Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

Od frosenn

116K 4.9K 11.8K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... Více

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 6

2.4K 114 480
Od frosenn

Chapter 6

Observant

 

"You what?"

I sighed at Apollo's frustration towards me.

"Malakas ang kutob kong sinadya niya iyon."

I heard him curse in the background. "Ay, ang gaga! Inulit niya nga!"

Hindi ako nakapagsalita. Malalim na ang gabi at handa na sana akong matulog nang humiling ang kaibigang makichika.

He asked me what happened during the welcome party and, of course, I couldn't stop myself from sharing my thoughts about the strange incident. Kanina pa iyon bumabagabag sa akin at malabong makatulog ako nang payapa sa ganoong kalagayan. Kapalit nga lang noon ang sermon mula kay Apollo. Pero mas mainam na iyon kaysa ang kimkimin ito.

"He has motives after all..." katwiran ko pa.

"Nandyan na nga tayo, e. May motibo, dear. But it doesn't mean someone would always do something about it. Pwedeng pinalagpas na lang! Knowing Giovanni Smith, as everybody would say, he's naturally forgiving and compassionate. For sure, kahit pa pinahiya at sinigawan ng kaibigan, pinalagpas niya lang iyon at nag-o-overthink ka lang!"

Naisip ko, baka nga binibigyan ko lang ng ibang kahulugan at malisya ang nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba masyadong perpekto ang tingin ng mga tao sa lalaking iyon kaya hinahanapan ko ng kapintasan. O sadyang hindi lamang maayos ang first impression namin sa isa't isa kaya hamantong sa ganito.

"Plus, based on your story, it's clear that the girl is simply delusional and demented. Kung ano-ano nang naririnig at iniisip dahil lang doon! Mabuti nga at mabait ang Adonis ko para palagpasin at intindihin ang Caratulang iyon! Nawala lang ako, nag-iilusyon na ang gaga!"

Tuluyan na akong hindi nakaimik. I just laid down on my bed and listened to Apollo's utterances, mulling over the likelihoods of the situation, including the flaws in my thoughts.

Nang napansin niyang ilang minuto na akong hindi nagsasalita, tumigil siya kalaunan at bumuntong-hininga.

"Hey, are you still with me?"

"Oo," buga ko ng hininga. "Napaisip lang ako sa sinabi mo. Baka nga tama ka. I was just overthinking and overanalyzing things."

"Girl, I mean, don't take it against me-"

Tumawa ako. "No! Hindi, a! I just realized it. You got a point!"

It took him a while to retort. Base sa naririnig ko sa background, hinuha ko'y nagi-skin care ito habang nakikipag-usap sa akin.

"Listen to me, okay? Kumpara sayo at sa lalaking iyon, hindi hamak na mas kilala kita. It's harder for me to judge the guy than to evaluate the story based on my knowledge of you. That's why my opinion is more centered on you, dear. Hindi na ito bago. You think I would forget? You even watched me closely earlier this morning with that guy, Diego! I can't believe you! Alam mong ayaw ko sa madadaldal!"

I chuckled languidly. Naalala ko nga iyon. I didn't intend to make it so obvious, though. It was just a spur of the moment. However, Apollo continued with his litany.

"For years of being friends with you, I noticed how serious you overthink, Riz. I'd always tell you to loosen up dahil pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Live your life without sacrificing your peace of mind, dear. Give yourself a break, okay?"

Napatikhim ako, akmang magsasalita nang muli niya akong agapan.

"Would you rather put your SHS life in vain again? Just like how you lived your junior high years?"

That question hit me in the gut.

Tama si Apollo. Doing the same thing over and over again would do me no good, especially now that I pledged to myself that I'd give my best efforts to improve myself. I sighed.

Pagkatapos ng tawag, napansin ko ang ilang notifications galing sa isang social media app.

I immediately saw Kenna, Palmer, and Diego's profiles in my notif. Natanto kong in-add nila ako. Medyo mangha pa ako dahil saka ko lamang na-realize na posible pala iyon.

"Accept..." awtomatikong lumabas sa bibig ko habang pinipindot ang asul na button.

My eyes glimmered as I stared at my phone screen with confirmed status for the three.

