Dormisteryo

By SarcasticGrey

173K 3.3K 656

Simple lang naman ang gusto ni Kent Harada, at iyon ay ang makahanap ng isang dormitoryo na kaniyang titirhan... More

ARC I
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
Arc II
19
20

2

13.8K 546 142
By SarcasticGrey

It took me five whole minutes to introduce myself to my new 'friends' that would be my soon-to-be-dorm-mates.

Ipinakilala ko ang sarili ko sa kanila, kung anong kurso ang kinuha ko, pero hindi ko na nabanggit ang dahilan kung ba't ako lumipat ng pinapasukang unibersidad.

They didn't push me about my past, but they insisted asking about my interests in the future. Bukod kasi sa iba-iba ang kurso nilang apat ay may kaniya-kaniya rin silang mga hilig.

I found out that these people were easy to get to know. Kaya minabuti kong wag nang magdalawang-isip pa at agad akong nagpunta sa reception area para sabihan ang receptionist tungkol sa naging desisyon ko.

And guess what? I have decided to stay in unit 16 with the rest of them.

Mabilis na inaasikaso ng receptionist ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. She had given me a form filled with terms and conditions. She told me that this dormitory is not the usual dorm students could look for because the owner of this place is following a certain standards.

Naintindihan ko naman ang pinupunto nila. Kahit sino naman talaga ay magugustuhan ang manatili rito. It's like a mini hotel to be honest.

Matapos kong mapirmahan ang lahat ng dapat pirmahan ay agad naman akong kinausap ng receptionist, na pormal namang nagpakilala sa akin bilang Kyle, tungkol sa collection ng renta ng bawat dormers.

It was affordable enough for me and I had paid her my down-payment for a whole month of staying there as soon as we finished talking.

"Enjoy your stay here in Dormisteryo," Kyle smiled as she waved her hand at me.

It took a few seconds for my brain to process what I just heard. Dormisteryo?

Nagtataka akong napakamot ng ulo. "Dormisteryo?"

Tumango si Kyle. "Dormisteryo po ang name ng dormitoryo na ito."

Hindi ko maiwasang mapangiti. It sounded weird but there's nothing for me to say about it. Lahat naman ng bagay may kaniya-kaniyang pangalan.

Maybe the owner of this dorm wants to sound unique as usual.

