My two-faced boyfriend

By sweetandspicymsbaozi

80.7K 905 515

Ako nga pala si Louise Mendoza, 3rd year highschool. Nag-aaral sa South Mary Highschool. Tawag sa'kin ng mga... More

Chapter 1 and 2
Chapter 5 and 6
Chapter 7 and 8
Chapter 9 and 10
Chapter 11 and 12
Chapter 13 and 14
Chapter 15 and 16
Chapter 17 and 18
Chapter 19 and 20
Chapter 21: Her side
Chapter 22: His side
Chapter 23: Alice's side
Chapter 24: Renz' side
Chapter 25: Her side
Chapter 26: His side
Chapter 27: Her side
Chapter 28: His side
Chapter 29: Her side
Chapter 30: His side
Chapter 31: Her side
Chapter 32: His side
Chapter 33: Her side

Chapter 3 and 4

4.1K 28 5
By sweetandspicymsbaozi

Chapter 3: Her side

Naiwan kaming dalawa sa loob ng meeting hall. Sabi ng parents ko, kelangan ko daw mas lalong makilala ang magiging future husband ko. Waaah, ano ba yan, ano nanaman bang pumasok sa utak nila?

Naupo kaming dalawa sa may round table na nasa gitna. Weird ha, yun lang yung table na nasa loob ng hall.

Nakita kong nag-crosslegs siya at pumikit. Naka-cross din yung arms niya. Argh, kahit saan kong angulo tingnan ang lalakeng ‘to, sobrang gwapo niya talaga!

“Uhm…ikaw ba talaga si Kyle Meneses na classmate ko?” Tinanong ko siya. Napatingin siya sa’kin tapos nakita kong ngumiti siya ng masama. What’s with that smile anyway.

“Why? Hindi mo inaasahan na ako ang magiging asawa mo, ha?” He asked sarcastically, still smirking.

Aaaargh! Syempre hindi ako makapaniwala na ikaw ang Kyle Meneses na kakilala ko sa school! Sobrang magkaiba kaya ang ugali niyo pati itsura niyo! Si Kyle na kilala ko, neat tignan at mabait. Tahimik pero matulungin sa iba. Etong Kyle na nakikita ko sa harap ko, sobrang rude at cool!! Saan napunta ang Kyle na kilala ko?!

“Hoy babae.” Tinawag niya ako. Grabe, bastos talaga. “May mga rules tayo na hindi natin puede labagin. Dahil sa ikaw na ang fiance ko, wala na akong magagawa pa.”

Eh bakit hindi na lang siya tumanggi sa pagiging fiance niya? Puede naman yon diba?

“Rule #1: Wala dapat makaalam ng relasyon natin, sa school man o sa labas. Rule #2: Wag na wag mo akong kakausapin sa labas ng skwelahan at Rule #3: Wag na wag kang ma-i-inlove sa’kin.”

Excuse me?! Ma-i-inlove?! Asa naman! Jusko, puede pa akong mainlove sa Kyle Meneses na una kong nakilala! Malabo akong mainlove sa isang katulad mo!

“Kung naiintindihan mo na, aalis na ako.” Tumayo siya tapos nag-lakad paalis. Nakatingin lang ako sa likod niya tapos napa-sigh ako.

Kinabukasan, as usual, late nanaman ako. Ang stupid ng alarm clock ko dahil hindi gumana! Wala na sigurong baterya. Aaaah, bibili pa ako eh, kainis! Pagkatapos kong makakain ng breakfast tumakbo na kaagad ako palabas ng apartment ko. Buti naka-abot pa ako sa trip ng bus. Pagkatapos ng 10 minutes, bumaba na ako sa tapat ng North Wing Highschool.

Tumakbo ako papasok ng gate tapos dumeretso na ako kaagad sa classroom ko. Buti na lang at hindi pa nagsisimula ang klase. Pumunta ako sa desk ko tapos nilapag ko ang gamit ko.

Bumukas ang pinto ng room tapos napatingin ako at nakita ko na pumasok si Kyle. Wow, back to being nerd type nanaman siya! Umupo sa desk na nasa likod ko tapos nilapag niya yung gamit niya sa floor.

