The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

71: Red Dragon's Revenge

2.4M 56K 30.5K
By blue_maiden


"Let go of my girl." Seryoso 'yong mukha niya. Halatang-halatang nagpipigil siya ng galit, kitang-kita ko 'yon sa mukha niya. Hindi ko rin napigilang magalit sa lahat ng betrayal na nalaman ko. Nagalit rin ako sa sarili ko. Bakit kailangan na naman niya akong iligtas? Hindi ko ba kayang ipagtanggol ang sarili ko? Bakit pa siya pumunta? Alam naman niyang mapapahamak lang siya. Alam ko namang siya 'yong Prince Charming at normal lang na iligtas niya ako kapag nasa panganib ako pero hindi ko naiwasang mag-alala para sa kanya.

Paghakbang pa lang niya sa loob ng warehouse, pinalibutan agad siya ng mga kasama ni Ginno. Marami sila, mga labing-lima sila at may hawak silang mga tubo.

"Kung ayoko? May magagawa ka ba?" nakangiting sabi ni Ginno kay Jeydon. Napatingin sa 'kin si Jeydon. Sa mga mata pa lang niya, alam kong sobra na siyang nag-aalala sa 'kin. Hindi ko rin napigilang mag-alala, hindi para sa 'kin kundi para kay Jeydon. Nangyari na 'yon dati. Nabugbog na siya dati dahil sa 'kin, pero mas marami na sila sa pagkakataong iyon. Sana lang talaga, hindi maulit 'yong nangyari noon kasi hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Jeydon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"You'll let her go or I will fucking kill you."

Tumawa nang malakas si Ginno tsaka siya lumapit sa 'kin. "Kill me? Sa tingin ko, ngayon pa lang, wala ka nang magagawa kung gawin ko 'to kay Candice." Hinawakan niya 'yong buhok ko. "Teka. Ano kayang magandang gawin sa kanya?" Inangat niya 'yong mukha ko para makita ko siya. Nakangiti siya sa 'kin, isang nakakatakot na ngiti.

Kahit nakatingala ako, nakita kong tumakbo palapit sa 'min si Jeydon pero hinawakan agad siya no'ng mga kasama ni Ginno.

"Let go of her, you dumbass!" Pilit pa rin siyang kumakawala do'n sa mga lalaki. Sinuntok niya 'yong dalawang humawak sa kanya. No'ng malapit na siya sa 'min, may pumalo ng tubo sa likuran niya kaya napaluhod si Jeydon.

"Subukan mong lumaban, mas masakit 'yong gagawin ko kay Candice." Hinila niya nang sobrang higpit 'yong buhok ko. Hindi ko napigilang sumigaw sa sakit.

"Fine! But let her go." Hinawakan na naman siya, hindi lang dalawa kundi apat na lalaki na.

"Hawakan n'yo siyang mabuti, iharap n'yo siya sa 'min para makita niya 'yong gagawin ko sa pinakamamahal niya." Hinigpitan niya 'yong hawak sa buhok ko. Sobrang sakit na talaga na gusto ko nang umiyak pero ayokong ipakita sa kanya. I won't give him that satisfaction.

"Stop it! Ako ang kailangan n'yo kaya ako ang saktan n'yo!" Kahit anong lakas ni Jeydon, hindi siya makawala sa mga nakahawak sa kanya. Hinila nila si Jeydon palapit sa 'min. Nasa harap na namin siya, nakatingin lang siya sa kung ano 'yong gagawin ni Ginno sa 'kin. May takot sa mga mata niya. Takot saan? Sa gagawin sa 'kin ni Ginno?

"Pagmasdan mong mabuti ang gagawin ko."

Tiningnan ako ni Ginno. Ngumiti siya sa 'kin na naging dahilan para mapuno ng takot 'yong buong katawan ko. Hindi nagtagal, naramdaman ko na 'yong mainit niyang kamay sa pisngi ko. Napayuko ako sa sobrang lakas, malakas at masakit. Noon pa lang ako nakaramdam ng ganoong sakit. Walang-wala 'yon sa sampal ni Stacey sa'kin.

"Candice! Fuck! You're going to regret that, you fucking bastard! Candice!"

"How does it feel, Jaydee, na makitang nasasaktan si Candice? Umpisa pa lang 'yan." Tumawa siya nang malakas. "Masakit ba, Candice?"

"Let go of her! Ako ang kalangan mo, 'di ba?! Please don't hurt her!"

Mahina lang naman ako pero sa pagkakataong 'yon, kahit noon lang, sinubukan kong maging malakas. Hindi ko hahayaang makuha nina Ginno 'yong gusto nila. Alam ko namang si Jeydon lang talaga ang habol nila at ginagamit lang nila ako. Alam kong gusto nilang saktan si Jeydon at gagawin nila 'yon gamit ako. Alam nilang mahal ako ni Jeydon at ikadudurog ng puso niya kapag nakita niya akong nasasaktan at nahihirapan. Ayokong makitang nasasaktan si Jeydon, marami na siyang ginawa para sa 'kin. Inangat ko 'yong mukha ko para makita sila, hindi ako umiyak. Nasaktan ako, oo. Gustung-gusto kong umiyak dahil sa sakit pero hindi ko 'yon ipapakita sa kanila. Ngumiti ako sa kanilang lahat at tiningnan ko si Jeydon. Huwag kang mag-alala sa 'kin, Jeydon, sakit lang naman 'to sa katawan pero hindi ko kaya kapag nakikita kitang nag-aalala sa 'kin nang sobra tsaka nasasaktan.

"'Yan lang ba ang kaya mo, Ginno? Hindi ako nasaktan, e."

Nagulat sila sa sinabi ko. Kahit si Jeydon, nagulat.

"Hoy, Pusa! Kumalma ka nga, wala naman 'yong sampal niya, e."

Pagkasabi ko no'n, sinampal na naman ako ni Ginno. Ang sakit, napakasakit.

"Fuck! Candice, stop it! Don't speak!"

Inangat ko ulit 'yong ulo ko at hinarap si Ginno. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Wifey, please..."

