Chasing That Nerd

By blackhiraeth

22.4K 614 22

A girl who didn't know herself from the past, struggling because of the people who surround her. Until she de... More

Prolouge
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07

Chapter 01

2.9K 119 4
By blackhiraeth

DISCLAIMER!

This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---
Lucille's POV

"Lucy! Kelan ba tayo mag eenroll?" biglang tanong ni Eli habang nanunuod kami ng tv.

Biyernes ngayon at dumalaw dito sa bahay si Eli para pag usapan namin yung gagawin namin sa enrollment.

"Hmm.. Sa monday. Tas agahan natin"

"Sige sige. Excited na koo hihi" tuwang tuwang sambit nya

Tinawanan ko lang sya at bumalik na sa panunuod.

"Bukod dun sa scholarship na inapplyan mo sa munisipyo? At dun sa school na papasukan natin. Mag hahanap ka pa ba ng iba?" pag basag nya ng katahimikan dahil tutok na tutok kami sa pinapanuod namin

"Oo naman. Balak ko nga mag varsity pero kung di papalarin. Yung sa dance troupe o kaya ibang activities. Balita ko eh may discount daw sa school pag sumali don." pag papaliwanag ko

"Ahh. Sige sige support kita" masiglang sambit ni Eli.

Masaya ako at may kaibigan akong tulad ni Eli. Lagi nya kong sinusuportahan sa mga ginagawa ko.

"Nak! Baba na kayo dito ni Eli! Kakain na" pagtawag ni mama sa baba.

"Tara na. Kakain na daw" pag aaya ko.

Pinatay na namin yung TV at bumaba na para kumain.

"Oh iha, kain na kayo. Nagluto ako ng favorite mo at ni Lucy na sinigang" masayang sambit ni Mama.

"Owemjii tita! You're da best talaga!" tuwang tuwa na sabi ni Eli.

Umupo na kami sa lamesa at kumain na.

"Oh Eli, kelan kayo mag eenroll ni Lucy?"

"Sabi po ni Lucy tita eh sa lunes daw po"

"Ah ganun ba? Gusto nyo samahan ko kayo ni Lucy?"

"Nako ma. Wag na. Kaya na namin ni Eli yon. Magpahinga nalang kayo dito sa bahay." pangongontra kong sabi

"Oh sige. Basta tawagan niyo pang ako pag may kailangan kayo hah?"

Tumango nalang ako bilang sagot.

Masaya kaming kumain sa hapag kainan at nag kwentuhan ng kaunti. Pag tapos kumain ay umakyat na agad kami sa kwarto ko.

"Tara lucy bili na tayo ng mga gamit ngayon" pag aaya ni Eli

"Ang advance mo naman bumili. Ang aga aga pa. Saka kulang pa yung pera ko pang bili ng gamit"

"Mas okay ng advance para di tayo maubusan no! Saka don't worry, aabonohan ko muna kung kulang . Saka mo nalang bayaran pag may budget ka na"

"Sige na nga" napabuntong hininga kong sagot

Kilala ko tong si Eli. Mangungulit at mangungulit yan pag di mo pinagbigyan hanggang sa pag bigyan mo nalang siya

Nagbihis na ko ng pang alis. Nag palda ako na nude brown na hanggang lagpas tuhod at nag plain white tshirt lang at sandals. Sinuot ko na rin yung salamin ko at binuhaghag ko nalang ang aking buhok.

"Hay nako Lucy! Kelan mo ba aayusin yang pananamit mo hah? Napaka oldie ng vibes!" reklamo ni Eli habang nag aayos sa salamin

"Kanya kanya tayo ng trip Eli." tanging sagot ko nalang sakanya. Inismiran niya nalang ako at tuloy sya sa kanyang pag aayos sa salamin

Nang matapos na kami sa pag aayos. Kahit si Eli lang naman talaga yung nag patagal.

Nag paalam na kami kay Mama at umalis na. Nag commute lang kami ni Eli dahil wala kaming kanya kanyang sasakyan.

