I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COM...

By pholeenluv

416K 11.7K 977

Sabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balik... More

I'm In Love With My Kuya
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
EPILOUGE
AUTHOR'S FAREWELL MESSAGE

CHAPTER 49

6.5K 184 82
By pholeenluv

Flashback(Chapter 47)

TYRON POV

Makulimlim ng hapong iyon, unti unti ng pumatak ang ulan sa daan. I was driving and Christine was beside me, hindi mapakali sa cellphone nya. maya't maya ang pagtunog nito at di ko maiwasan ang pagsulyap sa kanya.

"sino ba yang katext mo?"

nabakas sa mukha niya ang pagkabigla at bahagyang itinago ang cellphone niya.

"ano..si.. si mom! tinatanong kung asan ako."

humigpit ang hawak ko sa manibela habang tinitgnan ang reaksyon niya. ni hindi siya makatingin sakin. I let it passed at tinuon ko na lang ang sarili sa pagmamaneho. it's not that I don't trust her. di lang ako kombinsido sa reaksyon niya. She's like hiding something to me.

hanggang sa tumunog na naman ang cellphone niya. muli ko siyang binalingan ng tingin.

"anong sabi ni tita?"

tumingin siya sa bintana bago muling nagsalita.

"ah.. ano, bilhan daw natin siya ng cake. she's craving for chocolate mousse."

itinuro niya sa akin ang red ribbon sa kabilang side ng daan. nagovertake ako at nag u-turn. I was going to open the door nang bigla siyang nagsalita.

"Stay here, ako na lang bibili."

bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa store. bumaba din ako at sumandal sa sasakyan. bumuhos na ang ulan kaya napasilong ako. may ilan ding napasilong, konti na lang ang naglalakad sa daan ng maagaw ng pansin ko ang isang babae na tumakbo sa harap ko. May hinahabol itong lalaki sa may crossing.

The stoplight already turned into a caution signal at nag green na ito, umandar na ang mga sasakyan at sobrang pagkabigla ko ng patuloy pa din sa pagtawid ang babae. tinakbo ko ang distansya namin at nabingi sa sirena ng mga sasakyan. nahawakan ko ang kamay niya at hinablot ito sa gitna ng daan.

this familiar scent burst my fear. she was terribly crying. patuloy ang pagbasak ng mga luha niya kasabay ng pagpatak ng ulan dito. at sa panandaliang oras ay nawalan ito ng malay.

"gumising ka xandra!....XANDRA!"

halong kaba at takot ang bumalot sakin. agad ko syang binuhat at dinala sa sasakyan, sakto ang paglabas ni christine na may bitbit na cake. nanlaki ang mata nito sa nadatnan niya. hiniga ko si xandra sa backseat at kinuha ang suit ko na nakasampay sa likod at kinumot dito. nilagay ko sa likod ng tenga niya ang mga takas na hibla ng buhok nito na humaharang sa mukha niya.

"what happened to her!?"

"later christine! contact xander asap!"

tumango ito ata agad akong umikot at pumasok sa sasakyan. I don't know where to bring xandra. sa ospital ba o diretso sa bahay nila. nanginginig ang kamay ko habang iniikot ang manibela. fvck! di ko mapigilan ang pagmumura sa buong byahe.

"xander! si xandra!" sigaw ni Christine

"what the hell happened to my sister?! and who are you!?"

ni loud speaker ni christine ang tawag at halos pasigaw at namuong takot ang boses ni xander ngayon.

"I..I don't know the exact details--"

"This is tyron, xander. I'll tell you what happened later! xandra is unconcious!"

"Bullshit! where are you!"

"heading to your house, malapit na kami!"

"don't end the call tyron!"

hinayaan ko na si christine ang kumausap at magpakalma sa kanya. paliko na kami at sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay muntik na kong makabangga. maging si christine ay napahiyaw.

"fvck!" hinampas ko ang manibela at sinilip ang lalaking tumawid.

"tangina mo! papatayin mo ba ko!?" lumapit ang lalaki at binuksan ko ang bintana. nakahinga ako ng maluwag ng malaman kung sino ito. Its jude, school mate ko at kateammate sa basketball.

"sorry, we are in rush pare! get inside at dun na tayo magusap!"

bumaling ang mata nito sa nakaupo sa front seat bago dali daling sumakay sa likod at nagulat pa ng makita si xandra. inayos niya ang paa nito at agad na pumasok sa loob. kung ano anong tinatanong niya at si christine na ang nagentertain dahil wala akong maisagot ni isa. Ang isip ko ay nasa isang tao lang.

