The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

70: Meet Red Dragon

2.6M 62.8K 38.9K
By blue_maiden

CANDICE


"Haha! Sa ganda mong 'yan, walang matatakot sa 'yo!"

Bigla siyang nag-pout. Aww, ang cute niya.

"E, kumusta naman ako, ha?" Tiningnan ko 'yong sarili ko sa salamin. Manananggal 'yong pinili kong costume, mukha ngang effortless 'yong hitsura ko, e.

"Okay na okay! Ang galing mo nga, e! Kaso bakit ako?" sabay pout again. E, kasi nga, masyado kang sexy at maganda kaya , e ako, effortless.

Pumasok naman sa tent 'yong ibang taga-Section Eleven. Karamihan sa kanila, zombies tsaka mummies. 'Yong totoo? Hindi pa rin naka-move on sa October? December na kaya, ilang araw na lang, Pasko na. Abno talaga 'yong nag-isip ng concept ng booth namin, e. 'Yong dalawa naman, pumasok na rin. Si Jacob, este, Troy pala na super pogi sa wolf costume niya. At ang Edward Cullen ng buhay ko, ang napakagwapong bampira, si Jeydon. Kung ganyan ba naman 'yong vampire na kakagat sa 'kin, why not, 'di ba? Mapapasabi pa ako ng "I volunteer!" Wow, The Hunger Games lang ang peg? Wahaha!

"Natatakot ka ba sa 'kin o nai-in love ka?" sabay kindat sa 'kin ni Pusa. Nag-blush naman ako bigla kasi kanina pa ako nakatingin sa kanya. Ang gwapo kasi niya, e.

"In love na ako sa 'yo dati pa," sabay kindat ko rin. Ha! Akala mo ikaw lang, ha? Meron din ako niyan.

"Ayieee!"

Tiningnan namin sila ni Jeydon. Ay, shete, nandoon pa rin pala 'yong Section Eleven tsaka sina Troy. Masyado kaming nadala ni Jeydon.

"Kayong dalawa, wala pang Valentine's Day! Nandito tayo para manakot, ha?" sabi ni Troy na nakahawak sa kamay ni Tiffany. Binatukan tuloy siya ni pusa ko. "Ouch!"

"Wala pang Valentine's?" Hinawakan niya 'yong magkahawak na kamay nina Troy at Tiffany tsaka niya inangat. "E, ano 'to, ha?!"

Nagtawanan kaming lahat tapos namula 'yong dalawa. Lakas din maka-PDA ng dalawang 'yon, e, talo pa kami ni Jeydon. Hindi ako papayag! Mas sweet kami ng pusa ko! Pero joke lang. I'm happy for the both of them. Seeing my two best friends happily in love is priceless.

"Guys! Ready na kayo! Mag-start na tayo!" tawag sa 'min ni Sir Jason.

Nag-ayos na kami tapos pumunta kami sa kanya-kanya naming posts. Sina Ginno at Six 'yong mga killer na nasa entrance, sila rin 'yong kukuha ng bayad ng mga estudyante. Gumawa kami ng maliit na tunnel at sari-saring props. Nakakatakot nga 'yong mga ginawa nila, e. May mga spider, putol na kamay at ulo with matching nakakatakot na ilaw pa. 'Yong iba, nagkalat lang sa tunnel na ginawa namin. May zombie tsaka mummy na nakakalat sa kahabaan ng tunnel. Tapos si Tiffany ang white lady at ako naman ang manananggal. Dalawa lang kaming girl doon. Si Margot kasi, sa Section One sumali.


"Uy, balita ko vampire daw si Jeydon tapos natutulog daw siya ro'n sa coffin. Tara, puntahan natin siya!" sabi no'ng babaeng feeling ko, taga-Section One. Hindi nila ako nakita kasi nakatago ako. Dapat sana, gugulatin ko sila.