For some reason, I thought our meeting was just short-lived. That once this day would end, we would also part ways like temporary acquaintances for the day. A fun company with expiration. It was usually that way. But they added me on social media! Does it mean they want to extend the friendship we have built?

I wasn't a fan of this application, but I saw myself engrossed in scrolling through their profiles.

Gosh. Is this what they called stalking? Hindi naman ata! I just found their profiles entertaining! They were all filled with funny videos and witty memes so I think it's cool!

Lalo tuloy akong nalibang. Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit maraming nawiwili sa social media. Mas masaya nga ito, natanto ko, kung marami kang kaibigan.

I only got less than a hundred friends. Nabubuhay lang naman ang account ko tuwing may online tasks, e. O kapag nagme-message ang mga kaanak at malalapit na tao. Tapos ang profile picture ko, cute na anime pa.

Yet on the other hand, the three of them have thousands of friends and followers. Tiyak kong ganito rin kay Apollo kung gumagamit siya nito!

Kay Palmer na account ang huli kong natignan. Balak ko sanang madaliin na lamang dahil nakita kong pasado alas dos na ng madaling araw. But then, the latest post on her newsfeed caught my attention.

It was a shared post from someone named Fiona Domingo. I was stunned, alarmed, and hesitant as I clicked on the original post. Puro iyon pictures na kinunan kanina sa party. Lahat, kuha bago pa man mangyari ang aksidente.

Ilang oras pa lamang itong napo-post ngunit nakahakot na agad ng libo-libong likes at reacts, at maraming komento. Something above level than the previous profiles I stalked, this one is much popular and out of my league.

Pagka-click ko sa profile ng Fiona Domingo, tuluyan ko itong nakilala. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami itong tagahanga. Aside from Cara, she was the girl who kept on being beside Mr. Giovanni at the party. She's no doubt beautiful, too.

Mas napatunayan ko ang hinala nang nakita ko ang iilang pictures na solo lamang silang dalawa. Marami iyong hearts at comments. Mayroon pang mine-mention ang pangalan ni Mr. Giovanni sa comment section.

Sana ol nakakapagpapicture kay Giovanni Clark Smith kahit kailan gusto.

So prettyyyy!

Giovanni Clark gf mo po?

Ang suwerte!! When kaya?

Nakakasilaw kayong dalawa!! I ship Ate Fiona Domingo and Giovanni Clark Smith!

Edi ikaw na po close kay Giovanni haha. Char not char.

I frowned as I went on the comments any further.

Wow, ha. Pati pala dito, matunog pa rin ang pangalang iyon. Isa pa, hindi ko inaasahang madidiskubre ko ang account ng lalaking iyon ngayon!

Clicking his username felt surreal to me. Parang hindi basta-bastang pagkakataon pero nangyayari ngayon. Hindi ko akalaing ganito lang kadali ang mahanap ito. Pero kung sa bagay, he's famous after all. Hindi na dapat ako nagtataka.

His profile picture was a candid black and white shot of him in a café, taken by someone in front of him, sitting sophisticatedly and looking at the coffee he's holding. But if there would be a highlight of the photo, it was the bright smile plastered on his face that his eyes almost curving.

Wow. Even here, he was radiantly smiling.

Sure, I don't feel good about him, but never did I ever reject the idea that he really has it. The looks, appeal, and all that... I won't deny it. My lips protruded.

I clicked the picture, only to shock myself with how overwhelming the reactions from it. Halos lahat ng recent comments ay nagpapa-add sa kanya!

Agad ko rin iyong binalik sa dati dahil masyadong nakakalunod ang mga nakikita ko.

Pero sa pag-aakalang gulat na ako roon, hindi ko inaasahang may mas igugulat pa ako nang napansin ang nakalagay sa ilalim ng kanyang pangalan.

 
Giovanni Clark Smith

Sent you a friend request
Confirm | Delete

 
Sa gulat ay halos malaglag ang panga ko. Ilang beses akong kumurap-kurap at paulit-ulit na nilamukos ang mga mata pero hindi iyon nagbago. I wasn't hallucinating!

I know I wasn't used to this kind of stuff, but I am way too sane not to know what it was! Ganito rin ang parehong request na natanggap ko sa tatlo pero bakit ito, hindi nag-notify sa akin?

No, Riz. The right question should be, did he really add me? Why?!