It's the longest drive for me. pagod na pagod akong umupo sa harap ni xander na tapos ng makinig sa explanation ko. Hindi din naman ganon kadetalyado ang sinabi ko pero nakahinga na siya ng maluwag at nagpasalamat ng sobra sobra sa akin. Paano kung hindi ko nakita si xandra? Damn! Ako ang hindi mapalagay!

Kanina pag dating namin ay halos magwala itong si xander at agad na kinuha si xandra sa bisig ko. umalis na din ang private doctor nila at sinabing nawalan lang ng malay si xandra sa pagod at stress. ang pinagtataka ko ay sino yung hinahabol niya.

"Nathan left xandra at pumunta na ng london ng wala man lang paalam. kaya ilang linggo ng nagkakaganyan yan. akala nya minsan nakakasalubong nya si nathan. Mom tell me na ipa consult siya sa psychiatrist pero di ako pumayag. she's not crazy, she's just not okay. at kailangan lang gawin ay hintayin siyang maka get over. Its normal."

sabi ni xander habang naghahanda ng tubig na may yelo at bimpo. sumunod ako sa kusina. Andun din si Jude at Christine.

"Is she like that because his bestfriend left her or is there something else?"

"ofcourse I can sense that there's something. Baka nga nagka aminan na eh."

Bahagya akong napalunok sa sinabi niya.

"then... diba.. dapat okay sila, bakit umalis si nathan?"

"his dad is in coma. thats the only reason I know. pero yung walang paalam kay xandra? that's questionable."

"try to contact him"

"sinubukan ko na, kaso wala talaga."

Bumalot ang katahimikan sa buong paligid. Maya maya ay nadatnan ko ng pababa si manang galing sa kwarto ni xandra.

"tapos ko ng palitan ng damit si xandra, panik na kayo."

sabi ni manang feli. nang matapos din si xander sa pagkuha ng yelo ay pumanik na kami. hinayaan namin si jude na nagluluto ng porridge para kay xandra. I told christine na samahan muna ito at pumayag naman siya. now, xander is with his phone. nang makapanik at makapasok sa guest room ay tumambad sakin ang mahimbing na natutulog na si xandra. bahagyang namumutla ito.

"tyron sandali lang, kausapin ko lang yung karpintero na aayos sa kwarto ni xandra."

tinanguan ko ito at lumabas na siya ng kwarto. binaling ko ang buong atensyon kay xandra. the way I look at her, pagod ang nakikita ko dito at lungkot. ang mga labi niya na hindi masaya at walang tingkad. Malayong malayo sa masiglang siya na nakilala ko.

kinuha ko ang twalyang basa at pinunasan ko ang mukha nito. ang kaba na nararamdaman ko ay napawi ng minulat niya ang mata niya. Bago ako lumabas ng kwarto ay humagulgol ito ng iyak hanggang sa wala na itong maiyak at napagod.

Gusto ko siyang yakapin ng mga oras na yon, maramdaman niya lamang na hindi siya nagiisa. pero kusa akong tinulak ng sarili sa kinatatayuan ko na hayaan ko siya. Kakayanin niyang magisa yan. Hinayaan ko siyang maging matatag para sa sarili niya.

Lumabas ako sa kwarto ni xandra at Sinarado ko ang pinto, pero nanatili ako sa tapat nito, holding the doorknob, gusto ko itong pihitin at buksan ulit but something's telling me not to...

stop caring too much tyron.

"Tyron, can.. we please go now?"

Naagaw ng atensyon ko ang malumanay na boses ni Christine na nakatayo sa gilid ko. Hinarap ko siya at nginitian.

"Okay. Magpapaalam lang ako kay xander."

Tumango ito pero nabakas ko ang pangamba sa mga mata niya. nang mapansin niya ang pagsuri ko sa kanya ay binawian niya ako ng ngiti. di din nagtagal ay nanatiling blangko ang expression nito.

pagkababa namin ay nakita ko si xander na kausap ang karpintero na umayos sa kisame sa kwarto ni xandra. kaya pala sa guest room niya ito pinagpahinga.

"una na po ako ser, salamat po."

"Salamat din manong, ingat po."

pagkaalis ng lalaki, Nabaling ang tingin ni xander sakin at lumipat sa babaeng nasa likod ko. Nanatili ang mata niya dito, napansin ko naman ang pag higpit ng kapit ni Christine sa braso ko na para bang natatakot.

"What's the problem babe?"

"W..wala. umuwi na tayo."

Bumitaw siya sakin at nauna ng lumabas sa bahay, Xander is still looking intensely at her. ngumisi ito pero napawi din at napalitan ng madilim na ekspresyon.

nakakapagtaka.

