Last Known Surrounding

By FriagneAglia

3.1K 57 2

If all the memories are gone, who can I trust? More

Prologue
LKS 1: Scared and Lost
LKS 2: Getting closer
LKS 3: Once again
LKS 4: Fragments and recognition
LKS 5: Love and Trust
LKS 7: Devora
LKS 8: Going back to my real home
LKS 9: First human I've ever noticed
LKS 10: Coming back to senses
LKS 11: Do the right thing
LKS 12: Epilogue

LKS 6: Verity

151 3 0
By FriagneAglia

"Patay na ang kapatid mo't lahat, Gideon, siya pa ba ang uunahin mo?!" napapikit ako sa boses na iyon ni Aling Greta pagkapasok nito ng bahay. Gulong-gulo naman ako sa nangyayari. Anong sinasabi niyang kalahi ko? Totoo ba ang sirena?

"Mula nang dumating ka sa buhay ng anak ko, wala nang magandang nangyari sa amin! Puro kamalasan ang dala mo!" sigaw niya sa akin. Tinuturo pa niya ako. Inaawat naman siya ni Gandi at nang kagigising lang na si Fred. Panay ang iyak ko. Nanginginig ako sa takot kay Aling Greta. Mukha siyang papatay sa galit.

"Nay, ano ba! Tama na! Aalis na lang kami para matapos na!" Niyakap ako ni Gideon.

"Dyan ka naman magaling, Gideon! Katulad ng dati, iiwan mo rin kami para sa babaeng 'yan! Siya naman ang pasimuno sa lahat ng ito! Dalawa na ang namamatay dahil sa kanya! Salot kang babae ka!"

Hinatak ni Gandi ang mama niya bago pa ako mahablot. Napabuga ng hangin si Gideon sa ginawa ng ina.

"Ma, tumigil ka na! Nakakahiya kay Sera! Nagkataon lang iyon! Hindi siya sirena! Walang sirena rito sa isla!" sigaw na rin ni Gandi. Pinakakalma naman siya ni Fred.

"Anong wala? Isa iyan sa mga salot sa islang ito! Sa tingin mo bakit mamamatay ang papa mo at si Geo ngayon kung hindi dahil sa kanya? Sa mga kalahi niyang mapagpanggap?!"

"Ma, sobra ka na! Hindi siya sirena! Hanggang ngayon ba naman iyan pa rin ang usapan? Nasa tabi ko si Sera nang lumubog ang bangka ni Kuya kaya bakit mo sa kanya isisisi ang nangyari sa karagatan? Tama na 'to. Aalis na lang kami ng matapos na." Hinila ako ni Gideon papasok ng kwarto at narinig ko pa ang huling sigaw ni Aling Greta sa anak. Kinaiyak ko pa iyon lalo.

"Sa susunod ikaw rin ang susunod, Gideon! Ako rin ang nagsasabi sa'yo! Ipapahamak ka lang ng salot na babaeng iyan!"

Nagtiim ang bagang ni Gideon ngunit hindi na niya nilingon pa ang sariling ina. Pinagbihis niya ako habang siya naman ay inaayos ang mga gamit namin. Masama ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Aling Greta.

Umalis kami ng isla kahit madilim pa. Hindi niya pinakinggan ang sinabi ng nanay niya pati na rin ang ibang nagsasabing delikado sa dagat.

"Kung ayaw ninyong ihatid kami, Mang Roman. Pahiram na lang ng bangka ninyo at kuhanin nyo na lang sa bayan. Babayaran ko kayo kahit magkano." pagkausap ni Gideon sa isa sa mga may-ari ng bangka. Wala ng tao sa pampang dahil nagbalikan na sa kanya-kanyang bahay. Yakap ko naman ang sarili ko.

"Ang akin na lang ang gamitin mo, Gideon." Napatingin kami sa aming likuran at ang mag-asawa iyong sina Fred at Gandi. Niyakap kaagad ako ni Gandi habang nag-usap iyong dalawa. Umalis naman na si Mang Roman, halata sa kanya ang pag-ayaw sa pag-alis namin.

"Hindi ka ba galit sa akin?" mahina kong tanong ng magbitaw kami sa yakap ng kapatid ni Gideon. Umiling siya kaagad.

"Pasensya na kay mama at palagi ka na lang pinagbibintangan. Hindi ako naniniwala sa sirena dahil sa fairytales lang iyon nakikita. Ewan ko ba kay mama. Masyadong mapagpaniwala. Mag-ingat kayo sa biyahe."

