RACE 1: Left Behind

By missgrainne

6.9M 161K 10.6K

All that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a g... More

TEASER
Prologue
1 ~ Love Bites
2 ~ Chastity
3 ~ Smack & Torrid
4 ~ Right Guy
5 ~ Emotions
6 ~ Being In-love
7 ~ Fallen
8 ~ Farewell
9 ~ Heartache
10 ~ Charee
11 ~ Race
12 ~ Erythros Skorpios
13 ~ Memories
14 ~ Welcome Back
15 ~ Dream Battle
16 ~ Race I - First 5
17 ~ Race II - Kiss
18 ~ Race III - Betting
20 ~ The Only Reason
21 ~ Stay
22 ~ SPG
23 ~ Sorry
24 ~ Cravings
25 ~ Threats
26 ~ Face-off
Epilogue
Race #2: Aeon Stewart

19 ~ Race IV - The Prize

180K 5K 373
By missgrainne

CHAPTER NINETEEN

"HINDI na masyadong delikado magmaneho ng mabilis kaya huwag na kayong mag-alala sakin." Aniya sa mga kasama nya at muli ng isinuot sa mukha nya ang itim na bonet.

"Si daddy ang magiging guide mo Charlton tapos kami nila kuya at Alex ang mag-aasikaso ng sasakyan mo." Bilin ni McLaren sa kanya na kasabay nya lang din lumabas ng headquarters nila pati na din ang mga taong tinukoy nito. Ang Tito Carlie nya lang ang naiwan sa loob ng HQ para imonitor ang race nila.

"Mabuti na lang umaraw ulit. What a lucky day." Nasabi nya na lang dahil pagkatapos ng malakas na ulan kanina ay bigla naman umaraw kaya mabilis natuyo ang daan. "Ang dami pa din palang tao." Tumingin sya sa buong paligid parang hindi talaga umulan at mga nanonood ay hindi naman mga nabasa.

"Hindi talaga uuwi ang mga 'yan sayang naman ang binayad nila kung hindi nila matatapos ang event na 'to."

"Magkano ang bayad?"

"I don't like to talk about money nagsasawa ako kaagad."

"Kayo na mayaman." Biro nya though alam nyang mayaman din talaga ang pamilya nito.

"May kaya lang." Pa-humble na sabi nito but she knew better, mayabang talaga ito.

"Come here baby Charee." Napangiwi sya sa tawag sa kanya ni Alex saka ito nilingon. "Let's make his day." Nagtatakang sinundan nya ng tingin kung saan ito nakatingin. "Beast mode eh?" Tukoy nito kay Ryxer na kahit natatakpan ang buong mukha ay halata sa mata nito ang masasamang tingin na ipinupukol kay Alex.

Inilang hakbang nya ang pagitan nila ni Alex saka naglambing dito na parang pusa, nakasiksik ang mukha nya sa malapad nitong dibdib habang nakayapos ang dalawang kamay sa bewang nito.

"Hoy kayong dalawa dyan mamaya nyo na ituloy 'yan sa bahay." Nilakasan pa talaga ni McLaren ang boses nito para rinig na rinig ni Ryxer. "Kapag hindi nyo ako ginawang ninong sa magiging anak nyo papasabugin ko ang white house." Banta pa nito na akala mo seryoso talaga.

Narinig nya ang malakas na pagsara ng pinto ng isang sasakyan pero hindi nya mawari kung kanino iyon.

"Sino 'yon?"

"Your ex-lover." Marahan sya nitong inalis mula sa pagkakayakap at unti-unting dumukwang sa kanya. "Don't worry baby Charee I won't kiss you unless you want me to."

"Crazy." Bulong nya at napapikit ng akala nya ay hahalikan na sya nito dahil sobrang lapit na ng labi nila kaya kung titignan para silang naghahalikan pero hindi, ang labi nito ay nasa gilid ng labi nya at hindi nakadampi. Napapitlag lang sya sa may sunud-sunod na bumusina.

Alex hissed. "Good luck sa race nyo sana manalo ka sa gagong 'yan." Tinapik nito ang balikat nya at tinulak-tulak papasok ng sasakyan nya, ito na din ang nagsara ng pinto nya.

"Charlton," Boses iyon ng Tito Carlie nya sa listening device na nakakabit sa tenga nya.

