Chapter 12
"Hello, baby girl?"
"Dad! Your baby girl won!"
"Really? Congrats, baby girl. Hintayin mo yung gift ko sayo."
"Wow exciting! Hehe. Sige dad ibababa ko na po. Bye!" In-end call ko na. Nilapag ko muna yung phone ko sa table. Tapos na akong mag bihis. Dress na color green.
*Knock knock*
Who's there? Joke. "Pasok!"
"Cass, tapos ka na mag bihis?" Si Kyline pala. Tumango lang ako tapos pumasok na siya.
"Anong ginagawa nila sa baba?"
"Ayun. Yung mga boys nag-aayos sa Garden tapos yung girls nagluluto kasama si Twittle and yung ibang maids." Pumunta siya dun sa salamin tapos nag suklay."Si Ethan umalis may susunduin daw." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi? Hindi ko naman tinatanong.
"So?"
"Wala lang. Baka hinahanap mo." Natawa na lang ako. Bakit ko naman siya hahanapin? Teka.. May susunduin? Edi babalik siya dito tapos may kasama? Baka si Lauren.
"Tara sa baba. Tulungan natin sila." Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako kaya tiningnan ko siya. "Bakit?"
"Hindi pa sila tapos."
"Edi tutulungan para mabilis matapos." Hinawakan niya yung balikat ko at pina-upo niya ako sa upuan. "Mag pahinga ka muna. Bababa lang ako," Sabi niya. Tumango lang ako tapos lumabas na siya.
Kinuha ko yung phone ko sa lamesa. Itetext ko si D, sana hindi busy. Hindi ko na kasi naka text siya eh. Kakamiss din.
To: D
Hey.
Humiga muna ako tapos nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko at si D pala iyon. Yes! Hindi siya busy... Ata?
From: D
Hi C.
Nireply'an ko naman agad siya.
Me: Busy?
D: Medyo. Musta?
Me: Super duper happy!! Kasi kanina nanalo akong Ms.Campus! Sana malaman ni Darren nuh? Tapos i-congratulate niya ako. ^_^
D: Wow. Congrats! (Isipin mo na lang na ako si Darren)
Me: Yay! Thank you! Anong gawa mo?
D: Nag re-rehearse.
Me: Rehearse? Artisa ka? Whaa! Pa-autograph!
D: Huh? Hindi ah. Joke lang yun. Corny noh?
Me: Hehe Oo ^.^v
Habang nagtitext ako, bumukas yung pinto."Cassy, tara na sa baba. Ready to party!" Si Kai pala. Tumango lang ako sa kanya tapos nag text ulit kay D.
Me: D, mag-cecelebrate lang kami. Text na lang kita mamaya. Pero tawag naman oh. Hehe bye! Rehearse ka na.
Tinago ko muna yung phone ko sa bulsa at pumunta sa salamin para mag suklay at mag powder. "Kompleto na ba sila dun?"
"Oo nandun na si Ethan-este Yes they're complete." Tiningnan ko lang si Kai tapos lumabas na kami ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Lyndon sumasayaw. . . Joke! Natutulog siya sa gilid.
Ginising ko siya tapos pinapasok muna sa loob ng kwarto ko. Baka manahol lang siya sa mga bisita eh. "Tara."
Habang bumababa kami naririnig ko na yung music galing sa labas. "Ang ingay nila sa labas," sabi ko kay Kai habang palabas kami.
"Syempre Cass, San ka nakakita ng party na nagbubulungan?" Nga naman. Pahiya ako dun ah. Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos nag-peace sign siya tapos nagtawanan kami. Baliw lang.
Lumiko na ako papunta sa Garden kaso pinigilan ni Kai. "Hindi diyan. Nasa Pool sila. Dun na lang daw tayo," tapos hinila na niya ako papunta kung saan yung pool party.
"Wow. Bisita pala ako dito, bahay nila 'to. . . Joke." Ngumisi lang si Kai at nag lakad na lang kami papunta dun.
Lumapit sakin yung isa kong classmate na lalaki, "Ano Cassy, ayos ba?" Tiningnan ko yung buong paligid at nakakagulat kasi ang cute cute! May tarpaulin pang puros mukha ko yung nakalagay sabay 'Congratulations Cassy Legaspi!'
"Oo ang cute. Parang children's birthday party." Bigla namang sumimangot yung mukha niya. "...Kidding aside." tapos biglang sumaya. May saltik din 'to eh.
Hinila na ako ni Kai papunta dun sa mga pagkaing mukhang masasarap. Nakita kong si Twittle na nilalagyan yung plato niya tapos nakita ko din si Ethan na nilalagyan ng pagkain yung kasama niya, si Lauren. Sweet naman niyang boyfriend.
