Chapter 30 Edited

3.3K 75 10
                                    

Eto na ang update na matagal nyo ng hinihintay. Pasensya sa soooooooooobrang tagal 😅.


Chapter 30

3rd person's POV

Nagising si Abby ng alastres ng madaling araw para makapaghanda na ng agahan. Kahit na medyo masakit ang kanyang katawan dahil sa ginawa nila ni Luke kagabi ay gusto nya pa din subukang ipagluto si Luke.

Naghanda si Abby ng madaming pagkain dahil sa plano nyang ayain si Luke na magpicnic sa isang magandang lugar.

Nang matapos maghanda si Abby, tinignan nya ang wall clock at napangiti sya. Sakto lang ang pagtapos nya. Alasais palamang kaya ginising na nito si Luke para makakain na at makapaghanda sa kanilang lakad.

Sa isang Banda ay nagising din ng maaga ang isang pusa. Este si Cath, naabutan nyang naghahanda ng pagkain si Abby at inirapan niya ito sabay balik sa kwarto nito.

"Sulitin mo lang Aby habang nasa sayo pa si Luke. " sabi nya sa kanyang isipan at natulog uli.

Sa kwarto ng mag-asawang Luke. Este sa kwarto ni Luke ay naghaharutan nanaman ang mag-asawang Luke at Abigail .

"Luke ano ba! Hahaha. Maligo ka na nga ang baho ng hininga mo di ka man lang nagmugmog!" wika ni aby habang na tatawa sa kanyang asawang kung makakapit sa kanya ay nagmumukha na itong tarsier.

"Gusto ko ng round 2 baby" bulong ni Luke sakanyang tenga na nakapagpatindig ng balahibo ni Aby.

"L-l-luke! T-tumigil ka nga!" Wika ni Aby habang namumula ang mukha at nanlilisik ang mata upang matigil si Luke sa kanyang ginagawa.

Si Luke naman ay mukhang nasindak dahil nagtaas sya ng dalawang kamay "eto na boss pupunta na ng cr." Sabi nito at mabilisang nagnakaw ng halik kay aby sa labi at mabilis na tumakbo ng Cr.

Naiwang nagpipigil ng ngiti at kilig si Aby at umalis na din para mag-ayos ng gamit na dadalhin nila.

-----

Habang naliligo si Luke ay nakarinig sya ng ingay  sa labas ng banyo.

"Aby? "  tawag niya sa taong nasa labas ng banyo.

Hindi sumagot ang nasa labas ng banyo.

Pero narinig nyang parang binubuksan nito ang pintuan sa banyo.

"Aby?"

------------

My Husband Is A Cold Prince And A Famous CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon