He's Mad

By shichimi01

1M 18.9K 616

What if your oh so Normal life turned into a dissaster after meeting Mr.Right? Ahem, Mr.Right nga ba? Jhiro M... More

Prologue
1: Chiyo
2: Jhiro
3.5 : Marcus
4: Sold
5: Property
6: Rules
7: Gentle
8: Marcus and Jhiro
9: I'm her husband
10: Staying in
11: Kiss
12: Not into You
13: Jhiyo Mijares
Teaser
14: Confrontation
15: Run for Wife
16: Sorry Wife
17: French kiss and Wedding Bells
18: 👑 Wedding day 👑
19: The King's distress
20: Reception
Authors Note- Extra Chapter ✨
21: Early Honey Moon
22: Drunken night
23: S.T
24: Honey in Korea
24.5: Honey in Korea 2
Extra Chapter part 2 ✨
25: Heart to Heart
26: Confession ❤️
27: In love in Japan
28: You're mine
29: Closer than ever
30: Melting
31: Big Boss
Extra ( Idle talks )
32: Strategies
33: Approved!
34: Missing him
35: I'm Home/ ST
36: Aftermath
37: Twins
38: Jealousy
39: Cute Wife
40: Save me hubby!
41: Thank you
42: Possitive?
43: Super Woman
44: Like a boss
45: Home
46: Result
47: My Hero
48: Husbands duty
49: Little peanuts
50: Twins!
51: END
EPILOGUE
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
New Story!

3: I'll buy you

34K 480 4
By shichimi01

" I do "

I said while shaking.
Parang gusto kong himatayin sa kinatatayuan ko dahil sa presensya ng taong kaharap ko ngayon.

His tall features.
Broad back.
Jet black hair.

And those unwavering eyes.

Looking down at me.

I gulped. Nanginginig man pinagtibay ko ang boses ko at humarap sa kaniya.

" Pumapayag na ako sa kasunduang hinihiling mo. "

Mahabang katahimikan ang bumalot saamin bago siya sumagot.

" ok. I'll send the money in your bank account. "

Sabi niya habang pinipindot ang intercom.

" Miss. Manalili is leaving lead her the way. "

Sabi niya sa secretarya.

Teka? Ganun nalang yun
Walang deal or no deal?

Wala man lang hi?
Hello?
Coffee or tea?

OK sana kung mag aaply lang ako ng trabaho dito pero hindi!!

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nag 'I do' kanina?

Well Marriage Proposal lang naman ang ipinunta ko dito.

Yup, I'm his future wife.

Pero hindi dahil mahal namin ang isa't-isa.

Kundi dahil sa kani-kaniya naming problema. Kaya naman nagkaroon kami ng kasunduan na magpakasal..

Narinig kong' pumasok ang sekretarya niya sa loob ng silid habang tahimik lamang akong nakatitig sa likuran ng taong pakakasalan ko.

Kahit nakatalikod ay aninag ko parin ang expression niya.

There's none.

Nakatitig din siya as akin mula sa bintanang gawa sa salamin. Sabagay deal lang naman ang dahilan kung bakit niya ako papakasalan.

Dahil kailangan niya ng asawa para makuha na niya ang kumpanya nila nakasulat kasi sa last will and testament ng lolo niya na hindi niya makukuha ang company kung hindi pa ito kasal.

And that's what my role is ang magpanggap bilang asawa niya.

" Miss Manalili, this way please. "

Aniya ng sekretarya.

Hindi ako sumagot at sinundan nalamang siya bago ako tuluyang lumabas ay tinapunan ko muna uli siya ng tingin.

What a cold man. I thought.

***

" This is bullshit! "

I said while throwing those damn papers.

That geezer! He really did this to make sure I won't be getting this company that easily.

What? Marry someone?!

Me?

I've never thought of marrying someone in my whole life! I choose not to think about it. Hindi ko kailangan pumasok sa isang relasyong pang habang buhay at least that's what I thought.

But I can't let this company slip in my hands. Dugo at pawis ang ipinuhunan ko sa kumpanyang ito.

In this case si Marcus lang ang mapagkakatiwalaan ko isa siya sa mga iilang kamag anak na pinag kakatiwalaan ko he's my cousin at alam kong matutulungan niya ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na dinial ang number niya.

" Hello, Marcus? We need to talk. "

[ Hi bro! I miss u--]

" Orzini Bar 9:30pm try to be late I'll kill you. "

Iyon lang at agad ko nang pinatay ang telepono that guy can be annoying sometimes.

***

3 million pesos

Isang halaga na kailanman ay hindi kayang kitain sa loob lamang ng isang buwan lalo na ng isang katulad ko.

Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok habang hawak ang papel na naglalaman ng 3 million na pagkakautang namin sa bangko.

" Anak pasensiya kana dahil sa pagkakasakit ng Nanay mo noon kaya nakautang kami ng ganyang kalaking pera sa bangko, at dahil natanggal ako sa kumpanyang pinag t-trabahuhan ko noon kaya hindi na natin magawang bayaran. "

Mahabang paliwanag ni itay.

Oo, nagkasakit noon si Inay dahilan ng pagkamatay nito sa sakit na cancer. Pero hindi ko alam na ganito pala kalaki ang pagkakautang namin!

Saan ko naman hahagilapin ang ganito kalaking pera?

Pero hindi ko dapat iyon iparamdam kay itay, siya na lamang ang nag iisa kong magulang.