Hinalungkat ko ang friend request list at nalamang wala ito sa latest requests. So imagine my confusion about when did he make the request!

W-What the heck? That's absurd! Huwag mo sabihin sa aking matagal na ito? No, baka nagloloko lang ang phone ko!

"Tama, tama..." paulit-ulit kong kumbinsi sa sarili habang kinakagat ang daliri, inaalala ang mga pagkakataong pumapalya ito.

Minsan, late na maka-receive ng message. Madalas, hindi pa gumagana ang alarm!

Muli kong sinulyapan ang screen kung saan nakabalandra ang profile ng lalaking misteryo pa rin sa akin hanggang ngayon.

Disbelief overtook my face. However, it was transformed into horror when I suddenly heard knocks on my door.

"Riz, hindi ka pa tulog?" si Kuya!

I almost fell off my bed. Kung hindi ko pa natampal ang aking bibig, baka pa nasagot ko si Kuya ng tulog na ako!

I squeezed my eyes shut as I covered myself with blanket. I bought it a time, silent until I guaranteed Kuya was gone. Pinakawalan ko na ang sarili at unti-unting nakahinga nang maluwag.

Iyon nga lang, para akong nilagutan lalo ng hininga dahil pagkabukas ko ng phone, isang bangungot ang tumambad sa akin.


Giovanni Clark Smith
Friends ✔️


"Shit!" I fidgeted.

Yumuko ako at aligagang pinulot ang mga handouts sa hallway. Bigla kasing umihip nang malakas ang hangin at abala ako sa paghahanap ng file sa phone kaya nilipad ang mga papel.

Mabilis kong binulsa ang phone para mapadali ang pagpupulot sa sahig nang isang pares ng sapatos ang tumambad sa harap ko. Pagkatingala, laking gulat ko nang nakilala ang pamilyar na lalaki.

"Need some help?" he smirked.

My eyes widened when Yves Lozano from Business Department got down on his feet to help me. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong umapila. Walang kahirap-hirap niyang kinolekta ang mga papel sa sahig bago iabot sa akin.

"Thank you!" I frantically bowed my head when we got up.

"You're very much welcome, Ophelia."

Umingay sa kanyang banda, saka ko lamang napansin na may mga kasama pala siya at tinutukso kami! Karamihan sa kanila'y lalaki at mga college din, hinala ko'y ka-org niya dahil agaw pansin ang lalaking nasa likod niya. As usual, nakangiti at kausap ang mga lumapit na Senior High.

Malapit lang kami sa room. Mukhang napansin ng mga kaklase ko ang munting kaguluhan sa hallway kaya nagsilabasan na para makiintriga. At kasama na roon si Apollo, humahaba na ang leeg para makasilay.

"Ay, mga Student Council!"

"Napadpad siguro kasi malapit na election ng mga org!"

"Hayun si Gio!"

I felt like my presence was no longer necessary, so I decided to go inside our room with the handouts. Ngunit bago ko pa man maihakbang ang mga paa, hinarangan na agad ako ni Yves at hinawakan ang aking braso.

"Teka," he then slightly turned me around to face him.

Nahugot ko ang aking hininga. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya sa akin kaya nang natanto niyang hindi ako komportable roon, agad niya akong binitawan at humalakhak.

Binalik ko sa kanya ang tingin. May kaonting distansiya na kami sa kanilang grupo kaya medyo pribado ang usapan.

I sighed because I think I know this. Magdadalawang linggo na simula nang mag-umpisa ang klase. At sa loob ng mga araw na iyon, pangatlong beses na itong pagkikita namin.

"Pupunta na sa room niyo mamaya ang JBA, Ophelia. Have you made up your mind? Care to share it with me?" nangingiting aniya.

Napahimas ako sa aking batok at hilaw na ngumisi. "Matagal ko nang napag-isipan ang desisyon ko. Bago pa man makapasok ng Mackenzie, Yves."

He beamed. But uncertainty was still evident on his face because I wasn't really vocal with my final decision. Kung iga-grab ko ba talaga ang pag-a-apply sa Junior Business Association o hindi.

I doubted it, too, though. Sa pinapakita nilang interes sa akin, malakas ang hinala kong ia-assign nila agad ako sa VP position sa oras na i-register ko ang pangalan. Unang araw pa lang ng klase ay lantad na iyon!

