Xhander's POV
July 4, Saturday
Nandito ako ngayon sa bahay –
*DING DONG*
Binuksan ko yung gate ng bahay at.
Putcha! May humalik sakin! Tinignan ko siya at bwiset! Isang malandi! Napakalandi! Kahit saan nakikipaghalikan 'to! Sasampalin ko sana siya kaso...
"X-Xhander." Sabi ni Sana kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Sana.." Sabi ko
Tinalikuran niya ako at tumakbo
"Fact you Ellianna!" Sigaw ko sa kaniya
Susundan ko sana si Sana pero bumalik siya. Lumapit siya kay Ellianna at sinuntok ito. Sinampal pa niya. Sinabunutan, sinipa, at kung anu-ano pang ginagawa niya.
"Hoy! Sa susunod na lalandiin mo siya. Hindi lang yan ang mangyayari sayo! Bitch!" Sigaw niya
"Sana.. Sana halika na!" Sabi ko
Biglang lumabas si Jimin at nagulat ng makita niya si Sana pero bigla niya itong hinalikan.
"TIMOTHY JIMIN BENSURTO!!!!!!" Sigaw ko
Tumigil siya aalais na sana siya... Pero sinampal na siya ni Sana
"What is wrong with you guys?! Panay halik!! Mga bwiset! Fact you all!" Sigaw niya
Ayun si Jimin.. Tumakbo..
"DARE LANG YUN!!!" Sigaw niya
"FACT YOU JIMIN!" Sigaw ni Sana
"FACT YOU TOO!" Sigaw ni Jimin
"What the hell?!" Sigaw ko
Lumapit agad ako kay Sana at pinunasan yung labi niya.
"Ako lang dapat ang hahalik diyan! Ako lang!!" Sabi ko
"Anong halik-halik ka diyan! Gusto mo mamaga yang labi mo?! Ha?! Bwiset ka! Leche kayo! Magsama kayo!" Sigaw niya
Aalis na sana siya pera hinawakan ko yung braso niya kaya napatalikod siya sakin at.
~Tsup~
"What the hell?!" Sigaw niya
"Sorry. Hindi ko sinasadya Sana.. Sorry!" Sabi ko
Biglang tumulo ang luha niya
Hala! Niyakap ko siya at hinalikan ang buhok niya.
"Sorry Sana.." Sabi ko
"Bwiset ka naman kasi eh!" Sabi niya
"Uyyy! Sorry na! Ililibre kita ng burger halika aalis tayo." Sabi ko
"Sisiguraduhin mong mabubusog ako! Dahil kapag hindi ako nabusog busted ka na!" Sabi niya
Hala!
"Oo na.." Sabi ko
Pumasok muna kami sa bahay at dumeretso ako sa kwarto ko. Nagbihis ako at kinuha ang bulaklak na nandun. Daisy.
Pagkababa ko, binigay ko na sa kaniya yung bulaklak..
"Halika na?" Tanong ko
Umalis na kami at pumunta sa isang mall...
Prince's POV
Nabored ako kaya pumunta ako sa bahay nila Dahyun.
*DING DONG*
Lumabas si Princess..
"Wala si Dahyun. Nandun siya kila Kuya Ace.." Sabi niya at pumasok.
Pumunta na lang ako kila Kuya Ace.
*DING DONG*
Lumabas si Ate Krysha at pinagbuksan ako.
Nandoon nga si Dahyun.. Nakikipagkulitan sa isang baby.
Lumapit ako kay Ate Arrianna. Nasa kusina kasi si Ate Krysha at Kuya Ace. Si Kuya Kenzo hindi ko alam.
