The Devil Who Danced At Midni...

By theladyinletters

353K 16.7K 5.7K

Watch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choice... More

monologue
antipholus
bassianus
cleopatra
desdemona
egeon
friar laurence
gertrude
hamlet
iras
juliet
katharine
laertes
macbeth
nicholas
octavius
pericles
quintus
valeria
willoughby
xavier
yorick
z
prologue
t a d h a n a
t i m p i
d a l i s a y
g u n i t a
k a l i n a w
t i n a t a n g i
m u n i - m u n i
p a g s a m o
h u m a l i n g
m a r a h u y o
s a p a n t a h a
a l p a s
h a b i l i n
p a h i m a k a s
the lady in letters
p a r a l u m a n
R-S-T-U
romeo
silvius
thisbe
//psa
ulysses
TDWDAM Self Publishing
TDWDAM Self Publishing II
TDWDAM Self-Publishing Final Form
Landing on the Moon
Getting 11 Glances from Earth
final wave

k a u l a y a w

5.8K 363 265
By theladyinletters


To those who prayed and helped
me for my internship - thank you!
You can always tweet me at ladyinletters_
and no need to follow! :)

xxx

kaulayaw

(n.) a pleasant and intimate companion

- Laureta, Isabelle

xxx

Mama, bakit ngayon ka lang umuwi?

May ginawa pa sa school si Mama, eh.

Mama, bakit 'di kayo nag-uusap ni Tito Kiel?

Pagod si Tito Kiel, eh. 'Wag na natin syang guluhin, baby, ha?

Mama, ayaw ko na nag-aaway kayo ni Tito Kiel.

Hindi naman kami nag-aaway.

Talaga?

Oo. Bukas, bati na si Mama at si Tito Kiel. 

Pinatulog ko na si Caius at sinubukang kausapin si Kiel sa kusina, ngunit hindi ako nito pinansin. Dumiretso ito sa sala, sa taas, sa kwartong tinutulugan nya, at maging si Pe ay natatawa na rin sa kalikutan naming dalawa, hanggang sa inambahan ko na sya at parehas kaming napaupo sa sofa. Niyakap ko na sya ng mahigpit at dinantayan pa ng hita ko (kunwari'y malakas) ang mga hita nya para hindi makawala. Sorry na. Usal ko. Sorry na hindi ako nagsabi.

Bumuntong-hininga ito. Alam na alam mo talagang hindi kita matitiis, ano? Tinanggal na nya ang mga braso at hita ko ngunit hindi sya umalis sa tabi ko. Gamit ang dalawang kamay, hinawakan at hinaplos nyang may lambing ang mga pisngi ko. Maine. Tinitigan nya akong mabuti. Stop hurting yourself.

Maging si Pe ay nakaramdam ng mabigat na kung ano sa hangin at umalis.

Hindi rin doon natulog si Ezekiel noong gabing iyon.

Hindi ako makatulog, at kung hindi lamang umingit si Caius ay hindi ko mamamalayang alas-tres na pala ng madaling araw at mahigit apat na oras akong nakatitig sa kisame. Wala naman akong iniisip. Wala akong mga tanong na hindi masagot.

Inaaalala ko lang ang mga nangyari ngayong araw.

Ang mga halik ng mundo.

Ang nagtitiwalang mukha ni Mia noong nakita nya ako. Maine! Daglian syang lumapit. Bakit nandito ka? At nag-aalala pa noong ipinaliwanag sa kanya ang nangyari. Doon pa nga ako pinaghahapunan at sinabi ko lang na may nag-iintay sa akin sa bahay kaya hindi maaari.

Ang mga matalim na titig ng mundo noong sinabi kong may nag-iintay sa akin.

Ang paliwanag ko kay Mia na tumatanda na si Pe kaya kailangan kong samahan.

Ang mga nag-aalalang titig ng mundo noong kinlaro ko kung sinong nag-iintay.

Ang mukha ni Ezekiel na kahit wala akong sinasabi ay alam.

Ang mga halik ng mundo ulit.