“Uh, good morning.” I greeted. Baka sakaling sumagot siya.

Aba, ngumiti siya sa’kin at binati ako pabalik! Waaaaah, hindi ako sanay na makita ko na sobrang bait niya! Kainis!

“Nagawa mo na ba assignment mo sa math?” Tinanong ko siya habang nilalabas ko ang notebook ko sa bag ko.

“Mhmm, natapos ko na kagabi…pagkatapos ng pagkikita natin.” Bigla akong napalingon sa kaniya nang nag-bago yung boses niya! Biglang naging sarcastic ang tono ng boses niya! I visibly shivered. Nakakatakot ang taong ‘to! May split personality ba siya, ha?!

Suddenly, may mga boys na lumapit sa kaniya. Nako, sa pagkakaalam ko, ito yung mga boys na laging nang-aaway kay Kyle!

“Hoy Meneses, nagawa mo na ba yung assignment namin sa math, ha?!” Tanong nung isang lalake.

Tumingin si Kyle sa kanila tapos ngumiti. “P-pasensya na…nakalimutan ko eh, may ginawa kasi ako kagabi. Pero, gusto niyo kopyahin niyo na lang assignment ko?”

“Kahit kelan talaga wala kang kwenta!! Amin na nga yang notebook mo!!” Sabay hablot ng notebook ni Kyle. Aba, mga loko-loko pala ‘tong mga ‘to eh, kayo na nga may kelangan kay Kyle, ganiyan pa kayo!

Umalis yung tatlong mokong tapos humarap ako kay Kyle.

“Bakit mo sila pinakopya, ha?! Hindi mo dapat ginawa yon!” Sumigaw ako ng mahina sa kaniya.

Nag-shrug lang siya ng shoulders niya. “Hoy babae, ano ba ko sa tingin mo, tanga? Yung mga sagot dun sa notebook na yun, mali yon lahat. Nasa akin yung original na copy, engot.”

Napangiti ako sa sinabi niya kahit sinabihan niya ako ng engot. Hindi lang pala rude ang lalakeng ‘to, witty din. Sabi na nga ba eh hindi siya ganun eh. Argh, stop it Louise, hindi ka puede mainlove sa taong ‘to! Rule #3 remember?!

Nag-simula ang klase. Medyo tahimik ang lahat kasi terror teacher yung nagtuturo sa’min.

Recess came and all the students went out to buy their foods. Naiwan ako sa classroom kasi tinatamad ako umalis.

“Hoy.” Lumingon ako tapos tumingin ako kay Kyle. Nagbabasa nanaman siya ng libro. Tuwing break namin, lagi siyang naiiwan dito sa classroom para mag-basa. Minsan, kaming dalawa lang ang naiiwan sa roon dati pero hindi naman talaga kami nag-uusap. Ngayon na fiance ko na siya, medyo naiilang na ako…

“Bakit?” I asked.

“Bili mo nga ako ng tinapay sa canteen.” What the…ang kapal naman ng mukha netong lalakeng ‘to!

“Ayoko nga, tinatamad ako…” Tumalikod ulit ako.

“Sige na, please, Louise…” Biglang uminit yung mukha ko noong nag-iba yung boses niya.

Back to being nerdy type again ha! Aaaagh, ayoko man aminin, pero attracted talaga ako sa other side ng personality ni Kyle. Yung nerd personality niya. Ewan ko ba! Simula nung pasukan, naging crush ko na siya dahil hindi siya katulad ng ibang lalake.

“Fine! Bibili na kita!” Tumayo ako tapos nag-lakad paalis. Hindi ko talaga kaya tumanggi sa kaniya! Kahit na ngayon lang kami nagkakausap ng ganito, ang bilis kaagad tumibok ng puso ko ngayon! Ano bang nangyayari, ha?!

Pagkatapos ko makabili ng pagkain namin para sa recess, bumalik ako sa classroom namin. Pagpasok ko, nakita kong nakatalukbo si Kyle sa desk niya. Natutulog ba siya? Lumapit ako tapos nilapag ko yung plastic bag sa desk ko at humarap ako sa kaniya.