" Huwag po kayong mag alala itay gagawa po ako ng paraan para hindi ilitin ng bangko ang bahay na ito. "

Oo tama kayo ng narinig iilitin ng bangko ang bahay na ito makalipas ng Isang buwang palugit. Kapag hindi ako nakagawa ng paraan siguradong sa kalsada kami pupulutin.

Niyakap ako ni Itay at tinapik tapik ang likod ko iyon kasi ang ginagawa niya pag umiiyak ako noong bata pa ako. Napakagat ako ng labi upang mapalis ang namumuong mga luha sa aking mga mata.

" Patawarin mo si itay, gawa ng kahirapan pati ikaw ay nadadamay. "

Pinutol ko ang yakapan namin at ngumiti kahit na ilang sandali pa ay babagsak na ang mga ito.

" Wala kayong dapat ihingi ng tawad itay ako ang panganay sa pamilya kaya natural lang na tulungan ko kayo at Hindi ko rin maatim na tumuloy sa kalye ang mga kapatid ko. "

Sabi ko habang nakangiti at pilit pinapasigla ang boses.

"Maraming salamat anak.."

" Magpahinga na po kayo itay pupunta na ako sa trabaho ko huwag niyo nang masyadong isipin ang tungkol sa utang natin gagawa ako ng paraan para mabayaran iyon. "

***

Orzini Bar

" oh chiyo Darling ~ late ka ata ngayon? " Sabi ni Pia isa sa mga showgirl dito sa bar.

Dito rin ako nag t-trabaho pero Bartender ako hindi ako nag papatable at lalong lalong hindi rin ako nag sh-show.

Kahit mahirap lamang kami pinalaki ako ni itay ng maayos at may pagpapahalaga sa sarili.

" Oo eh, nagkaroon lang kasi ng kaunting problema sa bahay. "

Kaunti? Baka malaki! Worth 3 million lang naman sabi ng kabila kong pag-iisip.

" Trouble? Gusto mo bigyan kita ng racket? " anyaya ni Pia habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

" Kahit hindi ka ganoon ka sexy OK na pak na pak na yan! "

" Naku pia huwag nalang mas lalo lamang akong mapapa trouble sayo' "

" OK. Tawagin mo ako pag gusto mo na ng racket. " sabi niya habang pakendeng kendeng na umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako at nag simula nang nagtrabaho. Nang mapansin ko ang isang matandang lalaki na nasa harap ko na titig na titig sa dibdib ko!

Aba'y loko 'tong matandang hukluban na ito!

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay bigla niyang kinuha ang wallet na nasa pantalon nito at dumukot ng isang libo doon iminuwestiya niyang lumapit ako na ginawa ko naman laking gulat ko na lamang ng isinuksok niya ang Isang libo sa dibdib ko.

Bigla akong nakadama ng kung ano sa dibdib ko.

Lungkot?

Galit?

Pandidiri?


Lahat siguro.

Ahh oo nga napakaliit siguro ng tingin ng matandang ito sa akin.

Mahirap man ay pinilit ko uling ngumiti at pasimpleng kinindatan ito.

Gusto kong umiyak'...

Pero sa sitwasyon ng pamilya ko wala akong karapatan para umiyak at kaawaan ang sarili ko.

Pero hindi mapigilan ng mga mata kong hindi maiyak kaya naman bago pa tumulo ang mga iyon ay pasimple na akong umalis at lumabas sa likuran ng club.

Madilim doon at kakaunti lamang ang dumadaan.

Doon ay pinakawalan ko na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

Nang bigla nalamang may dalawang mamang dumaan aalis na sana ako at papasok na sa loob ngunit bigla na lamang may humatak sa kamay ko.

" Miss teka lang busy ka ba? Mag laro muna tayo bago ka umalis " sabi ng isa bigla akong binalot ng takot dahil lasing ang mga ito.

" Oo, nga naman Miss~ babayaran kanaman namin eh hahaha magkano ka ba? " aniya ng isang lasing.

Muli ay nakaramdam na naman ako ng panliliit sa sarili.

Bakit ba ganito kahirap maging mahirap?

Buong buhay ko na ba itong mararanasan? Bakit ba lagi na lang?

" Kung sasama ba ako sa inyo babayaran ninyo ako? " walang halong emosyon na sabi ko.

Siguro nga ang kapalaran ko..

"Hahaha! Oo naman miss Basta ba --"

Akmang hahawakan sana ako sa dibdib ng isa ngunit hindi iyon natuloy dahil Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nito.

Kasunod nito ay isang malakas na sipa sa isa pang lalaking kasama niya.

Nagimbal ako sa nakita ko Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harap ko.

I can't find the right words.

Dahil sa napakagandang postura nito.

Nakatingin lamang ito sa akin na walang mababakas na emosyon.

" if you really want to sell yourself that much at least do it wisely. "

Anito sa baritonong sabi.



" I'll buy you "

Iyon lamang ang huli kong narinig dahil bigla na lamang nagdilim ang paligid.



To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 2.4K 5
I Am lost and there is no one who can help me, But only me. myself But then he came .... Ang akala ko gulo at sakit ang dala niya pero, Siya pala ang...
5.1K 79 39
A collection one shot stories. Vampire, werewolf, tragic, romantic & sad stories.
274K 1.8K 8
Love me or Leave me? - Samson Gabe Yu
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...