"Yes Tito?"

"Just checking, get ready."

Nagbuga sya ng hangin at inayos ang sarili. Hindi nya na din pinansin ang pagtapat ng sasakyan ni Ryxer sa gilid nya, ayaw nya itong makita baka sya ang madistract.

"Two," Hinawakan nya ng mahigpit ang kambyo pati na din ang manibela. Nag-ingay na naman ang buong paligid at nakikita nya sa malalaking screen ng race field ang sasakyan nila ni Ryxer. "One!" Kinabig nya na ang kambyo at buong pwersa na tinapakan ang gas.

Ang lakas ng tibok ng puso nya dahil sa nerbyos na baka matalo sya ni Ryxer at ang magiging consequences ng pagkatalo nya. Talunan na nga sya habang si Ryxer ay mananalo sa pustahan ng mga ito. Dapat talaga matalo nya ito at wala na syang pakialam kung ano man ang mangyayari dito after their race.

"Come'on Charlton iwasan mong magdikit ang sasakyan nyo dahil may magnet ang kotse nya, hinahatak nya ang tracking device na nakakabit sa sasakyan mo." Bilin ng Tito nya kaya bahagya syang umiwas. "Next curve magbawas ka at kapag nakalagpas ka na saka ka bumuwelta."

"O-okey po." Hindi talaga maalis ang kaba nya sa dibdib tapos naiintimidate pa sya sa Tito nya dati-rati naman ay hindi.

"Unahan mo sya sa gitna para mas mabilis ang takbo mo." Nauuna lang ng kaunti sa kanya si Ryxer pero kaya nya pa ito pantayan. "Five hundred meter away before the next curve, hurry!" Nagdagdag sya ng bilis hanggang sa makapantay nya na ang sasakyan ng binata.

Ngayon nya lang nasubukan ang magpatakbo ng sobrang bilis at halo-halo na ang emosyon na nararamdaman nya sa mga oras na 'yon.

"You need to drift Charlton, go!" Pagkasabi no'n ay kinapitan nya ng maigi ang manibela para makapagdrift sya habang ang isang kamay nya ay nasa kambyo naman nakasuporta.

"Waahh!" Sigaw nya ng mapagtagumpayan nya ang paglihis ng sasakyan nya. Hindi pa sya gano'n kagaling magdrift pero at least kahit papano ay marunong naman sya.

"Good job! Another five hundred meter to finish the first round."

"Okey Tito!" Deretso na ulit ang daan na mas gusto nya kaysa sa maraming pakurba talagang nahihirapan sya. "Shit." Mura nya ng maunahan sya ni Ryxer. Wala talaga itong balak magpatalo.

"Come'on! Come'on!" May himig na pagmamadali sa boses nito. Kaya tinapakan nya pa ng husto ang gas hanggang sa makarating na sya sa team nya.

Parang mga hangin ang bawat kilos ng magkakapatid na Lane, gusto talaga ng mga itong manalo sya. Nang marinig nya ang pagtapik ni Mazda sa bintana nya na nagsasabing pwede na syang lumarga ay pinahaharutot nya na talaga ang sasakyan.

"Magbawas ka lang sa pakurbang daan Charlton."

"Opo." Sinipat nya sa kanyang side mirror ang humaharurot na sasakyan ni Ryxer upang mapantayan sya.

Tama nga si Mazda na mas bibilis ang pagpapalit ng gulong at pagdagdag ng gas kapag ang mga ito ang gumawa. Advantage na sa kanya na mabilis ang team nya pero ang advantage ni Ryxer ay kabisado na nito ang daan siguro kahit nakapikit ito ay malalaman pa din nito kung saan ang may pakurbang daan o wala.

"Last laps na Charlton, hold on." Kausap nya sa kanyang sarili habang mahigpit ang kapit sa manibela at kambyo.

Narinig nya ang isang malakas na kulog dahilan para maghiyawan ang mga tao sa buong paligid. Tinted ang sasakyan na gamit nya kaya naman hindi sya sigurado kung makulimlim ba dahil kung titignan ay talagang makulimlim talaga.

"Stay still, kulog lang 'yan hindi pa uulan." Pagpapalakas ng loob sa kanya ng kanyang Tito. "Focus Charlton." Tumango-tango sya kahit hindi sya nito nakikita.

