Kathang Isip Lamang [Complete...

Od rizzamaruja

34.6K 769 188

Note: This is not a Fantasy, it's another love story. Více

Once Upon a Time (K.I Lamang)
K.I. Lamang 1
K.I. Lamang 2
K.I. Lamang 3
K.I. Lamang 4
K.I. Lamang 5
K.I. Lamang 6
K.I. Lamang 7
K.I. Lamang 8
K.I. Lamang 9
K.I. Lamang 10
K.I. Lamang 11
K.I. Lamang 12
K.I. Lamang 13
K.I. Lamang 14
K.I. Lamang 14.2
K.I. Lamang 15
K.I. Lamang 16
K.I. Lamang 17.1
K.I. Lamang 17.2
K.I. Lamang 18
K.I. Lamang 20
K.I. Lamang 21
K.I. Lamang 21.2
K.I. Lamang 22
K.I. Lamang 23
K.I. Lamang 24
K.I. Lamang 25
K.I. Lamang 26
K.I. Lamang 27
K.I. Lamang Epilogue

K.I. Lamang 19

802 21 1
Od rizzamaruja

Ang saya ko today. :) Wala lang. Hehehehe... 

------

Carmela’s POV

 

 

Candy! Candyy!! Palabasin mo ako dito! Hooy!” pinagtatadyakan ko pa ang pintuan. Nakakainis naman oh! Bakit ba kasi ako naniwala sa Candy na yun! Ang tanga-tanga ko at sumama ako sa kanya papunta dito sa bodega na ito. Ayan tuloy! Nakulong ako… sa madilim na lugar na ito… sa masikip na lugar…

Teka.. masikip – Ayoko sa lugar na masisikip. Pero, wala akong magagawa. Ayokong ubusuin ang boses ko sa kakasigaw ko kasi alam ko namang walang makakarinig sa akon dito. Hihintayin ko na lang na may mapadaan at dun na lang ako mag-iingay.

Napaupo na lang ako at niyakap ang tuhod ko. Yung mga sinabi ni Candy…Totoo kaya? Toto kayang pinagti-trip-an lang ako nila PJ at ng mga kaibigan niya o sinabi niya lang yun para layuan ko si PJ?

Haaay..” hindi ko maiwasang hindi maniwala sa mga sinabi ni Candy. Lalo na’t .. Oo nga, sa itsura kong ito? Simple, at hindi maganda? Magugustuhan ni PJ?

Okay. Let’s face it na nga ---THE REALITY. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga lalaking tumitingin sa “beholder’s eye”. Sa panahon ngayon, kung panget ka (e.g. mataba, pandak, patpatin, sobrang itim, sobrang tangkad, pango – PANGET!)  eh hindi ka mapapansi. Mapapansin ka nga pero sa paraan naman na HINDI MO GUSTO.

BITTER. Hindi ako bitter ha. Kaya ko lang naman nasasabi yung mga yan eh. Nasasabi ko ito dahil sa nakikita ko ang paligid ko. Totoo naman di ba?

Kay magpakatotoo na tayo…

Hindi na din uso ang isang tao na kapag tinanong mo ng – ‘ano ang ideal girl/boy mo?’ – ay sasagot ng – ‘gusto ko yung mabait, magalang, simple, matalino, kahit yung hindi maganda/guwapo.’ – karamihan  nga eh kapag tinanong mo eh, ang unang isasagot – ‘Siyempre, yung maganda/guwapo!’ – oh hindi ba? Maski ikaw iyan ang una mong isasagot eh. =__=

Kung nag e-exist man ang isang tao na sasabihin eh yung nauna kong sinabi … Malamang K.I. na lang yan...

Ay teka, teka nga.. bakit nga ba ako mag e-explain? Dapat pala yung pino-problema ko eh ung paano ako makakalabas dito. Nakakayamot naman kasi. Ang engot-engot ko talaga. Battery empty pa cellphone ko. Tsk

Nagising ako.. kailangan ko na talagang makalabas dito. Anong oras na kaya?

Tumingin ako sa watch ko. 4:30 na pala… ng ano? Umaga ba o hapon? Hindi ko alam.

Pero.. nahihilo talaga ako. Kailangan ko na talagang.. makalabas dito. Isa pa, hindi ako masiyadong.. makahinga…

Wala kasing bintana itong bodega. Meron isa nga lang.. nakasarado pa siya.

Nakita ko ang bag ko na nasa may bandang gitna. Dun kasi ako napatalsik kanina nung tinulak ako ni Candy papasok dito sa loob. Buti na lang dala ko ang bag ko.