"Ate kaninong baby yan?" Tanong ko
"Kapatid ni Kenzo." Sabi niya
"May kapatid si Kuya Kenzo?" Tanong ko
"Malamang! Ayan nga ohh.. Halika! Puntahan natin." Sabi niya
Pumunta naman kami dun. Nasa Living room kasi sila. Nasa Sofa yung baby.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko
"Kendall Park." Sabi ni Dahyun
"Ahh okay." Sabi ko
"Ahh.. Dahyun at Prince, favor..." Sabi ni Ate Krysha
"Sige ano yun?" Tanong namin
"Pwede bang maiwan muna kayo dito kasama si Kendall? Aalis lang kami." Sabi ni Kuya Ace
"Saan kayo pupunta?" Tanong namin
"Maglilibot kami.." Sabi ni Kuya Kenzo
"Double date daw." Sabi ni Ate Arrianna
"Ah sige!" Sabi namin
Ayun umalis na sila.
"Solo na pala kita.." Sabi ko
"Tumigil ka! Alagaan mo si Kendall!" Sabi niya.
Ayun. Inalagaan namin si Kendall. Nagpicture rin kaming tatlo. Masayahin si Kendall. Madalas tumawa.
*DING DONG*
"Buksan ko lang ah.." Sabi ko
"Sige.." Sabi niya
Lumabas ako at tinignan kung sino yun. Si Ate Arrianna may dalang baby.
"One last favor. Kapatid ko.." Sabi niya
"Anong pangalan niya?" Tanong ko at kinuha yung baby
"Alliyahh Nichole. Liyah for short." Sabi ni Ate Arrianna
Bigla na lang akong nilayasan. Bumalik na ako sa loob.
"Sino siya ang ganda!!" Sabi ni Dahyun na mukhang inaantay ako kanina
"Si Alliyahh Nichole, Liyah daw. Kapatid ni Ate Arrianna." Sabi ko
"Owemji!! Ang cute cute niya!" Sabi ni Dahyun at kinuha si Liyah
Bigla na lang itong umiyak
"Ay! Di siya tulad ni Kendall na masayahin!" Sabi ni Dahyun
Kinuha ko si Kendall. Tumawa naman siya. Nagpicture ulit kaming apat tapos pinakain namin sila at pinatulog. Baby pa sila masyado! Mga 6 months pa lang. Nang makatulog sila nagkulitan lang kami ni Dahyun. Ang sarap niyang kasama..
Keith's POV
Nandito ako ngayon sa bahay nil Tzuyu. Dahil nga sa matalino 'to. Ang kaharap ay libro.. Nagaaral lang kami. Tinuturuan niya ako ng iba pa.
"Halika! Punta tayo kusina! Magluluto ako.." Sabi niya
"Sige sige!" Sabi ko
Pumunta kami sa kusina at tinuruan niya ako.
Habang tinuturuan niya ako nagkukulitan kami. Ang kulit niya. Kinikiliti ko siya kaya muntikan ng masunog yung niluluto ko! Hahaha! Alam niyo ba kung ano niluluto ko ngayon? Matatawa kayo pramis! Hahaha.. Isang pirasong hotdog! Tanga kasi nito! Nilagyan ng hotdog yung lutuan! Ayun tinuluyan! Grabe naman kayo! Edi corny na!
"Halika sa grilling area!" Sabi niya
Seryoso? May grilling area pa talaga sila?
"A-Ah okay." Sabi ko
"Mayaman nga kasi kaya may grilling area. Hahaha." Sabi niya
Pumunta na kami doon. Malaki siya. Malapit sa Swimming Pool at Garden. Magkalapit lang kasi yun. Habang nagiihaw kami nagpunta ako sa swimming pool.
Bigla siyang tumabi sakin. Nakaupo kasi ako tapos yung paa ko nakalubog sa tubig.
"Nagiihaw tayo pupunta ka dito! Galing mo rin eh noh?" Sabi niya
"Naman! Wala akong sakit eh!" Sabi ko
"Psh! Pilosopo!" Sabi niya
Tatayo na sana siya pero nakahawak kamay ko sa kaniya tapos nadulas siya kaya nahulog siya sa pool pero nakahawak ako sa kaniya at kamalas-malasan nahulog rin ako sa pool.
Sabay kaming natawa.. Biglang umusok yung karne kaya napa-ahon kami bigla at nagpunta doon. Muntik ng masunog yung BBQ. Natawa naman kami doon. Nagihaw pa kami doon at nagkulitan. Nagkikilitian kami hanggang mahulooh ulit kami sa pool umahon kami baka masunog yung BBQ! Hahaha! Nang matapos kami dinala namin yun sa dining area at kumain kami.