"Tara, dali!" Mukha siyang excited, ah. Lalabas pa lang sana ako para takutin sila kaso nakaalis na sila, e. Hmpf! Buti pa sila, mapupuntahan si pusa ko, e, ako nandoon lang. Huhu! Miss ko na si Pusa. Ay, miss agad? Abnormal.

After ng ilang minuto, bumalik 'yong mga babae kanina at mukhang happy sila. Ano kayang nangyari?

"OMG! Napagmasdan ko 'yong mukha ni Papa Jeydon!"

Aba, lukaret ka! Anong ginawa mo sa pusa ko?

"Ayieee!"

Kilig na kilig pa siya.

"Muntik ko na siyang mahalikan sa cheek! Gumalaw kasi siya bigla, e! Hays, sayang!" Ano raw?! Hahalikan niya 'yong pusa ko?!

"Ang gwapo niya talaga!" sabi pa no'ng isa. Waaaa! Pinagpapantasyahan nila ang hubby ko! This can't be! Ako lang ang pwedeng magpantasya sa pusang 'yon. Akin siya! Wow, obsessed much, Candice?

Lumabas ako sa hideout ko tapos ginamit ko 'yong pinakanakakatakot na acting ko sa kanilang tatlo.

"Awooo!"

Sobrang nanlaki 'yong mga mata nila, akala mo, nakakita talaga sila ng aswang. Aaswangin ko talaga kayo kapag hindi n'yo tinigilan si Jeydon!

"Oh, my gee! Nakakatakot siya!"

"Waaa, alis na tayo!"

"Ayoko na! Tara na, girls!"

Ayun, tumakbo sila palayo, takot na takot.

"Wahaha! Sa 'kin pa rin ang huling halakhak!"

Hindi ko napigilang matawa. Haha, 'yan ang napala n'yo! Pagpantasyahan n'yo ba naman 'yong hubby ko, e.

Biglang may parang dumaan sa likod ko. Nilingon ko kung sino pero wala naman akong nakita. Haha, alam ko na 'yon, e. Tinatakot nila ako. 'Sus, luma na 'yon, e, gasgas na. Sino naman kaya 'yong malakas ang trip na nananakot sa 'kin? Hindi ba niya nakitang isa kong manananggal? Mumu rin ako! Ay, mali. Monster pala ako.

"Candice..."

Hala? Shete naman, bakit gano'n 'yong boses, kakaiba? Huhu! Sino ba kasi 'yon? Anak ka ng pusa! Hindi ka nakakatuwa, ha? Kapag nakilala ko lang kung sino ka, babatukan talaga kita.

"Candice..."

Pucha, ayun na naman! Huhu, Mama ayoko na! Ayoko ng ganoong joke. Takot ako sa multo, e. Kaya nga 'yon ang palaging panakot sa 'kin ni Kuya noong bata pa kami.

"Candice..."

"Waaaaa!" Ayoko na talaga, grabe, hindi ko na kaya!

Tumakbo ako palayo sa pwesto ko. Sa sobrang takot ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Amp, ano ba naman 'to? Parang biglang lumaki 'yong tunnel na ginawa namin. Maliit lang 'to, ah! Nasaan na ba 'yong labasan? Hala, nawawala na yata ako sa sarili ko. O baka naman nililigaw ako no'ng multo? Waaa, huwag po ako! Bata pa ako. Nanlamig na ako, nag-replay pa naman 'yong boses kanina.

"Huhu, ayoko na! tama na!"

May dumaan na naman sa likod ko. Waaa, ayoko na talaga.

"Mama!"

Saan na ba ako pupunta? Dead end na 'yong sa harap ko, e. Teka nga, may coffin do'n. Ibig sabihin, may bampira. Tama, si Pusa, nando'n.

Pumunta agad ako sa harap ng kabaong, nakasara 'yon. Ang creepy naman doon, o. Bakit ang galing nilang gumawa ng props na nakakatakot? Pula pa 'yong ilaw, pambihira talaga.

