The Devil Who Danced At Midni...

By theladyinletters

353K 16.7K 5.7K

Watch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choice... More

monologue
antipholus
bassianus
cleopatra
desdemona
egeon
friar laurence
gertrude
hamlet
iras
juliet
katharine
laertes
macbeth
nicholas
octavius
pericles
quintus
valeria
willoughby
xavier
yorick
z
prologue
t a d h a n a
t i m p i
d a l i s a y
g u n i t a
k a l i n a w
t i n a t a n g i
m u n i - m u n i
k a u l a y a w
h u m a l i n g
m a r a h u y o
s a p a n t a h a
a l p a s
h a b i l i n
p a h i m a k a s
the lady in letters
p a r a l u m a n
R-S-T-U
romeo
silvius
thisbe
//psa
ulysses
TDWDAM Self Publishing
TDWDAM Self Publishing II
TDWDAM Self-Publishing Final Form
Landing on the Moon
Getting 11 Glances from Earth
final wave

p a g s a m o

5.1K 364 201
By theladyinletters

pagsamo

(n.) the act of pleading

- Laureta, Isabelle

xxx

Maraming uri ng pag-ibig. 

May pag-ibig na umaabot hanggang Disyembre at may pag-ibig na hindi nakatatapos ng Lunes. May pag-ibig na iniuukit pa sa puno para matandaan, at may pag-ibig kung saan gusto mong humiram ng pala sa pinakamalapit na construction site para ipaghukay ng libingan. May pag-ibig na iinom ka ng tubig sa sobrang tamis at may pag-ibig na isusuka mo dahil tinalo pa ang ampalaya sa pait. May pag-ibig na itataas ka at may pag-ibig din na aalipinin ka hanggang sa maging hilahod na ang dila mo at maging isa kayo ng sahig.

At sa dami ng uri ng pag-ibig... meron din itong iba't-ibang itsura. Mukha. Katauhan.

May pangit na pag-ibig. May magandang pag-ibig. May gwapong pag-ibig. May pag-ibig na kulot, sungki. May pag-ibig na maraming lubak sa mukha. May pag-ibig na makinis. May pag-ibig na tomboy, bakla, 'di tiyak. May pag-ibig na nakasuot ng magarbong damit at may pag-ibig na butas-butas ang kamiseta. May pag-ibig na puti at may pag-ibig na itim. Meron ding bughaw, luntian, kahel. May pengk (rosas). May perpel (kahit lila rin iyong maituturing para sa akin).

Sa kaduluhan ng listahan, mayroon silang iisang pagkakapare-pareho.

Lahat sila...

...pag-ibig.

Sa kaso ng buwan, ang pag-ibig ay may malalim na biloy at dalawang puting pakpak na itinatago ang mahabang buntot sa likuran. Ayaw nga lang nya aminin, dahil masakit masyado. Nakakaubos, nakakatuyot ng lalamunan kung aaminin nyang may mukha ang pag-ibig. Mas mabuti na lamang pumikit at tanggapin ang lahat ng tahimik. Mas maiging lunukin na lamang ang pag-ibig na may biloy (kahit tuyot) at isiping isa lamang itong... ilusyon.

Alalay. Katulong. Sunud-sunuran. Chimay.

Iyon ako.

Palagi na nga akong tinutukso ni Rea kung nag-apply daw ba akong Student Assistant dahil mas marami ang mga oras na nasa faculty ako kaysa loob ng silid-aralan. Halos kilala na rin ako ng lahat ng nasa photocopy-han dahil pabalik-balik ako.

Nakakapagod, oo, pero ayos na rin. Ito pala ang ibig sabihin ng pagpayag. Ito pala ang ibig sabihin ng oo. Kung naguguluhan pa rin kayo, ito na iyon. Kapag sinabi nyang dalhin ko ang mga papeles na ito sa ikalimang palapag ng bagong gusali kahit galing ako sa una, gagawin ko, dahil wala akong karapatang humindi. 

