The Mysterious Nerd

By Yourmissamazona

493K 10.3K 378

Nerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin ni... More

Disclaimer
REVISIONS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 1(Real)
Special Chapter 2
Last Special Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Life of Lies

Chapter 16

9.5K 204 0
By Yourmissamazona

Travis' POV

Hapon ngayon. We're really bored. Bukas pa naman ang mga kung ano-anong activities kaya Yan and I decided to have a walk. I take with me my DSLR.

"Hey miss." Sabi ni Yan sa isang magandang babaeng nalagpasan namin at nag wink. Si ate naman ayun kinilig. Luh? Hay wala akong magagawa. My cousin is a cassanova. Playboy 'to.

"Hey Yan, bakit ba hindi mo sineseryoso ang mga babae? Dahil brokenhearted ka?" Tanong ko sa kanya.

"Of course not man! Hindi ko pa lang kasi nahahanap yung special girl ko," sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Punta kang mental madaming special dun!" Pang asar kong sabi at tumawa. "Tch. What I meant is, yung girl na unique. Makapagpapatibok ng puso ko. Promise pag nakilala ko na yun, titigil na ako sa pambababae," sabi niya.

Napailing na lang ako. Sana mahanap niya na yun. Ako kasi hindi ko naman hinahanap ang special girl ko. Kusa na lang yan dadating! Pero I'm wondering kung kilala ko na ba sya or what. Aishh kabaduyan. Romance shit.

So yun nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Hindi namin napansin ang paglipas ng oras. "Tara, punta tayo sa yacht ni dad. Surely wala naman iba dun tao. Dun na natin ituloy ang kwentuhan," aya niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot at sumunod na sa kanya. Balak ko rin mag take ng photos. Wow. Ang ganda naman dito. Ang ganda talaga sa Boracay. Kaya lang sa dami ng turista dito kada araw ay baka dumumi na rito. Hayy. 

"Oh, it's 5:20 pm already. Let's watch the sunset," suhestyon ko. Yeah, hindi naman dahil ganito ako hindi na ako nagagandahan sa nature noh. To be honest, I love taking pictures.

Binalot kami ng katahimikan at tanging ang paghapmas lamang ng mga alon ang maririnig. It was so peaceful and the sunset made it more magical.

I'm taking pictures of the sunset, then suddenly we heard voices. Surely they are girls. Naku baka yung mga pinsan kong maiingay katulad ni ate. Mga tawanan lang ang naririnig namin. 

Bigla silang tumahimik baka nasa malayong part.

"Halika puntahan natin sila," aya ni Yan at hindi na ako nakatanggi pa. Isa oa, time na rin namin ito mag bonding.

"Woah. Look who's here bro!" Sabi ni Yan. Oo, hindi kami nagkamali. Mga pinsan kong babae at ang ate ko. Wait, why are they with this nerd? Hindi siya belong sa kanila.

"Oh, bakit kasama nyo yang panget na yan?"

Nawala bigla ang ngiti ko. 

I smirked. Kung ano-anong sinabi ko about kay Chloe at lahat yun ay totoo. 

"Stop it Travis!" Sigaw ni Ate Tippy sa akin. Oh my she's dead serious when she's calling me using my name. Not my nickname. Pinagtatanggol niya si nerd kainis.

"Why should I stop? Is she even important? She's a low- class girl. Morgan lang siya kailangan maging mabait na ako? No thanks. Just leave," sabi ko sabay lingon sa kanya.

"Ahhhh!" Biglang sigaw ni Chloe.

Nadulas siya at nahulog mula sa yacht. Pfft nakakatawa!

"Oh my! Baby girl!" Sigaw ng mga babae kong pinsan. Yuck! Baby girl?!

"Look what you've done!" Sigaw ni ate Tippy at tinuro si Chloe.

"Okay lang ako ate. It was my fault."

Oo buti alam niya. Lumangoy na siya papunta sa seaside. "It's not my fault if she's stupid," sabi ko at nag smirk at kibit balikat. "Say sorry to her," matigas na utos ni ate Tippy.

"Why? It's not even my fault. Umamin siya na kasalanan niya. Why would I say sorry?" Depensa ko.

"I said say sorry."

Seryosong sabi niya habang poker face. Hindi ko mabasa ang expression niya. Pero I know that she's serious.

"Fine, fine. As if I have a choice," sabi ko at nag roll eyes. Buset! Wala naman akong kasalanan! Pati yung mga pinsan ko masama ang tingin sakin. Okay lang sana kung si ate lang bubugbog sa akin ehh.