"Pusa... tayo ka riyan."

Walang reply si Jeydon, kinabahan ako lalo kasi lalong lumamig. May aircon ba roon? Wala naman, ah. Naiiyak na talaga ako, takot nga ako sa multo, e! Huhu, karma ko ba 'yon sa pananakot ko kanina ro'n sa tatlong babae? Joke lang naman 'yon, e! Joke lang talaga 'yon pero ito parang hindi na joke, e.

"Hubby, labas ka na riyan please, natatakot na ako." Naghintay ako ng five minutes pero hindi pa rin bumukas 'yong kabaong. Narinig kaya ako ni Jeydon? Binuksan ko na nga lang.

Unti-unti kong inangat 'yong takip ng kabaong tapos walang laman! Hala, nasaan na si Jeydon?

"Waaa, ayoko na!"

Pinikit ko 'yong mga mata ko tapos tumalikod ako at tumakbo palayo pero may nakabangga naman ako.

"Waaa, mumu, huwag po! Huwag po ako, please!" Tinulak ko siya tapos tumalikod ako. Do'n na lang ako sa kabaong magtatago.

Bago ko pa marating 'yong kabaong, hinila ako ng multo, tapos niyakap niya ako mula sa likod ko. Teka! Multong nangyayakap?

"Shh... Huwag ka ngang maingay."

Tumayo ang mga balahibo ko ro'n, parang may electric shock akong naramdaman. Ramdam na ramdam ko 'yong hininga niya. Ang bango. Dinig na dinig ko rin 'yong hininga ko Pati rin 'yong paghinga niya, dinig ko.

"Multo, bakit ka nangyayakap, ha?!"

"Hindi ako multo, bampira ako at kakagatin kita." Ang sexy ng boses niya, bakit gano'n? Kinabahan ako, ah. Hinarap ko siya tapos nakita ko na naman 'yong Edward Cullen ng buhay ko! Waaa, ang gwapo ni Jeydon ko.

"Sira ka!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Ouch, parang ako lang ang nasaktan kasi ang tigas tsaka, wow, ang sexy ng chest niya. Sira-ulo siya! Siya lang pala 'yong nanakot sa 'kin! "Natakot talaga ko ro'n!"

Tiningnan niya lang ako tapos tinitigan niya 'yong mata ko. Unti-unti niyang inilapit sa 'kin 'yong mukha niya. Magkadikit na 'yong mga noo naming dalawa.

"Nakakatakot ba ako? Sa gwapo kong 'to?"

"Kahit gwapo ka, bampira ka pa rin!" Tama na, huwag mo na akong titigan please, baka matunaw ako rito, e.

"Gusto mong kagatin talaga kita?" sabay smirk.

Waaa! Tinulak ko siya palayo, ang adik niya. Namula na tuloy ako. Kung anu-ano 'yong pinagsasabi niya, kainis.

"Haha! Bakit lumayo ka?"

Lumapit na naman siya sa 'kin, napaatras ako tapos napasandal ako sa may table. Nilapit na naman niya 'yong mukha niya. Waaa, Jeydon, huwag. Mahina ako sa tukso, e. Haha, echos lang. Noong sobrang lapit na niya sa 'kin, napapikit na lang ako tapos hinalikan niya ako sa noo ko.

"Nakakailang kiss ka na sa 'kin kaya 'yan lang muna."

Pagdilat ko ng mga mata ko, ang laki ng ngiti niya. Wow, ako pa raw? Siya kaya ang laging nagki-kiss sa 'kin.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Tara, kain na muna tayo. Hindi ako nag-breakfast, gutom na ako, e."

"Sayang, akala ko iki-kiss mo na ako," bulong ko sa sarili ko.

"Marami pa namang next time, wifey." Ang lapad ng ngiti niya sa 'kin. Shucks, narinig niya pala 'yon! Ang akas ng pandinig niya.