"What happened to her?"

Tanong ko at bumalik ang tingin niya sakin.

"Go and ask your girl."

It bothers me, na parang may maling nangyari.

"Anyway Tyron, salamat nga pala sa pagtulong kay xandra. You are always free to come back, pero kung pwede lang.. Don't come along with that girl."

"ano bang problema? May sinabi ba sya o ginawang mali?"

"Sa akin wala..."

"What? What do you mean by that?"

"Its late, umuwi na kayo habang mahina pa ang ulan. Baka lumakas uli yan mamaya."

tinignan ko lamang siya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. nakapamulsa niyang tinignan ang paalis ng sasakyan namin.

"asan na si jude?"

"ha?.. ah ano, nauna na! may gagawin pa daw siya."

While driving, it's still confusing me. What really happened? Binaling ko ang tingin ko kay christine na nagtetext na naman. Naipit kami sa traffic dahil narin sa sobrang lakas ng buhos ng ulan.

nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan, at tangging patak ng ulan lang ang maririnig. Hindi mapakali ang kamay niya kaya hinawakan ko ito, nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"What bothers you Christine?"

"N..nothing."

"can you just open up to me? kanina ka pa ganyan."

"i said its nothing! Bat ba ang kulit mo!"

Umigting ang panga ko at binitawan ang malamig niyang kamay. Hindi ko na siya tinignan ulit hanggang sa marating namin ang bahay nila. Its 9 pm, pinaalam ko naman siya kay tita mira na ganitong oras kami makakauwi dahil sa nangyari kay xandra.

Bago niya pa buksan ang pinto ng sasakyan, hinawakan kong muli ang kamay niya.

"What now!?"

bakas ang pagkairita nya sa ginawa ko... Just why? nagulantang ako sa pagsigaw niya.

"What's wrong with you? Okay naman tayo kanina diba?

"tanong ka kasi ng tanong, nakakairita!"

"Anong problema mo? kinakausap kita ng maayos tapos ginaganito mo ko!?"

halos hindi ko na mapigil ang pagtaas baba ng paghinga ko. nanlaki ang mata niya sa pagtaas ko ng boses sa kanya. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit siya ganito. I'm just asking, and as his boy friend, nag aalala ako.

"She's your ex tyron! Kaya ba sobra sobra yung pag aalala mo sa kanya kanina ha!? Sige bumalik ka na sa kanya! Maghiwalay na lang tayo!"

Napakunot ang noo ko, coz this is not what I expect of her to say. Na parang hindi iyon ang tunay na dahilan. I believed her, ganun naman pag mahal mo diba? Kahit di kapani paniwala, maniniwala ka kasi ayaw mo siyang ma offend.

"anong sinasabi mo?"

"nung binuhat mo siya! nung tinitignan mo siya habang natutulog! everything tyron! The way you care for her, na kahit kalian di ko nakitang pinaramdam mo sakin!"

my girl is making this issue as big deal. Kumalma ako at inamo ko siya, I don't want to end this day na hindi kami okay.

"what are you talking about christine, Are you jealous because of that?"

Isang tunog ang sumira sa usapan namin, her phone is ringing at bago niya pa ito maibaba, i saw the name on the screen.

JUDE

"Why is he calling you?"

Nanlaki ang mata nito at iniwas ang tingin sakin, she didn't say any, nakayuko lamang siya.

"Im asking you!"

"I don't know!"

bumilis ang paghinga ko. Sana... sana mali ang iniisip ko. Nagring ulit ang phone niya at tinangka niya itong ibaba.

"Answer the damn phone Christine!"

Ramdam ko ang pagkabalisa niya at panginginig ng kamay niya. She answered the phone at pinaloud speak ko iyon.

"Hello, nakauwi ka na ba?"

"Yes Jude."

"Good, i miss you baby. Kalian ka ba magkakaoras sakin? You're always with that fvcking guy! Ganyan ba kalala ang krisis ng kompanya nyo at atat ang parents mong ipakasal ka sa gunggong na yan--"

Kinuha ko ang cellphone mula sa kanya at binato sa labas. Unti unting tumulo ang luha ni christine at niyakap ako. Pilit ko siyang nilayo sakin.

"fvck!" Sinuntok ko ang manibela ng ilang beses at nasa gilid ko siya habang patuloy ang paghagulgol niya at pagkapit sa braso ko.

"Im sorry! Im sorry babe!"

"If you want break up, wag mong idadamay si xandra dito! You try to divert the situation at palalabasin mo pa na ako ang nanloko sating dalawa!"