At lahat-lahat na.

Hindi, hindi ako napupuyat dahil sa kung anong tanong na hindi ko masagot o ang mga sagot na nag-iintay ng katanungan. Napuyat ako sa pag-iisip ng iba't-ibang mukha, reaksyon, at kung bakit nga ba puro ganoon ang natatanggap at naalala ko. Siguro'y tama ang pamilya ko noong aksidente nilang nabanggit na wala naman akong naiaambag sa lipunan. Minsan, iniisip kong mali sila, pero kadalasan, alam kong hindi nila iyon aksidenteng sinabi.

Dahil kung hindi nga sinasadya, baka... kasama ko sila ngayon.

Sabado. Wala si Pe. Wala si Ezekiel, isinama si Caius. Himalang sarado ang pinagtatrabahuhan ko at sinabihan akong huwag na munang pumasok. Ako lang ang nasa bahay, at sa kamalas-malasan pa, ang araw na sana'y akin lang ay hindi natuloy. Nagulo. Nagulo ng isang mensahe sa selepono.

Come over. May importante kang dapat asikasuhin.

Napabuntong-hininga ako at sinubukang huwag pansinin ang nasabing mensahe. Sabado, pagdadahilan ko. Sabado, wala dapat ako sa eskwelahan. Sabado, walang dahilan para magkita kami. Sabado, walang kahit ano mang maaaring ipagawa ang guro sa estudyante.

Sabado, ngunit sya pa rin ang mundo at ako pa rin ang buwan.

Ten minutes. You know where, Kat.

Napatigil ako sandali noong ginamit nya uli ang pangalang iyon. Natawa rin ako sa sarili ko noong maalala kong hindi naman sya nagpakilala, ngunit alam kong siya pa rin ang nagpadala. Parang dati. Gaya ng dati. Parang noon. Gaya noon. Paulit-ulit. Kasaysayan.

Naulit.

Dumating ako, tatlumpung minuto ang nakalipas. Nakakagulat na nandoon pa rin sya, nakaupo, suot ang isang asul na polo. Naupo ako sa harapan nya, dahil kahit pumayag ako sa pagkikitang ito, kailangan nyang malaman na hindi ako masaya. Na hindi ito dapat maulit.

Na dapat tumigil na.

Strawberry frappe and blueberry cheesecake. Pag-uulit nito sa mga pagkaing nasa harapan. Did I order it wrong?

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin ginalaw ang pagkaing nasa harap kahit gustung-gusto ko. Pinilit kong gawing isang diretsong linya ang aking mga labi, tanda ng kawalang-interes sa magiging usapan, sa bawat salitang sasabihan nya, at sa kanya mismo.

Hinawakan nya ang kanan ko gamit ang kaliwa nyang kamay. Marahan nya iyong hinaplos na para bang hindi naging hadlang ang limang taon kong pagkawala at ang pagtalon ng eksplanasyon sa bangin kung bakit ay hindi nangyari; na para bang walang natira kundi ang pagmamahal na naudlot at ang pag-iibigang biglaang natuldukan.

Sumimangot ako. Nasaan na 'yung importanteng bagay na kailangan kong asikasuhin? Kinailangan kong ipahalata na naiinis ako. Na wala akong panahon para sa mga ganito. Na -

Ako.

Ako, hindi ba ako importante para sa 'yo? Hindi ba tayo importante para sa'yo para asikasuhin mo?

- na hindi ko sya kayang tingnan kapag ganito.

Kapag tinititigan nya ako gaya ng dati na para bang sukdulan ang pangangailangan ng mundo sa buwan at mauupos ang natitirang hininga kapag nawala.

Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ang nasabing kamay sa kandungan ko. Kabaligtaran ng kaalaman ng nakararami, walang akong naramdaman kuryente. Wala ring kakaiba. Basta... pamilyar.

Pamilyar lang.

Napakurap ako ng ilang beses. Sinubukan huwag maiyak, sinubukang maging matatag. Sinubukang huwag isipin ang nakaraan.

