Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Malapit na ako sa library ng bigla kong naalala na hindi pa pala ako nag-aagahan kaya bumalik muna ako papunta sa canteen para bumili ng makakain.
Wala na kasi akong time mamaya kung kakain man ako dahil busy na ako sa pagreresearch. Kailangan kong tapusin agad yun dahil next week na ang deadline.
Dahil sa kamamadali ko hindi ko na namalayan na may paparating sa harapan ko...
Nagkabungguan kaming dalawa at natapon yung mga dala ko.
Dali-dali kong pinulot yon at tinignan kung sino....
Si Daniel pala.
Hindi ko alam kung bakit uminit kaagad ang dugo ko nung nakita ko siya. "... tignan mo kasi ang dinadaanan mo..." galit na sabi ko sa kanya.
Ang gusto niya kasi lahat tatabi kapag dumaan na siya. Halos lahat ng studyante dito takot sa kanya hindi ko alam kung ano bang meron sa kanya.Bakit, pare-parehas lang naman kaming studyante dito ha?
".. ok ka din no? ikaw na nga ang nakabangga sakin ikaw pa galit.." sabi niya.
Mayabang talaga.
"... kung tinignan mo sana yung dinadaanan mo eh di hindi sana natapunan tong dala ko..."sabi ko.
"... alam mo kung ginamit mo sana yang apat na mata mo at kung dinilat mo ng mabuti... eh di sana hindi tayo magkakabungguan..." natawa yung mga studyanteng nakarinig sa sinabi niya sakin.
Ito yung isa sa mga reasons kung bakit ayaw kong makisama sa kanila. Nakisabay na din siya sa pagtawa hindi ko na tuloy mapigilan na magalit sa kanya.
Napahiya ako sa harapan ng lahat habang siya tuwang-tuwa. Pinipigilan ko na yung luha na tumulo dahil alam ko once na nakita niya yon mas lalo niya lang akong aasarin.
Napatigil siya bigla nang makita niya hindi na ako natutuwa pa pero bago pa siya makapagsalita ulit tumakbo na ako papalayo sa kanila.
Napakayabang niya talaga!! akala mo kung sinong makapagsalita. Oo, nga kilala siya dito sa buong campus pero hindi naman yun reason para ganunin na niya ako.
In the first place siya naman ang may kasalanan e.... alam ko na may kasalanan din ako... E, basta kung maayos din sana siya kung makatingo sakin e di sana walang gulo. Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko.
Nakarating na din ako sa canteen katulad ng dati mahaba-habang pilahan na naman to. Kailangan kong magtipid para magkasya pa yung allowance ko next week. Nakabudget na kasi yung sweldo ni mama kaya hindi na pwedeng galawin. Bumili na lang ako ng isang chicken sandwich at juice...
Daniel's POV:
Nasa bench kami ngayon ng mga kaibigan ko. May banda nga pala kami dito sa campus. Parking 5 kaya kilalang-kilala kami...
Rhythm Guitar: Katsumi Kabe / Katsumi
Lead Vocal : Jose Carlito Padilla / Jay Ace
Lead Guitar : Hugh Seth Gothico / Gothico
Bass Guitar : Daniel John Ford / DJ
Drums : Lester Giri
"...pare, ano na naman bang gulo ang ginawa mo don sa may hallway kanina??..." tanong sakin ni Jay Ace.
"...at ang sabi babae pa daw ang inaway mo..." sabi naman ni Katsumi habang naggigitara.
"... e, siya naman talaga ang may kasalanan non... kung saan-saan kasi nakatingin...." sabi ko. Bakit ba parang mas kinakampihan nila yon kesa sakin?? diba dapat ako nga e.. kasi kaibigan nila ako.
"... kilala mo ba kung sino yon, ha??..." tanong sakin ni Gothico.
"... pakealam ko don..." sagot ko.
Sa totoo lang hindi ko talaga siya kilala pero nakikita ko naman siya araw-araw sa loob ng classroom. Ni minsan hindi ko pa siya nakakausap ngayon ko lang siya narinig magsalita....
Kaso wrong timing naman.
Nakakapanibago nga e.. kasi hindi siya katulad ng ibang babae na halos ikaiyak na sa sobrang tuwa kapag nakausap akopero siya parang wala lang. Kilala ba niya ako?? o talagang puro pag-aaral lang ang inaatupag nung babaeng yon??..
Kathryn's POV:
Natapos na din sa wakas! Pwede ko na tong ipasa mamaya. Uwian na nga pala kaya madami ng taong naglalakad sa may hallway. Kailangan ko pa palang pumunta sa office ni Mrs. Tervor may sasabihin daw siya sakin.
Ano kaya yon??
Tungkol sa grades ko ba??..
Binuksan ko na yung pinto at pumasok sa loob.
Nadatnan kong maraming ginagawa si Mrs. Tervor at ang gulo ng table niya madami kasing papel na nakakalat.
"...um.. excuse me po..." napatingin siya sakin bigla.
"... come in.... and have a seat...." naupo ako.
"... don't worry Kathryn it's not about you..." she paused for a while. "... it's about Daniel..."
"... as you can see puro mabababa ang mga nakukuha niyang scores sa test at sa mga quizzes.... including the projects and assignments...." nagnod ako. Totoo naman kasi e madalang ko lang siyang nakitang pumasok sa on time.
"... and there's a big possibility na maging repeater siya next year..." paliwanag sakin ni Mrs. Tervor.
"...pero... hindi po ba dapat siya mismo po yung kasusapin niyo tungkol dito??..." tanong ko. Eh, bakit nga ba kasi sakin sinasabi ni Mrs. Tervor hindi ko naman grades yon?
"... that's the reason kung bakit kita pinapunta ngayon dito...."
Ano daw??
"... bakit po??...." naguguluhan na talaga ako ngayon.
"... in order to pass all the requirements ... he needs someone na tutulong sa kanya na gawin yon. Starting from doing assignments, reviewing the lessons everyday that had been discuss to make sure na naiitindihan niyang mabuti...." she explained.
"... you will be his personal tutor..."
-Yam