Ngunit sa likod ng lahat ng pagod at pawis na ginugugol ko para sa oo-ng hindi ko naman binigay ng diretso, kapalit niyon ay mga nakapangliliit na tingin na para bang wala kang ginagawang maganda; katahimikan, na para bang nagkasala ka sa ilalim ng buwan; iilang bulyaw kapag walang nakatingin at walang nakikinig kundi ang iyong mga tenga dahil sumobra ng dalawang kopya iyong pina-photocopy mo.

At wala kang magagawa kundi tumungo, dahil nga, um-oo ka.

Na parang hindi ko naman naaalala.

Kagaya ng nabanggit, pikit-mata ko na lang na sinunod ang lahat. Minsan ay gusto na ring sumuko ng buwan. Masakit daw, ang magtrabaho ng ganito. Wala raw mapapala, ang magpagod ng ganito. Bumuka man raw ang langit at sumuka ng milyon-milyong tala at isang libo pang buwan na kapalit ay dito pa rin ang hahantungan; sa mga mapaniil na bisig ng mundo na gustung-gustong sakupin at ubusin lahat ng natitira.

Ten copies, Mendoza? Nakikinig ka ba?

S-sir sabi nyo naman po kanina sampu lang -

I clearly said twenty, Mendoza. What's the use of your ears? Cut them off!

At tatakbo na naman ako sa ika-limang palapag dahil naibalik ko na ang orihinal na kopya; tandang-tanda kong sampu ang sinabi nya. Mabuti na lamang at iilan lamang ang nandoong guro. Siguro ay sinasadya upang iilan lang ang makaalam; sapat lamang para mapahiya ako. Puwes, hindi ako mapapahiya at hinding-hindi ko ia-angat ang ulo ko para makipagkilala ang mga mata ng buwan sa mundo.

Wala rin namang halaga kung malulunod ulit ako sa mga tingin nya. Iisa at iisa lang ang makukuha ko: takot, takot, at takot. Walang iba.

Ganoon ang nangyari buong araw. Pabalik-balik sa una at ikalimang palapag. Minsan ika-apat ng building ni Pepe papunta sa ika-lima ni Tandang Sora. Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko at minsa'y iniisip kong mas masakit pa ito kaysa sa naramdaman ko bago ko iluwal si Caius. 

Napapabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari nang tumawag si Kiel, noong hapon na iyon.

'Di ba alas-kwatro ang labas mo?

Hindi... eh. Napatingin ako sa relong suot ko. Hindi ko alam kung may iuutos pa. Hindi ko alam kung may hangganan ang pasakit na binibigay sa akin ngayong araw. Parang walang katapusan. Parang hindi nauubos ang gawain. Hindi ko sure. Marami kasi kaming group projects. 

Hindi ba pwedeng weekends?

You know I have work, Kiel.

I can always tell the shop you won't be able to come.

Ayoko nga ng ganu'n, eh.

But I can always make an exception. It's you, Maine.

Kiel, please.

Buntong-hininga sa kabilang linya. Sige, Maine. Ingat ka. Itext mo na lang ako kapag magpapasundo ka.

Baka hindi ako magpasundo ngayon.

Bagong tono. Nagtataka. Gulat. Bakit?

Basta. Magpapaliwanag na lang ako sa bahay, kapag nagkita tayo. See you. Bye. Ingat din.

Sumuko na ang kalaban. Okay, Maine. Ingat. 'Wag kang magpakapagod.

Pinatay ko na ang selepono.

Who are you talking to, Mendoza?

Nagitla ako. Napatalon ng bahagya sa gulat sabay umikot upang tingnan kung sinong nakikinig sa palitan ng mensahe - ngunit bakit hindi na nga ba ako tuluyang nagulat?

Palagi namang ganoon. Bigla-biglang sasapakin ni Mareng Tadhana. Kapag nagsawa sya, tapir naman ang susunod.

O kaya'y kaunting tapik, para lang magulat ka. Parang ganito.

W-wala po, Sir.

