Chapter 9: The Discovery

553 23 3
                                    

Hindi. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ms. Villarosa nga to! Pero paano nangyari yon?? Magkakilala si Ms. Tonia at Ms. Villarosa??

Bumilis ang tibok ng dibdib ko nang makita ko ang Litrato ni Ms. Villarosa sa malaking Picture frame. Naaaalala ko na naman ang huli naming pagkikita. Mayroon pang isang pinto sa kwarto na ito. Nagdadalawang-isip kung tutuloy ba ako o hindi, lumapit ako sa isang pinto at dahan-dahang kong inabot ang doorknob. Huminga muna ako nang malalim bago ko ito binuksan. AT nang unti-unti kong buksan ang pinto ay magulo ang paligid. Maraming nakakalat na iba't-ibang klase ng mga kutsilyo at itak ay may mga pula at dilaw na likidong nakakalat sa sahig at dingding ng kwarto. At para bang matagal nang naroon ang mga 'yon. Biglang umalingasaw ang mabahong amoy. Wari bang pinaghalong malansa at nabubulok na amoy. Pakiramdam ko masusuka na ako sa sobrang tapang ng amoy. Hindi na sana ako tutuloy sa loob pero naakit ng atensyon ko ang nag-iisang lamesa sa kwarto na parang may mga nakalagay na papel o litratong nakahilera. Gumugulo na ang isip ko at hindi na ako makapagdesisyon nang maayos. Kasabay nito ang takot ko na baka maabutan ako ni Ms. Tonia sa kwartong ito. Tumatakbo ang oras kaya kailangan ko nang magdesisyon agad. Aalamin ko ba kung ano yung nakalagay doon? O aalis nalang ako at hahanapin sila Catrinne?

Huminga ako nang malalim at tinakpan ang ilong ko at dali daling pumasok sa loob ng kwartong 'yon. Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin ang pula at dilaw na likido sa paligid ko. Lumapit ako sa napaka habang lamesa na nakatabi sa bintana. Kitang kita ang mga litratong magkakatabi dahil sa ilaw ng buwan. Nang makita ko ang mga litrato.... 











Jp, Brian, Abram, Luis, Bryan, Julius, Sean, Catrinne, Joshua, Naomi, Nicka... at.. Ako..



Napakaraming tanong na ang bumabalot sa isip ko. Saan nya nakuha ang mga litratong ito? Paano sya nagkaroon ng litrato namin? Anong relasyon ni Ms. Tonia kay Ms. Villarosa? Nahulog nga ba kami sa isnag set up? Anong plano nya??


Muli kong binaling ang atensyon ko sa mga litrato. Manginig nginig kong kinuha ang litrato ng dati naming kaklaseng sina Jp at Bryan, ang dalawang hindi namin kasama. Naka-ekis ang kanilang litrato.

Sa puntong ito, hindi na ako masyadong natatakot sa white lady. Hindi na ako masyadong natatakot sa manikang nagsasalita pati na rin sa babaeng napakatangkad. Pakiramdam ko ay mga alagad lamang sila... Pakiramdam ko may kinikilala silang nakakataas sa kanila. Mas kinakatakutan ko na sya.







Catrinne's POV


Natigil ang aming pag-aaway ni Joshua nang biglang may tunog na gumagapang sa bubungan sa labas ng kwarto kung saan naroon kami. Tunong na para bang ang bigat at ang laki ng gumagapang at para bang sinusubukan nitong mag dahan-dahan.

"What was that?" mahina kong sinabi

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko habang nakatingin sya sa bintana at binabantayan kung anong pwedeng mangyari.

"Stay here." Mahina nyang sinabi at saka sya bumitaw sa kamay ko

Sumunod na lamang ako sa sinabi nya at lumapit sya nang konti sa bintana. 

Hindi pa sya nakakatingin sa labas ng bintana ay mayroon nang nagtunong baboy ramo sa kung saan narinig namin ang malaking gumagapang sa bubungan. Agad ko syang hinila papalayo sa bintanang iyon. Aalis na sana kami pero bigla kaming natigil nang papalakas nang papalakas na ang tunog baboy ramo. Nakatitig lang kami pareho sa bintana, pinakikiramdaman kung papasok ba ang nilalang na 'to o hindi. Unti-unti, itim na likidong tumutulo mula sa taas at kasunod non ay ang mahabang buhok na unti-unting bumababa. Napaatras kaming dalawa hanggang sa may lumabas nang itim na mukhang mabalahibong nakabaliktad

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)On viuen les histories. Descobreix ara