{COMPLETED} [MFM Book2] Mirro...

By IHeartYongSeo09

49.1K 993 355

Man in Front of the Mirror{MFM} Book 2. Read the prologue for the plot of this story. Thank You~^^ More

{MMH} Prologue
{MMH} *Ch. 1
{MMH} *Ch. 2
{MMH} *Ch. 3
{MMH} *Ch. 4
{MMH} *Ch. 5
{MMH} *Ch. 6
{MMH} *Ch. 7
{MMH} *Ch. 8
{MMH} *Ch. 9
{MMH} *Ch. 10
{MMH} *Ch. 11 - His Wedding, Sweetness And... New Girl?
{MMH} *Ch. 12 - Rush Wedding Preparation And Phone Talk.
{MMH} *Ch. 13 - Lunch Date? New Friend? And Announcement?
{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?
{MMH} *Ch. 15 - Jealousy here, there and everywhere. ;)
{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?
{MMH} *Ch. 17 - Bonding, 1st Serious Convo and 'See you tomorrow'?
{MMH} *Ch. 18 - 'Yes She Is' + Worst Nightmare? ;)
{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I'll Be Your Girl. ;)
{MMH} *Ch. 20 - The Chosen One & 'Tomorrow is---' what?
{MMH} *Ch. 21
{MMH} *Ch. 22
{MMH} *Ch. 23.1
{MMH} *Ch. 23.2
{MMH} *Ch. 24
{MMH} *Ch. 25
{MMH} *Ch. 26
{MMH} *Ch. 28
{MMH} *Ch. 29
{MMH} *Ch. 30
{MMH} *Ch. 31 - Jealousy, Hatred And Feeling Betrayed.
{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination
{MMH} *Ch. 33 - Everything is Getting Complicated.
{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?
{MMH} *Ch. 35 - The Untold Story.
{MMH} *Ch. 36 - His Point Of View (From the start till the present.)
{MMH} *Ch. 37 - Signs.
{MMH} *Ch. 38 - Actions.
{MMH} *Ch. 39.1 - Happy... Ending?
{MMH} *Ch. 39.2 - Happy... Ending?
{EPILOGUE: Together Forever, To Eternity & Infinity.}
*IHeartYongSeo09's Not So Long Note. XD*

{MMH} *Ch. 27

884 20 10
By IHeartYongSeo09

{MMH} *Ch. 27

 

~KAT’s POV~

 

Tinawagan ko agad si Cyclone nang sabihin sakin ni Kitzie. Sinabi naman nya na magkita nalang kami sa bagong bahay nila Clens. Alam namin kung saan ang bagong bahay nila Marc. Nandun kami ng ipa-blessing nila yun.

Halos sabay lang naman kaming nakarating ni Kitzie dito sa bahay nila Clens. Nag-doorbell muna kami at pinapasok naman kami ni Yaya Jane.

Pumasok kami sa loob at sumalubong samin si Clens na kumakain ng cookies. Binake siguro ni Yaya Jane ang mga yun for her. Bigla tuloy akong nagutom kahit kakakain lang namin ni Kitzie dear. >.<

“Oh? Napadpad yata kayo dito? Diba may mga pasok kayo?” bungad nyang tanong samin.

“Wow. What a nice welcome Clens.” Sarcastic na sabi ni Kitzie sabay upo sa tabi ni Clens.

Umupo na rin naman ako sa tapat nila, “Well, how about you Clens? Diba may pasok ka din Ms. Auditor?” I said then I grab some cookies. Yummy. *.*

Kumain muna sya bago sagutin ang tanong ko, “Hm. Yes. Pero hindi muna ako pinapasok ni Marc ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit eh.”

“Speaking of Marc, nakita---“ hindi na natuloy pa ni Kitzie ang sasabihin nya ng sumigaw ako.

“Oh finally Cyclone! You’re here na din!” naka-all smile kong sabi sa kadadating lang na si Cyclone. Lumakad naman sya papunta samin at umupo sa tabi ko.

“Traffic eh. Sorry kung ngayon lang.” sabi nya.

“Eh teka? Nagtataka na ko ah. Bat nandito kayong tatlo? Ano bang meron? Saka Kitzie, ano yung sinasabi mo kanina?” Clens na puno ng pagtataka ang mukha.