Nang makarating kami sa mall. Agad na pumunta sa department store para bumili na ng gamit na gagamitin namin sa school.

Bumili na ko ng binder ko, ballpen na Dong A, Yellow pad, Bond papers, folder, pati pencil in case na mag papa drawing samin.

Yun lang yung binili ko dahil yun lang naman yung kaya ng budget ko. Dahil bibili pa ko ng bag at sapatos pati uniform. Ayoko ng mag abono pa si Eli dahil ang dami ko ng utang sakanya na di ko pa nababayaran.

"Ano tapos ka na?" biglang sulpot ni Eli sa tabi ko

"Oo eh. Eto lang muna bibilhin ko" sabi ko sabay pinakita sa kanya yung mga binili ko.

Nanlaki ang mata nya at umarko ang isa nyang kilay

"Seriously Lucy? Yan lang bibilhin mo??"

"Oo. Yan lang kasya sa budget ko"

Agad naman akong na napatingin sa pinamili nya. Agad na nanlaki ang mata ko dahil puno ang dalawa nyang basket na nakalagay sa cart.

Para na nyang binili yung buong department store sa sobrang dami ng binili nya.

"Ang dami naman nyang pinamili mo? Ano? Hanggang next school year stock mo na yan?" nagugulat kong sabi habang nakatingin parin sa mga pinamili niya

"Duh?? Kakaylanganin natin yan no!" pag dedepensa nya

"Ahh" tangong sagot ko nalang sakanya

"Asan yung sapatos at bag mo?" tanong nya

"Wala na kong budget. Meron pa naman akong gagamitin. Pwede namang bumili next time" tanging sagot ko nalang sakanya

"Hinde pwede! Kaylangan mo ng bagong sapatos at bag ano ka ba!"

"Hindi na Eli. Okay lang"

"First time nating papasok sa school na yon kaya dapat bago lahat ng gamit natin no!" pag tataray nya

"Ikaw nalang muna. Saka na ko" pag pipilit ko sakanya

"Ehhh!! Hinde pwede! Ako na bibili ng sapatos at bag mo!" pag pililit nya rin sakin.

Pero dahil di nga sya nag papatalo. Napilit nya rin ako. Binilan niya ko ng bagong sapatos at bag. Pero sabi ko sakanya ay babayaran ko din naman agad yon pag nakapera na ko.

Nang matapos na kami bumili sa dept store ay nag lakad lakad muna kami sa mall.

"Tara kain tayo gutom na akez" pag aaya nya sakin

"Sige"

"Tara Bon Chon tayo! My treat!" masiglang sabi ni Eli.

"Eli. Kanina mo pa ko nililibre. Nakakahiya na"

"Ano ka ba. Wala yon! Para san pa na naging magkaibigan tayo kung di rin naman kita ililibre? Diba?"

"Basta babayaran kita pag nakakuha na ko ng pera"

"Go lang. Di naman kita sinisingil. Ikaw lang naman yung may gusto na bayaran ako" sambit nya sabay irap

Tinawanan ko nalang sya at sabay na kami nag lakad papuntang Bon Chon

Napakaswerte ko lang dahil may kaibigan akong katulad ni Eli. Napaka transparent namin sa isat isa bilang kaibigan.

Pero i don't consider best friend dahil may trust issue na ko. Alam yon ni Eli. Pag kinokinsidera ko kasing best friend eh hindi naman ako kinokinsidera bilang isang best friend. Kaya ayon

Pero masasabi ko lang na maswerte ako kay Eli.

"Ano order mo??" tanong nya ng makarating na kami dito sa Bon Chon

"Yung chicken nalang ako na 2pc tas spicy flavor"

"Okay. Wait mo nalang ako sa upuan natin. Eto dalhin mo narin" sambit ni Eli ay binigay nya sakin yung pinamili nya at pumila na.

Wow hah! Napaka gaan naman! Sobra!

Naalala ko na bang dami palang pinamili netong si Eli. Muntik ng matanggal yung braso ko sa pag kaka bitbit nung mga pinalimi namin

Habang tumitingin ng mauupuan ay May nabangga ako. Sa sobrang dami ko kasing bitbit ay nag mamadali na kong humanap ng mauupuan namin ni Eli.