"Gano'n ba, sige, mauna na ako," I said to her as I grabbed my bags and went inside once again. Feeling a little cringe about the name of this dorm.

~~~

On my first night in Dormisteryo, my dorm mates helped me with my things. May kabinet silang ibinigay sa akin na matatagpuan sa sala. It was a little bit big alone for myself that's why I asked them why they weren't using it.

And they simply answered me that they have their own cabinets inside the room.

Si Martin naman ang nagluto ng hapunan. Ipinagluto niya kami ng adobo. Natuwa nga ako dahil nabusog ako sa masarap na luto niya.

Matapos nun ay dinala naman ako ni Clyde sa veranda ng unit 16 kung saan makikita ang view ng kabuuan ng 'Runic Arcana University', ang unibersidad na akin ding papasukan, at ng isang treadmill na matatagpuan sa isang sulok.

Clyde told me the story behind the university's peculiar name. He told me about the profession of the owner of that school. Isa raw itong manunulat ng mga fantasy novel, at ang Runic Arcana University ay isa sa mga sikat na paraalan na mababasa sa kaniyang mga libro.

Brent Yuri ang pangalan ng manunulat na iyon pero wala pa akong nababasa ni isa sa mga libro niya, pero ayon kay Clyde, mahusay na manunulat ang may-ari ng school, kaya kung isa ka raw sa mga nakabasa na ng isinulat niyang libro, siguradong para ka na ring nabuhay sa loob ng mundong nilikha ng imahinasyon nito.

Matapos no'n ay sumilip naman ako sa banyo nila at natuwa ako dahil malinis ito. Yari sa tiles ang sahig maging ang pader. Napansin ko rin ang mabangong amoy na nagmumula sa isang air freshener na ipinatong nila sa maliit na bintana sa itaas na bahagi ng pader sa gawing kaliwa, amoy lemon ang samyo nito. Tinanong ko si Reinald kung saan sila naliligo at ang sagot niya ay may public bathroom sila sa labas kung saan naliligo ang mga dormer dito pero kung gusto nilang nakahiwalay, may banyo pa rin naman sila rito sa loob.

May dalawang medium-sized room ang unit 16. Yung isa ay ginawa nilang recreation room habang yung isa naman ang ginawa nilang silid-tulugan. Doon nila inilagay ang dalawang double-decker na kama kung saan sila natutulog. Nakita ko rin ang sinasabi nilang mga personal na kabinet na pagmamay-ari nila, may mga pangalan ang bawat isa rito at masasabi kong maayos nila itong inasikaso.

Ang salas naman ang siyang may pinakamalaking espasyo rito sa unit 16. Kumasya rito ang living room set, may sofa, may bilugang center table sa gitna na yari pa sa transparent glass. Makikita naman sa harapan ang isang flat screen television kung saan laging nanunuod si Kurt ng basketball sa isang sports channel. Bukod dito, may shelf naman ng mga libro si Clyde sa isang sulok kung saan niya itinatabi nang maayos ang mga paborito niyang koleksiyon ng mga nobela at textbooks.

Doon ko nakita na iba-iba talaga ang hilig nila rito.

Sa loob ng unit 16 ay may kaniya-kaniyang puwesto ang bawat isa. Si Martin na mahilig magluto ang siyang laging nasa kusina, si Clyde naman sa salas habang nagbabasa ng mga paboritong libro niya, si Kurt naman sa veranda habang tumatakbo sa treadmill at kadalasang nagwo-workout, at si Reinald naman ang laging nasa recreational room kung saan lagi siyang nagdo-drawing ng kung ano-anong bagay na pumasok sa isipan niya.

Ginabi na nga rin ako bago ako tuluyang nakatulog, masyado rin kasi akong naging abala para asikasuhin ang mga gamit ko. Yung mga school supplies ko, at maging ang mga damit ko ay isinalansan ko pa sa kabinet na nasa salas.

Tinawagan ko pa si mama para sabihin sa kaniya na nakahanap na ako ng isang maayos na dormitoryo. Sinabi ko na sa Dormisteryo ako nakatira at sabi niya ay dito raw talaga ako nababagay. Sinabihan niya rin ako na mag-ingat ako palagi at mag-aral nang mabuti. Matapos no'n ay naputol na ang tawag.

Doon ko na tuluyang napagdesisyunang matulog na lamang.

~~~

Nagising na lang akong bigla nang may naramdaman akong pagkauhaw. Hindi kasi ako uminom ng tubig bago ako matulog kagabi, ganito palagi ang nangyayari sa akin sa tuwing nakukulangan ako ng tubig sa katawan.

Natutulog na silang apat nang mahimbing sa dalawang magkatapat na double-deck na kama habang ako naman ay nakahiga sa isang simpleng kutson na nakalatag sa gitna nito.

Mula rito, kitang-kita ko kung gaano kahimbing ang tulog nila, si Kurt ay nakadapa sa upper bunker habang nakalaylay ang kaliwang kamay sa gilid, sa ibaba naman niya ay si Reinald na nakatalikod sa akin habang nakabaluktot. Sina Clyde at Martin naman ay natutulog ng tahimik sa kanilang mga higaan.

Bumangon ako upang magtungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Habang naglalakad ako ay may napansin ako na nakakalat sa sahig, madilim pa kaya binuhay ko muna ang ilaw.

Ang bagay na nakita ko ay mga damit lang pala na nagkalat sa sahig—teka, akin 'tong mga damit na 'to ah!

Agad akong nagtungo sa kabinet ko. Tama ako! May nangialam nga ng mga gamit ko! Sino naman kaya ang gagawa nito? At ang masama, wala na ang ilan sa mga brief ko! Oh come on! Hindi naman kaya nabiktima ako ng sinasabi nilang 'brief thief'?

