Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

121K 5K 12K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 7

2.2K 115 491
By frosenn

I'm deeply sorry for making you wait for too long! I've been busy, no joke, with important matters. But I hope this update is not too late to rekindle your interest. Enjoy reading and thank you for your patience! Love you all!
---

Chapter 7

Thrill

One thing I wouldn't deny, the food was divine! Gusto kong maluha sa sobrang sarap at dami noon. Hindi ko alam na dalawang set pala ang laman ng takeout box.

Paminsan-minsan tuloy akong napapatigil sa pagsubo dahil tuwing naaalala kung kanino galing ang mga iyon, dinadapuan ako ng hiya.

"Kung makatingin ka kanina, parang isusuka mo na 'yan. Tapos ngayon, isusubo mo rin pala!" eskandalosong biro ni Apollo.

Halos mabulunan ako.

"Ang daya. Dapat ako rin, Papa Gio. Pasubo..." he sighed wistfully.

Tuluyan na akong napainom ng tubig dahil bumara ata iyong kinakain ko sa lalamunan.

"Apollo!"

"What?" natatawa niyang lingon sa akin.

"Kadiri ka. Tigilan mo nga 'yan. Nakain ako!"

"Oh, same here! Respeto sa imagination ko, dear. Can't deny it. He a damn snack!"

My face heated at his malicious remarks. Hindi ko na lang iyon pinatulan at tinapos na ang pagkain bago pa man kami humantong sa iba.

After class, muli akong binati at ni-congrats ng mga kaklase bago magsilabasan ng room and it never failed to flatter me. It still felt brand new that it felt too good to be true.

I wonder kung kailan kaya ako masasanay? Sa sobrang buti sa kasi akin ng mga tao, pakiramdam ko hindi ito pangmatagalan. Pakiramdam ko babawiin din ito sa akin pagdating ng panahon dahil hindi ito para sa akin. Hindi ito ang buhay na para sa akin dahil nasanay akong...

"Hey, AppleLia!"

Kahit hindi na namin lingunin, alam na namin ni Apollo kung sino-sino iyon. Sino ba ang mga tamad bumigkas ng buong pangalan namin kaya pinagsama na lang?

Outside the door of our classroom were Kenna, Palmer, and Diego. Si Kenna ang sumigaw at nagsikaway naman ang dalawang nakadungaw rin sa pinto.

Napangiti ako nang nakita sila.

"What are you doing here making scandal?" Si Apple ang naunang lumapit doon dahil pinapasok ko pa sa bag ang mga gamit.

"Ang sungit mo! We heard Ophelia is JBA's potential VP! Tara, celebrate!" Palmer proposed enthusiastically.

Lumapit na rin ako sa kanila kaya klase-klaseng congratulatory greetings ang sinabi nila sa akin. Sabay-sabay na kaming bumaba. Ayon sa kanila, tapos na rin daw ang classes nila pero dahil maaga pa, napagkasunduan nilang mag-milktea kasama kami. Pumayag kaming dalawa kaya dumiretso na kami sa milktea shop na malapit sa school.

"Wala ba kayong new recruit sa section niyo at kami ang ginugulo niyo?" si Apollo na hinampas agad ni Kenna sa braso nang pabiro.

Napangisi ako. Kahit papano ay sanay na rin sila kay Apollo. Pagkahanap namin ng table, tumayo na si Diego para order-in ang mga napag-usapan naming orders.

"Meron na kaming ibang friends pero syempre, gusto naming i-treat si Ophelia! Kahit sa section namin, sikat 'yan, e!"

My eyes widened as I put my bag on the seat next to mine.

"Sikat? Bakit? Saan?" naguguluhan kong lingon sa kanila, kulang na lang ay kompletuhin na ang lahat ng tanong.

"Saan pa ba? Of course sa katalinuhan!"

"Big deal talaga sa Mackenzie ang mga top notcher. For example, Giovanni. Two years na siya rito pero hindi pa rin humuhupa iyong pagiging top niya noon sa Senior High School Admission Exam last year at College Qualifying this school year!" si Palmer na source lagi ng controversial issues at information namin.

For the past weeks, ilang beses na rin kaming nagkakasama sa break time at after-class gala. Lalo na tuwing gaya nito at maaga ang dismissal. Hindi ko inaasahang may ilalalim at ihahaba pa pala ang samahan namin ni Apollo sa kanila.

Tuluyan na rin kaming naging komportable sa isa't isa kaya lubos ko iyong ikinatutuwa. At last, there are people I can call close friends more than Apollo. Not to mention we are from different classes. That is something worth appreciating for sure.