Imagine my surprise when my classmates told me that there's someone looking for me outside our room. It was the Grade 12 JBA's President, Luisa Aragon, and Yves!

My assumption came off correct that they were after me the first minute I stepped on the University. My classmates kept on telling me it's because I was the ace of our batch. Hindi ko naman inakalang ganito ang aabutin ng pagiging top student dito.

Yves shifted his weight on his feet.

"Seriously, I have high hopes for you. I'm positive you'll fit right in there! Even JBA's adviser and Luisa are eyeing on you dahil lahat kami, alam na malaki ang potensiyal mo! Come on, Ophelia. There's no perfect org for you but JBA. And soon, SCBA," mapaglarong usal niya, nanghihikayat ang tono.

SCBA. Student Council of Business Administration, the supreme organization under the Business Administration College.

Apparently, Yves, along with Mr. Giovanni Smith and their colleagues right here, is part of the Student Council. The more reason why people here grew to look up to them.

Sa huli, tumango na lamang ako sa kausap.

"Titignan ko," sagot ko kahit ang totoo, buo na talaga ang desisyon.

His face lightened up. My heart pounded. Hindi niyo ako masisisi dahil isa pa itong... Ugh!

"I knew I can count on you!" biglang akbay niya sa akin sa sobrang tuwa.

Pagak na tawa ang kumawala sa akin. Muntikan ko pang mabitawan ang mga handouts dahil sa pagkabigla. Dahil sa sigaw niya, napalingon sa amin ang ilang tao na nagkukumpulan sa hallway.

"Ano 'yan, ha, Yves?" biro ng kaibigang si Luigi.

"I thought you'd only ask her for some updates? Pero bakit nakatsansing ka pa kay Ms. Mallari?" gatong noong Wesley, makahulugan ang tingin.

"OMG, Ms. Pres!"

Ilang kaklase na rin ang nakiusisa kaya dumami ang napapaharap sa amin. Maging si Apollo ay gulat ang reaksiyon. Bahagyang natigil ang munting kasiyahan sa banda ni Mr. Giovanni dahil sa ingay na nililikha ng mga estudyante kaya napatanaw na rin ito sa aming banda.

Humigpit ang yakap ko sa handouts. Lalo kaming tinukso. Habang si Yves naman, tatawa-tawa habang inaalis ang braso sa akin.

"Masaya lang ako kasi mukhang papayag na!" tanggi niya pero hindi na rin mapigilan ang ngisi. "Konting pilit na lang ata."

Duda sila roon. Sinubukan kong idaan sa kaswal na tawa at pag-iling ang mga alegasyon para matapos na.

"Oy! Tigilan niyo nga!" singit na ni Apollo.

Hindi kalayuan, pansin ko ang muling pagbaling ni Mr. Giovanni sa mga ka-batch kong babae na kasalukuyang nakapalibot sa kanya. May sinabi siya roon dahilan kung bakit ilang sandali, nagsitalon at napatili ang ilan sa kanila.

"Sa cafeteria daw! Libre ni Kuya Gio!"

"Really? Let's go!"

"Hala! Pwede pa kaming sumama?"

Nagkagulo lalo. Napunta roon ang atensiyon na pabor naman para sa akin. Pati ang ilan sa kabilang room na nakatanaw lang mula sa bintana kanina ay napalabas ngayon.

"No problem," he smiled at them.

"Uh. Kayo, Ophelia? Wanna join us?" biglang sulyap sa akin ni Yves.

Napatingin ako kay Apollo. He just raised his brow as if the decision lies with me.

"Oo nga! Sama kayo! Balita ko ang epic ng nangyari last party, a?" Sumali na rin pati si Luigi Aragon, parte ng Student Council at kaklase nila Yves.

It's been more than two weeks since that party. Ganoon na rin katagal nang tinanggap ko, kahit mahirap, na aksidente kong na-accept ang misteryosong friend request ni Mr. Giovanni Smith.

Hanggang ngayon, nalalabuan pa rin ako sa bagay na iyon. But at the same time, the embarrassment is still deep-seated.

Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin o sadyang wala talaga siyang pakialam tungkol sa bagay na iyon. Pero sa mga nakalipas na linggo, wala naman iyong espesyal na epekto sa aming pagitan.

