A/n: Thank you sa pagsuporta dito sa storya ko na wala namang plot haha. Sorry po sa mahabang paghihintay. Nabablangko po kase ako. Kaya eto na ^_^
~~~~~~~~~~~~
3rd person's POV
Tahimik na kumakain sina Abi, Luke, at Cath nang biglang nagtanong si Abi.
"Hon, saan ka nga pala galing? At ginabi kayo ng uwi? May nangyare ba?" Tanong ni Abi.
"Hon, wala. May binili lang ako" cold na sabi ni Luke.
Biglang natahimik si Abi dahil sa malamig na tugon ni Luke sakanya. Bigla syang nasaktan. Dahil paramg hindi pa din pala humuhupa ang galit ng asawa nya sakanya.
Subalit kahit ganun ay hindi pa din tumigil si Abi.
"Hon, kuha ka pa ng pagkain. Hindi ba masarap ang mga niluto ko? Bakit parang ang konte ng kinuha mo?" Tanong ni abi.
"Hon, masarap naman. Basta luto mo para saken masarap. Sadyang busog lamang ako." Medyo malamig na tugon pa din ni Luke. Ngunit may konting lambing na ito.
Nabawasan ang sakit at pangamba na nadarama ni Abi ngunit hindi pa din sya mapalagay. Dahil hindi ito kasing lambing ng usual na ginagawa ng kanyang sawa.
Nakaramdam naman ng saya si Cath ng mapansin nyang mukhang may alitan ang dalawa.
"Good timing" - sinabi sa sarili ni Cath at sekretong ngumisi.
Binuksan nya ang dalawang buttones ng kanyang damit at kunwaring hinulog ni Cath ang kanyang kutsara.
"Ay nalaglag" - sabi ni cath na may pagkapabebeng boses.
May naisip na kalokohan si cath...
Maarteng kinuha ni Cath ang kanyang kutsara at sa pagyuko nito sa pagkuha sa kutsara ay sinadya nyang ipakita ang cleavage nya kay Luke ng tumingin ito.
Napansin ni Cath na parang kumislap ang mata ni Luke at umiwas ito ng tingin.
Napangisi ulit si cath.
Ngunit....
"Cath ito oh bagong kutsara. Pinulot ko na yung kutsarang nalaglag mo. Nakakahiya naman eh di mo kase pinulot kaya ako na nagpulot" sabi ni Abi.
Nakabusangot na kinuha ni Cath ang kutsara at kakain na sana ng magsalita uli si Abi.
"Cath naiinitan ka ba? Bakit nakabukas ang dalawang buttones ng damit mo? Akala ko nakatalikod ka saken. Kanina buti nalang nakita ko ang ulo kung san nakaharap" sabi ni Abi at halata sa boses nito ang pang-aasar.
"Pft." Narinig ni Cath kay Luke.
Pigil na pigil naman sa pagtawa si Luke at napansin ito ni Cath.
Lalong sumimangot si Cath at inis na tumayo.
"Oh Cath tapos ka na?" Tanong ni Luke na kunwari ay inosente.
"Oo, busog nako!" Padabog na nagmartya si Cath palabas ng kusina at umakyat sa kwartong nilaan para sakanya.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa at tumawa ng malakas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(A/N: sorry ngayon lang ako nakapag-update at sorry kung sabaw T.T)