Ibinalik ko na ang bagay kong kanina pa hawak na ngayo'y basang-basa na ng pawis.

May ipapagawa po ba kayo?

Meron.

Ano po?

Don't talk to anyone else while you're in my vicinity. At naglakad ito papalayo.

Napailing na lamang ako. Bakit? Anong dahilan para pagbawalan ako? Sakop ba iyon ng oo na hindi ko naman ibinigay? Ano?

Nagpahinga ako sandali para kumain. Alas-singko na rin nang ako'y matapos at nagsimulang bumalik para sa kung ano mang utos. Sa kabutihang palad, wala na ang mundo. 

Napangisi ang buwan. Sa wakas. Wala na. Wala na ang berdugo.

Akmang maglalakad na ako palayo noong hinabol ako ng isa pang guro na hindi ko kilala. Nag-abot ng ilang papeles na para bang matagal na nya akong kakilala, at sa pagkakatanda ko'y ang mundo lang ang kailangan kong pagsilbihan - bakit ako pinaghahatid ng ilang papeles sa bahay ng kung sino mang Pontio Pilato?

Wala na naman akong nagawa.

Bakit?

Kailan ba may nagawa ang buwan?

Mabuti na lang at alam ko ang bahay ng nasabing Pontio Pilato nang ihatid ako nito noon sa kanto malapit sa amin. Noong gabing iyon, tumanggi akong ihatid mismo sa pintuan ng tahanan. Ayaw ko. Hinding-hindi mangyayari iyon.

Nakatatlong-sakay din ako ng jeep. Palipat-lipat, kahit masikip. 

Sisingilin ko ng pamasahe ang Pontio Pilato kapag naiabot ko na ang mga papeles. Nag-text naman iyong gurong nakisuyo na papunta na ako sa bahay niya kaya't hinihiling kong nag-aantay na sya sa labas. Kung hindi...

... e 'di hindi. E 'di wala. Wala naman akong magagawa.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto, nakarating na ako sa tinutuluyan ng mundo. Maganda. Napangiti ako sa kawalan. Alam kong ganitong... uri ng bahay ang pipiliin nya.

Inabot ako ng isang oras sa labas ng bahay. Sa animnapung minuto sa loob ng isang oras, limampu't siyam doon, sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko kinuha ang numero mula sa gurong nagmagandang-loob at ginawan pa ako ng trabaho. Kung alam ko kung anong gagawin sa mga papeles na ito, ako na sana ang gumawa. Ako na sana ang nagtrabaho kung ititipa lang din sa makina.

Dalawa.

Tatlo.

Apat. Apat na oras din akong nag-intay. Hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Ezekiel. Direkta kong tinatawagan si Pe para kausapin si Caius.

Nakakatawa, dahil ama mo ang dahilan kung bakit hindi ako makapunta agad sa'yo, mahal.

Isa. 

Dalawa.

Tatlo. Tapos ay sampu, dalawampu, isang daan.

Dumami nang dumami ang mga patak ng ulan at agad akong humanap ng masisilungan. Noong wala, napilitan akong mag-ingay sa at galawin ang tarangkahan ng nasabing bahay. Nag-ingay. Nagtawag ng kung sinong tao sa loob. Nanggulo.

Hanggang sa nagpakita na ang mundo. Pinapasok ako, sa wakas. Ngunit huli na. Basa ang mga papeles, basang-basa ang damit kong puti. Nagpaalam akong aalis na.

Sinamaan nya ako ng tingin. Just where do you think you're going, looking like that?

M-may bag naman ako. Pagdadahilan ko. Pwede kong takpan.

Hindi ito sumagot. Kinaladkad lang ako pataas. Ipinasok sa isang kuwarto. Naghalungkat. Binato ako ng itim na damit.

Kinuha ko. Tiningnan. Pambabae.

That's Mia's. Sumagot kahit hindi pa tinatanong. Tila alam na. It will fit you.