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya. Buti na lang naka-side view si Kyle kundi hindi ko siya mapagmamasdan mabuti. Nakababa ng konti yung eye glasses niya kaya nakita ko yung mahaba niyang eyelashes. Waaaaah, ang kinis ng mukha niya. Under ng pag-di-disguise nga bilang isang nerd, ang gwapo pa rin talaga niya.

Pero, bakit nga kaya siya nagpapanggap na weak and pathetic? I mean, ang gwapo niya puede na siya maging hearthrob ng school. Sigurado akong magpapakamatay ang mga babae para makasama lang siya. Under those façade, hindi siguro aakalain ng mga tao na nakakatakot ang nilalang na ‘to.

Bigla akong may naisip na trip, haha! Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko tapos nag-take ako ng picture niya. Ngumiti ako habang nakatitig sa nakuha kong photo.

“Mhmm…” Pinanood ko siyang mag-unat. Tumingin siya sa’kin tapos ngumiti. “Nasaan na ang tinapay ko, stupid girl?”

Nag-pout ako. Bakit niya ba akong tinatawag na stupid girl?! Binigay ko sa kaniya yung plastic bag. “Eto na.”

“Good.” Kinuha niya yung tinapay na nasa loob ng plastic tapos sinubo niya. Grabe, na-mesmerize ako nung nakita ko kung paano siya kumain. Ang lambot ng labi niya! Aaaargh, ano bang nangyayari sa’kin, nagiging manyak na ba ako?!

Napatingin siya sa’kin. “Anong problema mo, ha?” Hay, back to being rude again.

“Wala po.” Tumalikod ako sa kanya para mag-laro ng mini games sa cellphone ko.

Silence nanaman. Pero kahit ganito katahimik, hindi awkward yung pakiramdam ko. Ngumiti ako habang naglalaro pa rin ng games.

“Siya nga pala, sabi sa’kin ng mama mo, makikipag-kita daw tayo sa kanila sa XXX restaurant after class.”

Napalingon ako sa sinabi niya. Hindi naman sinasabi sa’kin ng mama ko yon ah! Argh, they’re slowly controlling my life!

After classes, nagsialisan na lahat ng mga students. Tumayo ako habang inaayos ang bag ko. Nakita kong nag-aantay si Kyle sa’kin sa likod. Pagka-ikot ko para kausapin siya, dumating nanaman yung tatlong mokong na kumuha ng assignment ni Kyle.

“HOY MENESES! TALAGA BANG SINASADYA MO ‘TO, HA?!” Sabay-sabay silang nag-sigawan. Nagulat ako at sa tingin ko nagulat rin yung mga classmate ko na naandito pa rin sa classroom.

Tumayo si Kyle sa upuan niya tapos tumingin sa mga lalake. “Bakit anong nangyari?”

“Zero ang nakuha namin!! Dahil lang sa mali ang mga sagot na binigay mo sa’min!!” Sabi nung isang lalake.

Wah, galit na galit talaga sila kay Kyle. Ano ng gagawin namin, mukhang ‘di kami makakaalis dito hangga’t hindi nila nauupakan si Kyle!

“Eh?! Mali ba yung pinakopya ko sa inyo?! P-pasensya na talaga, hindi ko sinasadya!” Napatingin ako kay Kyle. Wow, gaano ba kagaling umarte ang lalakeng ‘to?

Biglang hinablot nung isang guy yung collar ni Kyle. Yung iba namin classmate, nagulat sa sudden action.

“Wag mo nga kaming ginagawang gago, Meneses!”

Out of instincts, bigla kong naitulak palayo yung lalakeng nakahawak sa collar ni Kyle. Nagtinginan lahat sa’kin, pati si Kyle.

“U-uhm…pasensya na! Hindi ko sinasadya yon!” Bigla kong sinabi. Argh, ano ba ‘tong ginagawa ko?! Bakit ko sila kinakalaban!

Nagalit bigla yung lalakeng tinulak ko tapos humarap siya sa’kin. “Hoy, sino ka ba sa inaakala mo ha?”

“Teka, nakikita niyo ba yon?!” Biglang may tinuro si Kyle sa likuran namin. Napatingin kaming lahat.

“Huh?” Bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa wrist ko at may humila sa’kin paalis ng room. Narinig ko na nagsisigawan yung mga lalake sa classroom pero tuloy pa rin ang pag-takas namin ni Kyle.

