Give Up and Leave (Montenegro...

By maxthesmart

103K 2K 11

Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just cap... More

Give Up and Leave
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 28

1.5K 38 0
By maxthesmart


Kabanata 28

Kinalimutan

Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, umupo ako sa aking kama para masagot ko kung sino man ang tumatawag.

Ang sakit ng ulo ko, grabe ang aking hangover dahil sa mga ininom ko kagabi. Ni wala nga akong matandaan na nakauwi ako eh.

"Hello," tamad kong sagot kay Hiro sa tawag.

"Danica, ba't ganyan boses mo, nalasing ka ba kagabi?" tanong niya.

Oo nga pala, umalis siya kasi naatake nanaman yung kapatid niya, tapos pagkatapos nun ang rami ko nang ininom kahit pinangako ko sa kanya na kaunti lang.

"Oo, I'm sorry, si ate Sa-" hindi niya ako pinatapos.

"Nevermind, just drink water and humigop ka nang kahit anong soup, okay?" nagmamadali niyang sinabi.

"Okay," tipid kong sagot.

"I'm in the airport right now" bigla akong nabuhayan sa kanyang sinabi.

Airport? What is he doing there?

"Bakit ka nandyan? May susunduin ka ba?" gulat kong tanong.

"No, pupunta kami ng US, biglaan"

"What? Why?" halos isigaw ko na.

"Kailangan ng mga facilities na wala dito sa Pilipinas para ipagamot si Christian," malungkot niyang sabi.

"Hindi ba naagapan ng mommy mo?"

"You know that's not her specialty, Danica. Yung tito kong doctor sa US ang may specialty ng epilepsy. We need to cure him right away"

"But, what about school? Ilang araw ba kayo doon?" tumikhim ako.

"About school, nagpasa na ako ng letter for excuse kanina bago pumunta sa airport,"

Kanina? Umaga palang ah! Tinignan ko naman ang wall clock ko at nakitang alas dos y media na. What? Ganun ako katagal natulog?

"And that's for two weeks," nagulat nanaman ako.

"What? Paano kung hindi pa matatapos?"

Grabe for two weeks wala siya? I think I can't handle that, kasama na siya sa routine ko araw-araw, malulungkot ako kung wala siya.

"Mom said that kung hindi pa matatapos ay mauuna na ako baka daw kasi mahuli ako sa school, maiiwan siya dun, sasama sa akin si dad dahil marami pa siyang kaso," pagpapaliwanag niya.

"Sana dinaanan mo lang naman ako dito kanina para nakita pa kita," malungkot kong sinabi.

"I went there and you were still asleep, I didn't want to wake you up"

"Oh.." yun lamang ang nasabi ko.

"Kung gusto mo magfacetime nalang tayo pag layover namin sa Dubai papuntang Boston?"

"I like that, just text me, okay? I love you and I miss you" utas ko.

"I love you and miss you too, Danica, and can you please pray for my brother?"

"Of course I'll pray for him, see you in two weeks?"

"Sige, and please don't be so close with Lander, parati kang sumama kay Ade, okay?"

"Okay" tipid kong sinabi.

Nagpaalam na siya dahil papasok na daw sila ng eroplano.

Hindi ko akalain na mangyayari yoon ngayon, parang kahapon lang ay nagsasaya ako sa bar tapos ngayon aalis si Hiro.

"Danica, gising ka na daw sabi ni Ma'am Daniella, kain ka na daw," sabi ni manang.

"Sige po, susunod na ako, maliligo lang ako,"

Agad akong pumunta sa banyo para maligo, at pagkatapos naman ay nagpalit lang ako ng komportableng damit na pambahay.

Bumaba na ako at nakita ko si mommy na nanonood sa may sala. Magsimba kaya sila?

"Good afternoon mom, nagsimba ba kayo?" lumapit ako sa kanya at umupo.

"Good afternoon, yes, ginigising ka ni kuya mo but it seems that you were really drunk last night" ngumisi si mommy.

"Sorry po, si ate Sarah naman kasi, dinamay ako" untag ko.

"Tonight will be the birthday dinner, okay? Pick a decent dress, maraming tao dun mamaya" paalala ni mommy.

Tumango nalang ko at tumayo para pumunta na sa dining table at kumain. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para makapili na ng susotin mamaya.