"Wait, are you telling me it's been only two years since he studies here?" gulat na komento ni Apollo ilang sandali.

Napukaw noon ang atensiyon ko.

Uncertainty dawned on Palmer's face as if she didn't have an idea what's going on.

"Uh... yes? Why?" natatawa na naguguluhan niyang balik kay Apollo.

Nang natanto kung ano ang ikinakagulat ng kaibigan, nagsimula na rin akong mabuhayan ng kuryosidad.

"Unang taon niya pa lang sa College? He's just a first year college student?" gulantang kong sambit.

When Palmer and Kenna seemed to understand our curiosity, they laughed and smiled proudly.

"Your shocked reactions are familiar because we were, too, the first time we knew it. Akala rin namin noong umpisa, he's already graduating or something!" ani Kenna.

Palmer nodded and leaned on the table. "Maybe it's because he has that gorg face similar to western hotties, let alone the good built! Matured and ripped! Pero ayon sa mga kaklase naming dito rin nag-Junior High, he's already nineteen and supposed to be a college sophomore, not just freshman. Kaso, hindi namin sure kung totoo, pero tumigil daw sa pag-aaral for a year noong magge-Grade 12 na sana siya dati."

"Yeah. Then last last year lang ulit bumalik sa studies bilang Grade 12 sa Mackenzie. Sabi nila, baka raw na-busy sa family business. I don't know," balewala nang dagdag ni Kenna habang patingin-tingin na sa paligid.

"Isn't he cool?" si Palmer ulit. "He's an open book but a private person at the same time."

Napakurap-kurap ako, hindi alam ang isasagot doon dahil nakatingin siya sa akin.

Mayamaya, bumalik na rin si Diego at tinanong kung anong pinag-uusapan namin. Pero biniro na lang siya nina Kenna na siya raw kaya nagsimula ang asaran.

"Pinaplastik ka namin sa likod mo!" tawa ni Palmer.

Diego smirked. "Pinag-uusapan niyo na naman kung gaano ako kapogi."

"I like the fighting spirit. Ikaw lang ang bina-backstab na masaya," Apollo joined them.

Diego frowned, making the rest of us burst in laughter. Kay Apollo lang siya walang pambara dahil alam niyang hindi ito nauubusan ng bala.

Samantalang ako, paminsan-minsang nadi-distract. Siguro dahil sa naputol na usapan kanina. Ewan ko, pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman namin.

Who would have thought that someone as near perfect as Giovanni Smith has once quitted studying before? Based on norms, it's questionable and controversial. Or at least it is for me.

Kahit anong hirap ng buhay, sensitibong isyu ang paghinto sa pag-aaral dahil ito ang isa sa mga huling sinasakripisyo, buhat ng kasama ito sa mga pangunahing priyoridad ng mga tao.

But who am I to judge and dwell on it anyway? We have our own lives to care about, so as someone who's paving a new way of living, I tried my best to put that issue aside.

Gaya ng paanyaya nila, nilibre nga nila ako kahit ilang beses akong tumanggi. I realized I was being treated and pampered for free so much today. Not bad!

Kaya naman nang tinawag na si Diego para sa orders namin, walang sabi-sabi na namin itong nilantakan.

"Na-ghost ako dahil hindi pa ako pumayag makipag-exchange ng picture! Edi don't!" asik ni Palmer.

Bigla na lang napunta ang usapan sa ghosting. Hindi naman ako relate sa topic pero natutuwa ako sa kanya-kanya nilang karanasan.

"Ayos lang 'yan. Hindi naman ikaw ang nawalan. He missed to treasure something precious, not the other way around," pang-aalu ni Diego.

Sabay-sabay na lumandas ang nakakalokong ngisi sa aming mga mukha habang pinagmamasdan ang dalawa. Kaya nang napansin nila iyon, sinamaan kami ng tingin ni Palmer at natawa na lamang si Diego.

"Issue kayo!" Palmer winced.

Sinundan ko ng tingin ang kilos ng huli. He cleared his throat before taking a sip on his iced coffee. Pagkalapag muli ng inumin sa lamesa, he wrinkled his nose as he took a side glance at Palmer's way. My eyes narrowed.

Kung hindi pa ako kukurutin ni Apollo sa ilalim ng table, baka pa tuluyan na akong nalunod sa obserbasyon. He eyed me, giving me a watchful look so I gulped and shook my head guiltily.

I'm sorry! Can't help it, alright?

From Palmer's failed potential relationship, the topic was shifted to Rouxton's Acquaintance Day.

"Sana all! Wala ata tayong ganon. Sabay na ba ang Acquaintance ng SHS at College sa Rouxton, Ophelia?"

