Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 1

49.5K 1.2K 612
By peachxvision


Minsan, gusto ko na lang mawala.

Haha, siyempre ang ganda ng opening statement ko, pero di ko maiwasan eh. Bukod sa paborito ko ang tortang talong, wala akong defining characteristic. Di kalahi ng mga Sy, di bathaluman, di kalahi ni Einstein, at di ako yung tipo ng tao na kulang na lang awardan ng pakpak, at the same time, di rin ako yung tipong mapapa hire ka na ng gunman para patayin.

Lahat ng kabanata sa nobela ko, ang nakasulat ay:

Isang araw, gumising ako, kumain ng breakfast, nagtoothbrush, naligo, nagbihis at pumuntang school. Tapos nag-aral kami, tapos naglunch ako. Pagdating ko sa bahay, ginawa ko yung mga assignment ko, kumain ng dinner, nagtoothbrush, naligo, nagbihis at natulog. The next day, inulit ko lang yung ginawa ko.

Kapag paulit-ulit yung ginagawa mo, nakakasuya na nakakasawa, tipong hihilingin mo na sana kumidlat at VOILA! Isa ka ng superhero na may magical powers tapos pag-aagawan ka ng pitong lalaki at ikaw pala ay isang nawawalang anak ni lola na may tinatagong yaman, and all of a sudden nakaimbento ka na ng gamit na magliligtas sa sangkatauhan.

Tapos in the end, mamamatay ka dahil niligtas mo ang buong mundo. Perfect ka eh. At sabi nila, nobody is perfect, kaya you deserve to die.

In short, kung mawala ako, okay lang.

Ready na ako sa "RIP, Tasha" na status sa lahat social networking sites ko.

Ang argument ng lahat ng kaibigan ko sa 'kin, "Lahat naman tayo mamamatay. We are all dust in this universe."

Sagot ko, "Ako yung isa sa mga particle na bumubuo sa particle na bumubuo sa dust na yon. Hindi ako significant."

Ang aga pa masyado para sa quarter-life crisis, at 16 pa lang ako. Pero kung makapagisip ako, akala mo naman, 27 na.

Minsan, naiinis ako sa sarili kong ganito.

Iniisip ko to sa huling taon ko bilang isang high school student. Yep, kami yung minalas na batch na hindi inabutan ng Senior High. Bakit ko sinabing malas? Eh college na yung susunod—at hindi ko pa talaga alam kung anong gusto ko sa buhay.

Dati, pinilit ko pa naman nanay ko na pumasok sa insert-school-here-dahil-ayoko-banggitin-baka-mastalk-ako school. Doon kasi pumasok si ate tapos ang saya lang niya. Block yung sectioning, kaya pare-parehas yung kasama mo so forever friends kayo.

Naniwala naman ako. Eh di ano ako ngayon?

Nganga.

Siyempre, ang mga nag click kaagad yung mga pare-pareho ang hilig. Kulang na lang, magtayo ng club bawat isa sa batch base sa kung anong defining characteristic mo.

Saan ba lulugar yung normal lang? O yung mga taong mahilig sa tortang talong?

Kaya, wala akong "grupo" talaga. Minsan advantage, lalo na kung nagbabackstabban na silang lahat at ako, in peace. Minsan din disadvantage. Tulad last year, noong field trip, mag-isa lang ako. Bawat activity, palipat-lipat lang ako ng grupo.

Kaya bago sa kin na may nangyayaring kakaiba ngayong araw na to—ang ikalawang araw ng klase. Which is . . .

NAWAWALA YUNG WALLET KO.

"Ilabas mo na kasi wallet ko!" pasigaw kong sinabi doon sa ka-service ko habang nilalabas ko na lahat ng abubot sa loob ng bag ko. "Tae naman, nasaan na ba kasi yon?!"

"Wala nga sa kin!" sabi ni Tanya habang nag-aayos ng buhok. "Baka nahulog mo noong papalabas ka ng service?"

"Tae naman. Anong lunch ko mamaya?!"

"Papautangin kita!"

"Eh andon nga yung 1 by 1 ko diba?!"

"Ano bang mas concern mo, yung pera mo, o yung 1 by 1 mo?"

"Both! Anong ipapasa ko mamaya kay Sir George?!" Hawak ko yung index card na wala pang 1 by 1. Kainis kasi, bakit kailangan pa ng picture don?! Tapos minus five pa kapag wala!

"Eh di sabihin mo nawala wallet mo at andon nakalagay 1 by 1 mo."

Nagdadabog ako papalabas ng room para i-trace kung saan nahulog yong wallet ko. Pumunta na ako sa gurad namin, wala daw. Eh di nag ring na yung bell kaya dumiretso na agad ako sa room.

Pagdiretso ko sa room, saka ko na-realize na may bagong mukha sa classroom.

Si Theo.