"Guys!" sigaw ko na agad na pumukaw sa atensiyon nilang lahat.

Lumabas sila ng kuwarto at nadatnan nila akong nakaluhod sa sahig habang nakatingin sa mga gamit kong tila hinalungkat ng kung sinuman, dahan-dahan ko pang pinulot ang ilan sa mga damit na malapit sa akin.

Batid nila sa aking reaksiyon na gusto kong itanong sa kanila kung ano 'to? Anong ibig sabihin ng pangyayaring ito?

Umiling-iling si Kurt. Umupo siya sa pinakamalapit na couch mula sa kinatatayuan niya bago siya tumingin sa mga gamit ko. Tumawa pa siya nang mahina na parang inasahan niya nang mangyayari 'to. Ito na yata talaga ang tinutukoy niya nang magkita kami kahapon.

"The brief thief has done it again," ang bulong pa ni Martin.

Umiiling-iling naman si Reinald sa nakita niya, nakasandal lang siya sa may pinto papasok ng kuwarto habang nakatingin sa mga damit ko. Sinasabi ng kaniyang mga mata na parang wala na kaming magagawa, nangyari na ang nangyari, move on, gano'n.

Wala tuloy akong maisip na puwedeng isagot sa kanila dahil gusto kong magtanong sa kanila tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon.

"Nakakabanas na kung sino mang gumagawa nito. Kapag hindi pa natin nahuli ang magnanakaw na 'yun, siguradong mauubos ang allowance natin kakabili ng brief." Dismayadong pagturan ni Clyde.

Sumandal naman malapit sa pinto si Martin pero sinilip muna niya ang  'peephole' nito. "Walang ilaw na nakasindi sa labas. Naka-lock pa rin ang pinto mula rito sa loob. Imposibleng may makapasok dito mula sa labas kung wala siyang gamit na susi."

"Ba't hindi tayo magtanong sa receptionist? Baka matulungan nila tayo?" nakahinga ako ng maluwag at nakapagtanong din sa kanila sa wakas. "Kung walang kikilos, hindi 'to matatapos, at kung patuloy 'tong mangyayari, mawawalan at mawawalan lang tayo ng mga brief."

"We've tried asking them already pero ang sabi nila, mas mabuti kung i-lock na lang namin ang mga pintuan," sagot ni Reinald sa akin. Itinuro niya pa yung pinto ng unit namin. "But look, naka-lock na lahat-lahat pero nananakawan pa rin kami. Ano na ang gagawin natin? Unless..." Reinald trailed off, leaving a brief awkward silence around us.

"E sino naman ang gagawa nito kung isa sa atin ang magnanakaw?" tanong naman ni Kurt, mukhang naintindihan niya si Reinald patungkol sa ipinapahiwatig na mensahe ng mga sinabi nito.

Kung walang pumasok dito, kami-kami lang naman ang taong puwedeng mangialam ng mga gamit dito. Pero ang tanong, meron nga bang gumagawa ng ganitong bagay sa isa sa kanilang apat?

"Mukhang wala naman sa atin ang nagnanakaw, Kurt. Pero baka puwede rin naman na may 'poltergeist' dito, alam mo na, mga bagay na hindi natin nakikita?" sagot ni Reinald. Inilibot niya pa ng tingin ang buong paligid. Ang salas lang ng unit namin ang bukas ang ilaw sa mga oras na ito.

Pero dahil sa liwanag mula sa mga ilaw ng gusali sa labas, nakita kong buhay na buhay pa rin ang syudad kung saan matatanaw mo ang mga ito mula sa veranda. Sandali ko ring naisip na maaaring doon dumaan ang magnanakaw pero agad ko rin itong isinantabi. Naka-lock din ang sliding glass door at wala akong nakikitang dahilan para akyatin ninuman ang unit namin para lang sa simpleng brief.