Wait, am I assuming that there would be a special outcome because we're now friends on that social media app? Ang taas mo naman, Riz! Asa ka pa! Magpasalamat ka na lang na sa dami at sabog ng notifications nito, siguradong hindi na niya mapupuna pa ang maliit na bagay na iyon!

Fortunately, it's one less headache for me. Sinantabi ko na lang din ang mga issue ko sa kanya dahil na-realize ko na tama si Apollo. Overthinking is only a way to stress me. Now, I'm back to zero.

"Epic? Do you mean stupid? Anong kalokohan ang ginawa ng babaeng ito?" si Apollo sa sinabi ni Luigi.

Wait, what? Napakurap-kurap ako.

Tumawa muna iyong Luigi bago makasagot.

"The whole party was Gio's treat but guess what? This girl ordered the cheapest one on the menu and left the exact bill on the cashier! With coins! It's 328 pesos, right?"

Kunot-noong bumaling si Apollo sa akin. Yves pushed Luigi's shoulder pero kalaunan ay hindi na rin naiwasang ibahagi ang opinyon.

"We were shocked to hear that story, Ophelia. Why did you do that?" He couldn't contain his amusement.

Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita.

"Yeah, why did you do that?" Luigi seconded and laughed. "Tawang-tawa kami lalo dahil sa hitsura ni Gio! The man paid all the expenses through a card. But his reaction when he stared at the freaking 328 peso bill the staff handed him? Fuck. It was priceless! Binilang niya pa kasama barya!"

I was caught off guard. This is my first time hearing this kaya napatakip ako ng bibig sa gulat at kahihiyan. Did... Did that really happen?

I couldn't even imagine it. Isipin pa lang na may binibilang si Mr. Giovanni na barya sa kanyang palad, pakiramdam ko ay ilegal iyong tanawin!

"I-I had no idea!"

"That's why this time, sumama ka na sa amin para maranasan mong malibre ni Gio nang totoo!"

"We can't force her if she doesn't want to come, Luigi. It's not like she's required to."

Hindi ko na alam ang sasabihin. Si Apollo, mukhang stressed na stressed na sa aking tabi.

"Gio! It's time to treat Ms. Mallari for real!" sigaw ni Luigi na ikinataranta ko.

Mr. Giovanni turned his head to look here. Namilog ang mga mata ko at mabilis na inilag ang tingin.

Pagkatapos marinig ang kuwentong iyon, lalo lang akong nawalan ng kumpiyansang tumingin nang diretso sa kanya. Nakakahiya!

"Sure! Ask her to come with us," I heard him say. "Let's go."

Nagdiwang ang lahat. Pinilit kaming sumama ni Luigi, idagdag din ang pahapyaw na pangungumbinsi ni Yves pero kalaunan, tumanggi ako at nagpalusot na lang na may kailangan akong gawin at utos ng prof.

It was partly true, though. Since I was elected as our class' President, I was tasked to distribute these handouts to our class. But the alibi was just a surface. Ang totoo, hindi ko kayang sikmurain ang sumama roon pagkatapos ng nalaman ko!

"I can't believe you!" Apollo exclaimed for the nth time.

He gave me a good telling-off as I handed out the papers to our classmates who stayed in the classroom. Ni hindi pa ako nakakapag-lunch para lang asikasuhin ito.

"Wala akong ideya na pati ang mga order namin, siya ang magbabayad, Apple. Akala ko ay venue lang. Pati 'yung mga... extra servings."

It's hard to sink in to be honest. That day, they were encouraging us to order everything we liked. Ang naisip ko noon, imposibleng libre lamang ang lahat. Talaga? Kahit anong orderin at kahit ilan ay libre pa rin? That's a waste of money! Who in their right mind would waste his personal money on that?

So I thought it's not up to that extent. Hindi ko pa inaasahan na ang pagbabayad sa sarili kong kinain ay magdudulot pa sa sarili kong kahihiyan.

Kalaunan, unti-unting nagsidatingan ang mga kaklaseng sumama sa grupo nila Yves. Ang iba sa kanila, dumalo rin noong welcome party kaya nakaka-relate sa balitang nasagap kanina.

