Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 28

295K 2.7K 424
By asherinakenza

Chapter 28


KEI'S P.O.V


Ihahakbang ko na sana ang paa ko palayo sa kanya pero narinig ko ang biglang pagsigaw niya at naghahabol siya ng hininga.

Humarap ako sa kanya. Nakahawak siya sa dibdib niya at nakaupo sa sahig.

"Damn it, Kei." Nahihirapang bulong niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at mariin ko siyang tinignan.

Pero kaagad din akong nakabawi at tumakbo ako palapit sa kanya.

"Marie!"

"Y-yung gamot ko..." Nahihirapang tinuro niya ang bag niya. Nanginginig ang kamay ko sa paghalungkat ng bag niya.


Natataranta ako kaya naman ibinuhos ko na ang laman nito. May isang bote ng gamot don at bottled water.

Kaagad kong binuksan at itinaktak ang gamot niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa bibig ang gamot niya. Pinainom ko siya ng tubig.

Medyo matagal bago siya nakabawi ng lakas, pero mabilis pa rin ang paghinga niya.

"Okay ka lang?" Pag-aalala ko. Ngayon ko lang napagtanto. May part sa akin na ayokong mawala si Marie. Dahil ba alam kong kapatid ko siya?

Tumango siya.

"I'm sorry." Bulong ko. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin saka mabilis siyang tumayo at kahit hirap siya ay nagawa niyang umalis sa harap ko.

*

"Anong pinaplano mo?" Tanong ni Tom. Magkasama na kami ngayon. Sinundo niya ako sa coffee shop, kaya naman naisipan naming magpahangin muna sa isang park malapit sa apartment ko.


"Siguro nga Tom, hindi talaga kami para sa isa't isa." Parang may kumurot sa puso ko nang sabihin ko 'yon. Napag-isip-isip ko kasi yung sinabi kanina ni Marie. Isa akong duwag at hindi ko deserve si Kyle.

Narinig kong humugot ng malalim na hininga si Tom bago nagsalita.

"Dati tinatanong ko kung ako lang ba yung martyr. Yun pala ikaw rin." May halong pang-aasar na sinabi niya 'yon sa akin. Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya.

"Hahaha. Bakit totoo naman hindi ba? Ngayong parang nagkakaroon ng interes ang kapatid mo kay Kyle pababayaan mo na dahil may sakit siya sa puso." Paliwanag ni Tom.


"Tom, bawal masaktan si Marie. Sa kalagayan niya pwedeng ikamatay niya 'yon." Malungkot na sabi ko. Hindi naman ako papayag na mamatay si Marie kahit na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

"At ikaw? Pwede kang masaktan?" Naiinis na tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako.

Inakbayan ako ni Tom at inilapit niya ang labi niya sa tenga ko.

"Ang martyr mo." Natatawang bulong niya sa akin. Hinampas ko naman siya. Inilayo na niya ang labi niya sa tenga ko pero nakaakbay pa rin siya sa akin.

"Pero kahit ganyan ka, mahal pa rin kita." Bulong niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya.

"Sinabi ko sa'yo na kapag sinaktan ka niya, babawiin na kita sa kanya. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi panakip butas ang kailangan mo. Kundi kaibigan." Seryosong sabi niya sa akin.

Sa hindi ko malamang dahilan niyakap ko si Tom.

"Thank you." Bulong ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero kaagad niya ring tinanggap ang mga yakap ko. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko dahilan para mas lalo kong higpitan ang yakap ko sa kanya.

"Nandito lang ako, Kei..." Bulong niya.

*

KYLE'S P.O.V

"Akala ko ba magpo-propose ka na sa kanya?" Seryosong tanong ni Felix. Inaayos ko na ngayon yung mga ginamit sa pictorial ng mga bata.

Propose? Hindi ko alam, baka mamaya tanggihan lang ako ni Kei, lalo na ngayon parang iba.

"Saka na lang siguro." Naguguluhang sagot ko.