"Jeydon, huwag kang mag-alala sa 'kin, pwede ba?" Tumawa ako, tumawa ako kahit nasasaktan na ako. "Huwag na huwag mong hayaang saktan ka nila, huwag mong hayaang sirain nila 'yong napakagwapo mong mukha!"

"Stupid! Ikaw 'yong inaalala ko! Kayang-kaya ko naman 'tong mga 'to, e." Ngumiti siya sa 'kin, parang nawala 'yong sakit na nararamdaman ko.

Lumayo sa 'kin si Ginno. Umupo siya sa isang silya tsaka nagsindi ng yosi. Nakatingin siya sa 'kin, tapos inutusan niya 'yong mga tauhan niyang ilapit sa kanya si Jeydon. Noong nasa tapat na si Jeydon sa kanilang tatlo nina Margot, pinaluhod nila si Jeydon sa harap nila.

"Nasusuka ako sa kakornihan n'yong dalawa," sabi ni Ginno.

Nagtawanan naman sina Margot at Six na dinig sa buong warehouse. Nairita ako sa tawa nila, mga traydor sila, inakala naming totoong mga kaibigan.

"Huwag kang mag-alala, Jaydee. Mamaya, makikita mo kung gaano mahihirapan si Candice sa harap mo. Unti-untiin natin." Tinapon niya 'yong nakasindi pang yosi sa mukha ni Jeydon.

"Ano bang kailangan mong gago ka? Fuck, I didn't know it was you, hindi ko inakalang kaibigan ko pa. Pinagkatiwalaan pa naman kita."

"Wow, what a coincidence naman. Alam mo ba, minsan din kitang pinagkatiwalaan pero sinira mo lang? So I guess quits na tayo?" Ngumiti siya nang malapad. Anong sinasabi niya? Kailan pa ba sumira ng tiwala si Jeydon?

Lumapit si Six kay Jeydon, hinawakan niya 'yong mukha nito. "Ang bilis mo namang makalimot sa mga kasalanan mo, Jaydee?" Lumayo siya kay Jeydon tsaka siya lumapit sa 'kin.

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi n'yo."

Hinila ni Six 'yong buhok ko.

"Bitawan mo siya, Six!"

Lalo lang niyang hinigpitan 'yong hawak niya sa buhok ko. Siguro 'yong buhok ko sa mga ginawa nila.

"'Yong panahong humingi ako ng tulong para iligtas 'yong girlfriend ko, may ginawa ka ba? Wala, 'di ba? Pinabayaan mo lang siya. Pinabayaan mo akong pumuntang mag-isa kaya anong nangyari? Iniwan ako ng girlfriend ko tapos isang linggo akong nasa ospital." Binitawan niya ang buhok ko. Itinulak niya 'yong mukha ko papunta sa sahig kaya natumba ako kasama 'yong upuang nakatali sa buong katawan ko. Inangat niya ulit ako.

"Gago ka ba?! Sinabi ko naman sa 'yong patibong lang 'yon! Ginamit ka lang ng babaeng 'yon. Boyfriend niya talaga 'yong leader ng kaaway na gang natin. Kasalanan ko ba kung hindi ka nakinig sa 'kin?!"

Mukhang nagulat si Six sa sinabi ni Jeydon pero nagsindi lang ulit siya ng yosi. Lumapit siya kay Jeydon tsaka niya binugahan ng usok si Jeydon sa mukha. "Fuck your lies! Hindi na ako maniniwala sa 'yo!"

"Tanga ka! Isa kang malaking tanga, Six!"

Sinapak agad ni Six si Jeydon. Nagpigil din ng galit si Six pero tumalikod lang ulit siya tsaka bumalik sa kinauupuan niya.

"Tanga nga siguro kami para maniwala sa 'yo, leader." Tumayo naman si Ginno. "Itayo n'yo siya." Sinunod agad siya ng mga kasama niya tsaka siya pumunta sa harap ni Jeydon.

"Ito, para sa mga magulang ko." Sinuntok niya nang napakalakas si Jeydon. Napahiga si Jeydon sa sahig pero itinayo siya agad ng mga kasama ni Ginno. Pagkatayo pa lang ni Jeydon, sinuntok na naman siya ni Ginno. Hindi siya napahiga sa sahig pero may dugo na 'yong labi niya. Hindi ko kayang makitang ganoon si Jeydon. "Gusto mo pa?" Susuntukin na naman niya si Jeydon.

"Tama na! Ginno, 'wag mong gawin 'to kay Jeydon! 'Di ba, magkaibigan kayo! Tama na, please!" pagmamakaawa ko.

"'Wag kang makialam sa kanila, bitch!" Lumapit sa 'kin si Margot tsaka niya ako sinampal at sinabunutan. "Tumahimik ka riyan!" Nilagyan niya ako ng tape sa bibig ko.

"Huwag n'yong galawin si Candice! Ako lang naman ang habol n'yo, 'di ba?! Ako na lang, huwag na siya!" Lumuhod siya sa harap ni Ginno.

Yah, Jeydon! Please don't do that. Naiyak na talaga ako, hindi dahil sa sampal o sabunot. Naiyak ako kasi nakita kong nahihirapan si Jeydon.

"Ako na lang, please. Hindi ako lalaban, basta huwag n'yo siyang sasaktan. Ako na lang, please."

Yah! stupid! Don't say that, hubby.

"Sabi mo, e!" sabay suntok ulit ni Ginno sa kanya. "Masyado kang pabida, 'di ba?"

Noong napahiga si Jeydon sa sahig, bigla niyang sinipa si Jeydon. Pinikit ko na lang 'yong mga mata ko kasi hindi ko kayang makita 'yon. Ilang suntok at palo na 'yong inabot ni Jeydon. Hindi ko na talaga kaya pero hindi ako makasigaw.