Tumango ako. "Hindi pa namin nararanasan pero taon-taon, mukhang ganoon nga."

Hanggang Junior High lang naman kasi kami doon ni Apollo kaya never pa namin naranasan na kasama sina Kuya sa Acquaintance Day. Hiwalay kasi sa aming mga JHS, e.

"Tingin mo dadalo si Collins Smith?!" Palmer intrigued.

Ngumuso ako at sa huli ay marahang umiling. "Hindi ata. Last year, wala naman kaming nabalitaan na um-attend siya."

"Last last year, yes, she attended. But only as a guest," ani Apollo na ikinamangha ng tatlo.

"Wala tayong Acquaintance Day sa Mackenzie pero tuwing September, bawi naman sa Festival week," kibit-balikat ni Diego.

True enough, I realized Diego's right. Bago matapos ang linggo, nag-announce ng general assembly ang JBA. In-excuse ako ng org dahil may masasagasaang subject ko sa na-set nilang schedule.

Pagkarating sa office nila, una kong napansin ay ang mga trophy, plaques, medals, at certificates na naka-display sa isang glass cabinet. Sa tabi noon ay ang dambuhalang cork board kung saan naka-pin ang announcements, reminders, calendar, maging ang mga pictures ng dating batch ng JBA, at iba-iba pa.

My breathing hitched as I roamed my eyes around the office. Malawak iyon, kalahati ng ordinaryong classroom sa Mackenzie. Organized at air-conditioned. May iilan ding halaman na nagbibigay ng accent sa buong lugar.

May dalawang office table sa kaliwang bahagi samantalang malaking table naman sa dulo. Parehong may mga upuan sa magkabilang gilid.

Doon sa malaking table, natagpuan ko ang ilang JBA officers at seniors mula sa Business Department, ang iba ay pamilyar, na abala sa dalawang laptop na tinitignan.

They expressed their shares of greetings and niceties kaya sa gulat ay nabalik na lamang nila ang tingin sa ginagawa bago pa ako nakabati pabalik.

"Are you ready? This will be your office, too. Very soon," kumpiyansang sabi ni Luisa nang nahuli akong manghang-mangha sa paligid.

I smiled. Pero ang totoo, agad iyong napalitan ng kaonting kaba.

Aaminin ko, nang nakita kong may mga college din sa loob ng office, bahagyang lumundag ang puso ko sa kaba dahil sa hindi tiyak na dahilan.

Get a grip, Riz!

Marahan kong pinukpok ang dibdib bago sundan si Luisa na siyang lumapit naman sa isang frosted glass door. Pagkabukas niya roon, saka ko lamang natanto na nandito rin sa loob ng opisina ang sarili nilang conference room! What the heck?

"Hello, Miss Mallari!"

"Nag-JBA ka rin pala? I knew it!"

"Ophelia! Nice to see you again!"

"Nandito na pala 'yung iboboto ko!"

I probably looked dumb and stupid as I returned the pleasantries. I strained a smile while lowering my head as an acknowledgment of their warm welcome.

Humigit-kumulang dalawampung Senior High ang naabutan kong nasa loob na ng conference room bukod sa marami pang pumapasok kasunod ko.

Luisa offered me one of the seats in the front row, but I declined politely and chose the one in the center corner beside a girl sitting alone in the row.

The girl's face is familiar. Maybe because almost everyone in ABM is now recognizable to me because it's been a couple of weeks since the school started.

She seemed immersed in the animated happenings around when her eyes landed on me. Kaya naman laking gulat ko nang kakaupo ko pa lang, bigla itong humarap sa akin at naglahad ng kamay.

"Hi! I heard plenty much about you! Ikaw si Ophelia Rizette E. Mallari. Ako naman si Sechalyn!" she uttered my name like how children declare their name in a pageant, energetic but with pauses in between.

Para akong kinapos ng hininga dahil sa taas ng energy niya.

"Uh... hi! Hi, Sechalyn," hilaw kong ngiti sabay tanggap sa kanyang kamay.

She giggled. "Just call me Seka!"

Tumango ako at umayos na ng upo. Muli kong sinulyapan ang kanyang direksiyon dahil hindi na napigilan ang kuryosidad.

"You look familiar to me. Uh... Na-curious tuloy ako kung saan kita nakita," I chuckled a bit to cover up my hesitancy.

Namilog ang medyo singkit niyang mga mata at napatakip ng bibig. Now, she looked flustered.

"R-Really? You recognized me? It's an honor!"