"Huh? Akala ko ba ayaw mo na siyang pakawalan?" Tanong niya.

"Dami mong tanong! Oo ayaw ko na siyang pakawalan, pero langya kasi hindi ko alam kung bakit gusto kong iurong muna yung proposal dahil sa pag-iiba niya." Sino bang ayaw pakasalan si Kei? Gusto ko na! Gustong-gusto pero kailangan ko muna palamigin yung nangyari nung new year.

"May kakambal nga siya! Kaya paiba-iba ang identity niya. Katulad nung teleserye ni Vera nayon. May kakambal si Vera sa teleserye niya. Yung isa salbahe!" Natatawang biro ni Felix. Ginulo ko naman yung maikling buhok niya, takte mukha talaga siyang tomboy.

"Ayan ka na naman sa kambal na yan, sira ulo ka." Seryosong sabi ko. Kung ano-ano kasing sinasabi niyang si Felix eh. Nahihilig kasi sa teleserye!

"Pero anong gagawin mo kung may kakambal nga si Kei? Hanep ka Kyle dalawa sila!" Humahalakhak na sabi niya. Tinusok ko naman siya nung stick ng ilaw sa studio.


"Sira ulo kang tomboy ka, tigil-tigilan mo yung kapapanood ng mga kakornyhan mo." Matigas na sabi ko.

Tinawanan naman niya ako. Napangiti ako nang marinig ko ang sigawan ng mga batang model namin, humarap ako sa kanila.


"Okay kids! Pupunta kami ng Kuya Felix niyo sa My Heart Charity. Sinong gustong sumama?" Sigaw ko sa mga bata. Hinampas naman ako ni Felix dahil sa pagsabi ko na Kuya siya ng mga 'to.

"Me! Me!" Sabay sabay na sigaw nila. Napangiti ako. Yung My Heart Charity, bahay ampunan siya ng mga batang may sakit sa puso. Taon-taon talaga pumupunta ako dun para tumulong at pasayahin sila, dahil na rin sa nangyari sa akin nung baby pa ako kaya naisipan kong tumulong sakanila.

"Mukhang kulang ang isang van para sa mga bata." Sabi ni Felix.

Tinignan ko siya.

"Apat naman yung van natin para sa mga model, di ba? Pagamit na natin yung dalawa." Sabi ko. Tumango naman si Felix saka lumabas ng Studio 8 para ipahanda yung sasakyan.

Tinignan ko ang cellphone ko, hindi pa rin siya tumatawag. Wala siya sa unit niya kanina nung umalis ako.

"Sandali lang kids." Sabi ko saka tinawagan ko si Kei.

"Hello?" Napakunot ang noo ko nang may sumagot na lalaki.

"Sino ka?" Pagtataka ko.

"Drake! Cellphone ko yan! Amina nga yan!" Mataray na boses ni Kei, bullshit.

"Hello?"

"Where the hell are you, Kei?" Matigas na tanong ko. Langya ayokong mag-isip ng mali.



"Ah... Kyle, kasama ko yung mga kaibigan ko." Pagpapaliwanag niya.

"Kailan ka pa nagkaroon ng lalaking kaibigan bukod kay Tom?" Tangina yung boses ko nanginginig sa inis. Kapangalan pa ng pinsan kong si Drake.

"Relax okay? Wa—"

"Fuck. Paano ako magrerelax kung yung girlfriend ko may kasamang lalaki na hindi ko naman kilala!" Sigaw ko sa kanya. Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Sorry na. Kaibigan ko lang siya." Damn, ginamitan na niya ako ng malambing na boses! Mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Nasaan ka? Susunduin kita." Mariin na sabi ko.

"Dito sa mall malapit sa condo."

Pinatay ko na ang cellphone at mabilis akong na lumabas ng studio.

"Oh saan ka pupunta?" Sigaw ni Felix sa akin.