“Ayun nga. Si Marc kasi nakita---“

“Omg! Ubos na yung cookies! I want more!” pinutol ko ulit yung sinasabi ni Kitzie at tumingin ako sa kanila, “C’mon! Let’s bake guys! Namiss ko kaya ang ganitong bonding natin!”

Pansin ko naman na sinamaan ako ng tingin ni Kitzie. Sorry Kitzie dear~

Sumang-ayon silang lahat sa sinabi ko kaya nagprepare na kami sa kitchen. Umalis naman saglit kanina si Cyclone and Kitzie. Ikwekwento na kasi nya ata yung nangyari kanina sa restaurant. Habang wala sila, heto naman kami ni Clens. Masayang nagbabake. ^__^ Buti nalang talaga at kumpleto ng gamit tong bahay nila. No need to shop. ;)

Ilang sandali pa ay dumating na yung dalawa. Nag-dahilan nalang sila kay Clens nang tanungin kung saan sila galing. Infairness, magaling magpalusot ang dalawang to. :D

Nagpatuloy lang kami sa pagbabake. Nagkaroon pa nga kami ng bet kung hanggang ilang cookies ang magagawa namin. Actually, kami lang tatlo nila Clens and Kitzie ang nagbabake. Si Cyclone kasi ayaw na naman! >.< Masyadong KJ! Nandun lang sya, nakaupo habang nagbabasa ng book. -__-

Ilang saglit pa ay napahinto kaming lahat nang may dumating. Napatingin kaming lahat sa kanya. Mukhang nagmadali sya ah. Halata sa pawis nya.

“Oh Marc? Ang aga mo yata?” sabi ni Clens sabay punta nya kay Marc at ikiss ito sa lips. Smack lang naman. MyGhad. Bigla ko tuloy namiss ang boyfriend ko. >_>

“Ah. Maaga natapos yung meeting namin, that’s why.” Pagdadahilan ni Marc habang nakatingin saming dalawa ni Kitzie.

I guess, nagtatanong ang mga mata nya kung nasabi na ba namin kay Clens. Pero dapat alam na nya yun dahil kung nasabi na namin, siguradong galit na ngayon si Clens sa kanya.

“Ganun ba? Ocge. Pagpapatuloy lang namin tong pagbabake na ginagawa namin. Dun ka muna sa salla, ok?” sabi ni Clens at pupunta na sana sya dito samin nang pigilan sya ni Marc.

Napatingin naman si Clens kay Marc, “Bakit?” nagtatakang tanong nya.

Tiningnan ni Marc si Clens ng seryoso sabay ngiti. Oh c’mon. Ang priceless nyang ngiti.

“Let’s have a date.” Sabi nya kay Clens.

Halata naman na nagulat si Clens sa sinabi ni Marc. But at the same time, nagtataka sya sa kinikilos ni Marc.

“Eh pero---“ napatingin si Clens saming tatlo. Maybe nagdadalawang isip sya kung sino ang sasamahan nya samin.

“Clens, I have something to tell you.” biglang sabi ni Kitzie kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Uh-oh. She’s serious and this is not good.

Napansin ko din ang pagkabalisa ni Marc. Napabuntong hininga ako. Nakita ko na parang nakikiusap sya kay Kitzie na wag sabihin yun kay Clens. But knowing Kitzie, desidido na sya ngayon.

So I guess, it’s my turn. ;)

Akmang magsasalita na si Kitzie nang sumingit ako, “Go ahead, Clens. Kami ng bahala dito. Sumama ka na sa asawa mo.” I said while smiling at them.

Tiningnan ko si Marc at tinanguan. Nakita ko naman na parang gumaan ang loob nya. Haay, Marc. Pasalamat ka at solid MarClen shipper ako. At nabasa ko ulit ang mga mata mo. Dahil kung hindi, tsk tsk tsk. Sorry to say this but this is the end of MarClen’s story.

Nag-smile sakin si Clens at nagpaalam sya na magbibihis lang daw sya. Nagpunta naman si Marc sa salla matapos nyang sabihin sakin ang salitang ‘Thanks’. Mahina lang yun pero nabasa ko naman ang bibig nya. :D

Alam kong nakatingin ngayon si Kitzie sakin ng masama. Okaaay, mahabang paliwanagan ba ito? -__-

Ilang sandali pa ay bumaba na si Clens at nagpaalam na silang dalawa samin. Huminga muna ako ng malalim at nagbilang ng 1-5.

After that, here she comes.