Halos gumapang na ako makuha ko lang yung bag. Nanghihina kasi ako eh. Kinapa ko ang zipper at binuksan ito. Saka ko kinuha yung…

Nasaan na?”

Takte.. feeling ko mauubusan ako ng hininga dito. Bakit ba kasi ako napunta dito?? Haaay, wala yung medicine kit ko. Ang tanga. Naiwan ko pa sa kamamadali ko kanina papunta sa school kasi baka abutan ako ni PJ. Hay nako.. kasalanan na naman niya.

Napasandal na lang ako sa may gilid ng pintuan … bakit ba walang dumadating?

Napaubob na lang ang mukha ko sa may tuhod ko habang yakap-yakap ito.

Xerra…

Ate Camille…

Hunter…

PJ

Tulungan niyo naman ako…

PJ’s POV

 

 

Uwian na, pero bakit wala pa din si Carmela? Takte naman yung  babaeng yun, bakit hindi man lang nagsasabi kung san pupunta? Tinawagan ko na din yung cellphone niya pero cannot be reach talaga. Nasaan na kaya yun?

Pre, hindi ka mapakali jan?” tanong ni Paul. Napatingin naman ako kay Hunter na parang relax na realx lang. Hindi niya siguro alam na hindi pumasok si Carmela. Ayoko naman din siyang tanungin.

Hindi kasi pumasok si Carmela eh. Pero maaga naman siyang umalis sa bahay nila kanina. Mas nauna pa nga daw sa akin eh.

Pre,” biglang sulpot ni Larz na hingal na hingal. Akala mo nakipagkarera eh. “Si Carmela..”

Anong meron kay Carmela?” – ako.

Narinig ko na nag-uusap sa may canteen sina Candy, sabi nila nasa bdega daw si Carmela. Kinulog daw nila dun..

Ano?!” napatayo ako nang hindi oras sa mga narinig ko.

At ang sabi pa, kanina pa daw umaga----

Hindi ko na pinatapos si Larz sa pagsasalita at tumakbo na ako papunta sa may bodega para tignan kung nandun nga si Carmela. Kanina pa siyang umaga dun? Takte… baka na suffocate na yun dun!

Ang sama talaga nitong si Candy.

At kapag may nangyari lang na masama kay Carmela…

Humanda talaga siya sa akin.

3rd PERSON’S POV (Narrator)

 

 

Tumakbo agad si PJ papunta sa may bodega para ilabas si Carmela dun na ngayon eh iyak na ng iyak at nahihirapan ng huminga.

Carmela!” Sigaw niya nang makarating agad siya sa may bodega. Sarado ang pintuan nito at naka pad lock pa. “carmela?? Nandiyan k aba sa loob?” sinipa-sipa pa nya ang pintuan.

P-PJ?... sabi ni Carmela sa isip niya. Tulungan mo ko..

 

Carmela nanjan ka ba?” sinisipa pa din ni PJ ang pintuan ng bodega.

PJ…” mahinang sabi ni Carmela.

Carmela.. sandali lang, ilalabas kita jan.

Sinipa-sipa pa ni PJ ang pintuan ng bodega. Dahil na din sa mejo may katandaan at marupok na ito, eh agad naman itong nasira.

Agad-agad pumasok si PJ sa bodega at nakita niya si Carmela samay tabi ng pintuan na nakaupo at nakayuko. Nilapitan niya at lumuhod siya sa harapan ni Carmela.

Carmela Okay ka lang?” iniangat ni PJ ang ulo ni Carmela at nakita niya ang mga luha nito sa mata. “Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?

Hindi sumasagot si Carmela at patuloy pa din ito sa pag-iyak.

Carmela..” hinawi ni PJ ang buhok na nakaharang sa mukha ni Carmela at hinawakan niya ang pisngi nito. “Huwag ka nang umiyak Carmela.. Nandito na ako. Shhh.. tahan na.”

Imbis na tumahan si Carmela ay lalo pa itong umiyak.

Tahan na Carmela.. nandito na ako. Sorry.. Sorry hindi ko alam..” hinalikan pa nito ang noo ni Carmela. “Shhh Carmela, tahan na..” saka niya ito niyakap.

PJ..” sambit ni Carmela sa bawat pag-iyak niya.

Sorry.. kasalanan ko. Please stop crying.. tahan na please..” hinahaplos-haplos pa nito ang buhok ni Carmela. at si Carmela naman ay humagulgol na sa pag-iyak.

Pagkatapos nun, dinala agad ni PJ si Carmela sa clinic.

Okay ka na ba?” tanong niya dito habang nakaupo sa kama na pinaghihigaan ni Carmela.

Tumango naman siya. “Okay na ako. Pasensiya ka na sa abala.” Saka naman siya umiwas ng tingin kay PJ.