"no tyron! Nagseselos talaga ako!"

"I don't fvcking care Christine! Get out."

"Look at me please, tyron!"

"I said get out of my car!"

"Let me explain-"

"I don't need your explanation! Malinaw sakin ang lahat!"

Pagkababa niya ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Hindi ako nasasaktan, I just feel empty.

Pagkauwi ay sumalubong agad sa pinto si mom. Natanaw ko mula dito si dad at kuya Daniel na nasa wine bar at umiinom.

"How's your date with Christine?"

Napangisi ako at lumapit sa kinaroroonan nila dad at kinuha ang iniinom ni kuya daniel.

"San nyo ba napulot ang babaeng yon?"

Nakita ko ang pagpula ng mukha ni mom, senyales na galit ito. Siya itong may gusto na ipakasal ako kay Christine. kung alam ko lang na pera lang habol niya sa pamilya ko, kung alam ko lang! hindi ko sana sinayang ang pagkakataon na binigay sakin ni xandra noon at sana hindi siya nasasaktan ngayon!

"How could you say that to your fiancé!" bulyaw ni mom at hinatak ako sa braso.

"ipapakasal nyo na nga lang ako, sa pamilya pa na tagilid na ang estado ng kompanya."

Ngumiwi ito sa akin at lalo pa kong napangisi. Just fvck. Is this my karma?

"tyron!" sigaw ni dad at pumagitna samin ni mom. Kuya is just watching habang nilalagyan ng yelo ang isa pang baso.

"What dad! She betrayed me, pati kayo niloko niya!"

"what are you talking about!?"

I told them everything.

"I saw your girl, kissing the other dude in my kitchen."

Yan ang mensaheng natanggap ko kay xander kinagabihan.

Mabilis ang pagproseso nila sa lahat. They contact her family and set a meeting. At dun nalaman pa namin ang totoo at nang araw mismo na yon, pinutol na lahat ng koneksyon ng pamilya namin sa kanila.

Paglabas ay hinabol ako ni Christine, luhaan ito at puno ng pagsusumamo. all this long, nagpaloko ako, na dapat nagmamahal ako! Na dapat si xandra ang kasama ko!

"Tyron I'm sorry! ayusin natin ito!"

"wala na tayong dapat ayusin! you betrayed me christine and that asshole!"

"buntis ako tyron! Dad's going to kill me!"

I trusted her and now she's pregnant. She's going to make me a father in an instant.

"I'm not the father of that child. Wag mong ipapaako sakin ang bunga ng panloloko nyo sakin at sa pamilya ko!"

It's been months nang mangyari iyon. Christine and I were not together anymore. The wedding was cancelled. lahat ng namagitan samin ay para lamang sa kompanya namin at ng sa kanila. yan ang tinatak ko sa isip ko ng maghiwalay kami.

And now, I hope there is still a chance for me and xandra. I know I was wrong all those years na pinili ko na namang saktan siya. But this time I am very sure about this. Siya ang ihaharap ko sa altar.

Nandito ako ngayon sa mall, sa gilid ng isang salon. Xander texted me na hindi niya daw masusundo si xandra. He told where xandra is. Kaya pagkahatid ko pauwi sa pinsan ko galing sa Arts school ay dumiretso na agad ako dito.

"Sorry for making you wait."

I was stunned by this beautiful girl in front of me. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pintig ng puso ko lalo na nang makita ko ang bago niyang gupit. She's not the little kid anymore. She's now a lady.

"Ano, walang reaksyon?"

Tila naging musika ang boses niya sa tenga ko, nakatingin ako ngayon sa babaeng matagal ko ng pinapangarap.

"It looks better on you."

"ha?"

Hinawakan ko ang buhok nya at ipinadausdos dito ang kamay ko. Napangiti ako sa pamumula ng pisngi niya. this lady grow up so gorgeous.

Continue Reading

You'll Also Like

166K 3.6K 44
Highest Rank: #55 in couple. 🤘 Girl: Baby! Boy: What? G: Sungit. /pout/ B: Tss. G: Baby.. /poke his cheek/ B: Ano? G: Wala lang. B: Okay. G: /sumima...
75.1K 2K 57
Highest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang t...
633K 12.9K 38
Ikaw po si Cassie di'ba? At ikaw naman po si Zacaree. Kayo po ang mommy at daddy ko! Tahimik lang silang nagaalmusal nang dumating ang batang lalaki...
245K 2.3K 53
The boys are bored. They want to be entertained. They're willing to pay. You are in deep trouble. You need money. You are desperate so you will take...