"Alam mo bang namatay 'yong mga magulang ko dahil sa napakagaling mong tatay?! Hindi nakapagbayad ng utang sina Daddy sa inyo kaya pinahirapan nila kami." Hinawakan niya 'yong mukha ni Jeydon. "Sobra kaming naghirap pero ano bang ginawa mo?! Wala, 'di ba?! Pinagkatiwalaan kita. Akala ko, may gagawin ka para itigil ng daddy mo 'yong pagpapahirap niya sa 'min pero wala kang ginawa!" Sinuntok na naman niya si Jeydon. "Wala kang kwenta, you stupid useless bastard!" Kinuha niya 'yong tubo sa kasama niya tsaka niya ipinalo kay Jeydon. Naubo si Jeydon sa ginawa niya. Naiyak ako noong nakita kong may dugong lumabas sa bibig niya. Ang sakit-sakit makitang nahihirapan si Jeydon. Hindi ko siya malapitan, hindi ko siya matulungan kasi nakatali ako sa may upuan. Hindi rin ako makasigaw kasi may tape 'yong bibig ko.

"Ginawa ko lahat para tulungan kayo. Ang sabi ni Daddy, ititigil na niya 'yon. Hindi ko alam na pinahirapan pa rin niya kayo."

"Hindi mo alam?! That's crazy! Nagpakamatay si Dad para makuha namin 'yong insurance ng kompanya. Hindi 'yon kinaya ni Mommy kaya nagpakamatay siya!"

Unti-unti nang luminaw sa 'kin ang lahat ng dahilan ni Ginno kung bakit niya 'yon ginagawa. Kaso sobra naman yata 'yon. Isa pa, alam kong hindi papabayaan ni Jeydon 'yong mga kaibigan niya.

"At dahil din do'n hindi na nakapagpagamot 'yong kapatid ko. Lahat, nawala sa 'kin." Hinila niya ulit si Jeydon tapos sinapak niya ulit. "Lahat 'yon ay dahil sa 'yo, Jeydon."

"Sorry, Ginno."

Natigilan si Ginno sa sinabi ni Jeydon, tumingala siya tsaka tumawa.

"Ayokong mangyari 'yon sa 'yo. Alam mong kapatid ang turing ko sa inyo, sa Phoenix."

Lalo lang lumakas ang tawa ni Ginno. "Shut up. Kahit ilang sorry pa 'yang sabihin mo, wala nang magagawa 'yan." Lumapit siya ulit sa 'kin. Tinanggal ni Margot 'yong tali sa kamay at paa ko pati 'yong tape sa bibig ko, tapos itinayo niya ako na hila-hila 'yong buhok ko. "Alam ko namang walang-wala na sa 'yo 'yong sakit sa katawan, Jaydee, kaya sakit na lang sa puso 'yong gagawin ko. Okay ba 'yon?" Sumenyas siya ro'n sa isang kasama niya. May hatak-hatak 'yong isang malaking drum. Kinabahan ako kasi parang alam ko na kung anong gagawin nila.

"Anong gagawin mo?! Bitawan mo si Candice!" Gustong lumapit ni Jeydon pero hawak pa rin siya ng mga tauhan ni Ginno. "Bitawan mo siya!" Hindi pinansin nina Ginno si Jeydon.

Hinila na naman ako ni Ginno sa buhok ko. Hinarap niya ako sa kanya, papunta kay Jeydon tapos bigla niyang inilublob 'yong mukha ko sa drum na punung-puno ng tubig. Ilang segundo niya 'yong ginawa. Feeling ko, mawawalan na ako ng hininga. Kahit nasa ilalim ng tubig 'yong ulo ko, dinig na dinig ko pa rin 'yong pagmamakaawa ni Jeydon sa kanila na huwag akong saktan. Noong inangat na ni Ginno 'yong ulo ko, I gasped for air. Nahilo yata ako, parang anytime, mawawalan ako ng malay.

"Hayop ka, Ginno! Huwag mong idamay si Candice dito!" Unti-unti akong tiningnan ni Jeydon, galit na galit siya tsaka parang naiiyak na.

Yah, hubby don't cry! I'm fine... I'm just tired... I can survive this thing.

"Gaano ba kasakit, Jeydon, na makitang naghihirap at nasasaktan 'yong pinakamamahal mong babae?" Inilublob na naman niya 'yong ulo ko papasok sa drum. Ilang segundo na naman akong hindi makahinga, sobra na kong nanghihina dahil hindi ako makahinga. Pagkaangat niya sa ulo ko, nakayuko lang ako. Kung hindi lang hawak ni Ginno 'yong ulo ko, malamang natumba na ako. Ang hirap huminga, sana hindi ako atakihin ng hika ko. "Umiiyak ka na agad? E, hindi pa nga grabe 'yong ginagawa ko kay Candice?"

Inangat ko 'yong ulo ko para tingnan si Jeydon, umiiyak nga siya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang tumutulo 'yong luha sa mata niya. Kitang-kita sa kanyang nasasaktan siya. Unti-unting nadurog 'yong puso ko nang makita siyang gano'n.

"Patayin mo na lang ako kesa sa pahirapan mo siya, Ginno, nakikiusap ako."

"Huwag kang excited. Gusto kong maging masakit, masakit na masakit 'yong pagkawala mo. Kayong dalawa ni Candice."

Hinila niya ako tapos itinulak niya ulit ako sa may upuan. Tinali ni Margot 'yong kamay ko sa likod. Hindi ko magawang iangat 'yong ulo ko dahil hinang-hina na ako. Isa pa, ayokong makita ni Jeydon 'yong hitsura ko dahil alam kong masasaktan siya.

"Six, alam mo na ang gagawin mo."

Narinig kong lumapit sa 'kin si Six. Maya-maya, lumuhod siya sa harap ko. Hinawakan niya 'yong mukha ko, nakatingin siya sa mga mata ko. Anong gagawin niya? Nagulat ako nang bigla siyang lumapit para halikan ako pero iniwas ko agad 'yong mukha ko. Ano bang kalokohan 'yong ginagawa niya?

"Candice, huwag ka nang magpakipot sa 'kin." Hinawakan niya ang leeg ko. Ano bang balak nilang gawin sa 'kin? Ang babuyin ako sa harap ni Jeydon?! Mga hayup sila.

"Back off, Six! Don't you dare touch my girl!" sigaw ni Jeydon sa kanya pero tumawa lang siya.

Inilapit niya 'yong bibig niya sa leeg ko, pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanya pero hindi ko magawa. Tanging pag-iyak na lang ang kayang kong gawin.

"Shit! I said don't touch her!"