Importante. Sagot kong hindi tumitingin sa kanya. Pero akala ko kasi - 

Forget it. Putol nya. Mag-aaway lang tayo. Hindi ka naman sasagot kapag tinanong ka kung bakit. Iiwasan mo na naman ang sitwasyon. You'll always run, Mendoza.

Anong magagawa ko? Iyon lang ang kakayanan ko.

I won't ask why, but at least answer my questions.

Hindi ako umoo, pero parang ganoon din ang resulta. How are you?

Ayos naman.

Where are you staying right now?

Kasama ko si Pe.

Bakit ka nag-aral ulit?

Sayang kung hindi ko itutuloy.

Bakit ngayon pa?

I thought you said I won't answer any why questions.

It wasn't about the past.

Walang lusot. Gusto ko lang makakuha ng diploma. I'm not getting any younger.

Do you have a boyfriend right now?

Muntik na akong masamid. Saan galing 'yun?

It's not a why question, Mendoza. Answer. Mariin nitong sabi.

Wala pa ring lusot. Wala akong boyfriend.

How come you don't have one?

You're tricking me.

I'm not.

That's another way to ask why.

It's not.

Ang kulit.

Wala akong panahon.

Is that why you broke up with me?

I never broke up with you.

Ganun na rin 'yun. Iniwan bigla, walang explanations, translation? I don't want you anymore.

Hindi... sa ganu'n.

But it looks like that to me.

Hindi nga.

Then what?

Stop tricking me.

Kalmado itong uminom ng kape at dahan-dahan ulit itong inilapag sa lamesa. I said what, not why, Mendoza.

Nanatili akong tahimik.

Okay, then. Sumuko rin sa wakas. Finish your food and come with me.

Napasimangot ulit ako. Saan tayo pupunta? Uuwi na ako.

You're leaving me again?

Parang may kumirot sa puso ko noong sinabi nya iyon.

Kung wala kang sasabihin at kung wala rin naman akong importanteng gagawin dito, magkita na lang tayo sa Lunes sa school.

You already said I am important. We are important. Bumalik sa pagmamakaawa ang tono nito. Asikasuhin mo ako.

Bakit mo ba kasi ako pinatawag?

I don't have anything to do today.

There's Mia.

Mia's not here.

Kaya mo ako pinapunta? Dahil wala sya?

You sound like a jealous girlfriend.

Nagtatanong lang ako.

Eat.

Nagagalit ka kapag hindi ako sumasagot tapos ikaw itong tumatakas sa simpleng tanong.

Let's not talk about someone who's not here, Mendoza. You know I hated that.

Hindi ko alam.

I said eat.

Ayoko. Hindi naman ako nagugutom. Uuwi na lang ako -

Eat or I'll feed you myself.

Ano ba?!

I told you, Mendoza. You are not allowed to say no to me.

Nagsimula akong kumain, at tinitigan nya lang ako. Huwag mo nga akong titigan.

Hindi pa rin ito nag-iwas ng tingin. Ibinaba ko tuloy ang tinidor. Don't you know how awkward it is kapag may nakatitig sa 'yo habang kumakain ka? Ginawa ko na 'yung gusto mo. Ano pa -

I'm just... happy.

Ano?

I can't believe my eyes. Ngumiti ito. Totoo. Tagos. You're here in front of me. You came because I told you to. You ate because I told you to.

Napabuntong-hininga ako. Para na nga akong robot sa ginagawa mo.

Then why are you still doing that?

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam.

There you are again with your safe answers.

Hindi ko alam. Napatungo ako. Baka gusto kong pagbayaran ang ginawa ko, dahil hindi tama 'yung ginawa ko. Baka dahil hindi ako makatarungan. Baka hindi pa sapat ang paghihirap ko dahil hindi naman nya alam. Baka hindi pa sapat ang siyam na buwan at sampung oras na paglawit ng paa sa kamatayan. Baka ito lang talaga ang sagot. Baka ito lang ang makakapagpagaan sa dinadala ko. Baka hindi pa sapat ang ilang oras na walang tulog dahil paulit-ulit ang pangalan niya at ang mga bagay na dapat ay nangyari na kung hindi ako naduwag.