Naka-abot kami sa eskinita hanggang sa nag-decide siya na tum/igil sa pag-takbo. Grabe, hiningal ‘ata ako dun. Buti na lang at hawak ko pa ang school bag kung hindi, lagot na.

“Mga hayop yon.” Binulong ni Kyle habang hinihingal. Napatingin ako sa kaniya. “Bakit mo ako hinila?”

“Engot ka ba, syempre magkasabay tayo pupunta dun sa mama mo. Baka mapagalitan ako ng mama mo kapag may nangyaring masama sayo.” Binitawan niya yung wrist ko tapos inayos niya yung nagulo niyang buhok.

Sumakay kami ng taxi papunta sa restaurant na binabanggit ng mama ko. Nakita namin sila mama na may kasama pang isang babae. Lumapit kami sa table nila tapos umupo kami ni Kyle sa harapan nila.

“Bakit ang tagal niyo?” Tanong ni mama sa’min. Napailing na lang si Kyle.

“Pasensya na po tita.” Sagot ni Kyle habang inaalis ang salamin niya. Napatingin ako sa kaniya. Hay, nakakapanibago talaga kapag tinatanggal niya salamin niya.

“By the way, Louise, this is Mrs. Roxanne Meneses. She’s the mum of Kyle.” My mum explained while looking at me.

Ngumiti ako. “Nice meeting you po, tita.”

“Pleasure.” She gave me a slight smile then faced his son. “Kyle, didn’t I told you not to wear glasses anymore. And fix that damn hairstyle of yours.”

Kyle hissed in annoyance. Ayaw pala ng mama niya ang nerd type na Kyle. Ginulo ni Kyle yung ayos ng buhok niya kaya naging messy ang hair niya. Tinago niya rin sa bag niya yung salamin niya.

“Pasensya ka na sa anak ko, Lorena.” Sabi ng mama ni Kyle. Ngumiti in reply yung mama ko.

“Don’t worry about it Roxanne. Anyway, we’re here to tell you the things you should do. Remember na engage na kayo.” Ni-remind ni mama sa’kin. Agh, hindi mo na kelangan pang ulitin mama.

“Pero bago ang lahat, let us first explain why we engaged the two of you.” Tita Roxanne said looking at me.

“Alam niyo kasi, simula bata pa lang kami, magkakaibigan na kami ng mga magulang niyo. Sabay-sabay kaming pumasok apat sa iisang highschool at college. And because we all came from rich families, we decided to make our children marry each other in the future.” Mum explained.

“Pero bakit? Anong rason?” Tinanong ko. Napaka-babaw naman ng rason nila kung ganun lang.

“Para mapalago ang negosyo natin. We’ve been business partners for almost 20 years and by engaging you two, mas lalong lalakas ang companies na pagmamay-ari natin.”

“Wala naman siguro kayong complains diba?” Tanong ni tita Roxanne sa’min. “Remember, nakasalalay sa inyo ang future ng maraming tao. Pag hindi kayo nakasal, maraming tao ang mawawalan ng trabaho dahil ipapasara namin lahat ng companies.”

Napalunok ako, alam kong hindi nagbibiro si mama sa mga sinasabi niya. Mukhang seryoso nga na deal ‘to. Tumingin ako kay Kyle. Hindi maipinta yung itsura niya. Sigurado akong ayaw niya ko maging fiance, halat naman sa expression niya.

“Pumapayag ako kung makakabuti ‘to sa company.” Nanlaki ang mata ko sa gulat. Huh? Pumapayag si Kyle?!

“Bigyan niyo kami ng time para makilala ang isa’t-isa.” Nakatingin pa rin ako kay Kyle. Gusto niya ako makilala ng mas mabuti? Totoo ba ‘to?

“I know you care too much for the company, Kyle. Of course, bibigyan namin kayo ng time para makilala ang isa’t-isa. Sa ngayon, gusto lang namin na ma-improve ang relationship niyo.”

After ng paguusap namin ng parents ko at parents ni Kyle, hinatid kami ng private driver ng mama ni Kyle sa bahay namin. Dumating kami sa tapat ng apartment ko tapos bumaba kaming dalawa ng kotse.