Pumunta kaming tambayan nila. Naka-costume pa rin kami pero wala na akong pakpak. Ang bigat kaya no'n tapos ang init pa kapag suot-suot ko. 'Yong hubby ko naman, kahit nakapambampira na costume, ang gwapo pa rin. Pinagtinginan tuloy siya ng mga babae. Dukutin ko ang mga mata nila, e!

Pagdating namin do'n, nakita namin si Kuya Charles at mukhang bad trip siya. Anong problema ng lalaking 'yon?

"Huy, Kuya! Anong problema?"

"Bad trip kasi si Marky, e, kakagising pa lang. Paano 'yong marriage booth namin!" Masyado niyang kinarir 'yong booth nila, kahapon pa siya ganoon. "Malilintikan talaga 'yon sa 'kin!"

"Huwag ka ngang maingay diyan, Tanda! Ang aga-aga, bad vibes ka kaya ka tumatanda agad, e."

Pinanlisikan siya ng mata ni Kuya Charles. Hala, lagot ka, Pusa.

"Joke lang, bayaw! Ikaw talaga, hindi na mabiro," sabay tawa.

"Ewan ko sa inyo!" tapos nagdabog siya paalis.

Kumain kaming dalawa na akala mo, wala kaming iniwang booth doon. Pasaway talaga 'yong si Pusa. Habang 'yong Section Eleven, nandoon sa booth, kami, kumakain sa canteen.

Habang kumakain kami, bigla na lang kumidlat. Napayakap agad ako kay Jeydon sa sobrang takot ko. Ayoko ng kidlat, e. Natakot talaga ako. Nagulat si Jeydon sa ginawa ko pero niyakap niya pa rin ako. Narinig ko pa siyang tumawa. Nang tiningnan ko siya, nagpigil siya ng tawa.

"Anong nakakatawa, ha?!"

"Ang dami mo kasing kinakatakutan." Inilapit niya ako sa kanya tapos niyakap niya pa ako nang mahigpit. Kahit kumikidlat pa rin nang tuluy-tuloy, feeling ko, safe ako sa tabi ni Jeydon. "Nandito lang naman ako."

"'Sus, akala mo ikaw, walang kinakatakutan? E, takot ka nga sa gamot!"

Natawa na naman siya. Bakit, totoo naman, ah?

"Ayoko lang ng lasa ng gamot pero hindi 'yon ang kinakatakutan ko." Tiningnan niya ako, mata sa mata. 'Yong brown niyang mga mata na tinatawag ako. "Alam mo kung saan ako natatakot?"

"Saan?"

Gamit 'yong dalawa niyang kamay, hinawakan niya yong pisngi ko. Nakatitig pa rin siya sa 'kin, sobrang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

"Natatakot akong mawala ka sa buhay ko."

Hindi ako makapagsalita, speechless, e. Alam mo 'yong ngiti ko? Abot na ng Mars. Nakatitig pa rin kami sa isa't isa tapos unti-unting inilapit sa 'kin ni Jeydon ang mukha niya. Pinikit ko na lang 'yong mga mata ko, kaso biglang kumidlat ulit kaya napayakap na naman ako sa kanya.

Epal kang kidlat ka! Nando'n na, e. Akala ko, hindi na ako makaka-kiss sa hubby ko pero inangat niya 'yong mukha ko at hinawakan niya ang baba ko. Lumapit siya sa 'kin tsaka niya ako hinalikan. Kahit anong ingay pa ng kidlat, wapakels na ako. Si Jeydon lang kasi 'yong nasa isip ko, 'yong labi niya tsaka 'yong kiss namin. Waaaaa! OMO.

"I love you, wifey."

"I love you, hubby!"

Nag-hug ulit kami. I'm so kinikilig, hehe.

"Tara, balik na tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko tapos hinatak niya ako. Noong nando'n kami sa isang corridor pagkaliko ko, "Wifey, you have a stain."