Napailing ako ngunit hindi na rin napigilan ang ngiti. "Please don't. I don't think I deserve that kind of pedestal. Nakakahiya."

She gasped. "Hala? Bakit ka nahihiya? Wala kang idea kung gaano ako kagulat na sa dinami-rami ng bakanteng upuan, dito mo pa napiling umupo sa tabi ko! Everyone in this room is looking forward to approaching you, and I am the luckiest to be the one chosen!"

I pursed my lips as I felt my cheeks flushed.

Siguro dahil hindi pa ako sanay? Kaya ako nakakaramdam ng pagkailang tuwing nabibigyan ng special treatment? I've never been this buttered up before. I think it's just normal to feel shy and uncomfortable at first with this kind of situation.

Seka crouched and followed my face. Halos mapabalikwas ako dahil sa ginawa niyang iyon!

"Uhm... mukhang nasobrahan ata ako. I'm sorry!" nahihiya niyang sabi sabay himas sa kanyang batok. "Ang totoo kasi nyan, una pa lang sa orientation, hangang-hanga na ako sayo. Gusto sana kitang lapitan para magpakilala, kaso nagmamadali talaga ako that time. Last day kasi iyon ng part-time job ko tapos late na ako, so..."

I nodded. Siya na yata ang pinakamadaldal na taong nakausap ko. Kanina pa iyong tanong ko pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ang destinasyon ng paliwanag niya.

"Kaya nga nahihiya ako habang nagpapaalam sa mga senior noon dahil hindi ako makaka-attend nung welcome party, e. Baka kung anong isipin nila kasi nakapangako pa yata ako sa kanila." She then laughed awkwardly.

I faced her expectantly. Somehow, parang may ideya na ako kung anong ibig niyang sabihin. Kaya hindi nagtagal, tuluyan ko nang nahinuha kung bakit siya pamilyar sa akin.

"Kasama kita sa Top 10?"

"Tama!" Her face beamed. "Top 7 ako from ABM din! Kaya sobrang proud ko nang nalaman kong ka-strand ko ang Top 1!"

That's how I first met Seka.

Knowing that she's one of those top students who missed joining the welcome party and hearing her reasons now, I kind of felt bad for her. Naalala ko kung paano batikusin at halos husgahan ang mga gaya kong nakasali sa Top 10 sa aming batch dahil lang hindi nakasipot sa party. People thought it's because they probably feel special for that event. Hindi namin alam, may mas malalim na rason ang ilan sa kanila kaya hindi nakadalo.

"Wala ka bang kakilala rito?" tanong ko sa kanya dahil napansin ko kaninang nag-iisa lang siya rito.

Bahagya siyang natigilan. Umiling siya bago alanganing bumaling sa akin.

"Meron naman. Kaso..." she bit her lower lip before tearing her eyes off me. "May nagawa ata akong mali. Pakiramdam ko, kahit sa room, malayo ang loob nila sa akin."

"Huh?"

I couldn't get it. Someone this outgoing, cheerful, and friendly, sila iyong mga tipo ng taong sigurado akong kahit saan ipuwesto ay makakahanap at makakahanap ng bagong kaibigan. Walang hirap na makakasabay dahil magaling makisama. But...

"It's my fault. I regret not being able to make time for that party before. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong nangyari o kung may napag-usapan ba that day pero..." Bahagya siyang tumawa pero mas nangibabaw ang lungkot. "First day of class pa lang, pakiramdam ko nahusgahan na nila ako..."

Kumirot ang puso ko sa narinig.

For that moment, I yielded and agreed to Mr. Giovanni's opinion that day. Now I understand it further. It's inappropriate to make a single incident define someone without knowing their truth.

I'm here coping up with the lavish praises and recognition from other people because I fulfilled their standards. Medyo hirap pang masanay dahil bago ito sa akin. But on the other hand, here's Sechalyn. Maybe we're in a current opposite situation, but I suppose we're not completely different.

Sigurado akong hindi siya sanay sa ganitong environment. Based on her personality, malakas ang kutob kong tama ang hinala kong she's a people person. But now, in Mackenzie, just because of one unintended decision, it boiled down to this.

Paano kung hindi kami nakita nila Kenna noong araw na iyon? Paano kung hindi nila kami niyayang dumalo sa pagtitipon? Paano kung hindi ako nagpakita roon?

Probably, that one harmless discussion back at the party could turn my senior high school experience upside down. How scary...

Ilang sandali pa, nagsimula na rin ang program. Nagsipasukan na rin sa conference room ang mga nakaunipormeng JBA officers, ganoon na rin ang mga college na mukhang ginagabayan ang mga ito.