Actually, Kuya Theo talaga siya. Pero dahil naaksidente siya last year at pinayagan ng school na umulit ng isang buong taon, ito, kaklase na namin siya. Siyempre, alien siya sa room dahil lahat, nakapag-settle na sa kani-kanilang grupo Grade 7 pa lang.

Head turner yung buong pangalan niya. Bukod sa pinagsamang Orpheus at Romeo na alam nating mga heartthrob ng literature, may "The" yung pangalan niya.

Kasama sa baptismal certificate yung The. Ang biro niya noong intro pa nga niya ay:

"Lasing po kasi magulang ko nung pinangalanan ako."

Bukod pa don, TORTA kasi yung initials niya. The Orpheus Romeo T. Agustino.

Sa harap ko siya nakaupo.

Noong una, hindi ko talaga siya pinapansin. Noong break, hinahanap ko pa rin yung wallet ko. Halos maiyak na ako dahil yung susunod na subject, Math na—yung subject ni Sir George.

"Uh . . . excuse me?"

Tumingin ako sa kanya. Kay Kuya Theo, I mean.

"Sa'yo ata to."

LO AND BEHOLD! Hawak niya yung wallet ko!

Inagaw ko sa kanya yung wallet ko, at napayakap sa wallet ko na akala mo naman teddy bear yung binigay sa kin.

"Saan mo nakita?! Paano mo nalamang—"

"Nakita ko lang sa labas kanina. Buti kamukha mo pa rin grad pic mo."

"Thank you!"

Umalis na siya sa harap ko. At ako naman, dali-dali kong hinalungkat yung loob ng wallet ko para sa 1 by 1 picture na ilalagay sa index card.

Holy—

"Uy!"

Tumakbo ako papunta sa kanya. Papunta na ata siyang canteen.

"Wala ka bang nakitang 1 by 1 dito?"

"Anong 1 by 1?"

"1 by 1! Picture!"

"Hindi ko ginalaw yan."

Doon ko narealize na nakakahiya yung ginawa ko. So anong gusto kong palabasin, na nagnakaw siya ng 1 by 1 picture ko? Well actually, hindi ganon ang gusto kong palabasin. Sadyang bugso lang ng damdamin at gumagawa na ako ng desperate moves.

"Sorry po. Kasi . . . kasi nawawala. Eh kailangan yon mamaya para sa math subject."

"Ha? Bakit?"

"Required eh. Index card tapos 1 by 1 . . . Shemay, anong gagawin ko?"

"Sabihin mo na lang kay sir na nawawala yung wallet mo at wala dyan yung 1 by 1."

"Eh nakita ko na . . . Tapos wala pa ring 1 by 1."

"Gupitin mo na lang yung elementary grad pic mo. Kamukha mo pa rin naman."

Nalungkot ako dahil iyon na lang yung kopya ko ng elem grad pic ko na wallet-sized. Pero tama siya, mukhang wala na akong magagawa.

Ginugupit ko yung mukha ko sa elem grad pic ko sabay glue sa index card. At least meron. Pero pilit kong inalala yung kahapon. Baka nga nakaligtaan kong maglagay ng 1 by 1 sa wallet ko. O baka naman nahulog habang nilalagay ko.

Bwisit, hahanapin ko na lang sa kwarto ko mamaya. Pag wala, nahulog nga.

So sa dulo, pagdating ng math, may naisubmit ako kay Sir George.

Pinasa ko sa harap yung index card ko. Pass in front daw eh. Ang nakakainis lang, pagkaabot ko kay Kuya Theo, ngumiti siya.

"Oo na," bulong ko. "Wala na akong choice."

"De, okay nga eh. Sabi ko naman diba, kamukha mo pa rin naman?"

Yung totoo, napangiti ako doon.

Dumaan ang buong araw. Iyon yung first interaction ko kay Kuya Theo. Tahimik siyang natural, siguro dahil wala pa nga siyang kilala sa classroom.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay, hinalikan ko yung nanay ko na saktong nagluluto ng Tinola.

"O, musta araw?"

"Okay naman po. Kakaiba."

Kakaiba.

Kakaiba dahil hindi na lang ako basta uuwi para manood o magcomputer o gumawa ng assignment. Uuwi ako na may kailangang hanapin.

Nga lang, hindi ko na nakita.

Siguro naitapon ko, o baka nga nadulas yung kamay ko at naiwalis na ng nanay ko kanina. Oh well.

Tapos naalala ko yung "sabi ko naman diba, kamukha mo pa rin naman."

Di ko alam kung bat ako napangiti ulit.

Siguro, okay lang na nawala yung wallet ko noong una. At okay lang din na hindi ko na nakita yung 1 by 1 ko.


May iba naman akong natagpuan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.6K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
67.8K 1.9K 8
Minsan sa buhay, makakahanap ka ng pag-ibig. Hahawakan mo, aalagaan mo, itatago mo hanggang kaya mo. Pag naubos, wala ka nang magagawa kundi magparay...
4.3K 424 102
"I will court you even if I'm a girl."
27M 448K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...