“SO WHAT WAS THAT FOR JOHAIRA KATHLENE BARCELONA?! CARE TO EXPLAIN THAT SCENE OF YOURS?!” Sigaw ni Kitzie.

Napapikit ako pero binuksan ko din naman agad ang mga mata ko at tiningnan ko sya, “Nakita mo ba ang mga mata ni Marc kanina, Kitzie?” seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi sya kumibo. Si Cyclone naman ay nakikinig lang saming dalawa. Nagsalita ulit ako, “Hindi mo ba napansin man lang ang pakiusap sayo ni Marc?”

“Pakiusap? Wow. Bakit? Dahil ayaw nyang mabuko sya ng asawa nya na nakikipagkita sya sa ibang babae?! Gusto mo na patulan ko ang pakiusap nya?!”

“Hindi yan ang ibig kong sabihin, Kitzie.”

“Then what?! Kanina lang ang linaw ng usapan natin na sasabihin natin to kay Clens. Ikaw pa nga ang gustong sabihin na to kaagad diba?! Tapos ngayon ikaw tong sumira sa plano natin?!”

Napabuntong hininga ako, “Saka na natin to pag-usapan pag malamig na ang ulo mo.” Sabi ko.

Bigla namang nagsalita si Cyclone, “Sa tingin ko, tama lang ang ginawa ni Kat.” Napatingin kaming dalawa ni Kitzie sa kanya.

“So now what? Pagtutulungan nyo na kong dalawa?” Kitzie.

“Shut up.” Inis kong sabi kay Kitzie pero tiningnan nya lang naman ako ng masama. This girl. Srsly.

“Hindi mo hinayaan si Kitzie na sabihin yun kay Clens dahil nag-aalala ka sa relasyon ng dalawa. Tama ba Kat?” sabi ni Cyclone kaya nabaling ulit ang atensyon naming dalawa sa kanya.

“At ayaw mo ring masaktan o mabigla si Clens dahil nakita mo naman kung gaano sya kasaya kanina. Lalo na nung ayain sya ni Marc.” pagpapatuloy nya.

Hindi kami kumibo ni Kitzie. Nakinig lang kami kay Cyclone.

“At ang pinaka-rason, alam mong hindi tayo paniniwalaan ni Clens lalo na’t wala naman tayong sapat na ebidensya sa nangyari kanina. Mahal ni Clens si Marc. Nilagay mo ang sarili mo sa posisyon ni Clens. At naisip mo na kung ikaw sya, paniniwalaan mo pa rin ang asawa mo kesa sa mga kaibigan mo. Yun ba ang ibig mong sabihin, Kat?”

Napaiwas ako ng tingin kay Cyclone. Ramdam kong nakatingin silang pareho sakin. Tama naman si Cyclone. Dito yan magaling. At kilala na nga nya talaga kami. Minsan magtataka ka nalang, alam nya ang iniisip mo. -__-

Tiningnan ko sila at nagsalita ako, “Yes. You’re right. Hangga’t wala pa tayong proof, hindi tayo dapat magsalita. Hayaan natin si Clens ang makatuklas ng nangyayari kay Marc. Hindi dapat tayo makialam. Kahit na kaibigan pa nya tayo.”

Mukhang kumalma naman na si Kitzie sa sinabi ko. Nagpatuloy nalang kami sa pagbabake.

Tama naman ang sinabi ko. Hindi kami dapat makialam dahil problema nilang mag-asawa yan.

Saka lang kami makikialam kapag hindi na kaya pa ni Clens na lutasin ang problema nila.

***

~CLENERY’s POV~

 

Dinala ako ni Marc dito sa garden ng mga Hardy. Lagi naman kami dito nagpupunta after namin ikasal. Ang sarap lang kasing tumambay sa mga ganitong lugar. Masyadong peaceful ang aura. :”>

“Marc. Bakit dito mo ko dinala? Dito tayo magdadate?” tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang naman sya sa harapan namin. Parang ang lalim na naman ng iniisip nya. :/

“Marc?” tawag ko ulit sa kanya at para naman syang biglang natauhan dun.

Tumingin sya sakin, “Ha?” parang wala sa sarili nyang sabi.

Napakunot ang noo ko, “Marc, tapatin mo nga ako. May problema ba?” seryoso kong tanong sa kanya.