Kinagat nya ang pang-ibabang labi ng maungusan na sya ni Ryxer. Ganito ba talaga ito kadesperadong manalo? Ganito ba nito talaga kamahal si Lindsay?

"Ryxer, alam kong wala ng pag-asa pero heto pa din ako umaasa na sana dumating 'yung oras na ako na lang ulit ang nakikita mo, sana ako na lang ulit 'yung inaalagaan mo at sana ako na lang ulit 'yung laman ng puso mo." Garalgal ngunit mahinang usal nya.

Kung maririnig sya ng Tito Carlie nya ay wala na syang pakialam. Hindi nya na kasi kayang itago pa 'yung tunay nyang nararamdaman para sa binata. Kahit anong galit ang isiksik nya sa isip nya sa huli ang puso nya pa din ang nagdidikta sa kanya.

"Kung hindi mo na kaya pwede ka naman huminto, don't push yourself to do what you don't want to do Charlton."

"Tito, bakit gano'n? Bakit may mga taong bigla na lang nang-iiwan?" Kusang tumulo ang luha nya at wala syang planong pigilan iyon. Nagpapanggap syang malakas pero ang totoo sobrang lambot ng puso nya.

"People come and go, that's life. All you have to do is to be wise, maging wais ka sa pagpili ng taong sigurado kang hindi ka iiwan."

"I thought I chose the right guy for me but it was a mistake, nasaktan lang ako kasi inisip ko na hindi nya ako iiwan but I was wrong, iniwan nya ako Tito at ipinagpalit pa sa iba. Kasalanan ko lahat ng 'to." Iyon din talaga ang dumadagdag sa bigat ng dibdib nya, 'yung ipinagpalit sya ni Ryxer.

Deretso pa din sya sa pagmamaneho kahit alam nyang wala ng pag-asa. Wala ng pag-asang manalo sya sa karera nila.

"Wala kang kasalanan Charlton, kailanman hindi naging kasalanan ang magmahal." Humikbi sya. "The best thing you can do is to face him, talk to him at sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo."

"Its too late Tito Carlie baka mapahiya lang ako sa harap nya, kitang-kita naman natin kung gaano nya kamahal si Lindsay, nakikita ko iyon sa mga mata nya."

"Hindi lahat ng nakikita mo totoo, hindi lahat ng ipinaparamdam sayo ng isang tao ay totoo, always remember that. Magaling manlinlang ang mga tao."

"Tito—."

"Nararamdaman ang mga bagay-bagay Charlton, huwag ka magpadala sa nakikita mo lang dapat nararamdaman mo din."

Is it time for her to face Ryxer? Kailangan nya na bang tanggalin ang maskarang humaharang sa kanya sa pagtatago ng tunay nyang nararamdaman? Handa na ba sya?

"Charlton," May himig na panghihinayang sa boses nito.

"I know Tito, its okey." Malungkot syang ngumiti ng makita ang sasakyan ni Ryxer na nasa yellow line na. "He won." Usal nya. "Hinding-hindi naman ako nanalo sa kanya kahit dati pa, he's really the best."

Inihinto nya ang sasakyan at isinandal ang ulo sa headrest ng sasakyan. Narinig nya na din ang pagpatay ng listening device ng Tito Carlie nya. Nakikita nya ang mga tao na nagsitayuan at naghihiyawan. Inilibot nya pa ang paningin nya sa kabuuan ng RACE Field, parang kailan lang hindi sya nakakapagmaneho mag-isa dahil hindi sya pinapayagan ni Ryxer.

But look at her now, kinakalaban nya pa ang mga magagaling na car racer sa bansa. She's a grown woman now, malaki na ang pinagbago nya.

Hindi pa man din nya natatapos ang pagmumuni-muni nya ng may kumatok sa bintana ng sasakyan nya. Agad na nahawakan nya ang kanyang dibdib ng makita si Ryxer sa labas.

"Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?" Tanong nya na akala mo may sasagot sa kanya.

Ikinalma nya muna ang sarili, tinanggal nya ang kanyang helmet at pinunasan ang mata nya gamit ang kanyang palad, tinanggal nya din ang seatbelt nya. Nag inhale at exhale pa sya bago binuksan ang bintana ng sports car na gamit nya.