“Huh? Nakatira ka sa apartment?” Tanong ni Kyle habang tinitingnan ang buong building. Umu-o ako in reply.

“Siya nga pala, akin na cellphone mo.” Sinabi niya. Nag-taka ako pero sumunod ako sa sinabi niya. Nilabas ko yung phone ko tapos binigay ko kay Kyle. Nag-type siya ng konti sa cellphone ko tapos binato niya pabalik sa’kin. Argh, hindi pa rin nagbabago ang lalakeng ‘to! Bastos pa rin! Buti na lang nasambot ko phone ko.

“Ano bang ginawa mo?” Tinanong ko habang nakatingin sa cellphone ko.

“Nilagay ko number ko sa phone mo, engot.” Nagulat ako sa sinabi niya. Tiningnan ko yung phone ko tapos hinanap ko name niya. Indeed, naka-lagay na nga ang number niya sa phone ko!

“Bakit naman binigay mo ‘to sa’kin, ha?” I asked him trying to hide my blush. Wag ka mag-blush Louise, para kang sira!

Tumingin siya sa’kin, hindi pa rin nag-babago facial expression niya. Cold pa rin. Then, bigla siyang nag-salita.

“Kasi ikaw na ang girlfriend ko simula ngayon.”

Chapter 4: His side

After meeting our parents, nag-decide ako na kilalanin muna siyang mabuti. Hindi ako sure sa mga nangyayari pero mabuti munang ganito ang gawin ko. Alam talaga ng mama ko kung anong weakness ko. Ayoko bumagsak ang kompanya dahil sa’kin. Hindi ko kaya, malaki rin contribution ang nabigay ko sa companies namin. Ako ang namahala sa mga stocks namin habang busy ang parents ko sa pagkakampanya sa bansa. I have the capacity to take over the company. Napamahal na sa’kin ang kompanya kaya hindi ko ‘to kayang iwanan.

Nung dumating kami sa bahay ni Louise, pareho kaming lumabas. Nakita ko na nasa apartment nakatira si Louise. Papasok na sana siya ng room ng bigla kong sinabi na kelangan ko yung phone niya. Binigay naman niya kaagad tapos nilagay ko ang cellphone number ko. Pati na rin ang phone number sa bahay namin. Nag-browse ako ng contacts ng phone niya. Wow, five numbers lang meron siya. Mama at papa niya, driver, katulong niya at ako.Gaano ba ka anti-social ang babaeng ‘to.

Pagkatapos ko ilagay ang number ko, binato ko pabalik sa kaniya yung phone niya. Napansin ko rin na medyo luma na yung unit niya. Mayaman naman siya bakit ayaw niyang bumili ng bago?

“Ano bang ginawa mo?” Tinanong niya ko habang nakatingin siya cellphone niya

“Nilagay ko number ko sa phone mo, engot.” Sinabi ko sa kaniya. Hmph, nagulat siya. So predicatable.

“Bakit naman binigay mo ‘to sa’kin, ha?” Tinanong niya ko. Teka, ba’t namumula ‘tong stupid girl na ‘to?

Tumingin ako sa kaniya.

“Kasi ikaw na ang girlfriend ko simula ngayon.”

Dumating ako sa around 8pm. Iniwan ko yung bag ko sa floor, alam ko naman na katulong na mag-aayos ng mga yon. Dumeretso ako sa kwarto ko tapos binuksan ko laptop ko. Habang iniintay ko magbukas laptop ko, nagpalit muna ako ng damit. Kinuha ko yung naka-ready na damit sa kama ko. Pumunta ako sa harap ng laptop ko tapos nag-online ako sa facebook at YM.

Teka, may facebook ba yon si Loiuse? Agad kong hinanap yung name niya sa search box.

Typing…Louise Mendoza. Searching.

11 results yung lumabas. May nakita akong picture ng isang Louise Mendoza. Ano ‘to, anime picture? Pinindot ko yung name tapos lumabas yung page niya. Eto nga ba yung FB ni Louise?

Biglang nag-ring yung phone ko na nasa tabi ko. Sinagot ko kahit unknown number, baka si Louise.