Hindi ko na lang tinanong kung bakit may mga damit si Mia rito. Hindi ko naman iyon problema at lalong hindi ko naman dapat pang panghimasukan ang mga bagay-bagay na hindi naman ako kasali.

A-ayokong suotin 'yan. Ibinalik ko ang damit sa mga kamay nya.

You're not fucking going anywhere, Mendoza. Mariin ang pagkakabanggit ng bawa't salita. Walang pwedeng sumalungat. Change.

O-okay e 'di lumabas ka muna -

I already saw everything, Mendoza. Why would you hide from me? Masamang tingin. Turn around and change if you're uncomfortable.

Bakit ko ba kailangang -

You don't get to ask me why, Mendoza. You only answer yes. Just damn yes.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para tanggapin ang damit at tumalikod mula sa kanya. Walang saysay ang pakikipag-away. Makapangyarihan ang oo ko, ano?

Makapangyarihan sa sukdulang wala na akong nagawa.

Dahan-dahang inangat ang damit. Mabuti't hindi nabasa ang panloob. Maganda ang lampara. Maganda ang unan. Maganda ang kobrekama. Kahit ano, inisip ko. Huwag lamang mangatog ang mga tuhod ko habang nagbibihis. Huwag lamang akong tumumba habang nagpapalit.

Huwag lamang akong sumuko dahil wala na akong matakbuhan.

Walang nagsasalita. Wala akong naririnig kundi ang hiningang lumalabas sa parehas naming ilong at bibig habang bahagyang gumagalaw ang iilang piraso ng buhok ko dahil sa hangin. Naramdaman kong paunti-unti syang lumapit pa, hanggang wala ng isang metro ang distansya ng mundo sa buwan.

Nakakatakot.

Nakakatakot ang bilis ng pintig ng puso ko na para bang may inuuhang kabayo.

Nakakatakot ang pagbabago ng paglabas-pasok ng hangin mula sa bibig at ilong ko mula sa normal papunta sa hindi.

Nakakatakot, dahil sa kabila ng kaba, nag-aasam ang buwan ng mga bisig na yayakap sa kanya...

... at hindi naman sya binigo ng mundo. 

What did I do for you to shut me out of your life? Nang-aakusa. Nasaktan. Ubos. Nagdurugo. Have I given a lot of love it became too much for your whole being?

Hindi alintana ang kakulangan ng saplot, tuluyan nang naglaho ang distansya sa pagitan ng mundo at buwan.

Kagaya ng dati.

Limang taon na rin ang nakakaraan.

Limang taon na rin ang nakalipas.

Ngunit hindi maitatanggi ng buwan na ang mundo...

... ay mundo pa rin.

Na kahit ang pag-ibig na akala nya'y matagal nang nawalan ng mukha... ay narito, sa kanyang likuran, sinasamba ang katiting liwanag na ibinibigay ng buwan. Ng dating buwan, ng bagong buwan, ng naglahong buwan - walang may pakialam.

Noong gabing iyon, ang mundo ay mundo.

Ang buwan ay buwan.

At wala nang maitatanggi pa.

Ang dami-dami kong gustong itanong pero hindi ko magawa dahil hindi ka naman sumasagot.

Halik sa balikat.

I still know where to kiss you even with my eyes closed, love.

Halik sa batok.

I still know.

Pipigilan ko na sana dahil kung baka kung saan pa makarating ang mga nakalulunod na halik noong tumawag si Mia - alam ko ang boses nya, tinandaan ko - mula sa baba, senyales na nakauwi na sya kasabay ng pagbitaw ng mundo sa buwan.

At noong mga panahong iyon, parang sasabog ang dibdib ng buwan sa inis, sa lungkot, sa dismaya, sa inggit sa araw...

... at sa uri at mukha ng pag-ibig na hindi nito maiparating.


Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 1.6K 54
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
3.3K 231 26
Matagal nang may pagtingin si Jude sa kapitbahay nilang si Stephanie ngunit wala siyang lakas ng loob na aminin ito. Bukod sa isa sa pinakamayaman sa...
19.5K 146 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...