"What?" Pinataray nya ang kanyang boses. "Oh, alam ko na kung bakit ka nandito, you want me to congratulate you? Okey, congra—."

Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya ng ipasok nito ang kamay sa loob ng sasakyan nya and press something to unlocked her door. Pansamantala muna itong tumitig sa kanya habang sya ay naguguluhan sa ikinikilos nito. Binuksan nito ang pinto at dumukwang sa kanya hanggang sa maramdaman nya na lang na nakalipat na sya sa kabilang upuan.

What the hell?!

Umawang ang kanyang labi ng paandarin nito ang sasakyan at paharurutin palabas ng Race Field.

"What—ano bang ginagawa mo?" Galit na tanong nya. "Ibalik mo ako do'n, Ryxer!"

"I will."

"Then do it now!"

"But not now maybe soon." What?!

"Ano ba talagang trip mo sa buhay? Nanalo ka na, oh ano pang gusto mo?"

Lalong bumilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan nasa highway na sila sa mga oras na 'yon at talagang makulimlim pala ang kalangitan. Nang hindi ito kumibo ay napilitan syang tignan ang binata.

Kung pagwapuhan lang ang pag-uusapan siguradong hindi ito magpapahuli. He has this thick luscious eyebrows, matangos na ilong at perpektong hulma ng jawline. In short, mas lalo itong gumwapo, tumangkad at nagkaro'n ng magandang tindig ng pangangatawan.

"Charlton, wear your seatbelt." Napapitlag sya sa boses nito. "And stop staring at me, I might lose my focus on driving." Sinulyapan sya nito kaya agad nyang ibinaling ang mukha sa bintana nya.

"Ibalik mo na ako, hinihintay nila ako do'n." Aniya habang ibinababa ang zipper ng overall na suot nyang damit. Kanina pa sya naiinitan at basa na din iyon dahil sa pawis at luha nya. "Kahit natalo mo ako magcecelebrate pa din naman kami ng team ko." Humalukipkip sya. "At—ano ba!" Inis na pakli nya kay Ryxer ng bigla na lang iton namreno. "Ano ba? Mag-ingat ka naman."

Tinignan sya nito at hindi nakaligtas sa mata nya ang pagdaan ng mata nito sa kanyang dibdib kaya pasimple nyang tinignan iyon. Kung tutuusin normal lang naman ang suot nya. Yellow spaghetti strap sando at hindi rin naman mababa ang neckline no'n.

"Who told you to wear that?"

"What's wrong with this?" Hinatak nya pa ang damit nya dahilan para mariin itong mapapikit kasi naman umangat talaga iyon at nakita ang cleavege nya.

Bumalik ito sa pagmamaneho at nakatuon lang talaga ang mata sa daan. Nang hindi na sya pamilyar sa binabagtas nila ay bigla syang naalarma. Hindi naman sa hindi nya kayang ipagtanggol ang sarili nya kaya lang ayaw nya pa itong makasama ng matagal.

"Saan mo ako dadalhin? Hindi ko alam ang lugar na 'to."

"Vacation."

"Hindi ko kailangan mag bakasyon, huwag mo akong idamay sa kung anuman ang gusto mo."

"Kasali ka sa lahat ng gusto ko kaya isasama kita."

"Seryoso ako Ryxer, I don't like this." Bakit ba sya nito isinasama? "Hindi ako ang dapat kasama mo, kundi si Lindsay." Mahinang sabi nya.

"You're the one I want to be with."

"Pero mali ang gusto mo."

"Walang mali sa gusto ko," Medyo bumagal ang takbo ng sasakyan nito. "I am just claiming my prize." His voice almost whispering.

Prize? Did she heard it, right?

"W-what did you say?"

"My prize, I am claiming my prize, and you are my prize, Charlton." Parang tumalon ang puso nya sa sinabi nito.

You are my prize, Charlton.

Tama ba sya ng pagkakaintindi? Sya ang premyo ni Ryxer?

Continue Reading

You'll Also Like

12.1M 340K 35
One of the richest man in Asia, Brooke Montero is clearly needed only one thing... A woman who will marry him. They will get married and he will get...
7.8M 231K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.5M 435K 35
Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli niyang misyon bago magpakasal sa kanyang...
11.8M 327K 34
Living his life as free as a bird, Zyron Fuentes promised to himself to never tie the knot, because he knew that love would only break you in the end...