Flares of Dawn (Jillian Fuent...

Od letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... Více

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 14

68.7K 816 23
Od letmebed1

Jillian Fuentes

Maaga akong nagising dahil nagriring yong phone ko. Pagtingin ko sa screen si Mom.

Bat kaya? Ang aga naman manggising ng Nanay ko.

Ang babe ko eto tulog na tulog pa.

"Hello Mom?" sinagot ko yong tawag niya.

"Sweetheart sorry kung ginising kita ng maaga."

"It's okay Mom. Andiyan na ba kayo ni Dad sa house?"

"Yes sweetheart, andito na kami. How's Anne?"

Napatingin ako sa babe ko nong itanong ng Mom ko kung kumusta siya.

"Eto tulog pa po siya." sabi ko sabay haplos sa pisngi ng babe ko.

"Sweetheart bukas kasi kailangan namin bumalik ng States ng Dad mo. Nagkaroon ng problem sa Company at kailangan namin bumalik ASAP."

Bigla akong nalungkot sa sinabi ng Mom ko. Aalis sila agad? Ilang araw pa lang sila tas babalik na naman sila ng States.

"Sweetheart. Are you still there?"

"Yes, Uhm pano po si Wendy Mom?"

"Pupuntahin namin siya ng Dad mo today."

Today sila pupunta don?!

"Ah Mom sasama ako?"

"Pero may pasok ka sweetheart."

Oo nga may pasok ako saka ang babe ko walang maghahatid sa kanya sa work. Bumuntong hininga ako.

"Mom pwede bang hindi ako pumasok? Ngayon lang naman po. Tsaka para masamahan ko kayo ni Dad."

"Okay sweetheart. Hihintayin ka namin ng Dad mo."

"Thanks Mom. Magpapaalam lang po ako kay Anne."

Mabigat din sa loob ko na hindi ihatid ang babe ko sa trabaho pero minsan ko lang din makakasama ng buo ang pamilya ko kaya nagdecide akong samahan sila. Maiintindihan naman siguro ako ng babe ko.

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Pagtingin ko sa relo ko 6:13 AM na.

"Hmm Jillian..?"

"Babe..."

"Jillian bat ang aga mo nagising?" tanong niya saka siya gumapang at nag-unan sa lap ko. Subsob siya sa puson ko habang nakayakap sa bewang ko.

Ang sweet ata niya ngayon?

"Babe. Aabsent ako today."

Hinihintay ko lang siyang sumagot.

"Babe?"

"Hmm bakit?"

"Sabi ko aabsent ako today."

"Bakit nga?"

"Bukas kasi aalis na sila Mom pabalik ng States. May problema sa Company kaya uuwi sila agad. Pupuntahan namin si Wendy ngayon."

Hindi siya nagsalita. Yumakap lang siya ng mahigpit sa bewang ko habang nakasubsob pa rin sa puson ko.

"Makikita mo na naman si Pam."

Hmm? Lihim na napapangiti ako. Nagseselos talaga siya kay Pam.

"Babe si Wendy ang pupuntahan namin. Hindi naman si Pam eh."

"Hmm kahit na." sabi niya saka gumapang ulit, sumakay sa lap ko at yumakap sakin.

Mas lalo tuloy akong napapangiti sa babe ko. Minsan ang sungit-sungit niya, ngayon naman napaka-sweet niya at halatang naglalambing.

Naka-wrapped yong paa niya sa bewang ko habang nakaupo siya sa lap ko.

"Jillian baka maglandi ka na naman ah."

"Hindi ah"

"Siguraduhin mong hindi. Wala ka ng babalikan dito pag naglandi ka kay Pam! Magpapahalik ka na naman don!" sabi niya sabay sabunot sa buhok ko.

"Aray!"

Loko tong babe ko eh, pero okay lang, sana nga ganito siya lagi.

Ilang minutes din kami sa posisyon na ganito bago ako tumayo. Mamimiss na naman daw niya ako dahil walang mangungulit sa kanya maghapon.