Sa harapan pumwesto ang mga college. I checked them one by one. Hindi ko alam kung bakit para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang nakumpirma kong hindi sila iyong kadalasang... Hmm.

May nakalaang hiwalay na lamesa para sa kanila. Ang ilan ay pumunta sa technical support bago nag-cue for opening.

It was Luisa who lead the GA after the prayer. The audience was proactive in participating in the discussion. Halos mapuno ang lahat ng upuan dahil halos lahat ata ng nagpa-member sa organization ay narito, kasama ang mga kaklase kong nag-sign up din. Si Apollo, sa ibang org sumali.

After playing several informative videos and explaining the organization's history, mission, vision, and GPOA, nagkaroon muna ng munting intermission number ang isang dance troupe from our strand bago tuluyang binuksan ang official nomination for JBA officers.

Huminga ako nang malalim. Agad na nagtaas ang isa sa maiingay na grupo sa unahan na pinaunlakan naman ng President.

"I nominate our friend, our president, and our topnotcher, Mr. Edison Pascual for Vice President!" bibong mungkahi ng malambot na lalaki sa kanilang grupo.

Pagkasabi noon, umupo na rin ito at nakisali sa pakikipagtulak sa lalaking nakasalamin na nasa gitna nila. Napuno ng cheer ang bandang iyon.

"Pascual, Top 3 sa exam. Isa rin sa apat na nag-top from ABM kasama natin," bulong sa akin ni Seka.

Ngumuso ako. Sila ata ang most delegate section ngayon dahil sila ang section na may pinakamaraming magkakaklaseng um-attend.

Hmm. Maybe I should learn how to step up next time for our section? I forgot this part.

Mayamaya pa, pagkatapos isulat ang pangalan noong Edison, napansin kong dumako sa aking direksiyon ang tingin ni Luisa. Pinanlakihan niya ako ng mga mata bago muling buksan ang nominasyon nang nakangiti na ulit.

Mabilis na nagsitaasan ng kamay ang mga tao. Ilan pa sa kanila ay mga kaklase ko, halos magmakaawa na para lamang matawag nang bigla namang pumalakpak bago nagtaas ng kamay si Seka!

"I nominate Ophelia Rizette E. Mallari for Vice President!" aniya nang tinawag siya ni Luisa. "Our friend, their section's president, and our best topnotcher!"

Oh, my gosh! Para akong sinabuyan ng kumukulong mantika sa sobrang init ng mukha ko. Tinago ko iyon sa aking palad at mariing napakagat ng labi.

I glared at Seka the moment she returned to her seat. But instead, she grinned and clapped her hands along with my classmates and other students in the room. Pati ang iba sa mga college, nakisali roon!

Why the hell did she have to say all of that?! Gusto ko sana iyong ipagdiinan sa katabi ngunit napangunahan na ako masyado ng hiya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango at ngitian na lamang ang mga nakikisaya.

Overall, tatlo lamang kaming napili dahil tatlo lang kaming tumanggap sa nomination. That's why when it's our turn to introduce and pitch ourselves in front, my nerves just couldn't calm down!

Hindi pa nakatulong na aktibo at masigasig nga iyong Edison Pascual. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Him voluntarily stepping forward with a confident demeanor in the center sent me an uncomfortable feeling.

Habang nakatayo sa gilid, tinanaw ko ang reaksiyon ng mga officers at mga college facilitators sa kabilang banda.

Edison was indeed skilled and competent. Competent enough to win their applause after a jaw-dropping speech.

Kinabahan ako. Hindi ko lubusang maisip na siya ang hinirang na Top 3 at ako ang... Teka, paano ko ba natapatan ang isang tulad nito? After that speech, para akong nanliit sa kinalalagyan ko. Marami nang karanasan sa larangan ng kompetisyon gaya ng pinahayag niya kanina sa harapan.

He nodded and grinned at me as he returned to the spot near me.

Sumalang na rin ang isa pang nominado kaya nang pagkakataon ko nang pumunta sa gitna, ramdam ko ang pamamawis at pangangatog ng tuhod.

"Go, Miss Pres!"

"You can nail it! Top 1 lang malakas!"

"Kayang-kaya mo 'yan!"

Hindi ko na alam kung saan nagmula ang ano. Basta nang sumenyas na si Luisa na pwede nang magsalita, umayos na ako ng tayo at pinakalma ang sarili.

"As some of you may know, I am Ophelia Rizette Mallari, as in Ophelia of Greek origin that means help."

I bit my lower lip. Na-realize kong may na-skip akong rehearsed part. I intended to say how my close friends call me Riz but nevermind!