But, unfortunately. May nabangga ako kaya nabitawan ko yung plastic na mabigat at nahulog dun sa paa nung nabunggo ko.

"Shiitt!! Ouchhhhh!!!" sigaw nung babaeng nabunggo ko at hinawakan yung daliri nyang nabagsakan

Agad akong lumingon sakanya at tignan yung daliri nya sa paa kung namatay na ba

Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong hindi naman

"Hala sorry miss! Sorry talagaa" pag papaumanhin ko sakanya at pinulot na yung dala kong nag kalat na sa sahig

"You stupidddd!!! Are you blind??!!!" sigaw nya kaya mas lalong dumami yung nag titinginan sakin

"Pasensya na miss. Nag mamadali kasi ako kanina kaya di kita napansin. Sorry talaga" pag papaliwanag ko sakanya

"Sabihin mo na tanga ka lang talaga!!!" Sigaw nya ulit

Nakakarindi amp. Nakapa high pitch naman netong babae na to.

Pinulot ko pa yung mga nag kalat sa sa sahig ng bigla nya kong sabunutan at sapilitang tinayo.

"A-araaayyy!!" ngiwi kong sigaw sakanya dahil ang sakit ng sabunot nya.

Feeling ko mawawalan na ko ng anit neto.

"Ikaw na panget na nga. Stupid pa!! Pano nalang pag namatay yung kuko ko sa paa hah?!!" sigaw nya ulit habang naka sabunot nadin sakin.

Kala mo naman eh daang kilometro ang layo nya saakin para sumigaw siya ng ganun.

Putek na yan. Karinde!

"I-i m-massage mo nalang yung kuko mo para di masir-- Ouchh! " nangiwi kong sagot sakanya

Mas lalo ng dumami ang nakiki isyoso samin ngayon.

"Lucy!"

"Madeline!"

Agad akong napalingon kay Eli na nang lilisik ang mata dun sa babae habang papalapit saamin. Kasabay nya yung isang lalaki na papalapit din samin. Mukhang kasama niya tong babae na to.

"Madeline! Stop it!" pag pigil nung lalaki sabay hablot ng kamay nya dun sa babae para mabitawan yung buhok ko.

"Babee. She's started it!! Binagsakan nya ng mabigat na dala nya yung paa ko!! Pano nalang pag namatay kuko ko!!" mukhang kawawang pag papaliwanag nung babae dun sa lalake.

Nang mabitawan na yung buhok ko ay minassage ko ito dahil sa sobrang sakit ng sabunot niya.

"O-ouchh" mahinang daing ko habang minamasahe ito.

"Okay ka lang ba Lucy??" Nag aalalang tanong ni Eli sakin.

"Oo" napipilitang ngiti ko nalang sakanya.

"Hoyyy!! Ikaw na babae ka!! Anong ginawa mo sa kaibigan ko!!" sigaw ni Eli dun sa babae at akmang susugod pero napigilan ko agad siya.

"Your friend is so stupid!! Di tumitingin sa dinadaanan!! Nabagsakan pa yung kuko ko sa paa!!" sigaw din nung Madeline

"Mabuti nga sayong babae ka!! Mamatay sana yang kuko mo!!!" sigaw ulit ni Eli.

"Tama na Eli." pag pigil ko sakanya

"Hinde eh!! Sumosobra na kasi yang babae na yan!!" sigaw nya ulit

Bat ba nag sisigawan yung mga tao dito? Kala mo bang layo namin sa isat isa.

"Miss." awtomatiko akong napalingon dun sa lalaking kasama nung babae.

"I'm so sorry for what did Madeline do to you" sinserong banggit niya habang nakatingin sakanya.

Ang gwapo nya. Naka plain na white tshirt sya at sweatpants na color black at may dogtag sya na silver.

Di ko alam kung gano na ko katagal na nakatitig sa mukha nya.