Muli naman syang tumingin sa harap namin sabay buntong hininga at hawak ng mahigpit sa kamay ko, “Nothing. May iniisip lang ako.” Sabi nya.

Gusto ko sanang tanungin kung ano o kung sino ba ang iniisip nya kaso para akong pinanghinaan ng loob. Parang hindi ko kaya na marinig ang sagot nya kung itatanong ko man yun. Parang kinabahan ako bigla. Di ko alam. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko.

Maya maya pa ay dinala na ako ni Marc sa isang part ng garden na kung saan pwede kang mag-picnic. Basta pwede kang maglatag ng picnic set. At meron nga nun ngayon dito kaya napatakbo ako papunta dun.

Nakita ko naman na ang daming pagkain na nakahain sa harap ko. Naka-smile ako habang nakatingin sa mga masasarap na pagkain na ito. Omo. Gusto ko na tong kainin lahat. Ang dami. *0*

Pansin ko naman na parang hindi sumunod sakin si Marc kaya tiningnan ko sya, “Huy! Ano pang ginagawa mo dyan?! Tara na! Kumain na tayo! Sayang to oh!” tawag ko sa kanya.

Pero nakatitig lang sya sakin. As in tinitigan nya talaga ako na para bang kinakabisado na nya ang mukha ko pati ang katawan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang sa mga tingin nya. Dati naman kapag tinititigan nya ako hindi naman ganito ang pakiramdam ko. Pero bakit ngayon…. :/

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan ko si Marc. Hindi pa rin nya inaalis ang pagkakatitig nya sakin. Hindi ko rin naman maialis ang mga tingin ko sa kanya. Nagtagpo ang mga mata namin at nakaramdam ako lalo ng kaba.

Bakit ganito? Tama ba ang nakikita ko sa mga mata nya? Bakit parang nahihirapan sya? At bakit parang nangungusap ang mga mata nya?

Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang emosyon na nakita ko sa mga mata nya. Bumalik ito sa dati. Blangko. Pero nakangiti na sya sakin ngayon.

Dahan dahan syang lumapit sakin. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya. Nang nasa harapan ko na sya ay bigla syang nagsalita, “Sabi ko na nga ba magugustuhan mo to. Kumain na tayo.” Sabi nya sabay hawak sa kamay ko at inalalayan ako paupo.

Kumain naman na kaming dalawa. Hindi ko naman maiwasan na isipin yung mga emosyon na nakita ko sa kanya kanina. Hindi ko tuloy ma-enjoy tong mga kinakain ko. >.<

“Something wrong?” bigla nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin sya sakin, “Ah. Wala. May naalala lang ako.” Pagdadahilan ko. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo nyan Marc? Ano bang problema?

Sumakay naman sya sa sinabi ko kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain. After namin kumain ay naglakad lakad lang kami. Ayaw nya nga bitawan ang kamay ko kahit kukuha ako ng bulaklak o kaya hahawak ako ng mga paru paro na lumilipad.

“Bakit ba ayaw mong bitawan ang kamay ko? Tapos ang higpit pa ng hawak mo. Para naman akong mawawala.” Pabiro kong tanong sa kanya.

Tumingin sya sakin ng seryoso, “Ayoko lang. Gusto ko lagi lang kitang hawak. At lagi ka lang nasa tabi ko, Shane.”

 

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Ang seryoso nya kasi tapos nakatingin pa sya ng diretso sa mga mata ko. Ano ba to? Bakit parang may gusto syang ipahiwatig na hindi ko malaman? Bakit kasi hindi mo nalang ako diretsuhin Marc. Hindi yung nanghuhula ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot sa garden. Maluwang ang garden na to. Hindi basta bastang garden lang. May mini house din dito. Hindi nga masasabing mini house dahil ang laki na nun para sakin. >_>

Malapit nang gumabi. 5pm na. Ang saya siguro panoorin ng sunset no? :”>

Inubos lang namin ni Marc ang oras namin sa pag-explore nitong garden kahit na pang-ilang punta na namin dito. Tapos kanina natulog lang sya sa may lap ko habang nasa ilalim kami ng puno. Ngayon naman nag-aaya na naman sya. At hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Maya maya pa nakita ko nalang ang isang napakagandang lugar. *__* Shems. May ganitong parte pala ang garden na to! Bakit ngayon lang ako dinala ni Marc dito?! >.<