"Kakaiba naman 'yan." Bulong ni Martin. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kuwarto. "Matulog na lang tayo at baka ibalik din ng mga elemento ang mga brief natin."

Nakita kong napangisi si Clyde dahil sa sarkastikong pananalita ni Martin. Sumunod na lang din siya rito papasok sa kuwarto.

"Wala tayong magagawa diyan Kent. 'Yan ang kasalukuyan naming pinoproblema rito," ang sabi pa ni Kurt, tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo sa couch at dumiretso na rin siya sa kuwarto.

Si Reinald naman ay napakibit-balikat na lang. "Mahuhuli rin natin 'yang magnanakaw na 'yan Kent. Ingatan mo na lang mga gamit mo. Plano na nga naming bumili ng sari-sarili naming mga padlock e," aniya bago siya pumanhik sa loob.

Naiwan akong nakatulala sa sala habang nakatitig sa mga gamit ko.

Poltergeist? Are they even real? May alam akong mga istorya na nagsasabing sila ay mga mapaglarong multo. Hindi man sila gano'n kalala, pero may pagkakataong masasaktan ka pa rin nila. Mahilig daw silang maglaro, itatago ang mga gamit mo tapos kapag hindi mo na makita at tumigil ka na sa paghahanap ay makikita mo na lang ulit yung gamit mo sa pinag-iwanan mo nito bago 'yon mawala.

Pero kung poltergeist man ang may gawa nito, sana bumalik na yung mga brief nila? Duda ako na may paranormal na nangyayari dito.

At kung ako rin kasi ang tatanungin, hindi naman talaga sila totoo 'di ba? Ghosts are not real and I don't believe them without seeing at least one. To see is to believe ika nga nila. Pero sigurado naman ako na hindi ako makakakita ng isa kahit kailan.

Tumayo na ako at ibinalik ko na lang ang mga gamit ko sa loob ng kabinet. Wala naman akong magagawa kung tatangla lang ako rito habang nag-iisip kung sino ang kumuha ng mga brief ko.

Matapos kong ayusin ang mga damit ko sa aking kabinet ay bigla na lang nahagip ng paningin ko ang wall clock nila sa sala.

3:00 A.M.

Devil's hour?

Sabi nila may mga bagay daw na nangyayari sa mga oras na 'to lalo na yung pakiramdam na may nakatingin sa iyo habang natutulog ka.

Nanayo bigla ang mga balahibo ko, poltergeist? 3:00 A.M.? Ano pa bang puwedeng ikonek sa mga bagay na nangyayari rito. This had weirded me out for a little bit.

'Di na ako nagtagal sa sala bagkus ay bumalik na ako sa kuwarto para matulog na lang ulit. Kinalimutan ko na nga ang pagkauhaw ko, dahil kasi sa nangyari ay pinangunahan na rin ako ng pangamba at takot.

Aaminin ko, I am somehow afraid of ghosts and creepy stuff. Hindi ako matapang pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi nga ako naniniwala sa kanila pero... nandoon yung kaba ko kapag naiisip ko ang mga 'itsura' nila.

Because I'm afraid the ghost of the past will haunt me back.

Pinatay ko na yung ilaw at agad akong nahiga sa kutson. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makita ko ang pinto sa sala na unti-unting bumubukas. Nakuha nito ang buong atensiyon ko. Hindi ako makahinga sa sobrang taas ng tensiyon na nararamdaman ko.

Pero sa pagkaka-alala ko ay naka-lock naman yung pinto, paano niya nagawang buksan iyon? Nakapagtataka.

Kahit kabado ako ay pinanuod ko lang ang pagbukas ng pinto. Madilim kaya hindi ko lubusang naaaninag ang mga bagay sa labas. Tanging ang mahinang sinag ng ilaw mula sa veranda ang siyang naging tanglaw ko para maaninag ang anumang nasa sala.

At tama nga ako, nang tuluyan nang bumukas ang pinto, may nakikita na akong imahe ng isang taong pumasok sa loob. Pero sa kalagayan ko ngayon ay tanging 'silhoutte' lang niya ang nakikita ko mula rito.