"Salamat, ate." salita ni Gideon. Niyakap naman siya ni Gandi.

"Bumalik ka kahit sa libing na ni Geo. Maiintindihan ka naman niya panigurado." Tinapik-tapik niya ang balikat ng bunsong kapatid at kumalas sa yakap. Nagpaalam sila sa aming dalawa nang sumakay na kami sa bangka ni Gideon.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang palayo kami ng Isla Sirenia. Madilim pa ang kalangitan at tanging tunog lang ng tubig ang naririnig sa paligid.

"I'm sorry."

"You don't have to apologize. Wala ka namang ginawang masama."

Niyakap ko ang binti ko habang magkaharap kami ni Gideon. Ramdam ko pa rin na galit siya dahil palagi siyang nakaiwas ng tingin at malamig ang boses.

Napalunok ako. "Kahit na. Pakiramdam ko may kinalaman talaga ako sa nangyayari sa inyo."

He looked at me directly in my eyes. "Kung dahil ito sa narinig mo kay nanay, hindi totoo iyon. Walang sirena. Wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Tatay at Kuya Geo sa karagatan." he said sternly.

Napatango na lang ako at tumingin sa karagatan. Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ko. "Pasensya na, Sera. Naiinis lang talaga ko kay nanay. Patay na nga si Kuya George ay ganito pa ang ginagawa niya..."

Tinitigan ko lang siya. Kung natatandaan ko lang ang nakaraan ay may magagawa ako. Like the darkness surrounding us in the middle of the ocean, I am lost once again. I don't know how to escape the darkness surrounding me.

"They'll forever hate you for this, Gideon." I looked up at him. Nagkatitigan kaming dalawa. "Bumalik ka sa isla para sa kapatid mo... sa pamilya mo. Kaya ko naman dito mag-isa."

"Paano naman kita maiiwan, Sera? Paano kung may mangyari sa'yo habang wala ako?"

Umiling kaagad ako at pinahid ang luha sa mata ko. Umaga na kami nakabalik sa siyudad at sinabi niyang hindi na siya babalik doon kahit sa libing ng kapatid niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya, alam ko namang nasasaktan siya at nalulungkot sa pagkawala ng kapatid niya pero mas gusto pa niya sa tabi ko.

"Hindi ako aalis ng bahay. Bumalik ka na doon dahil kailangan ka nila. Huwag mong hayaang mas magalit sa akin ang nanay mo dahil sa wala ka roon sa lamay ng kapatid mo. Kuya mo iyon, bumalik ka na please. Para sa akin din naman ito. Para hindi na sumama ang loob ko."

Pinahiran niya ang luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa ulo ng matagal. Kinaiyak ko iyon lalo. I'm feeling upset on myself. I can't remember anything. Pakiramdam ko ay may magagawa ako sa lahat ng nangyayari pero nahaharangan iyon ng nawawala kong memorya. Bakit ba kasi napakatagal mabalik ng alaala ko?

"Bumalik ka na doon bukas. Ilang araw lang naman iyon, Gideon. Kaya ko ang sarili ko." Nginitian ko siya at pinahiran ang luha ko. Ang daming tanong sa utak ko pero pinagpaliban ko muna iyon dahil mas kailangang makabalik muna si Gideon sa kanila. Kailangan siya roon ng pamilya niya.

"Huwag kang magpapasok ng kahit sino, Sera. Bibisitahin ka rito ni Ate Femina at iyong mga alaga natin ibabalik na niya para may kasama ka." habilin ni Gideon sa akin at panay lang ako tango dahil kanina pa siya paulit-ulit. Niyakap niya ako saka hinalikan sa ulo. Nginitian ko naman siyang hinatid sa pintuan ng bahay namin. I bid him goodbye as he rode the taxi.

Naglinis na lang ako ng buong bahay tutal naman ay wala akong gagawin. Natapos ako ng tanghalian kaya nagluto ako ng pang sarili ko lang na pagkain. Papaakyat na ako ng hagdan para sana maligo ng may kumatok sa pintuan. Kaagad ko iyong pinuntahan at pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao. Kinakunot noo ko iyon.

And there I saw a brown paper lying on the floor. Kinuha ko ang iyon at binasa ang laman.

