34~♥ You're so gorgeous tonight

108 5 1
                                    

Chapter 34

Today's another day!

Nagising ako ng maaga ngayon. Mas maaga pa nga ako sa alarm clock ko, e. Pagkabangon ko ay nagpasalamat muna ako kay Papa God kasi ginising niya ulit ako. Inayos ko na 'yung higaan ko at dumiretso sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Tiningnan ko 'yung calendar ko at may nakalagay pala du'n na 'Kuya Kentdler's birthday!' Yaaay! Excited na ako mamaya!

Saturday ngayon kaya magja-jogging kami ngayon ni Lyndon. I changed leggings and nagsando na lang ako. Sinuot ko na din ang rubber shoes ko at pinuntahan si Lyndon bitbit ko 'yung tali niya.

Nakita ko si Lyndon sa gilid ng pinto ng kwarto ko. Kinabit ko na sa kanya 'yung tali niya at pumasok muna sa kwarto ko para kuhain 'yung phone ko.

I dial Kai's number.

"Good morning, Kai!"

"Good morning too, Cass! Wala pa dito sa kuya, e. Mamaya pa siya dadating."

"Ahh! Didiretso kami diyan ni Lyndon pagtapos kong magjogging."

Umupo muna ako sa edge ng kama ko at niloud speaker 'yung phone ko kasi magtatali ako ng buhok.

"Sige! Tulungan mo kami magbake ni Twittle!"

"Ay, game ako diyan. Sige bababa ko na."

"Okay!" Then we ended the call.

"Lyndon, tara na." Kinabit ko na 'yung headset na binigay ng Asawa ko sa'kin.

Lumabas na kami ng kwarto ko hanggang labas and jog, jog, jog.

After almost one hour of jogging, I went to Kai's house.

Pinapasok agad ako ng guard at yaya nila Kai. Kilala nila ako, e. Binigay ko kay Yaya Mira si Lyndon para idala sa garden. Baka manggulo, e. Pero mabait 'yan si Lyndon.

Dumiretso na agad ako sa Kitchen kasi alam kong nandu'n sila Kai at Twittle. Pagpunta ko, nakita ko du'n si Ethan na tinutulungan sila Kai at Twits magkalagay ng icing sa cake.

"Hello, guys!" Lumapit ako sa kanila at umupo sa stool at tiningnan 'yung cake na gawa nila.

"Nandito ka na pala, Cass! Look, maganda ba? Tinulungan kami ni Ethan," sabi ni Kai at ipinakita sa'kin 'yung chocolate cake.

"Looks delicious," sabi ko at tinikman 'yung icing na hawak ni Twittle. "... and it's tastes good."

"Gumagaling na talaga ako sa pagbebake!" Kai said, giggling.

"Thanks to Ethan!" Twittle thanked.

"Wala 'yun." Sabi ni Ethan at tinanggal 'yung apron at nilapag sa island.

"Uhm, nga pala, Kai, 'yung susuotin natin nasa'yo na?" Sabi niya kasi si Tita Rowena na 'yung magaasikaso nu'n. Kami na lang pipili ng kulay at syempre color green 'yung pinili ko. 

"Ay, nasa kwarto ko na. Gusto mong makita?" Tinanggal na din nila 'yung apron nila.

"Sige," sabi ko at tumayo na.

Tinawag ni Kai si Yaya Mira para itago muna 'yung cake tapos umakyat na kami kasama si Ethan.

Bago kami pumasok sa kwarto ni Kai, may binulong muna si Kai kay Ethan at ngumiti naman si Ethan at tumango. What's that?

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now