Napakalawak ng kinatatayuan namin ngayon. Makikita mo yung mga kulay green na damo na hinahangin hangin pa. Tapos may iilang puno lang na nakatanim dito. Wow. Mas naging peaceful tuloy ang dating. *0*

At ang pinaka-highlights pa nito, pwede mong panoorin ang sunset dito. <3 Pati yung buong syudad makikita mo pag tumingin ka sa baba. Nakakatuwa na nakakamangha ang kagandahan ng tanawin. Parang ang sarap tuloy tumira dito. <3

Pinaupo ako ni Marc sa damuhan. Umupo din naman sya sa tabi ko, “Let’s watch the sunset together.” Sabi nya habang nakatingin sa harapan namin at nakangiti. Madalas na syang ngumiti ngayon sakin. Hindi ko lang alam sa ibang tao.

Sinunod ko naman sya. Nagpasalamat din ako sa kanya sa pagdala nya sakin dito. First time ko to. First time kong mapanood ang sunset. At kasama ko pa ngayon ang lalaking mahal ko.

Nakatingin ako sa harap namin habang naka-smile. Hinahangin din ang buhok ko dahil sa sobrang lakas ng hangin dito. Pero hinayaan ko lang yon. Ang sarap naman sa pakiramdam eh. :”>

Hindi ko naman alam kung nakatingin ba ngayon sakin si Marc. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sakin. Hindi ko naman masyadong makita dahil nahaharangan ng buhok ko ang gilid ko kapag hinahangin.

Pero naramdaman ko ang paghawak ni Marc sa mukha ko at nilagay ang ulo ko sa balikat nya. Hinayaan ko na gawin nya yun. Sakto naman na nag-sunset na kaya mas lumapad ang ngiti ko. Napakaganda nyang tingnan. Ang sarap nyang i-paint. Kaya pala hindi na kataka-taka na ang ganda ng mga paintings na hango sa sunset o sunrise. Dahil sobrang ganda nito sa personal. Aakalain mong nasa panaginip ka o kaya nasa isang paraiso. :”>

Nanatili lang kami sa ganung posisyon ni Marc. Isinandal nya din ang ulo nya sakin. Ewan ko pero masaya ako ngayon. Ibig kong sabihin, sobrang saya ko. Siguro kasi ang espesyal lang ng araw na to. Kasama ko syang manood ng sunset tapos yakap nya din ako ngayon. Ang totoo, hindi ko alam kung galit pa ba ako sa kanya. Kung hanggang ngayon hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya.

Napapikit ako ng maramdaman kong hinalikan nya ang ulo ko. Sa tingin ko talo na naman ako. Mukhang nanalo na naman ang puso ko kesa sa isip ko. Mahal ko kasi sya eh. At sa tingin ko, simula bata palang kami, sya na ang mahal ko. Yung kay Keiffer, I don’t know pero siguro nadala lang ako? Hindi ko naman kasi maalala si Marc nung mga panahon na yon kaya akala ko minahal ko si Keiffer. O kung ganun man nga, baka bumalik lang ang pagmamahal ko kay Marc.

Kahit anong deny naman ang gawin ko mahahalata pa rin naman ako. Ganun naman siguro diba?

You will never be able to hide what you feel. Maybe you can always deny. But actions never lie.

 

“Shane.” Napadilat ako sa pagtawag sakin ni Marc.

“Hmm?”

Naramdaman ko na napahinga sya ng malalim, “Always remember that I love you. I love you so much.”

 

Titingin sana ako sa kanya kaso bigla nyang hinawakan ang mukha ko at hinarap sa leeg nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Pero bigla ulit akong kinabahan. Hindi ko na maintindihan ang mga kinikilos ni Marc. Bakit sya ganito?

“Marc---“

“Mahal kita, Shane. Mahal na mahal kita.”

“Alam ko. Ano bang---“

“I will always be here, ok? Babantayan pa rin kita kahit anong mangyari.”

 

“Marc. Hindi na kita maintindihan. Bakit mo to sinasabi sakin?” naramdaman ko na lumuwag na ang pagkakayakap nya sakin at inangat nya ang mukha ko.

Tiningnan nya ako at nginitian, “Hindi ko hihilingin na wag kang magalit sakin. Pero sana, patuloy mo pa rin akong mahalin.”

 

Naguguluhan akong tumingin sa kanya, “Bakit naman ako magagalit sayo?”