I know you have many questions in your head, I'll answer it honestly when I come back. -G


Napangiti ako sa nabasa. Marami akong katanungan at alam kong si Gideon lang ang makakasagot noon dahil siya lang naman ang kilala ko na malapit sa akin.

"Nalaman kong hindi maganda ang nangyari sa pagpunta ninyo sa Isla. Okay ka naman na ba?" Dr. Femina asked me as she sat down on the couch. Hinatid na niya ng kahapunan si Dylan at Dally na panay ang damba sa akin. I patted their heads.

"Ayos naman ako. Marami lang tanong na hindi pa nasasagot pero sabi naman ni Gideon ay handa siyang sabihin ang lahat pagkauwi niya." I smiled.

"Mabuti kung ganoon pero paunti-unti lang, Sera. Sabi mo nga ay sumasakit ang ulo mo kapag napipilit alalahanin."

"Salamat, doc."

"Drop the formality! Femina na lang dahil magiging sister-in-law din naman kita!" She giggled at what she have said. Napailing na lang ako ng natatawa. "Oh bakit? Nasa iisang bahay na nga kayo tapos may babies na kayo. Kasal na lang ang kulang."

Natawa ako sa sinabi niyang babies. Lahat naman sila puro iyon ang sinasabi. Kasal na lang ang kulang sa amin. Hindi ko naman alam kung bakit ayaw ko nga. Bago pa ako mainis sa sarili ko ay tumayo na ako at niyaya si Femina na doon na lang maghapunan dahil ayoko ng mag-isa. Tinulungan naman niya akong magluto ng Kare-Kare.

Panay kaming kwentuhan nang mapunta kami sa usapang magkapatid nila ni Gideon.

"Di ko alam kung pupunta ba ako roon sa Isla para makiramay o hindi. Besides, kapatid ko pa rin naman si George sa ama.... Iyon nga lang di kami close pati nung panganay. Nasa Dubai kasi si Mommy ko so the only family I have right now is Gideon. He's a very nice and warm person. He accepted me and treats me like his sister... You know."

Napatango naman ako. Totoo naman ang sinabi niya tungkol kay Gideon. Kaya hindi na rin ako nahirapang pagkatiwalaan ito dahil sa mga pinapakita sa aking mabuti.

"So I really wish you two get married soon. Bagay na bagay kayong dalawa at sa haba ng tinakbo ng relasyon nyo, you guys deserve each other." Nangiti siya at napailing na natatawa. "Masyado na yata akong nadaldal. Thank you for the wonderful dinner, Sera. You're also a nice person."

"Thank you." Pagkaraan noon ay inihatid ko na siya sa labas ng bahay. Kumakaway ako habang palayo na ang kotse niya sa bahay namin ni Gideon. Nasa gilid ko naman si Dylan na nakaupo. Hinatid din niya ang madalas mag-alaga sa kanya.

Namiss ko tuloy si Gideon. Kahawig niya kasi si Femina kaya hindi ko maiwasang maisip ang kapatid niya. I sighed.

"Halika na, Dylan." pagkausap ko sa alaga ko at tumayo naman siya kaagad. Pinagbuksan ko muna siya ng pintuan at pinaunang pumasok nang may marinig akong nagsalita.

"Devora." pag-uulit noong nagsalita pagkalingon ko. Kumunot ang noo ko ng lumuhod siya sa harap ko. "Umuwi ka na sa inyong kaharian, mahal na prinsesa."

"W-What are you saying, mister? Mali ka yata ng sinasabihan niyan." Naiiling ako at papasok na sa bahay ng hawakan niya ang kamay ko upang pigilan. Bigla ko iyong tinanggal dahil nakadama ako ng takot sa mata ng lalaking ito. Siya iyong nakita ko nung nakaraan na lalaki. Natatandaan ko na rin ang itim na itim niyang mata na nakita ko sa dagat ng Isla Sirenia. Sa aura pa lang niya ay alam ko nang hindi maganda ang mangyayari.

"Ikaw ang tinutukoy ko, Devora. Tuluyan ka niyang nilalason upang makalimot sa tunay mong pinagmulan." Hinaplos niya ang pisngi ko kaya napalayo ako sa kanya. There's something in his touch. At hindi iyon katulad ng nararamdaman ko kay Gideon.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako si Devora! Nababaliw ka ba?"

"Sinabi ko naman sa aking liham na ako'y magbabalik at sasabihin ang katotohanan kaya bakit ka natatakot?"

Napakunot noo ako. "S-Sa 'yo galing ang sulat na iyon?"