Kyle's POV
Nandito kami ngayon sa bahay ng pinsan niya. Nagaalaga ng pamangkin.. Si Mackie at Mikee. 10 years old sila pareho.
"Ate Nayeon! Gutom na kami!" Sabi ni Mackie
"Di pa nag-grocery si Sidney eh!" Sabi ni Nayeon
"Tayo na lang mag-grocery ate!" Sabi ni Mikee
"Tumigil kayo.." Sabi ni Nayeon
"Ate naman eh!" Sabi ni Mackie na naluluha na
Nilapitan siya ni Nayeon at niyakap..
"Order na lang tayo saan resto niyo gusto kumain?" Tanog ni Nayeon
"Gusto namin luto mo ate!" Sabi nila pareho
"Ay? Magluluto pa ako?" Tanong niya
"Opo!" Sabi nung dalawa
Wala kaming nagawa kaya nag-grocery kami. Sabi niya kumuha lang daw ng kumuha yung dalawa kaya ayun! Umabot ng 3000 yung pinamili namin. Mura pa nga daw yun eh! Kasi pag nag-g-grocery sila umaabot ng 10,000 minsan daw umaabot sila ng 20,000 or 15,000.. Grabe naman 'to!
Pagkauwi namin nagluto na siya... Habang nagluluto siya nakikipaglaro ako kila Mackie at Mikee.. Si Mackie ay babae, si Mikee ay lalaki. Obvious naman diba?
"Kuya. Ano mo si Ate?" Tanong ni Mikee
"Mahal.. Hehehehe." Sabi ko
"Yieee! Nililigawan mo na si Ate, Kuya?" Tanong ni Mackie
"Oo, hehe." Sabi ko
"Halika dito kain na kayo." Sabi ni Nayeon
Kumakain na kaming apat ng magsalita si Mackie.
"Ate! Kailan mo sasagutin si Kuya?" Tanong ni Mackie
Nasamid si Nayeon kaya binigyan ko siya ng tubig. Nang makarekober siya ay nagsalita siya.
"Soon Mackie.." Sabi niya
"Sige Ate! Kailangan alam namin ah!" Sabi ni Mikee
Nung natapos kami kumain ay ako naghugas. Dumating na rin yung yaya nila kasama yung mommy nila. Umuwi na lang rin kami. Hinatid ko siya dahil dinaan ko lang siya kaya wala siyang dalang kotse.
Nang nasa tapat na kami ng bahay nila ay pinagbuksan ko siya ng pinto at lumabas na siya. Binigay ko na yung flowers sa kaniya. Hinalikan ko na yung noo niya.
Pumasok na ako sa kotse ko at umuwi. Pumunta ako sa kwarto at naligo. Nagbihis ako at nagbukas ng facebook. Nagpost si Prince..
Prince Miguel Perez
Pwede ng pamilya! Hahaha! Joke lang! With Liyah and Kendall - with Dahyun Kim Soberano
*insert picture*
Hahaha! Adik 'to! Nag-alaga lang pala ng sanggol ang ginawa! Bumaba na ako sa dining area kahit kumain na ako. Tatambay lang ako. Kumakain na sila.
"Hoy Prince! Pamilya ka diyan! Gusto mo maflyinh kick? Hahahaha!" Sabi ko
"Oo nga dre! Teka sino ba yung dalawa?" Tanong ni Jungkook
"Liyah, Alliyahh Nichole, kapatid ni Ate Arrianna. Si Kendall, kapatid ni Kuya Kenzo. Nagpunta ako sa bahay nila kasi andun daw si Dahyun. Tapos lumayas sila pero bumalik si Ate Arrianna at pinaalagaan si Liyah." Sabi niya
"K Papa Prince! Good night!" Sabi ko at umakyat
Natulog agad ako ng makapasok ako sa kwarto..
ZzzzZzzz