Ano raw? Tiningnan ko siya nang nagtataka.

"May tagos ka."

Waaaaa! Lupa, kainin mo na ako! Now na, please. Nakakahiya, nakita pa 'yon ni Jeydon. OMO! What to do? Namula na ako sa kahihiyan.

"Mag-CR ka na, hintayin na lang kita sa tent." Pinisil niya pa 'yong ilong ko. Siguro, nahalata niyang nahihiya ako. "Hurry up, okay? I might miss you."

"Oo na, sige na." Tinulak ko siya palayo, natatawa pa siyang umalis.

Bad trip naman talaga, o. Bakit ngayon pa? Tss. Pumunta akong locker ko para kumuha ng napkin. Buti, may extra ako roon palagi. Pumunta ako ng CR tapos nagpalit ako. Paglabas ko ng CR, ang dilim sa paligid kahit tanghali pa lang. May bagyo yata. Ano ba 'yan? Nakakatakot naman doon.

Nakarinig ako ng kaluskos. May parang dumaang kung ano sa likod ko. Nakakainis si Pusa, tinatakot na naman ako. Humanda talaga siya sa 'kin.

"Hoy, hubby! Hindi na mabenta sa 'kin 'yan!"

Naramdaman ko siya sa likod ko, noong humarap ako sa kanya, nagulat ako kasi hindi pala si Jeydon.

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti lang siya sa 'kin tapos bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng isang panyo. Nakatingin lang ako sa kanya. Anong ginagawa niya?

Unti-unti akong nahilo tapos nawalan na ako ng malay...

***

"Ano nang balak mo ngayon?"

"Hintayin natin siyang dumating, sigurado naman akong darating siya."

"Honey, paano kapag pumalpak tayo?"

"Hindi tayo papalpak!"

May tape 'yong bibig ko, nakatali 'yong kamay at paa ko. Hindi ko iminulat 'yong mga mata ko pero gising na ako. Narinig ko lang 'yong mga boses nila. Kilala ko na sila sa boses pa lang pero parang ayaw kong maniwala. Anong balak nila? Bakit nila ginawa 'yon? Nalito ako. Hindi ko naintindihan ang lahat ng nangyayari.

"Hindi mo naman balak patayin si Jeydon, 'di ba?"

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya, naimulat ko bigla 'yong mga mata ko. Napansin naman agad nila ako. Nasa isang lumang warehouse kami. Marami sila pero 'yong mukha nilang tatlo, 'yong una kong nakita. Hindi talaga ako makapaniwala, bakit sila? May kinalaman ba 'yon sa Phoenix?

"Gising na pala 'yong prinsesa, e." Nilapitan ako ni Margot. Ibang-iba siya, parang hindi ko siya kilala. "Kumusta ang tulog, Candice?" Inalis niya 'yong tape sa bibig ko.

"Anong ibig sabihin nito?"

Tumawa siya tapos lumapit siya sa boyfriend niya. Tiningnan nila ako habang tumatawa.

"Simple lang, gagamitin ka namin para makaganti ako sa pinakamamahal mong boyfriend na si Jeydon." Nagsindi siya ng yosi. Ibang-iba rin siya sa taong nakilala ko.

"Bakit, Ginno?"

"It's a long story, Candice. Mamaya na lang kapag nandito na si Jeydon."

Hindi ko napigilang magalit. "Bakit ikaw? Bakit kayo pa? Magkaibigan kayo, 'di ba?"

Natawa silang tatlo. Lumapit sa 'kin si Six at umupo siya sa harap ko.

"Kaibigan? Unfortunately, Candice, hindi alam ni Jeydon ang salitang 'yon."

"Tinuring niya kayong kaibigan!" galit na sigaw ko. May luha na sa mga mata ko, unti-unting umagos sa pisngi ko.