"Uuwi na ako babe ha?"

Nakahiga na ulit siya habang yakap yong unan niya.

Pagkatapos ko siyang halikan lumabas na ako ng room niya.

"Bakulaw wait lang.."

Hmm? Paglingon ko sa kanya bigla siyang yumakap.

"I love you babe" sabi niya.

Natutuwa naman ako tinawag niya akong babe. Ngiting-ngiti tuloy ako.

"Hmm baka mapunit na yang bunganga mo sa pagngiti mo!" sabi na naman niya saka niya kinurot yong pisngi ko.

Wala akong masabi dahil kinikilig ako haha!

Grabe na to!

"Thanks babe, I love you."

"I Love you too. Mamimiss kita bakulaw."

Mamimiss ko din ng sobra ang babe ko. Di kasi ako sanay na hindi siya nakakasama. Pero ngayon kailangan ko muna samahan ang parents ko para puntahan si Wendy. Di ko alam kung ano plano nila.

Baka gusto lang talaga nila makita ang Sis ko pero sana i-convince nila na sumama sa amin. Para makasama ko din siya.

Nagdrive na ako pauwi. Ilang minutes lang nakarating agad ako ng bahay.

Pagpasok ko ng room ko dinial ko agad yong number ni Jean.

Ring

Ring

Ring

"Uy Jill?"

"What's up?"

"Nothing. Kagigising lang. Ang aga mo namang tumawag. Miss mo ko babe?"

"Tse!" kako, natatawa ako dito kay Jean.

"Bakit? Anong kailangan mo babe?" tanong niya.

"Baby bat alam mong may kailangan ako sayo?" tanong ko din na natatawa.

"Parang di ako sanay sayo babe." sabi niya.

Ang aga-aga puro kami kalokohan lang.

"Jean aabsent ako pupuntahan namin si Wendy."

"Talaga?! Sasama ako!"

"Hindi pwede, kaya ako tumawag para makisuyo na ihatid at sunduin mo ang babe ko sa work niya. Please?"

Sana pumayag si Jean.

"Hay kainis! Gusto ko makita si Wendy. Miss ko din yon pero dahil mas mahal kita...hmm... sige na nga!"

"Yun oh! Thanks Jean I love you! Ikaw na bahala sa babe ko ha?"

"Oo na! I love you too. Sige ako na bahala. Take care babe haha. Pasalubong ko kahit Chicks lang."

"Sige maguuwi ako ng maton para sayo. haha!"

"Di bale na. Nagbagong buhay na pala ako. Di na ako mambabae haha"

Ulol talaga tong Jean na to. Pero buti na lang andiyan siya dahil natatakot akong iwanan ang babe ko dahil sa sira-ulong Rhen na yon. Bakà biglang sumulpot yon habang wala ako kaya pinakiusapan ko si Jean.

Pàgbaba ko ng phone napansin kong bumukas yong door.

"Sweetheart kanina ka pa?"si Mom pala.

Humalik siya sa pisngi ko pagpasok niya dito sa kwarto ko.

"Kararating lang po. Maliligo lang ako saglit Mom. Si Dad?"

"Nasa room. Sabihin mo pag ready kana. Alis tayo ng 9:00 AM kasi gusto ko muna bumili ng pasalubong para kay Wendy."

Tumango ako. Bibili ng pasalubong eh para namang di ko kilala si Wendy. Sigurado akong di rin yon tatanggapin.

Pumasok na ako dito sa banyo.

Habang nagsasabon ako ng katawan ko naaalala ko ang babe ko. Ang sweet niya kanina. Eiii kinikilig talaga ako!

Hindi kaya ako sanay na ganon ang babe ko.

Binuksan ko ulit yong shower after magsabon.

Pagkatapos kong maligo naghanap na ako ng maisusuot ko dito sa closet.

Hmmm eto na lang.

Isang polo shirt na kulay blue tsaka etong kulay gray na cotton cropped sports shorts ko. Kinuha ko na rin yong rubber shoes ko.

After kong magpatuyo ng buhok nagbihis na ako.