"Miss??" pag tawag nya ulit saakin

"H-hah?? O-oo" mukhang tangang sagot ko

"Oh come on babe. Bat ka nag sosorry sa stupid na yan?!" pag tataray nanaman nung babae

"Babe. Stop it. Sa iba nalang tayo kumain" saway naman sakanya nung lalaki

Mag syota pala tong dalawang ito. Sayang naman yung lalaki kung mapupunta sya isa babae na to.

"Sorry ulit sa ginawa ng girlfriend ko" pag papaumanhin ulit nya at ngumiti ng tipid saamin.

Hinatak na nung lalaki yung babae palabas ng Bon Chon.

"Sure ka lang na ayos ka lang Lucy?" nag aalalang tanong ni Eli

"Oo nga. Tara na. Tulungan mo na ko dito sa pag bitbit"

Kinuha nya yung mga gamit nya at nag hanap na kami ng mauupuan.

Ang sabi nya ay naka order na daw siya kaya nag hintay nalang kami dito sa inuupuan namin.

"Ang gwapo nung guy no??" biglang tanong niya

"May itsura" tanging sagot ko nalang

"Sayang nga lang at nobya nya pala yung babaeng bwiset na yon na akala mo naman kung sino!! " pag mamaldita niyang sabi

"Hayaan mo na. At least di ako na kalbo" pabiro kong sabi at sabay masahe ulit sa anit ko dahil sobrang sakit talaga nun.

"Siya kalbuhin ko eh!" irap na sabi nya at nag hintay na sa pag dating ng pagkain namin.

"Sa lunes. Agahan natin para less hassle" pag iiba kong sabi

"Oo. Sunduin kita sa bahay nyo. Hihiramin ko nalang muna yung kotse nila mama para mas madali ang ating buhay"

"Sige" tanging sagot ko nalang at dumating na yung pagkain.

Kumain kami ng matiwasay at ng matapos ay na pag pasyahan namin na umuwi na.

Di na kami nag commute ni Eli. Nag book nalang kami ng grab dahil ang bigat ng mga dala namin. Di namin kayang bitbitin lahat.

Dito muna sa bahay namin iniwan yung mga pinamiling gamit ni Eli. Sabi nya ay babalikan

"Oh nakauwi na pala kayo. Kumain na ba kayo?" pag uusisa ni Mama ng makarating kami

"Opo tita kumain na kami. Kaso sa kasamang palad ay may bwiset na nangyari kanina" madaldal na sagot ni Eli habang inaayos yung mga dala namin sa sala

"Hah? Ano ba nang yari??" nag tatakang tanong ni mama

Napabuntong hininga nalang ako sa kadaldalan ni Eli. Wala akong balak na sabihin kay mama yung nag yari dahil mag aalala siya.

Saka wala naman na sakin yung nangyari kanina

"Kase tita.. Kanina, pumunta kami ni Lucy sa Bonchon para kumain. Tas si Lucy ang nag hanap ng mauupuan namin. Tapos habang nag hahanap siya eh may naka bungo siyang demonyitang babae. Tas nabitawan ni Lucy yung hawak niya dahil mabigat. Buti nga at nalaglag sa paa nung demonyitang babae na yun. Tapos bigla na niyang sinigawan si Lucy at sinabunutan. Tas dumating ako at yung kasama nung babaeng yun na boyfriend niya pala. Sayang dahil ang gwapo nung guy para dun sa bwiset na babae na yun!! " tuloy tuloy na kwento ni Eli na parang nag ra-rap dahil walang hinto hinto

Napaka daldal talaga netong babaeng ito.

"Okay ka lang ba anak?" nag alalang tanong ni Mama.

"Opo ma. Di naman ako nakalabo kaya okay lang" pabiro kong sabi at nginitian ko nalamang siya upang di na siya mag alala.

"Nako tita. Pag nakita ko yun. Ako kakalbo dun! Nakakainis!" naiinis na sambit ni Eli

"Tama na Eli. Tapos na nga eh. Di na natin makikita yun"

"Aba dapat lang!!"