Narinig kong may nagsuntukan tapos 'yong sumunod na nangyari, hinila ni Jeydon si Six palayo sa 'kin. Nagulat ako nang makita ko si Jeydon sa harap ko, nakatingin siya sa mga mata ko. Lalo lang akong naiyak noong nakita ko ulit 'yong mga mata niya. Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Sorry, wifey, sorry."

"Hubby, okay lang ako. Don't worry about me."

Niyakap ako ni Jeydon pero hindi pa nagtatagal, may pumalo na nang tubo sa likod niya. Si Alex. Napaluhod si Jeydon tsaka siya umubo ulit ng dugo.

Hinila siya ni Six. "Gago ka!" Pinagpapapalo niya ng tubo si Jeydon.

"Tama na! Maawa kayo sa kanya!" hinang-hina kong sigaw sa kanila.

"Tumahimik ka, Candice!" Lumapit sa 'kin si Margot tapos sinampal na naman niya ako. "Alex, akin na 'yong tubig." Sinunod naman siya ni Alex. Noong nahawakan na ni Margot 'yong tubig, binuhos niya sa 'kin 'yon. Ang lamig ng tubig, sobrang lamig. Lalong sumakit 'yong katawan ko.

Nakaluhod sa harap ko si Jeydon. Habang ako, nakaupo sa may upuan, nakatali sa likod ang mga kamay ko. Akala mo, nasa isang action movie kaming dalawa. Isa lang 'yong pinagdasal ko. Sana katulad sa movie, may dumating para iligtas kami. Kaso sino? Sina Kuya Charles? Pero hindi sinabi ni Jeydon sa kanila kung nasaan kami. Isang himala na lang yata kung may dadating pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

"Ginno, ano pa bang hinihintay mo?" tanong ni Six kay Ginno na nakasandal sa mesa habang naninigarilyo. "Nagsasayang tayo ng oras dito."

"Hindi 'ano,' Six, 'sino.'" Pinatay niya 'yong sindi ng sigarilyo niya tsaka tumingin sa malaking pintuan ng warehouse.

"Boss, nandito na siya," sabi no'ng isa niyang kasama. Unti-unti namang bumukas 'yong malaking pintuan.

May isang lalaking nakatayo ro'n, isang lalaking pamilyar sa 'kin. Isang lalaking kilala ko, kilalang-kilala ko. Papalapit siya nang papalapit sa 'min. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pati ba naman siya, 'yong taong pinagkatiwalaan ko, isa rin palang traydor? Nakaramdam agad ako ng galit, sadyang niloko lang ba nila ako o talagang gano'n ako kadaling magtiwala? Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko, napakatanga ko.

"Nahuli na ba ako, Red Dragon?" tanong niya kay Ginno. Nakatingin lang siya kay Jeydon, hindi pa nagtatama 'yong mga mata naming dalawa. "Mukhang pinahirapan mo talaga siya." Tama nga si Jeydon tungkol sa kanya, dapat hindi ko siya pinagkatiwalaan.

"Nag-uumpisa pa lang ako. Hinihintay kasi kita." Tumayo ulit si Ginno tsaka siya lumapit kay Jeydon. "Ikaw na ang bahala kay Candice, pagmamasdan ko lang kung paano magdusa si Jeydon habang pinapahirapan mo 'yong mahal niya." Umupo siya katapat ni Jeydon. Tinaliaan na pala nila 'yong kamay ni Jeydon.

Lumapit siya sa 'kin, tiningnan ko naman siya nang masama.

"Bakit, Lucas? Bakit?"

Chapter 72: You'll Be Fine

"Hi, Noona." Nagsalubong na ang paningin namin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya pero alam kong bakas sa maga mata ko 'yong galit na nararamdaman ko sa kanya. Paano niya pa nasikmurang tawagin akong Noona? Ang kapal ng mukha niya. Isa siyang malaking traydor.

"Don't worry, I'll be gentle." Ngumiti siya sa 'kin tsaka niya hinawakan 'yong buhok ko. Nilayo ko agad 'yong sarili ko sa kanya. Kinasusuklaman ko siya, hindi ko maalis 'yong galit ko sa kanya.

"Jeydon, panoorin mo 'to. For sure, mas nakakakilig pa 'to kesa sa mga pinaggagawa n'yo ni Candice." Rinig sa buong warehouse 'yong tawa ni Ginno, kasunod ng tawanan nilang lahat. "Look, tingin ko, mas bagay si Shawn para kay Candice."

Unti-unting inangat ni Jeydon 'yong ulo niya. Mukha lang siyang kalmado pero alam kong galit siya. Nakatitig lang siya sa 'kin. Nakita ko nang malinaw ang mukha niya. Ang dami niyang sugat sa mukha, 'yong gwapo niyang mukha, ibang-iba na. Gustung-gusto kong lumapit sa kanya, gusto ko siyang yakapin. Jeydon, nasasaktan akong makita kang ganyan.

"Don't you dare touch her, Shawn." Kahit na hinang-hina na siya, sinabi pa rin niya 'yon. Nanlilisik 'yong mga mata niya sa likod ni Lucas.

"Jeydon naman, huwag kang selfish kay Candice. Hindi mo naman siya pagmamay-ari." Inilapit ni Lucas 'yong kamay niya sa mukha ko. Hinawakan niya 'yong pisngi ko na ilang beses nang sinampal. Hinimas-himas pa niya 'yon, nakakita ako ng awa sa mga mata niya.

Naaawa ka ba talaga sa 'kin, Lucas? Isang traydor na katulad mo, may awa pa ba?

"Huwag kang mag-alala, hindi naman siya masasaktan sa gagawin ko." Bumaba 'yong kamay niya sa mga labi ko. "Hindi ko siya kayang saktan." Ngumiti siya sa 'kin, 'yong ngiting palagi kong nakikita. Ang galing niya palang umarte.

"That girl you're touching is my girl."

Stupid. Kahit kailan, napakaseloso niya. Unti-unting tumulo 'yong luha sa mata ko pero hindi ko rin napigilang mapangiti dahil sa inasal niya. Selosong pusa.