"I'm not sure if my parents knew it the moment they had me, or it just so happened that I lived up to my name, with no choice." I laughed awkwardly. "But as a person, I always catch myself lending a helping hand to others..."

I was on the verge of adjusting to the pressure when the door suddenly opened.

Bahagya akong nagambala kaya dumako roon ang aking atensiyon.

The door was located at the furthest part, sa dulo kung saan nakatalikod ang audience. Kaya kung mayroon mang unang makakapansin sa pagpasok ng mga bagong dating, ako iyon.

My heart pounded like a brutal hummer when I realized it was the least people I wanted to run into today. Especially in this state!

Yves, Wesley, Luigi, and Mr. Giovanni entered the room before occupying the last row silently. Hindi maiiwasang may makapansin sa kanilang presensiya kaya lalo akong na-distract nang nagsilingon ang mga tao sa kanila.

I closed my eyes tightly for a brief moment and twiddled my ring. I was shitting bricks already, but the moment I opened my eyes, it worsened as I caught their group currently focused on the mess I was making.

"Ophelia!" rinig kong usal ni Luisa habang nakayuko na sa unahan.

Saka pa lamang ako natauhan. Lalo na nang nakita ko kung paano nalihis ang tingin sa akin ng mga bagong dating dahil sa kung anong sinabi ni Yves.

My eyes transferred from him to the man beside him. Our eyes locked without knowing he's still watching me talk. Mr. Giovanni licked his lips leisurely before turning his gaze to Yves.

Hindi ko na alam kung paano ko naitawid ang kapalpakang iyon. Basta ang sunod ko na lang na nakita, ang maligayang pagpupunyagi ng grupo nina Edison Pascual nang nagsibalikan na kami sa kanya-kanya naming puwesto.

"What's with the long face? You did just fine!" Luisa cheered me as I walked past her.

Ganoon din ang sinabi sa akin ng mga nadaanang kaklase. Si Seka, wala atang nagbago sa energy. May gana pa siyang gumawa ng makeshift banner ng pangalan ko na ngayon ko lang napansin, gawa sa yellow pad at nagtataeng sign pen.

"So that's what your name means! Ang creative! Iyong akin kasi paganda lang, e!" aniya.

I tried to just laugh away all my worries with her. Bago magbotohan, syempre naglaan muna ng oras para i-welcome ang mga Student Council na late nang dumating dahil daw humabol lang, 'di umano, galing sa field work.

Early or late, na-realize kong hindi iyon alintana ng mga tao pagdating sa kanila. Walang magbabago. Their perfect reputation will remain untarnished. They were all happy to see them here. Even pleased to gesture them the seats provided in front with their colleagues. Nakipag-fistbump at backslap pa muna ang mga ito sa apat pang college facilitators bago umupo sa wakas.

Pascual, Edison A. - 28
Mallari, Ophelia E. - 29
Asuncion, Bernadette L. - 14

Kanina pa ako kinakapos ng hininga sa totoo lang. Kaya pagkakuha ng final vote count para sa akin, animo'y nawala ang bigat na nakadag-an sa balikat ko.

That was so close! Hindi ko akalaing giginhawa ang pakiramdam ko sa oras na lumamang ang mga boto sa akin. Hindi naman malaking bagay kung hindi ako maging VP. I just wanted a change of scenery and experience other things I haven't tried yet.

But winning seemed a different story. It gives off a feeling of fulfillment I caught myself sighing with a smile on my face.

"Lamang ka! Ikaw na ang panalo!" yugyog ni Seka sa aking braso.

I was about to respond to her, but then, things went out of hand to prove that celebrating too early backfires.

"From here, we'll be taking the top 2 nominees for Vice President to move forward with the final voting panel, allowing the selected panelists from Student Council of Business Administration to have an important voting power. Each panelist is given a chance to give 2 votes for their preferred candidate starting from the SCBA President, Mr. Imran."

Tumayo ang nabanggit na lalaki. Hindi ko pa rin maalis ang gulat na nararamdaman dahil hindi kami na-brief tungkol dito. I thought the voting was over!

"I will vote for this candidate because, since day one, I witnessed how humble and rational this one is in everything," Mr. Imran smiled as he faced my direction. "Congratulations, Ms. Mallari. We're rooting for you."

Namilog ang mga mata ko sa kanyang hatol. Ngumiti ako at tumango bilang pasasalamat. Pagkaupo nito, binago ang total ng boto sa akin hanggang sa tawagin muli ang sunod na panelist na boboto.

"Skills, knowledge, and experience are three vital things in this field. Sorry, but I will vote for Mr. Edison Pascual for now."