"Nako mga iha. Umiwas kayo sa mga gulo hah?" pangaral ni mama saamin.

"Di ka pa ba uuwi Eli? Anong oras na oh. Baka hinahanap ka na nila Tita" pag iiba ko ng usapan

"Oo nga pala. Mag aala-sais na pala." sambit niya habang nakatingin sa relo niya

"Hatid na kita diyan sa gate" sambit ko

"Sige. Tita. Alis na po ako" pag papaalam ni Eli kay mama.

"Oh sige iha. Mag iingat ka pauwi ah?" nakangiting sambit ni Mama.

"Ingat ka. Mag kita nalang tayo sa lunes" Nakangiti kong paalam sakanya ng mahatid ko siya sa gate.

"Sige sige. I'll text you nalang. Byee" paalam niya at niyakap niya ako.

"Sige bye" tuluyan ng umalis si Eli at nawala na sa paningin ko.

Sinara ko na yung gate at pumasok na sa loob.

Tinulungan ako ni Mama na maiakyat yung mga pinamili namin sa kwarto ko.

"Sure ka bang ayos ka lang anak?" nag aalala ulit na tanong sakin ni mama.

"Opo ma. Wala yun. Malayo sa bituka" nakangiting wika ko sakanya

"Hmm sige anak. Mag pahinga ka na diyan" wika niya sabay halik sa noo ko.

Awtomatiko akong napangiti dahil napaka sweet talaga ni mama.

"Sige na ma. Mag pahinga narin kayo" sagot ko at hinalikan siya sa pisnge.

Umalis na siya sa kwarto at sinara na ang pinto.

Nag hinaw lang ako at nag siplyo at humiga na sa kama.

Nag scroll scroll lang ako sa facebook hanggang sa may nakita akong pamilyar na picture dun sa suggested friends.

Dylan De Villa

Ohh.. Eto yung guy kanina.

Klinick ko yung picture at tinignan yung wall niya.

Yung profile niya ay naka polo siya na floral tas naka unbutton yung dalawang butones at naka beach short siya na white. Tas naka sandal sya sa railings ng yacht.

Ay..rich kid

Eh bat sil napadpad sa bonchon kanina?

Nag scroll pa ko at nakita ko yung 2 featured photos nya na silang dalawa nung babae kanina.

Nasa yacht din. Same lang yung damit niya katulad dun sa profile pic niya. Yung babae naman ay naka 2 pc swimsuit na color white

Yung isang picture ay, nakapulupot yung braso nung babae sa bewang nung lalaki at nakahawak naman sa bewang nung babae yung lalaki at parehas silang nakangiti

Maganda sana yung babae. Demonyita nga lang yung ugali

Parehas silang matangkad. I guess yung lalaki ay nasa 5'9 tas yung babae ay haggang tenga lang. Siguro nasa 5'7 ata yung babae.

Tinignan ko naman yung pangalawang featured photo nung lalaki.

This time naman ay naka halik sa pisnge ng lalaki yung babae habang nakahawak yung lalaki sa bewang nung babae at nakangiti.

Sana all..

Ieexit ko sana ng aksidente kong na like yung picture na yon

"Shit!" napamura ako at tinggal agad yung like.

Nakahinga ako ng maluwag at tuluyan ng inexit yon.

"Muntikan na. Sana di mag appear sa notif nya" buntong hininga ko at tuluyan ng humiga para matulog.




~To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

64K 1.5K 25
Arranged marriage mikhaiah, with plot twist
124K 3.8K 77
Long before time had a name, the first spinjitzu master created Ninjago, using four elemental weapons, but when he passed a dark presence sought out...
28.9K 1.9K 22
في عمق الغابات الكثيفة، التي تتخفى خلفها الأسرار المظلمة، تجد نفسها فاينا إيفانوف، شابة هاربة من قريتها، تحمل عبء ماضٍ مأساويٍ، حيث هربت من قبضة زوج...
587K 17.9K 95
ဘယ်သူ့ဘယ်သူမှ ထိခိုက်စေလိုချင်းမရှိပါ