Hindi. Ako dapat ang mag sorry. ALam kong kung hindi dahil na naman sa akin eh  hindi ka makukulong dun.

Thank you ha.” Sabi ni Carmela. “Akala ko mamatay na ako dun.”

Sorry talaga. Hindi man lang kita naprotektahan kina Candy. Ikaw kasi eh, sabi ko naman sa iyo sususnduin kita. Ayan tuloy, ilang oras kang nakulong dun.” Tumungo si PJ. “Sorry talaga.. Hayaan mo, sa susunod, ipagtatanggol na kita.” Saka niya hinawakan ang kamay ni Carmela.

Nanlaki naman ang mga mata ni Carmela sa narinig. Nagulat siya sa sinabi ni PJ. At ngayon, hawak hawak pa nito ang kamay niya.

 Bakit siya ganun? Bakit parang gusto kong maniwala sa kanya? Bakit parang totoo yung sinasabi niya? Sinabi lang ba talaga ni Candy yun sa akin para layuan ko si PJ?  Tanong niya sa kanyang sarili.

Ah PJ,” nag-aalinlangan siya kung itatanong niya ba kay PJ oh hindi kung totoo yung sinabi sa kanya ni Candy.

Ano yon?

Ngunit ngumiti lang siya at hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang itanong. Meron sa loob niya na nagsasabing wag na lang niyang alamin ang katotohanan. Basta ang alam niya at ang mahalaga…

..masaya siya sa nararamdaman niya ngayon.

Ano ang nangyari?! Bakit namumutla ka Carmela?!” bulalas ng ate Camille nya.

Carmela? Ayos ka lang ba?” sabi naman ni Hunter. “San ka nagpunta? Hindi ka daw pumasok?

Carmela!” sigaw ni Xerra.

Lahat sila eh sumalubong kina Carmela sa may gate.

Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Carmela.

Pinuntahan ka kasi ni Hunter sa room kanina  bago mag-uwia at hinahanap ka pero sabi ko wala ka pa at hindi ka pumasok tapos tinawagan naman ako ni PJ na nasa clinic ka daw kaya sabi ko pupuntahan kita pero say naman ni PJ na wag na lang daw kasi pauwi na daw kayo kaya ang ginawa ko, hinanap ko si Hunter kahit na hindi ko sure kung nasaan siya kasi ngayon lang kami nagkita pero hindi ko siya nahanap kaya naman hiningi ko yung number niya sa classmate niya at tinext ko siya na magpunta kami dito kasi nga nag –alala kami sa iyo.” Tuloy-tuloy na sabi ni Xerra.

Napangiti naman bigla si Carmela. “Ano ka ba Xerra, Okay lang ako. Okay na okay lang talaga ako. Kilala mo naman ako eh..

Ano ba kasi ang nangyari Carms?” bigla naman lumapit si Hunter ka Carmela at hinawakan ito sa magkabilag pisngi. Hinawi pa niya ang buhok ng dalaga.

Ehem…” sabi naman ni PJ.

Napapangiti ng hindi oras si Xerra.  Ang haba naman ng buhok ni Carmela oh! Sabi niya sa kanyang isipan.

Pwede bang papasukin natin muna siya sa loob? Nanghihina pa din siya oh!” sabi naman ni PJ.

O siya siya pasok muna kayo..” sabi ni Camille at pumasok na nga sila sa loob. Naikuwento naman ni Carmela ang lahat-lahat --- pwera na lang dun sa mga sinabi ni Candy about kay PJ.

Eh, kasalanan naman pala ng PJ nay an eh.” Mahinang sabi ni Hunter pero narinig pa din ito ng lahat.

I already said sorry , okay?!” medyo mataas ang boses ni PJ.

Kung hindi siguro dahil---

Hey! Will you please stop?!” sigaw ni Xerra. “Ano ba naman kayo, may balak pa yata kayong mag-away?! At sa harap pa ni Carmela? Oo bang haba na ng buhok niya pero ano ba naman.. wag naman dito.” Humalukipkip pa siya.

Walang may kasalanan, okay?” sabi ni Carmela. “Kung meron man, ako yun. Nagpaloko kasi ako kay Candy. Pero don’t worry.Okay na okay lang ako. Ako pa?” nakangiti niyang sinabi.

Hindi kasi niya inakala na may mga taong nag-aalala talaga sa kanya.

Masaya siyang magkaroon ng pamilya at kaibigan katulad ng ate Camille niya, ni Carren, ni Xerra, ni Hunter ….. at si PJ na..

Unti-unti ng nagiging mahalaga para sa kanya.

------

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
774K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
157K 3.8K 54
What will you do if you end up in someone else body?
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...