Tinanaw ko ang board at nakitang bumalik muli ang agwat sa dalawang kabuuang boto kasabay ng paglakas ng cheer sa kabilang section.

"Okay lang 'yan! Last na naman siguro. You're one vote ahead!" Seka was headstrong. But I wish I was that adamant.

JBA officers quieted them down before proceeding to the next panelist. Pagkaanunsiyo kung sino na ang kasunod, nayanig ata ang mundo ko nang narinig ang pangalan ni Mr. Giovanni.

Pigil na pigil ang reaksiyon ng mga estudyante nang tuluyan na itong tumayo at humarap sa audience.

Wearing a black slim-fit button-down shirt and trousers, he had acted with chivalrous delicacy of honor. Hinaplos ko ang suot na singsing at binagsak doon ang tingin.

Kung huli na nga ito, mukhang wala na akong pag-asa. For sure just like the second one, he'd prefer someone with considerable skills and experience. And maybe for some reason, there's this feeling that we were still at each other's throats. O siguro imagination ko lang iyon. Hindi ko na alam!

Pero kung ano man ang maging resulta, tatanggapin ko na lang iyon nang buong puso dahil hindi ko rin maipagkakailang deserve nga ni Edison Pascual ang posisyon. Kaysa sa aking baguhan pa lamang sa ganito.

"I would find it truly unfair to place a vote without hearing both parties because I came late. So please accept my sincere apology on that," he spoke using his soft English.

Sumenyas naman si Luisa at iba pang officers na wala lang iyon. Tipid itong ngumiti at tumango.

"Thank you for your kind consideration. But may I be allowed to ask one question before I proceed with my vote?" he added while smiling brightly.

Kumunot ang noo ko at umusbong sa puso ang pagtutol doon. Mas gugustuhin ko pa atang diretsahan niyang piliin si Pascual kaysa ang posibilidad na mapahiya na naman ako sa kanyang harap!

"Grabe talaga 'yung fairness mag-isip ni Gio!" si Seka.

Salungat doon ang naramdaman ko nang pinahintulutan ito nina Luisa at nakiusap na bumalik kaming dalawa ni Edison Pascual sa harapan.

I pressed my lips and twisted my ring as I headed in front.

This is so embarrassing. Ni hindi ako makatingin sa gawi nito. Inabala ko na lang ang sarili sa mga kaklase at iba pang umaasa sa akin sa audience.

Gone was the bright smile as Mr. Giovanni began to speak.

"Tell me about what factors do similarly outstanding business experts could have to stand out from one another in a company. Any possible factors or characteristics are allowed. As long as you can justify them."

Napakurap-kurap ako, saka lamang nagkaroon ng lakas upang mapalingon sa gawi nito.

He handed the microphone to one of JBA's former officers. Bumalik ito sa pagkakaupo at tinanaw kami sa harapan. Tumikhim ako.

We were given three minutes to generate our ideas. And when our time's up, unfortunately, I was selected to be the first one to answer.

Mahigpit kong hinawakan ang mikropono. Halos marinig ko na ang sariling puso sa tindi ng pintig noon nang nagsimula na akong magsalita.

"For me, factors such as personality and mindset matter." I swallowed hard to mitigate my tension.

Mr. Giovanni just sat there listening to my answer unblinking.

"These two factors drive people to work hard anywhere and anytime with moral standards and visionary goals. Above all gallant dresses and suits, a good personality and mindset is the best substance to wear. It naturally radiates to someone, making that someone stands out from others, not just in a competition, but in a large crowd. That would be all for my answer. Thank you."

Yumuko ako at saka lamang nakahinga nang maluwag nang narinig ko ang palakpakan at iilang papuri mula sa mga kasama.

I took a gander at the panel. Amusement and satisfaction were written on their faces as they gave a round of applause. Mr. Giovanni cocked his head a little before carrying his hands for a clap, too.

Napangiti ako.

"My answer revolves around these two things: skills and passion," si Edison Pascual nang senyasan nang sumagot.

The way he expressed his ideas was just so admirable. Somehow, I saw Kuya Orpheus in him. Tumatapang sa entablado at nag-iiba ang personalidad. Para bang hindi ito ang mapagkumbaba at mapagbigay na taong nakilala ko. Dahil sa ganitong larangan, lumalakas ang loob. Confident sa tindig, tinig, at anyo. Dito siya komportable at mahusay.

Unti-unti akong napanghinaan ng loob.