“Hello?”

“Uh…K-kyle?” Hmph, boses nga ni stupid girl.

“Bakit?”

“Sabi mo tawagan kita. Kaya kita tinawagan.”

“Uh.”

Silence.

“Hoy, ano nga pala name mo sa FB?”

“Huh? Wala akong facebook.”

What? Siya lang ‘ata ang nakilala kong walang FB.

“Niloloko mo ba ako, ha? Ano nga kasi?”

“Wala nga akong facebook tsaka wala din naman ako magiging friends doon. Kaya hindi ako gumagawa.”

“Whatever. Anong e-mail mo?”

“Uh…louise03@yahoo.com. Bakit?”

“Mag-online ka, bilisan mo.”

“Fine. Saglit lang. Magpapalit lang ako ng damit.”

“Wag ka na mag-palit, bilisan mo. Ayoko nag-iintay.” What? Demanding ako eh, bakit ba?

“Okay okay.”

Narinig kong may nag-bukas ng pinto tapos may humila ng upuan. Pagkatapos ng ilang segundo, nag-salita ulit si Louise.

“Okay, online na ako. Ano ba username mo?”

“Ibaba ko na yung phone.”

“Wait…!”

Nag-online din ako sa YM tapos tinaype ko sa ‘add contact’ yung username ni Louise.  Ini-acccept niya ako tapos pinindot ko yung name niya para mabuksan yung chat box.

Louise03: oks na ba? Bigla mo n lng pntay ung phone e.

xKyle24: ang tagal mo eh…oi, gumawa ka na ng facebook mo.

Louise03: bakit ba kasi gusto mo ako gumawa ng fb ha?

xKyle24: eh gusto ko eh, bakit ba.

Louise03: fyn, w8 lng.

I switched the tab sa facebook site. Tumingin ako sa notifications ko. Ah? 500 friend requests? Ilang araw ko lang hindi binuksan yung fb ko, ganito na kaagad karami nag-add sa’kin? Oh well, sa tingin ko marami nag-add sa’kin dahil sa profile picture ko. Hay.

Louise03: tapos na.

xKyle24: bigay mo link.

Louise03: <link> oks na ba?

Pinindot ko yung link na binigay sa’kin ni Louise. Ano ba yan, hindi man lang nag-lagay ng profile picture. Ini-add ko siya tapos pinindot ko yung tab ng chat box namin.

xKyle24: mag-lagay ka ng kahit anong picture. Acccept mo rin yung invite ko.

Louise03:  Fine.

Ni-refresh ko ulit yung page niya tapos nakita ko na may nakalagay na nga na picture. Wow, character sa isang game yung nilagay niya. Na-accept niya na rin yung invite ko. Good girl.

Louise03: ano na?

xKyle24: inaantok na ako. mamaya na ulit tayo mag-usap.

Louise03: huh?! Pinagawa mo lng ako ng fb account ko tapos aalis k n?!

xKyle24: oi, ikaw na gumawa ng assignment ko sa english at math. Tinatamad ako eh.

Louise24: >.< ayoko nga!

xKyle24: Bilisan mo na. Tulog na ako.

Pinatay ko na yung laptop ko tapos nag-lakad ako papunta sa kama ko at humiga. Hmph, kaya walang tumatagal na girlfriend sa’kin dahil sa ugali ko.

12am, biglang nag-ring yung cellphone ko. Sa sobrang inis ko, pinatay ko na lang kahit nabasa ko ng konti na si Louise ang tumatawag. Ano ba kelangan niya, sobrang late na tatawag pa siya. Nag-ring ulit yung phone ko. Argh, gaano ba kakulit ang babaeng ‘to?! Sinagot ko na yung tawag niya.

“Buwisit, ano bang oras na?!”

Narinig ko na parang umiiyak si Louise.

“Hoy, ano bang problema mo?”

“K-kyle…ninakawan ako! Pinasok ako ng magnanakaw kanina! Nawala lahat ng gamit ko! Hindi ko alam gagawin ko! Ang gulo ng bahay ko! Natatakot ako!”

Tama ba pagkakarinig ko…nanakawan si Louise. Damn! Kinuha ko agad ang jacket ko sa may upuan tapos nag-suot ako ng slippers.