"Pres! We heard what happened. Natuloy ang kwentuhan sa cafeteria!"

"You really are a record-holder! Sabi nila, ayaw ni Gio sa barya pero nagawa mong pahawakin at pagbilangin!"

"They were teasing Gio about it. Ang cute ng mga senior! Accommodating at friendly pa! Ang swerte natin!"

Napailing na lang ako at hinayaan sila hanggang sa nahanap na nila ang mga upuan. Iyon nga lang, nagpatuloy ang kanilang pagdadaldalan tungkol sa nangyari sa baba.

"Ang lampa talaga! Taga-kabilang section ba?"

"I think so. Pero anong name nung nakatapon ng ulam kay Luigi?"

"Gosh! What a dumdum! Maglalakad na lang, makakadisgrasya pa! Nabadtrip tuloy si Luigi at nag-walk out nang hindi oras. Sayang!"

Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Akmang lilingunin ko ang kanilang direksiyon nang may biglang kumatok sa pinto namin.

Napatayo ako. Mula sa hamba ng room, kumaway si Luisa kasama ang ilang officers ng JBA.

Lumapit ako at hinayaan silang pumasok para sa RTR.

"Hello, Ophelia!" bati ni Luisa habang humihilera sila sa harapan.

"Hello!"

"Guys, pakibigyan agad ng form 'yan, a?" biro niya sa secretary.

Some of my classmates cheered for me. Alam din kasi nila na medyo pinag-aagawan ng mga org pero dahil sila ata ang totoong nahulog sa mabubulaklak na salita ng mga Student Council tungkol sa JBA, karamihan sa amin ay dito magpapa-membership. At kung papalarin ay mae-elect bilang officer.

"Ah, nga pala, Ophelia. May nagpapabigay sayo," habol ni Luisa bago magsimula.

"Huh?"

Imbes na sumagot, ngumiti lang siya at inabot ang isang malaking meal box sa akin. Pamilyar ang tatak ng restaurant nito kaya alam kong hindi basta-basta ang presyo noon.

"I heard, more than 328 pesos iyan!"

My jaw slacked a fraction. Hindi na ako nakapagtanong dahil sumenyas na siya sa kanilang grupo at nagsimula na. Kaya kahit naguguluhan, wala na akong nagawa kundi dalhin iyon sa aking upuan.

"What's that?" usisa ni Apollo pagkaupo ko.

Tipid akong umiling.

"May... uh... nagpapabigay raw sabi ni Luisa..." wala sa concentration kong sagot dahil napansing may nakasilid na note sa gilid ng handle ng meal set.

Apollo shamelessly pulled the note and opened it. Curious, I stretched my neck to take a peek, too.

'As promised, here's the treat. It seems to me that you haven't eaten lunch yet, so that need a proper meal. Please enjoy the food heartily, Ms. Mallari. We're looking forward to working with you.

Regards,
Smith.'

Hindi ako makapaniwala sa nabasa. It was written in sharp and spiking all capital letters, but still neat and legible.

Pero bukod sa hindi ganito ang inaasahan kong istilo ng kanyang sulat-kamay, masyadong hindi kapani-paniwala na bibilhan ako ng lunch ng isang gaya niya.

"Oh, my gosh! Is that true? Ang kapal ng mukha mo!" pabirong hila ni Apollo sa aking buhok.

Tulala lamang ako, kinikilatis pa rin ang bagay sa aking harap.

"See? He's not bad as you think he is, dear! My Adonis is so thoughtful," he sighed dreamily.

But then, he noticed my disposition. Halos mapahilamos siya ng kamay sa mukha.

"Don't tell me you're getting worked up even over this stuff? Riz, loosen up!" animo'y nauumay na niyang pangaral sa akin.

Sinuri kong muli ang nakabalot na restaurant takeout. I heaved a deep sigh and nodded. Tama si Apollo.

I guess that Smith has a good side after all. Fine. I'll give him that.

Pagkatapos mag-pitch ng mga taga-JBA tungkol sa kanilang org, pinapila na agad ang mga interesadong sumali kaya nagkumpulan ang mga kaklase sa harapan.

Apollo nudged me.

"Ano, teh? Hindi ka pa tatayo?"

