko kaya madulas ang baril na hawak ko.

Unti-unti na nyang nababasag ang salamin at unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang makakaligtas sa isang aswang.

Come on Joanna! Come on! You can do this.

Biglang nabasag na ng tuluyan ang salamin sa bintana at nakapasok na ang tiktik! Agad kong binuksan ang pinto at tumakbo.
At sumigaw ako ng malakas.

"Tulong!!!" "Tulungan nyo ko please!" Sigaw ko habang hinahabol ako ng tiktik

Pero parang walang nakakarinig saakin kaya nag lakas loob akong kunin ang baril ko at kinasa ito kahit na sobrang dulas ng kamay ko at nanginginig ako sa takot. Hindi na ako makakita nang maayos dahil nakadikit ang magulo kong buhok sa mukha ko dahil sa pawis.

Sa wakas! Nakasa ko sya!

Tumigil ako sa pag takbo. Sa isang saglit ay nagtiwala ako sa sarili ko at binairil ko sya nang ilang beses habang sumisigaw ako hanggang sa hindi sya naka abot sakin.

Nang matumba na sya ay natumba din ako dahil sa sobrang nginig ng tuhod ko. Di ako makapaniwla na nakapatay ako ng aswang. Napaupo ako at sumandal sa dingding.

"God, please help me." dalangin ko habang tumutulo na naman ang dugo sa ulo ko dahil sa sugat na nakuha ko kanina.

"Oh Aron."

Di ko alam pero bigla nalang akong naiyak nung sinabi ko ang pangalan nya. Hingal na hingal at pagod na pagod. Kahit na ganon ay pinilit kong bumangon. Kailangan kong pumunta kina Naomi, Catrinne, Sean, Brain at sa kanilang lahat. Kailangan nilang malaman na hindi ito ordinaryong lugar. At baka nga ito na ang hinahanap naming hunted school.
Tumayo ako at nag lakad pero tumigil ako at lumingon sa tiktik. Pinagmasdan ko ito upang masiguradong wala nang kasunod pa.

One more shot.

BOOM!

Saka ako umalis nang mabaril ko ulit ang tiktik.

Maya maya ay naka punta na ako sa kwarto na kung saan naka tamabay kami kanina ng dating grade 9.

Binuksan ko ang pinto pero wala na silang lahat.

"Catrinne? Brian?? Sean? Naomi?" Tawag ko

Wala na nga talaga sila! San na ba nag punta yung mga yon??

Binuksan ko naman nang paisa-isa ang mga pinto na nadadaanan ko pero wala silang lahat doon. Hanggang sa napatigil ulit ako sa malaking pinto. Ang malaking pinto na kung saan ay sinabi ni Ms. Tonia na wag pupunta doon. Wala na akong pakealam sa sinabi nya. Ang importante ay mahanap ko na kaagad sila Naomi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumutunog pa ito habang inuusog ko.

Pagpasok ko ay nakabungad agad ang isang malaking litrato ng isang dalaga sa malaking picture frame. Hindi ako pwedeng magkamali! Ang naka lagay sa malaking Picture frame ay ang larawan ni Ms. Villarosa!










To be Conitinued.

Thank you for reading po! ^_^
Sana po na enjoy at na appreciate nyo po ang story. Thank you so much.

And hey.. sorry po kung matagal na po akong hindi nag u-update. At matatagalan nanaman ho sa chapter 9 dahil medyo busy na po sa pagpaplano ng surprise bday ni Dad kaya di na masyadong makapag Wattpad o twitter man haha. Sana maintindihan nyo po thanks.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 7.2K 72
Isang hindi mapangalanang epidemya ang kumalat sa Pilipinas. Hindi alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ngunit isa lang ang alam ng isang grupo n...
1.8M 102K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
207K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
588K 25K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...