"Ilayo mo 'yong kamay mo sa kanya. She's mine." Kalmado 'yong boses ni Jeydon pero may awtoridad sa pagkakasabi niya no'n. Bugbog-sarado na nga siya't lahat, ang bossy pa rin niya.

Tiningnan ko si Lucas pero ngumiti lang siya. Umupo siya sa harap ko, pantay na kami at kitang-kita na namin ang mata ng isa't isa. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha mo. Malapit na malapit na para bang may balak siyang halikan ako.

"Look, Candice and Shawn, K-I-S-S-I-N-G!" pang-aasar ni Ginno kay Jeydon. Napuno ng tawanan 'yong buong warehouse. Nangibabaw 'yong kay Ginno. Ang sakit sa tenga, nainis ako sa tawa nila. Nainis ako sa kanilang lahat. Ang sasama nilang lahat, mga traydor.

"Stop it!"

Hindi ko makita si Jeydon kasi nasa harap na ng mukha ko si Lucas. Sa narinig ko, parang tumayo siya pero may humampas sa kanyang tubo, dinig na dinig ko 'yon. "I... said... st-stop..." Hirap na hirap siyang magsalita, parang nadudurog 'yong puso ko. Humarap ako sa kanan para hindi maituloy ni Lucas kung ano man 'yong balak niya.

"Just trust me, Noona..." bulong niya sa 'kin.

Nanlaki 'yong mga mata ko, nagulat ako sa sinabi niya. Pagkatiwalaan ko siya? Nagpatatawa ba siya? Ano na namang panloloko 'yon?

"Makisakay ka lang sa gagawin ko, please."

Hindi ko pa rin siya hinarap. Unti-uni siyang lumapit sa 'kin na para bang niyayakap niya ako. "Kakampi n'yo ako."

Muntik na akong matawa pero sumigaw naman si Ginno.

"Hoy, Jeydon! Tingnan mo sila! Ang sweet, 'di ba?" sigaw ni Ginno. "Tumayo ka riyan!" Narinig ko na namang may pumalo sa kanya.

Tama na... Hindi ko na kaya. Huwag n'yong saktan si Jeydon.

Niyakap ako ni Lucas. Papalag sana ako pero naramdaman kong may inilabas siya sa kamay niya tapos unti-unti niyang kinalag 'yong tali sa kamay ko. Bakit niya ginagawa 'yon? Hindi ba isa siya sa grupo Ginno? O baka naman nagpapanggap lang siyang kakampi siya nina Ginno?

Nalito na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko pero naisip ko 'yong sinabi niyang makisakay lang ako sa kanya. Hindi na lang ako umimik kasi paano kung totoong kakampi nga namin siya? Sa oras na 'yon, wala na kaming malalapitan ni Jeydon, kaya mas okay na ring magtiwala ako sa kanya kahit hindi pa rin ako sigurado. Siya na lang 'yong pag-asa naming makatakas doon.

Inalis niya 'yong pagkakayakap niya sa 'kin. Tumayo siya tapos pumunta sa likuran ko.

Nakita ko na ulit si Jeydon, ang sama ng tingin niya sa 'min. Sobrang talim ng tingin niya na akala mo, matutusok ka. Pinigilan ko rin 'yong pag-iyak ko, duguan na kasi 'yong mukha niya at ang sakit-sakit na makita 'yon.

Kumuha si Lucas ng upuan, inilagay niya 'yon sa likod ko tsaka siya umupo. Kinuha niya 'yong buhok ko at hinawi niya 'yon sa kabilang balikat ko para ma-expose ang leeg ko. Wala na akong tali kaya pwede ko nang pigilan kung ano man 'yong balak niyang gawin pero may nagsabi sa 'king magtiwala lang ako sa kanya.

Nilapit niya 'yong labi niya sa leeg ko. Lahat yata ng balahibo sa katawan ko, nagsitaasan. Unti-unti niyang inangat ang labi niya papunta sa likod ng tenga ko. Nagpanggap siyang inaamoy ang buhok ko pero ang totoo, may ibinulong siya sa 'kin.

"Nasa loob na rin ng warehouse 'yong buong Section Eleven, kasama 'yong tatlo." Napakahina no'n kaya kaming dalawa lang 'yong nakarinig.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon sa 'kin, nakita ko si Troy sa may dulo, nagtatago. Para akong nasa isang napakadilim na lugar at nakakita ng liwanag. Maililigtas na kami, parang gusto kong maiyak. Hindi ko pa makita sina Kuya Charles pero alam kong nasa paligid lang din sila.

"Kapag lumabas na silang lahat, kailangan n'yo nang umalis ni Jeydon dito. Kami nang bahala rito basta lumayo na kayo."

Napatingin sa 'min si Margot, mukhang nagtataka siya sa 'min. Napansin din ni Lucas 'yon kaya bigla niya akong niyakap mula sa likod ko habang nakapatong niya 'yong ulo niya sa balikat ko.

"Ang bango ni Candice, lalo na 'yong buhok niya."

Baliw talaga siya! Pasalamat siya, ganoon 'yong sitwasyon namin kung hindi, binatukan ko na siya.

Inilapit na naman niya 'yong bibig niya sa tenga ko, nagkunwari na naman siyang inaamoy ang buhok ko. "Dumaan kayo sa likod na pintuan, dumiretso lang kayo tapos makikita n'yo ro'n sina Serina at Tiffany." Binalik niya ulit 'yong pagkakayakap niya sa 'kin.

"Alam mo, Jeydon, ang tagal ko nang gustong gawin 'to. Gustung-gusto kong yakapin si Noona, ang sarap pala niyang i-hug, 'no?"

Sige, asarin mo pa 'yang pusang 'yan, sira-ulo.

"Fuck you..." mahinang sabi ni Jeydon.

"Ginno, pwede bang ipagtabi natin sina Candice at Jeydon?"

Kumunot 'yong noo ni Ginno, parang ayaw niya 'yong idea ni Lucas.

"Gusto mo ng show, 'di ba? Maganda 'to."

Matagal na nag-isip si Ginno. Hindi ko alam 'yong balak ni Lucas pero kung ano man 'yon, sana mag-work, pero sana pumayag muna si Ginno.