Hinaplos nya ang pisngi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko, “Basta. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Wag mong isipin na iiwan kita. Understand?”

 

“I don’t understand.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Pero ngumiti lang sya, “You will soon understand me, Shane. I love you.” pagkasabi nya nito ay hinalikan nya ako.

Dahan dahang paghalik ang ginawa nya. Napapikit na ako at sinuklian ko ang mga halik nya.

Wala akong maintindihan sa lahat ng mga sinabi sakin ni Marc. Pero ilang beses na nyang sinabi na mahal nya ako. At pinaparamdam nya yun sakin ngayon.

He loves me. Naniniwala ako dun. Pero alam kong hindi maiiwasan na masaktan akong muli.

Niyakap ko si Marc. I love him at ayokong mawala sya sakin.

Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang sinasabi nya na mawawala sya sakin?

Naiinis ako. Hindi ko mabasa ang iniisip nya.

Pero ayoko ng ganito.

Naramdaman ko na tumulo ang mga luha ko na pinunasan naman ng mga kamay ni Marc na nakahawak sa mukha ko.

Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Dahil,

Natatakot ako. :(((

 

***

~JESSERENE’s POV~

 

*DingDong*

Napatingin ako sa pintuan namin. Nakita ko naman si Yaya Jel na lumabas galing kitchen.

“Ya. Ako na po.” Sabi ko sabay tayo kaso pinigilan nya ako.

“Ay naku hindi na at ako na. Ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo.” Sabi nya sabay labas ng pinto.

*DingDong*

“OO AYAN NA!” Sigaw ni Yaya habang papunta sa may gate.

Tiningnan ko ang oras. 7pm na. Sino naman kaya ang pupunta dito ng ganitong oras? Si Gab kaya? Nah. Imposible naman. Wala naman kaming usapan ngayon.

Umupo nalang ulit ako at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Nag-aayos kasi ako ng mga papers sa office. Hindi ko kasi natapos ayusin kanina eh.

Nagpatuloy lang ako dun hanggang sa pumasok si Yaya Jel, “Anak, mukhang may bisita ka.” Sabi nya.

Napatingin ako sa kanya, “Sino daw po ya?”

Ngumiti sya ng alanganin. Napakunot tuloy ang noo ko. Sino kaya yun?

“Nandoon sya sa labas anak. Ayaw nga pumasok nung pinapapasok ko eh. Puntahan mo nalang. Mukhang importante ang pag-uusapan nyo.” Sabi ni Yaya.

Napaayos ako ng upo, “Eh babae po ba?”

“Naku hindi. Lalaki sya. Pero alam kong kilala mo sya.” hindi naman sinabi ni Yaya Jel na si Gab. Kilala na nya si Gab eh. Napakilala ko na si Gab sa kanya noon.

“Sige po. Pupuntahan ko na.” sabi ko kay Yaya sabay tayo. Tumango naman sya at bumalik sa kitchen.

Lumabas na ako ng pinto at naglakad papunta sa gate namin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit kaya?

Dahan dahan kong binuksan ang gate at bumungad sakin ang isang magarang kotse. Kulay dark blue.

Lumabas ako ng gate at nakita ko ang isang lalaking nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakasandal sa kotse at nakayuko.

Tinitigan ko sya. Parang pamilyar sya sakin. Hindi ko naman kasi masyadong makita ang mukha nya dahil nakayuko sya at gabi na rin.

“Uhh. Excuse me?” sabi ko.

Unti unti naman nyang itinaas ang mukha nya at tiningnan ako. Tumayo sya ng maayos.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Hindi maaari. Hindi to pwede. Bakit sya, bakit sya nandito ngayon? Bakit sya nagpunta dito?

Nakatingin lang ako sa kanya. Bigla naman syang ngumiti at inilahad ang kamay nya sakin sabay nagsalita,

“Hi. Jesserene. I’m Shin. Your brother.”

 

Mas napatigil ako sa sinabi nya.

Alam na nya ang totoo?

Alam nyang kapatid nila ako?

Pero paano?

Paano nyang nalaman yon?

At paano nya rin nalaman ang kinaroroonan ko?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Continue Reading

You'll Also Like

86.3K 2.3K 31
Isang trahedya ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala ni Arianna. Ngunit sa pagbabalik niya sa dating bahay nila ng asawa niyang si Ricardo ay unt...
167K 633 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
49.6K 831 66
Hanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...