“Louise! Wag na wag mong ibababa yung phone, maliwanag ba?!” Binuksan ko yung main door namin tapos tumakbo ako palabas. Badtrip! Bakit ba kasi sobrang haba ng patio way palabas ng gate namin! Tinulak ko palabas yung gate, yung phone nasa tenga ko pa rin. Hindi ko pinansin yung tawag ng mga security guards. Sige lang ako sa pag-takbo papunta sa apartment ni Louise.

Pag-liko ko ng kanto, nakita ko na yung building ni Louise. Pumasok kaagad ako sa gate tapos tumakbo ako papunta sa apartment niya.

“Ano bang room number mo?!”

“2…206…!”

206. 206. Ah! Nakita ko na! Tumakbo ako ng mabilis tapos binuksan ko kaagad yung pintuan. Nakita ko rin na sira ang lock ng pintuan.

“Louise!” Tumingin ako sa paligid, sobrang dilim ng lugar, nakita ko lang na naka-bukas ang ilaw sa mag bathroom.

“Kyle!” Tumakbo ako papunta sa kwarto tapos nakita ko si Louise na naka-upo sa floor, hawak ang cellphone niya. Napansin ko na sobrang gulo ng room niya. Mga notebooks niya nakakalat sa floor, wala na rin halos laman ang buong room kundi yung mga kabinets na lang.

“Louise!” Lumuhod ako sa harap ni Louise. Tuloy lang siya sa pag-iyak. “Okay ka lang ba, oi!”

Tumingin siya sa’kin. “Anong gagawin ko…?! Wala na yung pera at gamit ko!”

Buwisit, pati ako nag-papanic! Kainis! Ano ba dapat kong gawin?! Tumawag kaagad ako sa tatay ko para sabihin kung anong nangyari. Pagkatapos ng tawag ko sa kaniya, tiningnan ko ng mabuti si Louise. Wala na yung salamin niya, tapos naka-clip yung mahaba niyang bangs. Pulang-pula yung mata at ilong niya dahil sa kakaiyak.

Unti-unti ko siyang niyakap, binubulungan ko siya at sinasabi na ayos lang ang lahat, wag ka na matakot. Napansin ko na nag-relax siya sa yakap ko.

“Uh…pasensya na…medyo nag-over react ako…” Sinabi niya habang dahan-dahan niya inaalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.

“Ayos lang. Sabi ni papa magpapadala daw siya ng mga pulis dito kaya wag ka na mag-alala. Kaya mo bang tumayo?” Tinanong ko siya habang pinupunasan ko yung luha niya.

Tumango siya. “Pasensya na talaga ikaw ang natawagan ko Kyle…wala kasi akong alam kung sino pa ang puede kong tawagan. Wala ang parents ko dito sa bansa kaya ako lang mag-isa…wala rin naman akong kaibigan na puede kong mapuntahan kaya ikaw lang ang naisip ko…pasensya na talaga.”

Napangiti ako sa mga sinasabi niya. Teka, teka, ako ba ang huling option niya, ha? Napailing na lang ako. Pasalamat siya at mess siya ngayon, kundi, abot-abot ang sermon ko sa kaniya.

“Ano ba kasing nangyari sayo?” Tinanong ko siya habang hinahaplos ang ulo niya.

“Bumili lang kasi ako ng pagkain sa labas…ni-lock ko naman yung pintuan…pero…winasak nila…” Ano ba yan, umiiyak nanaman siya.

Aaargh, yun lang ang rason niya?! Bumili lang siya ng pagkain sa labas?! “Bakit naman kasi umalis ka pa, gabing-gabi na?! Sobrang na-ransack ang kwarto mo! Bakit hindi mo sinasara ng mabuti yung kwarto mo, ha?! Kelangan mo ba talaga mag-isa dito?! Paano kapag naabutan mo yung magnanakaw dito, ha?! Sabihin mo nga sa’kin?!” Nawala nanaman ang pasensya ko.

Napatitig siya sa’kin.

“P-patawad talaga…” Yun lang ang sinabi niya sa’kin?! Argh! Nakakainis talaga ang babaeng ‘to!