"Susunduin ko lang si Kei, mauna na kayo ng mga bata! Siguraduhin mong dala lahat ng pagkain para sa charity!" Nilagpasan ko na siya at mabilis akong sumakay sa sasakyan ko.

*

MARIE'S P.O.V

Pagkalabas na pagkalabas ko ng mall nakabungad na kaagad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Kyle. Ang cute niya magselos.

"Get in." Matigas na sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Sumakay na ako. Kaibigan ko lang naman yung kasama ko kanina. Si Drake yon, mas matanda ako sa kanya, at bestfriend ko siya. Nagkakilala kami sa isang bar nung college ako. High school pa lang siya non at tinakot ko siya na sasabihin kong menor siya kapag hindi niya ako sinamahan mag-inom. Kaya lang kung makaasta na siya akala mo boyfriend ko siya.

Pagkasakay niya sobrang tahimik pa rin niya.

"I'm sorry, baby." Paglalambing ko.

"Alam mo namang ayokong may lumalapit sayong ibang lalaki, psh." Naaasar na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa manibela.

"Sorry na po. Hindi ko na uulitin." Nakangiting sabi ko.

"Aish, fine." Medyo inis pa rin siya pero pansin kong kahit papaano okay na. Buti naman noh, hindi ko keri yung galit niyang mukha, parang sasabog sa sobrang selos.

Pagdating namin sa isang charity napakunot ang noo ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Parang nagtaka na naman siya kaya naman tumahimik na lang ako.

"Nakalimutan mo na siguro yung sinabi sayo ni Felix." And who's Felix?

Hinila na niya ang kamay ko papasok sa loob, 'My Heart Charity' yan ang nabasa ko.

"Lahat ng bata dito may sakit sa puso." Bulong niya sa akin. Napalunok ako.

"KUYA KYLE!" May mga batang nanghihila sa kanya ngayon. Inilibot ko ang paningin ko at halos maiyak ako nang makita ko ang ibang bata na naka-wheel chair. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila nung bata pa ako.

Yeah, may sakit rin ako sa puso. Hanggang ngayon, pero mas maayos na ngayon ang kalagayan ko kesa nung bata pa ako.

"Ate Kei!" Sunod naman akong pinalibutan ng mga bata. Napatiim bagang ako nang yakapin nila ang binti ko. Umupo ako para makapantay sila.

"Kyle, may mga sakit din ba sila?" Tanong ko.

"Si Ate Kei, ulyanin na. Naglaro tayo dati sa studio ni Kuya Kyle! Nandito kami ngayon para makipaglaro sa mga batang may sakit sa puso! Tara!" Sigaw ng isang bata at hinila ako palapit sa mga may sakit.

"Kei! Buti naman at nakarating ka! Ito yung sinasabi ko sa'yo noon na pinupuntahan namin ni Kyle taon-taon." Isang babae na maikli ang buhok ang lumapit sa akin. Nginitian ko na lang siya.

Tumulong ako na pakainin yung mga bata, napansin ko naman ang pakikipaglaro ni Kyle sa mga ito! Ghad, sinong hindi magkakagusto sa katulad niya? Dagdag points kaya yung pagkahilig niya sa bata. Ang sarap siguro maging ina ng mga magiging anak ni Kyle.

"Ate..." May isang bata ang humila ng damit ko.

"Yes?"

"Gusto ko ng juice..." Sabi nito.

Ngumiti ako at binigyan ko siya ng Zest-O.

"Hey, baby..." Napalingon ako kay Kyle ng bigla siyang lumapit sa pwesto ko, pero nakatingin siya dun sa batang humila ng damit ko.




"Frances? Ang laki mo na ah!" Excited na sigaw ni Kyle at binuhat yung Frances na humingi ng juice sa akin. Ang cute bagay kay Kyle maging Daddy ng mga magiging anak ko.