Bumalik na ako sa kinakain ko. Hindi ko talaga kayang sabihin.

Iminuwestra nyang sundan ko sya sa labas pagkatapos kong kumain. Maigi sana kung makakatakbo ako ngunit iisa lang ang pintuan dito. At tsaka, takbo? Para namang teleserye. Inarte, Mendoza. Inarte.

Hindi ko na inubos ang inumin at lumabas na rin. Lumapit ako sa kanya, ngunit nag-iwan pa rin ako ng agwat. Iyon bang tipong aakalain ng tao ay hindi kami magkakilala. Parang tanga, Mendoza. Parang tanga.

Noong nakita ko ang ginagawa nya, na-alarma ako. T-teka. Bakit mo tinatanggal ang singsing mo?!

Because I'm going to hold your hand. Tumingin ito sa mga mata ko na para bang nagkamot lang sya sa singit at nagtanggal ng libag. Iyon bang parang hindi importante at kawalan ang natanggal, ganoon. Inilagay nya ang singsing sa mga kamay ko at sinabing itago ko sa bulsa ko. It will hurt the both of us if we held hands. Aniya.

Natigil lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na ibinubulsa ang singsing. Hangga't maari, ayaw kong hawakan ng matagal. Malamig pa rin sa pakiramdam. Hindi dahil bakal, hindi dahil metal. Malamig, dahil hindi pamilyar. Malamig, ngunit iyong tipo ng malamig na hindi nakakaginhawa. Nakakaasiwa. Hindi ako komportable. Kung maari'y bitawan ko na hangga't maaga pa.

At gusto ko ring sabihin na hindi lang literal ang ibig sabihin nyang sakit.

Keep the ring. Utos nya. Ulit. Isauli mo kapag nagsawa ka na sa mukha ko ngayong araw.

Hinawakan na nya ang kamay ko, at iba na ang pakiramdam.

Mainit. Pamilyar pa rin, ngunit may kakaiba. Hindi lumilipad ang mga paru-paro sa tiyan ko bagkus ay gumagapang ang mga uod, linta - maalin pa. Pamilyar pa rin, ngunit kakaiba na para bang ayaw kong hawak-kamay lang. Pamilyar pa rin, ngunit gusto nang yumukod ng puso kong pariwara at ligalig sa daang nilalakaran niya. Pamilyar pa rin, ngunit parang gusto ko nang itapon ang aking sarili sa mga bisig nya dahil paulit-ulit sa pagtawag ang aking puso.

Pakiramdam ko'y lumundag ang puso ko palabas ng aking dibdib at unti-unting naglakad pabalik sa kanya.

Ayaw ko mang aminin...

...masaya ako.

Walang pagsidlan ang tahimik kong kaligayahan sa puso ko. Umaapaw, ngunit walang nasasayang. Mabuti na lamang at nakatalikod sya sa akin dahil hindi ko maialis ang tingin ko sa likod nya. Likod. Kamay. Likod na malapad at magkahawak na kamay. Pabalik-balik lang ang mga tingin ko, at wala akong maisip kundi... ang kasiyahan ko.

We'd go to the arcade.

Arcade? 'Di ba ayaw mo sa maingay?

I was told it was fun.

Sumunod na lang ako, at inuna nyang puntahan iyong bilihan ng token. Nagbigay ng isang libo. Halos himatayin ako sa dami ng binili nya (paano mo mauubos ang isang daang token jusko) at malamang sa malamang, ako ang paghahawakin nito habang naglalaro siya.

Ngunit pinaboran na naman ni Mareng Tadhana si Hudas, (maniwala kayo nagtatanong na rin ako kung kumare ko nga ba sya) at mali ang hula ko. Ipinatong nya katabi ng unang larong nilapitan nya ang pagkarami-raming token.

Akin na. Sabi ko. Ako na ang maghahawak.