“Hmph, engot talaga!” Tumayo ako tapos tumingin ako sa kwarto niya. Wala nga talaga natira kahit isa. Nag-taka ako ng konti, bakit sobrang exaggerated ang pagkaka-nakaw naman sa kaniya. Kung ako ang magnanakaw, yung mahahalaga lang na gamit ang kukunin ko. Tumingin ako sa mga kabinets na nakabukas. Wala rin natirang mga damit. Pati gamit niya sa bathroom wala na rin. Napaisip ako…hindi kaya…?

Narinig ko na yung siren ng police car. Sumilip ako sa bintana tapos nakita kong may tatlong kotse ng pulis na naka-park sa tapat ng building.

“Naandito na ang mga pulis.” Tiningnan ko siya. Umu-o siya sa’kin tapos tumayo siya sa pag-kakaupo niya.

Pumasok ang mga pulis tapos sinalubong namin sila. Sinabi ni Louise kung anong nangyari tapos ako naman, hinahaplos ko ang likod niya para huminahon siya. Dumating rin ang secretary ng papa ko at sinabihan kami na matulog muna si Louise sa bahay namin dahil ng walang tao sa bahay nila. Hindi pumayag si Louise, hay napaka-arte talaga kahit kelan. Nag-pasya na lang ako na samahan ko na lang siya sa bahay nila dahil ng wala ang parents niya sa bansa kaya wala siyang kasama sa bahay kundi puro katulong lang. Pumayag naman ang secretary ni papa at pinahatid kami sa bahay nila Louise pagkatapos ng imbestigasyon.

Nakarating na kami sa bahay ni Louise. Wow, mansion din pala ang bahay nila. Well, hindi na ako nag-tataka dahil pareho kaming nanggaling sa mayayaman pamilya. Nang nakarating na kami sa main door, pina-uwi ko na ang private driver namin habang naka-bantay naman sa labas ang mga security guards na pina-assign ni papa na bantayan kami buong gabi.

Sa living room muna ako nag-stay dahil sa kumuha ng inumin si Louise. Nakatingin ako sa paligid at nakita na simple lang ang buong lugar. May mga naka-hang na paintings sa pader at may mga flower vases na naka-tayo sa mga side kabinets. Dumating si Louise na may dalang dalawang bote ng tropicana. Nag-sorry siya sa’kin dahil yung lang daw ang maibibigay niya sa’kin. Tumango lang ako at kinuha ang isang bote sa kamay niya. Umupo siya sa tabi ko at hindi nag-salita.

Matapos ang ilang minuto ng pag-tahimik namin, bigla siyang tumayo at sinabi sa’kin kung interesado ba daw ako mag-laro ng games. Nakatingin ako sa kaniya. Hindi pa ba siya inaantok? Pumunta siya sa bag niya tapos kinuha niya yung isang case ng game. Nag-punta kaming dalawa sa isang room kung saan may sofa, aircon, mga paintings na naka-hang sa wall at may malaking flatscreen TV na naka-sabit din sa pader. Umupo ako sa may sofa at pinanood siyang i-lagay ang disc sa loob ng game box.

Ilang oras din kami nag-laro. Sa bawat games, natatalo niya ako. Damn, gaano ba kagaling ang babaeng ‘to sa gaming? Para siyang lalake ah. Ako ‘tong lalake pero hindi ako mahilig mag-laro ng mga ganito. Napansin ko na 2 am na. Lumabas ako ng room para mag-cr at iniwan ko siya sa gaming room. After ko mag-CR, pumasok ulit ako ng kwarto at nakita ko siyang natutulog sa may sofa.

Nilapitan ko si Louise at pinagmasdan siya. Tinanggal ko yung salamin niya at hinawi ko pagilid yung bangs niya. Natigilan ako sa nakita ko. Ang ganda niya kapag wala siyang salamin at pag nakikita ang mukha niya. Umupo ako sa tabi niya, nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Hindi lang pala ako ang may itsura kapag tinatanggal ang salamin.

Nilabas ko yung cellphone ko tapos kumuha ako ng snap shot niya. Tiningnan ko yung nakuha kong photo tapos napangiti ako.

“Weird ka talaga, stupid girl.” 

Continue Reading