Naririnig ko rin ang tunog na ginagawa ng hawak niyang bugkos ng susi. Mahina itong kumakalansing sa bawat hakbang niya. Maingat siyang kumikilos gaya ng isang magnanakaw na iniingatang 'wag kaming magising.

Hindi ako makakilos ni makagalaw sa aking kinahihigaan dahil kinakabahan ako na baka isa pala siyang kawatan na may balak na masama sa amin. Napapansin ko rin na pinapakiramdaman niya kami kung gising kami, o kung may balak ba kaming pigilan siya.

Pero sa lakas ngayon ng hilik ni Kurt at himbing ng tulog nina Clyde, siguradong ako na lang ang natitirang gising.

Maya-maya'y nagsindi ng flashlight ang magnanakaw. Dahil sa mahinang ilaw ng flashlight na kumalat sa buong paligid, nalaman ko na naka-jacket na itim yung kawatan.

At heto pa, nakita kong nakasuot siya ng maskara. At ang maskarang suot niya ay hango mula sa mga 'death masks'. Yung mga puting maskara na may hubog ng mukha ng taong kamamatay lang, na madalas ginagawa noong unang panahon. Malamang sumikat ang mga maskarang iyon sa Europe bilang tradisyon at mapagkakakitaan.

Bigla siyang pumasok sa loob ng kuwarto, ilang metro lang ang layo niya sa aking kinahihigaan. Pinilit kong 'wag manginig. Kabadong-kabado na talaga ako sa mga nangyayari. Maraming scenario na ang pumasok sa isipan ko, mga tagpong lagi kong napapanuod sa mga palabas kung saan pinapatay ng kriminal ang mga taong nakatira sa loob ng bahay na pinasok niya.

Itinutok niya ang ilaw ng flashlight sa bandang ulunan ko, pumikit ako na parang natutulog lang. Ramdam ko kasi na nakatingin siya sa akin, na parang inoobserbahan niya ang bawat hubog ng mukha ko.

Maya-maya ay nawala na ang sinag ng ilaw malapit sa mukha ko, hanggang sa narinig ko na lang na bumukas ang isang kabinet, pero hindi ako sigurado kung kaninong kabinet ang binubuksan ng taong ito.

Teka! Baka siya yung magnanakaw ng brief?

Nakiramdam ako, dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at humarap ako sa taong nasa harap ng mga kabinet nina Kurt.

Nakita ko siyang may dalang tatlong brief. Positive, siya ang brief thief.

Bigla kong naisipan na kumilos pero bago ko 'yon tuluyang nagawa, parang may puwersang pumipigil sa akin. Mga katanungang bigla na lang pumasok sa isipan ko.

Paano kung may itinatago siyang armas? Gaya ng isang matalas na kutsilyo, o kaya baril? Ang daming bagay na tumatakbo ngayon sa isip ko, sa sobrang dami ng mga posibilidad na puwedeng mangyari, hindi na ako nakakilos.

Pinanuod ko na lang siya, dahan-dahan sa paglalakad palabas ng kuwarto. Lumabas na rin siya ng pinto palabas ng unit 16, pero bago niya iyon ginawa, ni-lock niya muna ang pinto mula sa loob.

Hanggang sa tuluyan na ngang nakatakas ang brief thief...

Wala man lang akong nagawa? Pinangunahan ako ng kaba at takot.

Pero bakit? Bakit niya ginagawa yung pagnanakaw ng brief namin? Nahihiwagahan ako sa nangyayari. Anong gagawin niya sa mga brief na nananakaw niya? Saan niya 'yon dinadala?

Bakit sa dinami-rami ng puwedeng nakawin, ba't brief pa ang naisipan niyang puntiryahin?

Sigurado ako... may malalim na dahilan ang taong 'yon. Nararamdaman kong may mas malalim siyang dahilan sa likod ng mga ikinikilos niya. At anuman ang itinatago niya...

Siguradong ako ang makakaalam no'n...

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 463K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...