"Siguraduhin mong matutuwa ako riyan, Shawn." Tumayo siya tsaka niya sinenyasan 'yong mga kasama niyang ilapit sa 'kin si Jeydon. "Sige, mag-reunion muna kayo riyan."

Lumapit si Lucas sa tabi ni Ginno.

Tinulak nila sa harapan ko si Jeydon. Nasa harap ko na siya, puno ng dugo 'yong mukha niya. Gusto kong hawakan 'yon pero naalala kong hindi nila dapat malamang kinalagan ako ng tali ni Lucas. Inangat ni Jeydon 'yong kamay niya, hinawakan niya 'yong mukha ko tapos tiningnan niya ako.

"Wifey, sorry. Tingnan mo 'yong ginawa nila sa maganda mong mukha." Naiyak na talaga ako sa sinabi ni Jeydon. Napayuko ako, nasasaktan ako, e. "Shh... you'll be fine, hindi ko na hahayaang saktan ka ulit nila."

Para akong tanga kasi lalo lang lumakas 'yong iyak ko. Ano bang nangyayari sa 'kin?

"Tahan na, it hurts to see you cry, wifey."

"Hubby, mahal na mahal kita." Nakita kong ngumiti siya sa sinabi ko. Nilapag niya 'yong ulo niya sa tuhod ko. Siguro ang sakit-sakit na ng katawan niya. Siguro pagod na pagod na rin siya kagaya ko. Kung pwede ko lang sanang pagalingin 'yon, e. OA man, pero parang gusto kong kunin 'yong sakit na meron siya.

"Stupid ka kasi, e. Sabi ko nang huwag kang pumunta."

"I'm stupidly in love with you." Ang hina pa rin ng boses niya.

"Tama na 'yan! Ang corny n'yo," naiiritang sigaw ni Ginno sa 'min. Nagsindi ulit siya ng yosi. "Shawn, ano ba? Nasaan na 'yong show? Naiinip na ako." Pumunta sa likod ni Ginno si Lucas.

Tiningnan niya ako at tumango siya. 'Yon na yata ang senyales na sinasabi niya. Unti-unti kong naaninag 'yong mga galaw sa likod. Panigurado akong Section Eleven na 'yon. Hinanda ko na 'yong sarili ko. Kaya ko 'to. Tiningnan ko si Jeydon, nakasandal ulit siya sa tuhod ko. Kailangan naming makalayo ni Jeydon doon kasi sugatan na siya kaya hindi rin siya makakalaban.

"Let the show begin..."

May kinuhang tubo si Lucas sa ilalim ng mesa. Napalingon sa kanya si Ginno. Hindi pa man nakakalingon nang tuluyan sa kanya si Ginno, hinampas na ni Lucas ng tubo 'yong mukha niya. Natumba naman si Ginno sa lakas ng pagkapalo sa kanya. Nagulat ang lahat. Nakatulala lang sila hanggang sa natauhan si Six kaya sumigaw siyang tulungan si Ginno. Lahat sila, papalapit na kay Lucas pero nakita kong lumabas si Kuya Charles. Hinatak niya si Brandon, isa rin pala siya sa grupo ni Ginno. Tumango sa 'kin si Kuya Charles bago niya suntukin ulit si Brandon. Sinuntok nang sinuntok ni Kuya si Brandon. Si Marky naman, nakita kong hinatak si Alex. Si Troy kay Six. Pati 'yong ibang Section Eleven, nagsilabasan na rin. Nagkagulo na silang lahat, wala na akong inaksayang panahon.

"Hubby, kaya mo pa bang tumayo? Kailangan na nating umalis dito." Tumayo ako, kinuha ko 'yong kamay niya at inilagay 'yon sa balikat ko para alalayan siyang tumayo. Masakit 'yong katawan ko pero nakaya ko pa rin siya. Siguro 'yon ang tinatawag nilang adrenaline rush. Kailangang makaalis na kami roon. "Tara na..."

Hinila ko si Jeydon papunta sa likod na pintuan ng warehouse. Kailangang makapunta kami sa dulo ng daan, nandoon na sina Ate Serina at Tiffany.

Noong nakalabas na kami sa warehouse na 'yon, ang daming drums. Nalito ako kung saan ako pupunta kasi puro matataas na talahib 'yong nakapalibot sa 'min. Dumiretso na lang ako at nagbaka-sakaling tama 'yong dinadaanan ko. Naglakad lang kami pero hindi pa man kami nakakalayo ni Jeydon, biglang may pumalo sa ulo ko. Napahiga ako kasama si Jeydon. Nakita ko si Ginno.

"At saan n'yo balak pumunta, ha?!" Galit na galit 'yong mukha niya. "Hindi kayo makakatakas sa 'kin." Hihilahin niya na sana ako kaso pinigilan naman siya ni Jeydon. Pareho kami ni Ginno na nagulat no'ng gumalaw si Jeydon.

"'Di ba, sabi ko sa 'yo, kapag hinawakan mo si Candice, papatayin kita?" Tumayo si Jeydon tsaka sinuntok si Ginno. Natumba naman si Ginno. Lalapit na sana ako kay Jeydon pero sumenyas siyang huwag.

"Wifey, umalis ka na. Puntahan mo na sina Tiffany ro'n, kaya ko na 'to."

"Sugatan ka! Hindi mo kaya si Ginno!"

Biglang napatayo si Ginno. May hawak siyang tubo tapos ipapalo niya 'yon kay Jeydon.

"Hubby, sa likod mo!"

Nahawakan naman agad ni Jeydon 'yong tubong ipapalo sa kanya ni Ginno.

"Umalis ka na, sumunod ka sa 'kin."

"Pero—"

Pinalo naman niya ng tubo si Ginno. Tiningnan niya ako nang masama.

"Okay, pero ipangako mong magiging okay ka."

Nag-nod siya sa 'kin tapos umalis na ako. Narinig ko pa ring nagsusuntukan sila ni Ginno sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanila.

Ang tataas ng mga talahib roon, dire-diretso lang ako. Hinawi ko 'yong matataas na talahib. Noong nakalakad na ako nang medyo malayo, nawala na 'yong matataas na talahib. Natanaw ko na 'yong daanan. Tumakbo ako papunta ro'n pero may humatak sa buhok ko. Napahiga naman ako tapos pumatong siya sa ibabaw ko.