"Frances, siya si Ate Kei mo. Ngayon ko lang siya naisama dito kaya naman gusto kong makilala mo siya." Nakangiting sabi niya, kinawayan naman ako ni Frances. Natuwa naman ako dahil itong lugar na 'to hindi pa napupuntahan ni Kei. Ngayon lang edi ibig sabihin ako ang nauna.

"Hello, Frances..." Nakangiting bati ko.

"Kuya Kyle gusto ko ng juice." Sabi nito. Napakunot ang noo ko, di ba binigyan ko na siya ng juice?

Ibinalik sa akin ni Kyle yung zest-o na inabot ko kay Frances.

"Hey, juice 'to di ba?" Pagtataka ko.

"Yes baby, pero gusto kasi ni Frances na ipagtitimpla siya ng juice, ganyan kasi siya maglambing. Sinong gusto mong magtimpla Frances?" Tanong ni Kyle.

Nanlaki ang mata ko ng ituro niya ako. Hinila naman ako ni Kyle sa isang mahabang mesa, buhat-buhat niya pa rin si Frances. Ipinagtimpla ko na siya ng juice tapos ibinigay ko na rin kaagad.


"Matagal mo nang ginagawa 'to?" Tanong ko kay Kyle na ngayon ay nakangiting pinapanood ang mga bata.

"Hmm, five years pa lang naman baby. Nung baby pa ako sabi ni Love, tumitigil ang paghinga ko sa loob ng 15 seconds. Kasabay non ang pagtigil rin ng pagtibok ng puso ko." Seryosong sabi niya. Tinignan ko siya nakita ko ang saya sa mga mata niya.


"Bakit tumitigil ang pagtibok ng puso mo?" Kinakabahan na tanong ko. Humarap siya sa akin.

"Hindi ba kinuwento na sayo ni Love? Baby h'wag mo nang ipaulit malulungkot ka lang." Nakangiting sabi niya. Hinila niya ako at niyakap niya ako mula sa likod.

"Kaya naman sobrang laki ng pasasalamat ko sa diyos dahil pinagaling niya ako, binigyan niya pa ako ng pagkakataon na patibukin itong puso ko para sa'yo." Masayang sabi niya.

Ngumiti ako. Soulmate ba kami ni Kyle? Pareho kaming may pinagdaanan nung mga bata pa kami. Ewan, kung ano-ano ang naiisip ko.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Nakangiti siya sa akin at sobrang ganda ng mga mata niya.

Pero biglang napakunot ang noo niya at nakatingin siya sa dibdib ko, naka-V-neck T-shirt kasi ako.

"Baby? Ngayon ko lang napansin, may nunal ka pala sa dibdib mo?" Nakakunot noong sabi niya. Kaagad kong hinawakan 'yon. Naisip ko kaagad si Kei. Wala siyang nunal sa dibdib niya.

"Ha?! M-matagal na 'to ano ka ba!" Kinakabahang sigaw ko.

Umiling siya.

"No baby, ngayon ko lang nakita 'yan." Paninigurado niya...

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Madami ka pang hindi alam sa akin Kyle." Malambing na sabi ko at pilit kong hinuli ang mata niya ng mata ko.


"Ah, really? I—" Hinalikan ko ang labi niya para matigil na siya.

"Yiiiieeee!!" Nagsisigawan ang mga bata sa paligid namin kaya naman isinabit ko na ang braso ko sa leeg niya. Sandali niyang tinugon ang halik ko pero mabilis din siyang bumitaw.

Nakatingin pa rin siya sa dibdib ko, at hinawakan niya 'yon ng isang daliri niya.

"Are you sure baby matagal na 'to?" Nakakunot noong tanong niya. Hinila ko ang kamay niya at lumunok ako.

"Of...Of course! Ano ka ba?" Hinampas ko siya sa dibdib niya. Ngumiti siya sa akin pero isang pilit na ngiti.

"I love you..." Sabi ko.


"I...love you too."

Continue Reading

You'll Also Like

187K 3.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
10.7K 436 28
[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawa...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...
614K 18K 70
This story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?