Ngumuso ako. Alam niya ang desisyon ko una pa lang. Kasali sa plano kong pagbabagong-buhay ay ang pagsali sa mga org at extra curricular activities, bagay na hindi ko sinasalihan dati.

Aniya, iyon daw ang advantage ni Guillen sa akin kaya Salutatorian lamang ako. Pero para sa akin, iyon ang hinahangaan ko kay Guillen. Kahit tinutuligsa at dini-discriminate ng mga kaeskuwela, nagawa niyang mag-excel kahit sa larangang iyon. Hindi hamak na talong-talo nga ako.

But then she inspired me. Bukod pa roon, tingin ko'y may mas malalim akong dahilan kung bakit ko ito ngayon ginagawa. Higit kailanman at sa Mackenzie.

I glanced at my ring and twiddled it.

I wanted to prove to him that I can fulfill the dreams he missed to achieve. This is the least I can do to make it up to him. Matamlay akong napangiti.

He was such a role model, I must say. Noon man o ngayon, wala man siya rito sa tabi ko, patuloy niya pa rin akong ginagabayan at binibigyan ng inspirasyon. If it wasn't for him, I wouldn't have been this motivated. At maaaring hindi ko maaabot ang lahat ng ito kung hindi dahil doon.

"Sabi ko na nga ba, hindi mo kami matitiis!" Luisa clapped merrily when I stood to fill out a form.

I smirked. "Sasali naman talaga ako. Pinapahirapan ko lang kayo."

I tried to joke and intently checked her reaction. Humalakhak siya at pinanliitan ako ng mga mata. Napangiti ako.

"Ah-huh? As if I know, the free lunch rubbed the right way," parinig niya sa akin.

Uminit nang husto ang aking tenga. Kahit hindi naman iyon ang dahilan, sinabuyan pa rin ako ng hiya.

Si Luisa mismo ang tumanggap ng inabot kong form. She was vocal about how excited she was for me to be her Vice President. Ako naman itong tumanggi sa ideya at iginiit na mas gusto kong dumaan sa tamang proseso.

"Elected or appointed, either way, I'm a hundred percent sure na ikaw pa rin ang magiging VP ko," pilit niya habang paalis na sila.

Nauna na sa kanya ang ibang officer sa labas, mga Grade 12, at kumaway sa akin. Sinuklian ko naman iyon kahit nag-alok akong ihatid si Luisa sa labas ng room.

"Luisa," sa wakas ay tawag ko sa kanya para sa tanong na kanina pa bumabagabag sa akin.

"Yes?"

"Kasi..." pagak kong tawa. "Ano. Nabalitaan ko ang nangyari sa Kuya mo."

Lito siyang tumigil sa threshold ng pintuan sabay harap sa akin nang napasama si Luigi sa usapan.

"Same here. Natapunan daw nang hindi sinasadya ng pagkain pero okay na siya. Nakapag-shower na. Mabuti na lang din may spare uniform sa locker. Hmm. What about it?"

Tumikhim ako.

Ang totoo nyan, kanina pa ako ginugulo ng utak simula nang naulinigan ko ang usapan ng mga kaklase kanina.

I returned my gaze to Luisa Aragon, Luigi Aragon's sister, and asked the same thing to myself.

Yeah. What about it, Riz? Are you going to stress yourself about something trivial again? Something that is not meant to be a big deal? Haven't you learned your lesson about thinking in too much detail?

In the end, I just swallowed hard and shook my head lightly, putting a reluctant smile on my face as I shrugged it off.

"Uh... I-I think I just feel a little bad about it. Tinanggihan ko kasi kanina iyong pag-aaya nila sa akin."

"Is that so? Don't worry. For sure he's perfectly fine now!"

Tumango ako.

"Please send my regards to him. The way I see it, he's a kind of person who gets easily troubled by something. But appreciates being comforted by friends so much."

Awe transformed Luisa's face and blinked.

"Ophelia, I didn't expect you to be so thoughtful. You're right! Kuya is exactly like that! Wow... You're good at observing people, no?"

Flustered, I nibbled on my bottom lip before shrugging with hesitance.

"I guess you can say that..."

The corner of my mouth quirked up.

But to be honest, over-thinker or observant... I think it doesn't matter anymore.

 

 

January 9, 2021
#GCSeries1

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

427K 12.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...