Biglang humarap si Ethan. "Uy Cass! Kain ka na oh." Binigyan ako ng plato ni Ethan tapos si Kai kaya kumuha na siya ng pagkain. "Eto oh tikman mo. Masarap yan ako nagluto." Nilagyan niya ng lasagna yung plato ko tapos tinikman ko. "Ano masarap?"
"Oo. M-Masarap. Galing." Ngumiti naman siya ng malaki. Gusto ko sanang sabihin; 'Grabe Oo ang saraaap!' Kaso nandiyan yung girlfriend niya at baka mag selos. Baka ipasinghot sakin yung hawak ko imbes na ipakain. Hahaharsh Lol
"Thank you. Kuha ka pa." Kumuha pa ako ng ibang pagkain tapos nag hanap ng makakainan, "Kai, san tayo kakain?" Tumingin siya sakin sabay tingin ulit sa paligid.
"Dun kila Ethan oh." tiningnan ko yung pwesto nila Ethan at silang dalawa lang ni Lauren sa table. "Tara Twits, Cass." Sinundan na namin si Kai papunta kung saan nakaupo sila Ethan.
"Paupo. Thanks!" Umupo na din kami tulad ni Kai. Tiningnan ko yung mga classmates ko na enjoy na enjoy. Oh, bakit may umiinom? Tumayo ako at pinuntahan yung kaklase ko.
Kinuha ko yung alak na iniinom niya,"Uy ano 'to, bar?" Kumamot siya sa batok niya sabay nag pa-cute. Cute ka na niyan?
"Eto naman si Cassy. Isa lang naman eh." Inagaw niya sakin yung alak na hawak ko.
"Itapon niyo na yan. Soft drinks na lang inumin niyo." Tumango naman siya at bumalik na ako sa pwesto ko. Nakita ko silang tawanan ng tawanan. Psh..
Nilibot libot ko uit yung mga mata ko. Ang daming naka-swim suit. Samantalang ako naka shorts at sando lang, "Bakit may naka-swim suit?"
"Para saan pa daw yung pool kung hindi sila mags-swim suit." Hays! Hayaan na nga lang. BAHAY NILA ITO EH.
Tapos na kaming kumain at ngayon ay nakatayo lang ako sa gilid pero nags-sway sway din. Si Twittle nakatulog na sa kwarto ko. Ewan ko dun pagod daw. Si Kai naman ayun, sumasayaw sa pool. Parang baliw lang.
"Cassy, Tara!" Umiling lang ako Kai. Ang lamig kaya saka baka magkasakit kami ni Darren Jr. Ahaha.
Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko at chineck ko yun sino. Si mommy pala, tumatawag. Geez. Hindi ko nasabi sa kanya. Agad agad akong pumunta sa tahimik na lugar at sinagot yung tawag.
"Hello, Mom?" Umupo ako dun sa upuan na may table malapit sa may garden.
"Cassy, nanalo ka daw?" Si Daddy siguro nag sabi.
"Opo, Mommy."
"Anong gusto mong gift?" Biglang kuminang yung mata ko.
"Si Darren po este kahit ano po." Parinig~
"Darren? Sino yun? Boyfriend mo?" Ay Mom, huli ka sa balita. Asawa ko na siya. Kinasal kami bago ako gumising. Lels.
"Hindi po. Wala pa po akong boyfriend."
"Good. Sige ibababa ko na 'to. Bye baby"
"Bye Mom love you!" in-end call ko na tapos nilapag muna yung phone ko sa lamesa.
"Cassy."
"Ay anak namin ni Darren!" Tiningnan ko kung sino yung baliw na nangulat sakin at si, "Ethan. Bakit ka nandito?" Umupo muna siya sa tapat ko bago mag salita.
"Sinundan kita. Akala ko kung saan ka pupunta eh." Tsk. Bakit niya iniwan yung gf niya? Baka magselos 'yun.
"Ah ganon ba? Tumawag kasi si mommy eh." Tumango lang siya tapos tahimik na ng paligid. . . Joke! May nagpa-party tapos tahimik?
*Silence* (Sabay silence? LOL)
"Ilang months na kayo?" Bigla na lang lumabas yan sa bibig ko. Oo lumabas yan. Nandun kasi siya sa ngala-ngala ko, nagtatago. Joke lang.
-
Happy mother's day sa mommy niyo and kila Mommy Nel and Nanay Mina. (Oo nakiki-mommy at nanay ako. Haha!)
Enjoy? :)
Follow me: @lezecababy
xx