Mabilis ang oras kung kaya't alas sais palang ay pinagbihis na ako kaya yun ang aking ginawa. Nagdrive si daddy ngayon kaya hindi na kinailangan ang mga drivers.

"Mommy hanggang anong oras ang dinner?" tanong ko nang tumigil na kami sa harapan ng bahay nila kuya Gab.

"Probably mga 10 or 11, siyempre we'll talk with other business minded persons" ani mommy at bumaba na kami.

Nakita kong maraming masakyan kaya siguro marami bisita. Pagkapasok namin ay nakita ko kaagad ang garden nila na puno tables at marami na ang tao, ngunit wala pang pagkain.

"Daniella, Raphael, kayo nga ang makitabo sa mga Montenegros may katable na kasi kami" salubong sa amin ni tita Gina, mommy ni kuya Gab at ate Mikha.

What? The Montenegros are here? Lander is here? What the heck? He's really here. Tumingin ako sa table na iyon at nandoon rin ang lola, mommy, ate and surprisingly ang daddy niya.

Pumunta kami doon, ayaw ko sanang sumunod at pumunta muna sa mga pinsan ko ngunit hinila ako ni kuya.

"Mamaya na after kumain," aniya kaya sumunod nalang ako baka sabihin pa nilang iniiwasan ko si Lander.

Tumayo naman sila para makipagkamustahan sa amin.

Nagbesobeso si mommy kanina tita Reina at ang lola ni Lander. Samantalang si daddy naman ay nakipagshake hands kay Mr. Montenegro. Ngumiti lamang ako sa kanila.

Si Lander naman ay walang ka ekspresyon ang mukha at kung maayos ang kanyang buhok sa mga nakaraang araw ay ngayon naman ay magulo na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

Umupo na kaming lahat. Katabi ko si kuya at si ate Desiree, nginitian niya naman ako kanina.

"Nice to see you again," tumingin sa akin si tita Reina "Mas lalo kang gumanda hija, narinig ko ay blockmate mo si Lander sa UP?"

"Talaga, Danica?" gulat na tanong ni daddy, at tumingin naman sa akin si kuya at mommy na mukhang gulat na gulat.

Tumango ako.

"Why didn't you tell us?" bulong ni kuya.

"Is it something you want to know?" bulong ko rin.

Umiling at ngumisi nalang si kuya sa akin. Nagsalita na si tita Gina na uumpisahan na ang dinner. I wonder where's kuya Gab?

Lumapit sa amin si tita Gina at kinamusta ang Montenegros.

"Okay, enjoy the night," ngumiti si tita sa kanila at nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin "Nga pala, Danica, where's Hiro and his family? I invited them"

"Tita, pumunta sila US, naatake nanaman po si Christian eh," tinignan ko naman si Lander at nahuli kong nakatitig sa akin.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, sana hindi nalang nila inampon yun, nadadamay tuloy ang tunay nilang anak" ani Tita.

"Okay lang naman po yun kay Hiro, he loves his brother" depensa ko.

Umiling-iling si tita at umalis.

"Bakit mukhang alam na alam mo kung anong nangyayari sa mga Sarmiento, hija?" tanong ni Mr. Montenegro.

Sasagot na sana ako nang bigla namang nagsalita si mommy "Hiro and Danica are together, kaya siyempre alam na alam ng anak ko," ngumisi si mommy.

Napansin ko namang tumingin sa akin si ate Desiree pati na rin ang mommy niya.

Nagtataka siguro sila kung anong nangyari sa amin ni Lander. I mean, I think he told them, but why are they still casual to me? Dapat galit sa akin si ate Desiree, kasi sinabi ko sa kanyang hindi ko iiwan si Lander.

Lumingon ako kay Lander at tamad lang niyang pinaglalaruan ang kanyang pagkain. Parang walang ganang kumain.

Kahit hindi ko pa naubos ang aking pagkain ay inayos ko na ang mga kubyertos sa pinggan.

"Excuse me po, I'll just go to my cousins," ngiti ko at tumayo.

Naglakad ako papasok sa malaking nilang bahay. Baka nasa pool area sila kaya doon ako pumunta. Pagkadating ko doon ay nakita ko si kuya Gab katabi ang maraming bote ng beer.