"You bitch! Akala mo, makakatakas ka?!" Bigla niya akong sinampal. "Mamatay ka muna rito!" Sinampal na naman niya ako. Tinulak ko siya pero ang lakas at ang bigat niya.

"Itigil mo na 'yan, Margot!" Parang hindi niya ako narinig, sinabunutan niya ako. Galit na galit 'yong mukha niya, nakakatakot siya. "Ano bang kasalanan ko sa 'yo?"

Natawa naman siya. "Palagi na lang ikaw 'yong number one sa klase! Palagi mo na lang akong natatalo! Palagi na lang nasa 'yo ang atensyon ng lahat!"

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko akalaing gano'n na pala 'yong iniisip niya.

"'Yon lang ba ang gusto mo? Sana sinabi mo sa 'kin para ibinigay ko na lang sa 'yo! Hindi naman importante sa 'kin 'yon, e!"

Sinampal na naman niya ako. "Sinungaling! Ambisyosa ka! Gustung-gusto mo naman 'yan, 'di ba?! Dapat ako 'yong nasa pwesto mo, e! Dapat ako 'yong Miss Campus! Dapat ako 'yong sikat! Dapat ako 'yong nagustuhan ni Jeydon!"

Nanlaki 'yong mga mata ko sa huli niyang sinabi. Dapat siya 'yong nagustuhan ni Jeydon? Ibig sabihin ba no'n, may gusto siya kay Jeydon?

"Hindi kita maintindihan. Magkaibigan tayo, 'di ba? Kaibigan ang turing ko sa 'yo."

"Tanga! Kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan. Isa lang 'yong malaking pagpapanggap."

"Anong ibig mong sabihin?" Lalo lang sumakit 'yong ulo, litong-lito na ako.

"Nagulat ka ba? Mamamatay ka na lang din naman kaya sasabihin ko na sa 'yo ang totoo." Tumawa siya na parang baliw tapos may inilabas siyang baril, itinutok niya 'yon sa mukha ko. "Makinig kang mabuti."

Nakatingin lang ako sa kanya, nakakatakot na talaga siya. Ibang-iba siya sa Margot na nakilala ko. Para siyang nababaliw na ewan.

"'Yong nag-video sa 'yo noong sinabi mong hinalikan ka ni Jeydon, ako ang gumawa no'n. Ako ang nagpakalat no'n para isipin nilang ilusyonada ka!"

"Ginawa mo talaga 'yon? Ang sama mo." Akala ko, may kung sino lang na walang magawa 'yong nag-upload at nang-trip sa 'kin pero sinadya niya pala talaga 'yon. Grabe siya.

"Ikaw 'yong masama, stupid! Dahil sa 'yo, nabugbog si Jeydon noon. Naalala mo ba 'yong nasa mall kayo noon? Ako ang nag-utos kina Alex na bugbugin ka at hindi si Jeydon. Nagpanggap akong si Ginno noon. Kaso tatanga-tanga 'tong si Alex, dinamay si Jeydon."

"Wala kang kasingsama!"

"Makinig ka muna, hindi pa ako tapos!" Sinampal na naman niya ako. "Alam mo bang ako rin ang nagkalat ng mga poster sa school tungkol sa pagiging malandi mo? 'Yong litrato mo kasama sina Marky at Jeydon?" Tumawa na naman siya na parang baliw. Hindi ko kinaya 'yong mga sinabi niya, gano'n ba siya kasama?

"Bakit mo kailangang gawin 'yon, ha?!"

Hinawakan niya 'yong baba ko tapos itinutok na naman niya 'yong dulo ng baril sa pisngi ko. "Kasi malandi ka! May Marky ka na nga, pati si Jeydon ko, aangkinin mo? Sinuswerte ka ba? Akin dapat si Jeydon, e!"

Nababaliw na talaga siya. Parang ayokong maniwala, gusto kong isiping isa lang 'yong malaking bangungot.

"'Yong naligaw tayo sa Gillands, akala mo ba, naligaw talaga tayo no'n? Pakana ko lang lahat 'yon! Binayaran ko 'yong mga lalaking nambugbog kay Shawn. Alam ko kasing malandi ka." Sinampal na naman niya ako. Sobrang sakit na ng mga pisngi ko. "Malandi ka kaya alam kong tutulungan mo siya. Nakita ko kayong pumunta sa park kaya tinawag ko agad sina Jeydon para makita 'yon."

"Ang sama mo!" Nag-init na 'yong buong mukha ko sa galit. Paano niya nagawa lahat ng 'yon? Grabe siya. "Akala ko totoong kaibigan kita!"

Tumawa na naman siya nang malakas. "Alam mo kasi, Candice, bukod sa malandi ka, tatanga-tanga ka pa! Ang dali mong lokohin, ang dali mong utuin!"

"Nagtiwala lang ako sa 'yo! Isa pa, kung si Jeydon 'yong gusto mo, bakit si Ginno 'yong boyfriend mo?"

"Tanga ka nga talaga, 'no? Kaya lang naman naging kami ni Ginno para mapalapit ako kay Jeydon, para palagi ko rin siyang makasama." Hinawakan niya 'yong pisngi ko, sobrang diin ng kamay niya, damang-dama ko 'yong kuko niya. "Kaso umepal ka! Kaya lahat ng pangarap ko, lahat ng plano ko, nasira nang dahil sa 'yo!" Sinampal na naman niya ako gamit 'yong baril niya. Ang sakit na talaga, nanghina na ako.

"Alam mo rin bang ako 'yong nagsulsol kay Ginno para gawin 'to? Oo, may balak talagang gumanti nina Ginno kaya binuo niya ulit 'yong Phoenix pero hindi ganito kalala 'yong balak namin. Araw-araw kong pinaalala sa kanya 'yong ginawa ni Jeydon sa kanya kahit alam ko naman talagang tinulungan siya ni Jeydon. Tinapon ko lahat ng gamot ng kapatid ni Ginno para lalong lumala 'yong sakit niya, dahilan para mas magalit si Ginno." Tumawa na naman siya na parang baliw.

Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang galing niya talagang magpanggap. Pati kapatid ni Ginno na walang kinalaman, dinamay niya. Anong klase siya?

"Sinaktan ako ni Jeydon, pinagpalit niya ako sa 'yo! Sa isang pangit na katulad mo! Kaya ngayon, mas mabuti pang mamatay na lang din siya at siyempre, kasama ka!" Baliw na nga talaga siya. Natawa na lang ako.

"Kahit kailan, hindi ka niya pinagpalit kasi kahit kailan, hindi naman siya naging sa 'yo!"

Nanlaki 'yong mga mata niya at itinutok 'yong baril sa 'kin. Kahit na hinang-hina na ako, nagawa ko pa ring hawakan 'yong kamay niya. Nag-agawan kami sa baril. Sinipa ko 'yong tiyan niya, at biglang pumutok 'yong baril. Sa gulat niya, nabitawan naming pereho 'yong baril. Nagkatinginan kami tapos kinuha niya 'yong buhok ko at sinabunutan ako. Hinablot ko rin 'yong buhok niya tsaka kami nagsabunutan.

"Kakalbuhin kitang malandi ka!" sigaw niya.

"Ikaw 'yong malandi! Wala kang kasingsama!"

Hindi ko na alam kung ilang sampal, sabunot at tadyak 'yong inabot namin sa isa't isa. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Dahil alam ko na 'yong totoo niyang ugali, wala nang dahilan para maawa ako sa kanya. Tinuring ko pa man din siyang totoong kaibigan pero traydor pala siya. Mas masahol pa siya kay Stacey. At least siya, hindi plastic. At may pagnanasa rin pala siya sa hubby ko. Ang dami na niyang kasalanan sa 'kin. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya sa lahat ng ginawa niya.

Hingal na hingal na kaming dalawa. Napahinto kami saglit. Sakto namang pareho kaming napatingin do'n sa baril. Nag-unahan kami ro'n pero mas nauna siya. Tumayo siya hawak-hawak 'yong baril. Nakatutok na sa 'kin 'yon at anytime, pwede na niya akong patayin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Natakot ako. Sa mga ginawa niya sa 'kin, hindi nga imposibleng barilin niya ako.

"Candice!"

Napalingon kaming dalawa. Si Jeydon. Lumapit agad siya sa 'kin, pumunta siya sa harap ko para harangan ako.

"Ako muna ang makakalaban mo bago mo siya masaktan."

Nakatitig lang sa 'min si Margot. Biglang may mga luhang tumulo sa mata niya. "Bakit, Jeydon? Bakit siya? Mas maganda naman ako sa kanya, mas mayaman! Mas sexy at mas matalino! Bakit siya pa at hindi ako?!"

"Kahit kailan, hindi ako magkakagusto sa isang baliw na kagaya mo!" sagot ni Jeydon.

Tumawa na naman si Margot na parang baliw, habang umiiyak. "Pwes, pagsisisihan mo 'yong pag-reject mo sa 'kin!" Nawala na talaga siya sa katinuan.

"Tigilan mo na 'yan!"

"Tumahimik ka! Alam mo, isa na lang 'yong bala ng baril na 'to. Siguro mas maganda kung isa lang 'yong mamatay, 'di ba? Para 'yong isa, habambuhay na magdudusa sa pagkamatay ng taong mahal niya! Sino kaya sa inyo 'yong mamamatay?"

"Diyan ka lang sa likod ko, Candice." Hawak-hawak ni Jeydon 'yong mga braso ko habang nasa likod niya ako.

Alam kong sa tingin pa lang ni Margot, seryosong-seryoso siyang babarilin nga niya ang isa sa 'min. Naisip ko rin si Jeydon, siya 'yong unang mababaril. Kaya ko bang mawala si Jeydon? Kaya ko bang mabuhay na wala siya? Oo, kaya ko, pero hindi ko alam kung magiging masaya pa ako. Mahal na mahal ko siya. Palagi na lang siya 'yong nagliligtas sa 'kin, siya na lang lagi 'yong nasasaktan. Panahon na siguro para ako naman 'yong magligtas sa kanya. Sabi nga nila, love is sacrifice. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.

Tinulak ko si Jeydon kasabay ng pagputok ng baril...

Wala akong naramdaman pero nanlabo 'yong paningin ko, alam kong napahiga na ako. Dinig na dinig ko 'yong boses ni Jeydon na tinatawag ako.

"Wifey, huwag kang bibitiw, ha? Dadalhin na kita sa ospital..."

Basang-basa na 'yong mukha ko. Umuulan ba? O baka naman umiiyak si Jeydon?

"Please, huwag mo akong iiwan, hindi ko kaya."

Hinawakan ko 'yong mukha niya tsaka ko pinunasan 'yong mga luha niya.

"Mahal... na... mahal kita... Jeydon..."

Pagod na ako, pagod na pagod na 'yong mga mata ko. Hubby, pipikit lang ako saglit, ha? Hindi ko na kasi kaya, e.

***

"Candice..."

Binuksan ko 'yong mga mata ko. Gising na ako? Nasa ospital na ba ako? Puro puti 'yong nakikita ko, e.

"Candice, anak..."

Tiningnan ko 'yong nagsalita. "Papa?"

Sobrang liwanag, hindi ko masyadong maaninag 'yong mukha ni Papa pero kilala ko 'yong boses niya. Alam kong siya 'yon.

"Anak, tara na. Sumama ka na kay Papa."

Unti-unting tumulo 'yong mga luha ko. Oo, Papa, sasama na ako sa 'yo. Miss na miss na kita, e. Gustong-gusto na kitang makasama.

"Sasama ka na ba kay Papa, anak?"

Inabot sa 'kin ni Papa 'yong kamay niya. Unti-unti kong inangat 'yong kamay ko para makuha 'yong kamay niya.

"Oo, Papa... sasama na ako sa 'yo..."

Continue Reading

You'll Also Like

53.3K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
130 41 3
Slow- updates// Daughter of the dark, delivered to the light and chosen by the God and Saints. The prophecy about rising of an evil and his seed that...