"Kanino pa nga ba kung hindi sa akin lamang, mahal na prinsesa. Ako ito si Prinsipe Gordon, ang iyong matagal ng iniibig. Matagal ka nang pinagloloko ng Gideon na iyon at matagal ka na niyang itinatago sa amin. Bumalik ka na sa ating lugar bago pa tuluyang mawala ang ating lahi dahil sa mga kasamaan ng mga tao at sa mga traydor na sirena."

"A-ano? Anong lahi ang pinagsasabi mo?"

Humakbang papalapit sa akin ang lalaking iyon. Hindi naman ako nakaalma ng hawakan niya ang dalawang kamay ko. Napangiti siya ng dahil doon.

"Hindi ka dapat namumuhay dito sa lupa, Devora dahil ikaw ay isang siren. Ikaw ang susunod na mamumuno sa karagatan dahil malubha ang sakit ng iyong ama. Matagal ka na naming hinahanap dahil nauubos na ang ating lahi dahil sa kasakiman ng mga tao at walang namumuno sa amin para lumaban."

"S-Siren?" nasabi ko ng may luha sa mga mata. Hindi ko alam para saan ang luha na iyon pero nakaramdam ako ng lungkot at sakit sa narinig. Napailing ako. "P-Pero ang sabi ni Gideon ay wala na akong pamilya--"

"Walang pamilya? Mayroon ka pang natitirang pamilya ngunit mawawala rin iyon kung patuloy kang maniniwala sa panlilinlang sa iyo ng tao na iyan! Itinakas ka niya sa amin para mawala ang susunod na mamumuno sa karagatan! Ang lahat ng sinabi niya sa'yo ay puro kasinungalingan, Devora. Mula sa pangalan mo hanggang sa pagsasabing mahal ka niya, lahat iyon ay puro panlilinlang."

More tears flowed in my eyes. I can't accept what I've heard but it hurts to know that I partly believe him. Kung ganoon ay tama ang mama ni Gideon na isa akong sirena. Bakit hindi sinabi sa akin ni Gideon?

"Wala akong maalala. Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo." salita ko pa. Inalis ko ang kamay niya sa akin.

"Ano bang nararamdaman mo? Iyon ang katotohanan." He shrugged. "Ngayon lang namin nalaman na nawala ang iyong memorya kung kaya't hindi ka nakaalis sa puder niya. Ginamitan ka niya ng mahika, Devora. Siguro ay hinahalo niya iyon sa iyong pagkain o inumin at iyon ang rason kung bakit wala kang matandaan sa ngayon. It blocks your memories."

"Saan naman siya kukuha ng mahika kung tao siya, sige nga, sabihin mo sa akin..." Gulong-gulo ako sa nangyayari at hindi matanggap ng puso ko na totoo ang sinasabi ng lalaking ito.

"Madali lang iyon lalo pa't kakampi siya ng mga nag-alsang sirena laban sa pamumuno ng iyong ama. Ang mga traydor ay matagal nang gumagawa ng plano upang mapatalsik ang inyong angkan sa pamumuno. At si Gideon ang naging susi sa plano upang mas mapadali pa ang pagpapaalis ng inyong angkan sa pamumuno... at iyon ang pagkuha sa 'yo at pagtira rito sa lupa. Ang ibang mga kalahi natin ay naniwala na sa kasinungalingan ng mga traydor na tumakas ka sa responsibilidad at namuhay dito sa lupa dahil sa umibig sa isang tao. Nang nagkasakit si Haring Orion ay nawalan ng kapangyarihan ang ating lahi na mamuno sa karagatan kung kaya't nagkaroon ng laban pagitan sa mga sirena at ang iba roon ay kumampi sa mga tao at sa mga traydor."

"Bakit nasali ang mga tao rito?" tanong ko.

"Dahil hindi na sila makapagpangisda dahil tayo ang kumokontrol sa lahat ng bagay sa karagatan katulad ng mga kailangan nila para mabuhay. Dahil sa kasakiman nila ay nauubos na ang mga yamang dagat at dahil doon ay pinoprotektahan natin iyon kung kaya't nagagalit sila. Ang mga traydor ay nakipagkasundo sa ilang tao kapalit ng mga kanya-kanyang kagustuhan. Magulo ngayon sa Proserphina dahil sa kanila kaya kailangan ng mga kalahi nating ang pag-asa na babalik ka... ang tagapagmana ng kaharian."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.6K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...