"Kuya, why are you drinking again?" lumapit ako sa kanya umupo sa tabi niya sa may pool.

Tumigin siya sa akin at kumunot ang noo, "Why are you here? You should have fun there?" aniya at uminom nanaman.

"Kuya, it's your special day, come on, ano ba kasing nangyari?" tanong ko.

Tumingin siya sa langit, "Bakit kasi ganoon? Bakit kailangan niya akong iwan? Minahal ko siya, Danica, minahal ko siya, putangina" galit niyang sabi.

"Kuya baka naman kasi.." hindi ko alam kung anong sasabihin ko, "Kuya baka naman kasi para sa pamilya niya,"

"Oo nga pala, nagbreak kayo ni Lander noon for the family, iniiwan mo rin siya, wala kang kaibahan sa kanya, hindi niyo kami pinaglalaban" ngumisi siya umiling-iling.

"Kuya, it's not like that.."

"Then what Danica?" sigaw niya.

"Gusto kong wag umalis noon pero sinaktan niya ako, I saw him kuya, he betrayed me, yun yung dahilan noon, hindi kami katulad ng mahal mo" pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit siya? Ba't hindi niya ako pinaglaban? Ano bang mali sa akin? Mayaman naman ako, gwapo naman ako, matalino naman ako? Ano pa bang kulang sa akin?" sigaw niya.

"Kuya maybe it's not you, siya ang may problema, kuya wag mong isisi lahat sa'yo. You deserve better, better than what she's doing to you. Kung mahal ka niya kuya, she can't leave you. She'll fight for you" ani ko at tumahimik lang siya.

"Danica? Pwede bang punta ka muna sa labas... susunod na ako, magbibihis lang" tumayo kami pareho.

"Sige, marami nang naghihintay sa'yo" tumango siya at tinalikuran niya na ako.

Hindi ko akalain na ganun na pala ang kanyang pinagdadaanan. Iniwan kaya talaga siya nung mahal niya? I heard ka-batch daw ni kuya eh.

Lumabas na ako para hanapin ang mga iba kong pinsan. Napagdesisyunan kong hanapin sila sa may Gazebo.

"So where is your lover boy?" lumingon ako kung saan nanggaling ang boses.

Nakita ko si Lander sa likod ko at nakangisi siya. Makikita mo sa mata niyang pagod na pagod siya.

"Hindi mo ba narinig? He's in the US," umirap ako.

"I think you really miss him,"

"More than you can imagine," ngumisi ako.

"You really love him do you?"

Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Hiro ang tumatawag, agad ko itong sinagot kahit nasa harap ko si Lander.

"Hello? We arrived here in Dubai, pwede na ba tayong magfacetime? I really miss you" bungad niya sa akin.

"Ang bilis, nasa birthday pa kami ni kuya Gab," tinignan kong si Lander na ngayon ay nakatitig sa akin.

"So you can't?" malungkot niyang tanong.

"Hindi, pupunta nalang ako sa kwarto ni ate Mikha para makapag-facetime tayo para tahimik, okay?"

"Yes, thank you, I just really miss you" masaya niyang sabi.

"Of course basta ikaw, I miss you too, can we hang up no? Magpapaalam ako kay ate Mikha, ako na ang tatawag sa'yo, basta be sure you're online," tinignan ko si Lander na medyo naiirita sa kung anong bagay.

Binaba ko na ang tawag.

"So talagang magfafacetime kayo when there's a celebration?" ngisi niya.

"Ano bang pakealam mo?" naiinis kong sabi .

Umiling siya "Did you get home safe last night?"

Ano bang pinagsasabi niya? Last night? Kasama ba siya sa Valkyrie? Nandun siya?

"Nagkita ba tayo kagabi?" nagtataka kong tanong.

Tumawa siya "Oo nga pala, lasing ka noong nag-usap tayo. Ang dami mo ngang sinabi sa akin eh,"

What? Ano-ano kayang mga sinabi ko sa kanya? Shit, baka kung ano na ang mga naamin ko sa kanya, lalo't lasing pa naman ako.

"Pero ganyan ka naman parati, kinakalimutan mo ang lahat, kaya pati ako kinalimutan mo" ngisi niya at naglakad palayo.

Shit.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 45.2K 54
Womanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years...
54.1K 1.8K 69
There is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. A...
289K 6.9K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...