"People can be both excellent with identical ordeals, yet will attain opposing results despite a similar mission. For the one complied with acquired skills. The other one performed out of a burning passion. So, yes. At the end of the day, it will be no other than the passion that drives us to work despite the exhaustion. Not the skills, not the knowledge, for they are nothing but cheap accessories without the priceless heart and passion."

Goosebumps rose from my skin. Not only his answer was perfect, but also the dignity and emphasis in every word as if he's never been so sure his whole life.

Kaya naman nang tuluyan niyang nakuha ang boto mula kay Mr. Giovanni, hindi na ako nagulat. Dahil kung meron mang dahilan para magulat ako, hindi ang desisyon niya kundi ang huling mga salita na nagmula rito. Mga salitang sinambit nang wala ang mikropono.

Nilipat nito ang mga mata sa akin at seryosong ngumiti.

"Good job, Ms. Mallari. You nevertheless surprise me."

My heart raced off the charts. Ako ang sinabihan ngunit mas nangibabaw ang reaksiyon ng iba... dahil mayroon silang hindi narinig.

Ni hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o mangingilabot. Sa paraan ng pagkakabigkas niya roon, kritikal ang mga mata ngunit may maliit na guhit ng ngisi sa mga labi, tila ba hindi pa roon nagtatapos at isa iyong babala sa akin kaysa isang papuri.

Pagkatapos baguhin ang updated total ng boto, lamang na ng isang puntos si Pascual sa akin. Nakipagkamay ito at ngumisi.

"You did great, you two!" tapik sa amin ni Luisa, may halong lungkot ang mga mata nang bumaling sa akin.

Akmang babalik na kami sa aming puwesto nang biglang bumukas ang pinto. Naagaw noon ang pansin ng lahat. Maingay na pumasok si Yves dahil sa pagmamadali.

Huh? Ni hindi ko napansing lumabas ito kanina. Huli na nang natanto kong wala nga siya sa kanilang table.

"Late na ba ako? Makakaboto pa ba? Shit, sorry! Tinawag lang ng kalikasan pero kay Ophelia ang two points ko, ha!"

It was very anticlimactic. Nasundan iyon ng awkward na katahimikan ngunit nang agresibong pumalakpak si Luisa, nagbago ang simoy ng hangin.

"With a total score of 33 votes, I am thrilled to announce that Ophelia Rizette Mallari has been elected as our JBA Vice President!"

From Luisa, my wide eyes landed on Mr. Giovanni. He rested his elbow on the table to lay his chin and hide his mouth in his hand, glancing at the stunned Yves.

For some reason, was he...

"Congratulations! We knew it!"

"That was close!"

"You deserve it, Ophelia!"

Pagkaharap muli sa mga nagpapalakpakang tao, sinalubong ako ng kumakaripas na si Seka. Ngunit higit sa lahat, nanatili sa utak ang hindi maburang ngisi ni Mr. Giovanni... at ang tunay na katagang sinambit nito kanina sa paglayo ng mikropono.

"Good job, Ms. Mallari. You nevertheless surprise me."

My heart raced off the charts.

"We almost lost the thrill."

What did he mean by that?

Tuwang-tuwa ang buong section namin. Maging si Edison Pascual ay nilapitan ako para bumati, wala na ang kaninang aroganteng hangin at anyo.

Saktong uwian na nang natapos ang general assembly. Our section decided to celebrate outside the school, sa may murang kainan malapit sa Mackenzie na pinangunahan ni Apollo.

Hindi naman ako tumanggi dahil todo suporta ang mga kaklase sa naganap na eleksiyon. Maging sina Kenna, Palmer, at Diego, nag-text na susunod din sa katuwaan.

I was about to message Seka as well. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, malapit na sana kami sa gate nang naramdaman ko ang pagbigat ng pantog kaya hiya tuloy akong nagtanong para sa pinakamalapit na restroom.

"Sa may parking lot. May common restroom doon, Pres!"

"Salamat! Pasensiya na, madali lang ito!"

Kumaripas na ako patungo roon. Malapit lang ang parking lot sa tinigilan namin kaya hindi na ako nahirapang maghanap kung saan ang tinutukoy nilang CR. Nagmadali akong pumasok doon.

Why so sudden! Napailing ako.

Ngunit hindi ko pa man naisasarado ang pinto, hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ako. At kung bakit kailangan kong kuwestiyunin iyon pero...

Natigilan ako at siningkit ang mga mata para titigang mabuti.

Sa tabi ng isang pamilyar na sasakyan, natanaw ko si Mr. Giovanni, mukhang may seryosong pinag-uusapan kasama ang isang estudyante.

Si Edison Pascual.

January 21, 2020
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

65.2M 1.3M 73
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker an...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
165K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...