"Shut up, bitch!" sigaw sa 'kin ni Margot. Hindi nga siya 'yong Margot na nakilala ko. "Wala kang alam kaya manahimik ka!"

"Ano bang ginawa sa inyo ni Jeydon, ha?! May kinalaman ba 'to sa Phoenix?" Nag-init na ang buong katawan ko sa galit at inis.

Lumapit sa 'kin si Ginno tsaka niya kinuha 'yong buhok ko. Hinila niya 'yon tsaka niya inangat para makita ko 'yong mga mata niya.

"Marami, sobrang dami niyang ginawa sa 'kin."

Dinuraan ko siya sa mukha niya.

"Bitch!" Sinampal niya ako nang sobrang lakas. Naramdaman ko na 'yong dugo sa labi ko. Hindi pa rin tumigil 'yong pag-agos ng luha ko. Ang sakit, sobrang sakit.

"Red Dragon, tumatawag na si Jeydon." Napalingon si Ginno ro'n sa lalaki. Kilala ko siya, siya 'yong Alex na bumugbog din kay Jeydon dati.

Kinuha ni Ginno 'yong cellphone kay Alex.

"O, Jaydee, 'musta?" Nilagay pa niya sa speaker 'yong phone para marinig namin si Jeydon.

"Hayop ka, Ginno! Huwag na huwag mong sasaktan si Candice! Ako ang kailangan mo, 'di ba?!"

"Wow, Prince Charming, ikaw ba 'yan?" Nagtawanan silang lahat.

"Fuck you! Pakawalan mo si Candice! Damn you!" Halatang galit na galit si Jeydon.

"Pumunta ka sa ibibigay kong address. Make sure na ikaw lang, kung hindi..." Lumapit ulit siya sa 'kin. "Goodbye, Candice."

"Hoy, Pusa! Huwag kang pupunta rito! Marami sila!" Hindi na ako nakapagsalita kasi sinampal na naman ako ni Ginno.

Sobrang sakit ng sampal niya, pinigilan kong umiyak kasi ayokong marinig 'yon ni Jeydon. Ayoko siyang mag-alala at ayoko siyang pumunta roon. Kaso sa sobrang sakit, hindi ko pa rin napigilan 'yong iyak ko.

"Shit! Don't fucking touch her, you dumbass! I'm going alone kaya huwag mo siyang gagalawin!" In-end na agad ni Jeydon 'yong call.

Ang stupid niya! Bakit siya pupunta nang mag-isa?! Dapat tumawag na lang siya ng pulis. Hindi niya kaya sina Ginno.

"Mukhang magandang show 'to," nakangiting sabi ni Six habang nagyoyosi.

Nainis ako sa kanila. Akala ko, kaibigan namin sila pero hindi pala. Isang malaking pagpapanggap lang pala 'yon. Hindi ko rin naiwasang magalit sa sarili ko kasi dahil na naman sa 'kin, mapapahamak si Jeydon. Palagi na lang siyang napapahamak dahil sa 'kin. Hindi ko yata kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.

Sa sakit ng katawan at mukha ko, nakatulog ako. Nagising na lang ako ulit noong narinig kong bumukas 'yong malaking pintuan ng warehouse.

Kitang-kita ko na siya, pinuntahan nga niya ako. Naiyak na lang ako, naiisip ko na kasi 'yong pwedeng mangyari. Jeydon, bakit? I told you not to go, stupid!

Lumapit siya sa 'min, pinaligiran siya ng mga tauhan ni Ginno. Tiningnan niya ako, sobrang nag-alala siya sa 'kin. Pakiramdam ko nga, naiyak siya nang makita niya akong ganoon.

"Let go of my girl."

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
671 350 8
"Posible nga bang magka totoo ang ating mga panaginip?" Paano kung sabihin ko sa'yo na "Oo, posible nga,maniniwala ka ba?" Akala ko ang panaginip ay...
623K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.