Okay na! Cute na ako! haha

Oops! Bago ako lumabas kinuha ko muna yong aviator sunglass at yong condor tactical cup ko.

Pwede na akong sumabak sa gyera! Hehe nagsalamin muna ako saka lumabas ng kwarto.

Tumingin ako sa relo ko habang naglalakad dito sa hallway papuntang room ng parents ko.

8:35 AM na. Siguradong nasa school na ang babe ko at yong dalawa.

Tok

Tok

Tok

"Mom ready na ako." sabi ko nong sumilip ako dito sa pinto. Bihis na rin sila.

"Okay sweetheart lalabas na kami ng Dad mo."

"Wait ko kayo sa baba."

Tumango lang siya saka ngumiti.

Bumaba na ako saka nagpunta ng garage.

Nakita ko si Mang Ton-ton na pinupunasa yong side mirror ng sasakyan na gagamitin namin.

"Kuya nakakondisyon na ba?" tanong ko paglapit ko sa kanya. Etong puting Toyota Fortuner ang gagamitin namin na sasakyan at si Mang Ton-ton ang magda-drive.

"Okay na Ma'am."

Tumango lang ako saka sumakay sa passenger seat. Dito ko na lang sila hihintayin.

Habang nakaupo ako kinuha ko yong phone ko saka ako nagtext sa babe ko.

["Babe nandito na ako sa car. Wait ko lng sina Mom at Dad. I love you"]

Binalik ko na sa bulsa ko yong phone ko. Alam ko namang hindi magrereply yon dahil laging focus yon pag nagdidiscuss ang mga Prof.

Sumandal muna ako pagkatapos kong lakasan yong temperature ng aircon.

Hmm?

Nagvibrate yong phone ko.

Pagtingin ko...aba! May text ang babe ko!

Napangiti ako.

["I love you too, wag kang maglalandi kung ayaw mong laslasin ko yang leeg mo!" Tc =)"]

Napangiti ako.

Hay ang babe ko talaga. Nakakatacute!

Ilang sandali lang andito na si Mom at Dad. Katabi ko si Mom, si Dad sa harapan.

"Ang guapo naman ng sweetheart ko." sabi ni Mom saka niya pinisil yong magkabilang pisngi ko.

"Thanks Mom. Nagmana ako kay Dad na guapo eh."

Parehas kaming napangiti.

Habang nagbabyahe kami panay ang daldal ng Mom ko at ang dami niyang tanong about Wendy si Dad naman tahimik lang.

"Sweetheart ano pwede natin ipasalubong kay Wendy?" tanong niya kay Dad.

Hindi sumagot si Dad.

"Sweetheart ikaw na nga lang. Napaka-snob ng Dad mo." sabi niya sakin.

Natatawa ako dito sa dalawa. Isang snabero at isang madaldal.

"Mom hindi yon tumatanggap ng kahit ano kaya wag ka ng magabala pa."

"Ganon ba?"

Tumango ako.

"Sweetheart umimik ka naman diyan baka mastroke ka hindi ka na ata humihinga?" si Mom Tsaka kami nagtawanan na dalawa. Hindi nga naman kasi umiimik si Dad mula pa kanina.

Kaso ayon, inisnob pa din niya si Mom.

"Kinakabahan ata Dad mo kaya hindi umiimik. Ganyan yan." bulong pa niya sakin.

Walang kaalam-alam si Wendy na papunta kami sa kanya. Baka kasi pag sinabi ko eh bigla siyang umalis.

Kilala ko na yon. Ayaw niyang makita si Dad tas kasama pa si Mom. Basta ihahanda ko na ang sarili ko pag nagalit siya sakin.

"Dad?" kinalabit ko siya.

"Hmm?" aba lumingon siya.

"My tips ako sayo pag nakita mo si Wendy."

"What?"

Bumulong ako sa kanya,  saka ako umayos ulit ng upo. Nakakunot noo si Mom.

.....

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

905K 12.6K 53
Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pami...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
367K 16.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
116K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...