Pero kung isang grupo ba naman. Naku kahit naman ata black belter ako ng taekwondo ay hindi ko kakayanin silang limang katulad ko. Oo, taekwondo ang sport namin. Baka naman masira ang gwapo kong mukha diba?

Umalis na kami ng yacht. Wala na si Chloe sa seaside. Baka nagpalit na siya ng damit. Hayys. Magso sorry lang ba? Madali lang pala eh.

Pero, paano nga ba magsorry kung wala kang kasalanan?

Habang naglalakad ay napapaisip ako. Mali ata ako. Mukhang napakarami ko ngang kasalanan sa kanya. Shit.

Paano ba hihingi ng tawad kapag napakarami mong kasalanan?


Chloe's POV

Pumunta ako kaagad sa room para makaligo na at makapagpalit ng damit. Grabe lang talaga. Nabasa yung phone ko. Pero ayos lang. Buti at nag on pa 'to. Whew. 


Naligo na ako at nagpalit ng shorts at cropped top. Nasa beach lang naman ehh kaya hindi bawal ang shorts. Pero grabe, pangit talaga ako sa paningin niya. Asa naman akong magandahan siya sa tulad ko.

Naisipan kong pumirmi na lang dito sa kwarto at manood o di kaya ay makinig ng music. Binuksan ko ang aircon at nag earphones. Humiga ako sa kama at pumikit.

Wala na bang pag-asa na maging magkaibigan kami ni Travis? Sana kahit yun lang. Kahit pagkakaibigan lang ang ibigay niya.

Minsan iniisip ko, may nagawa ba ako sa kanyang masama dati para kasuklaman niya ako? Ayaw niya ba sa akin dahil lang sa mukha akong nerd? Pwede ko naman ayusin sarili ko.

Kung yun lang ang dahilan, pwes kaya ko naman ayusin ang sarili ko ehh. I will not wear those nerd glasses again. I will live as Chloe Morgan and not Chloe the nerd.

I hope maging friends kami. Napamulat ako ng mata. Basa ang aking pisngi. Umiiyak na pala ako. Ang babaw ko naman. Para yun lang eh.

Maya-maya ay may kumakatok na sa pinto kaya tumayo ako para buksan ito. Nabigla ako ng makita ko kung sino yon. Akala ko sila ate.

Si Travis.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh, ehh ano kasi. Uhm," sabi niya at napahawak sa batok niya at tila nahihiya.

"Ano yon?"

"Uhm, gusto ko lang sanang mag s- sorry. Yun sorry. Kahit hindi ko kasalanan, sorry pa rin. Okay na?" Sabi niya at tumingin sa ibang direksyon. Nautal pa siya nung sinabi ang salitang sorry. Hindi ko maiwasang mangiti.

"Habang naglalakad ako papunta rito, narealize ko na sa dami ng nagawa ko sa'yo, dapat akong magsorry. So, sorry na. Sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa pag bully at pangttrip. Nabbwisit kasi ako sa'yo eh. Di ko rin alam bakit."

Nagpapaliwanag pa siya sa akin. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Isang Travis Chase nandito ngayon sa harap ko at humihingi na ng tawad? Sino ba naman ako para tumanggi? I know that it took him so much courage to come here. Nilunok niya oa ang pride niya.

Ang isang Travis ay nagsosorry ngayon. Oh well. "Wag kang mag-alala. Matagal na kitang napatawad. Kalimutan mo na yun," sabi ko at ngumiti.

"Talaga? Grabe ang bilis naman ata? Are you even normal?" di malapaniwalang sabi niya.

"Uhm pwede magtanong?"

He shrugged but then nodded.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan? I meab you can still say no, kung ayaw mo," tanong ko at hindi makatingin sa kanya.

Natigilan pa siya at nag isip. Kinabahan tuloy ako.

"Okay."

"Okay? Friends na tayo?"

"Yah, you can call it that," sagot niya at ngumiti ng alanganin. "So friends?" I said while stretching my hand for a hand shake.

"Friends."

Nakipag hand shake siya sa akin. I feel dreamy right now. I'm holding my crush's hand and he accepted my offer of becoming his friend.

Continue Reading

You'll Also Like

Life Of Lies By Tin

Teen Fiction

2.2K 10 2
Book 2 of The Mysterious Nerd Psyche Elizabeth Chase is respected for being one of the best detectives in the city. She's catching criminals and putt...
6.4M 240K 64
A battle between love and service.
1.6M 56.4K 59
Gennica Tamara Arellano Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
10.2M 544K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...