Umiling ito. Hindi mo kayang dalhin 'to.

Kaya 'yan ng dalawang kamay.

How would you hold my hand, then?

Natigilan ako. Ayan na naman ang mga uod na hindi ko alam kung kinikiliti ang tagiliran ko o inuubos lang talaga ang kalamnan ko. Ewan ko ba, malay ko. Nilulunod ng kaligayahan ko ang iba pang pwedeng maramdaman ng puso ko.

Hindi naman ako tatakbo.

Suminghal ito. Five years ago, I was comfortable you wouldn't but you still did, Mendoza. Naghulog na ito ng dalawang token. I'm not taking my chances now.

May kumirot naman sa may bandang kaliwa ng dibdib ko. Hay, buwan. Kung ano-ano ang nararamdaman mo ngayon.

Nagsimula itong maglaro ng basketball, ngunit sino nga bang naglalaro ng basketball na isang kamay lang ang gamit? Mukha tuloy siyang tanga. Mukhang walang magawa sa pera dahil sinasayang lang ang laro. Ni hindi mahawakan ang bola ng maayos dahil nga isang kamay lang.

This is boring. Hinatak na nya ako palayo kahit hindi pa natatapos ang oras nya. Nagsasayang talaga ng pera.

Lumapit kami doon sa isang machine kung saan walang nananalo. Oo, mga kaibigan. Iyong machine na patay na lamang ang kuko mo sa paa't kamay ay wala ka pa ring nakukuhang stuffed toy. Napukaw nito ang atensyon ng Pontio Pilato at bilang isang taong walang magawa sa buhay - ang ibig kong sabihin, sa mga token, naghulog ito at sinubukan ang nasabing laro.

Isa. Tapos sampu. Tapos dalawampu. Dalawampung beses nang tumitigil at nagsisimula ulit ang laro dahil sa kahuhulog nya. Walang reaksyon ang mukha niya. Walang makikita kundi determinasyon. Muntik na akong matawa.

I'd hate to break your bubble pero wala talagang nananalo sa larong 'yan, Faulkerson.

At noong binanggit ko ang pangalan nya, nabitiwan nya ang kamay ko.

Parang nagliyab ang dibdib ko noong binitawan nya ang kamay ko. Alam kong hindi nya iyon sinasadya. Biglaan. Iyon bang parang may dumapong lumilipad na ipis sa saging na hawak mo at nabitawan mo na lang ang saging dahil wala kang magawa. Huwag na lamang nating tanungin kung paanong nagustuhan ng ipis na tumigil sandali sa saging na hawak mo.

Natigilan din ako, eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito na ba 'yun? Sya ba ang nagsawa sa akin? Ibabalik ko na ba ang singsing? Uuwi na ba ako?

Ngunit natauhan ang mundo. Binawi ang pagkakabitaw sa kamay ng buwan at hinawakan ulit iyon. Mas mahigpit kaysa kanina. Mas takot bumitaw kaysa kanina. Mas... mapagmahal kaysa kanina.

I'm sorry. Sabi nito na talaga namang parang humihingi ng tawad. I was just... taken aback.

Bakit?

You called me... that.

What?

Just like the old times.

Nagulat ako, dahil maging ang sarili kong utak nakalimutan ang ginawa ko.

S-sorry! Hindi ko sinasadya pasensya na -

Why are you apologizing? You don't have to. Bumalik sya sa laro at iniwasan ang mga mata ko. I'm just amazed how one word from you can stir such reaction from me.

Anong reaction?

You saw that, didn't you?

Alin?

That momentarily lapse. That split second when my brain stopped working. Ngumiti ito ng bahagya. That short period when the world around me entirely disappeared and only my moon remained shining.

Ano? Totoo ba 'yun?

Ngumiti ito. Pilit. I can't blame you if you don't see me in that way, Mendoza.

Hindi ako nakasagot. Gusto ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko na hindi lang naman ilang segundo ang tumitigil at nawawala kapag nakikita ko sya. Gusto ko rin namang sabihin at ikuwento noong unang beses nya akong hinalikan sa loob ng kotse kung saa'y walang kahit kaunting liwanag ngunit nakita ko pa rin ang kanyang mga matang sumara - sa paglapat at pag-iisa ng aming mga labi, unti-unting nawala ang mundo ko at naging...

..siya.

Pinilit ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa nilalaro nya. Pinilit ko na lang na aluin ang sarili ko at aliwin ang utak ko sa mukha nyang bigay na bigay lahat sa ginagawa at nilalaro.

How could you believe that you could do everything just because you put your one hundred percent in it?

How could you not?

There's this thing you call margin of error, Faulkerson, where you don't get what you want. Sa isang daang baka na isasama mo sa sampling size, lima doon, hindi magbibigay ng accurate na data na gusto mo.

Doon ba tayo kasama, Mendoza? Malamlam ang mga mata nito noong nagtanong. In that margin of error?

Tila nawalan ito ng gana. Tumawag ng isang binatilyong naglalaro. Inihabilin ang token na natira. Hinatak ako palabas.

S-sorry. Usal ko. Hindi ko naman sinasadya.

Lagi namang ganu'n, 'di ba Mendoza? Sumagot itong hindi tumitingin sa akin. Wala naman tayong sinasadya. You didn't mean to mention the margin of error, you didn't mean to leave. You didn't mean not to answer. You didn't mean anything you did. You didn't mean anything at all!

Galit itong humarap sa akin at binitawan ang kamay ko. Sadya. Masakit. Mapakla. Nakakaupos. Nakakalambot ng tuhod ang galit. Tila tapos na yata ang mga uod sa tagiliran ko at pumunta naman ngayon sa mga paa ko kaya't nahihirapan akong suportahan ang bigat ko. Kaunti na lang at babagsak na ako sa sahig, nararamdaman ko.

So I'd be left, absolutely clueless, because what would I grab? What would I think of you? What would I hold onto? Nagngingitngit. Sasabog na ang bulkan, at hindi ko alam kung paano pipigilan.

Isa lang ang nakikita ko.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay nyang kanina'y hawak ko, at marahan iyong hinaplos, kagaya ng paghaplos nya kanina. Malambing kong hinagod ang bawat sulok na para bang sinasaulado ko ang bawat linya, na parang ang bawat hagod ay humihingi ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga bagay-bagay.

My hand. Naiiyak kong sabi. Hold my hand, Rj.

Magaling tayong mag-alay ng pag-ibig paulit-ulit, kahit nakakasawa, kahit masakit, kahit mapakla, kahit walang patutunguhan.

Ayos lang, dahil doon naman nasanay ang puso nating pagal at subok ng panahong malupit sa ating dalawa, mahal, at higit sa lahat - iyon lang ang kaya nating gawin.

Ang umibig. At tumawa. At umibig. At umiyak. At umibig pa ulit ng paulit-ulit, ng walang kapaguran.

...ayos lang na umibig ulit.

Pinisil nya ang kamay ko kasabay ng isang nakaw na halik, produkto ng hiram na oras, dahil hindi namin hawak ang panahon; hindi namin kaibigan ang tadhana.

I hope you are aware of the things I'd do for you, Maine. Bulong nito. 

I hope you really are.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 231 26
Matagal nang may pagtingin si Jude sa kapitbahay nilang si Stephanie ngunit wala siyang lakas ng loob na aminin ito. Bukod sa isa sa pinakamayaman sa...
67.7K 1.8K 67
Meet Errieah, the girl living in seoul who doesn't felt free , existing and loved by his own parents because of some reason that she didn't even kn...
2.5K 94 3
Raddy Sean Fox- isang lalaking may tampo at galit na nararamdaman sakanyang magulang dahil hindi niya ito nakapiling simula ng bata siya at mas pinil...
1.5K 289 69
[CYCLE OF LOVE SERIES #1] EPISTOLARY "I'm just here watching you from afar and you never notice my feelings for you,"