The Four Bad Boys And Me (Pub...

Por blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... Más

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

69: Join forces

2.4M 53.8K 30.9K
Por blue_maiden

KIM

"Ang tagal na din nating hindi nagkita."

Umupo siya sa harapan ko. Nasa bahay kami. Marami akong bodyguards sa paligid, in case may gawin siyang masama sa 'kin. Hindi ko pa rin naman siya kontrolado at wala akong tiwala sa kanya.

"Bakit, na-miss mo ba ko?" Tumawa siya tapos kinindatan pa niya ako.

Yuck! Nandiri ako sa kanya. Nahalata niya yata 'yong reaksyon ng mukha ko kaya tumawa siya. Nairita ako sa kanya. Maisip ko pa lang na siya 'yong dahilan kung bakit nabugbog dati si Jeydon, kumukulo na 'yong dugo ko. Anong karapatan niyang saktan 'yong mahal ko? Kung hindi ko lang siya kailangan, hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"I know who you are."

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mukha niyang nagpipigil siya ng galit. Hindi niya siguro akalaing makikilala ko siya. Well, thanks to your best friend at nakilala kita.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Tumayo siya at tumalikod sa 'kin.

You don't turn your back on me, stupid bastard. Sumenyas ako sa isa kong bodyguard. Hinarangan siya ng pinakamalaki kong bodyguard pero hinawakan niya 'yong kamay no'n tapos binalibag niya sa sahig.

"Hindi mo ako matatakot," sabi niya.

Well, mukhang minaliit ko nga siya. Naglakad na ulit siya palayo sa 'kin. Inubos niya ang pasensya ko.

"Really now, Red Dragon?"

Napahinto siya sa paglalakad. He turned to face me again, this time, with a smile, pero halatang galit pa rin siya.

"The new Phoenix leader." Hindi bagay sa kanyang maging Red Dragon. Kahit kailan, hindi niya mapapantayan 'yong mga ginawa ni Jeydon sa Phoenix. Walang-wala siya kay Jeydon. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Jeydon.

"Ano bang kailangan mo?"

Ngumiti ako sa kanya. Nilabas ko sa bag ko 'yong sobreng may perang nagkakahalagang isang milyon. Hinagis ko 'yon sa harap niya.

"Para saan 'to?"

"Kailangan mo 'yan, 'di ba? Para sa kapatid mo? Sabihin na nating kaunting tulong lang 'yan galing sa 'kin."

Tumawa siya. Sabi ko na nga ba, he's crazy. Ang hirap makipag-usap sa mga baliw na kagaya niya.

"Kim, hindi ka anghel, alam kong may dalawa kang sungay sa ulo mo. So tell me, ano bang kailangan mo sa 'kin?"

I smiled at him. Hindi naman pala siya gano'n ka-stupid kagaya ng iniisip ko.

"Alam kong may plano kang masama kay Jeydon."

It was his turn to smile at me. Kumulo talaga 'yong dugo ko sa kanya, he was irritating.

"Alam mo naman pala, e."

Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya tiningnan nang masama.

"Don't you dare hurt him," I said it in a serious dead tone. Subukan lang niyang saktan ulit si Jeydon, hindi niya alam kung paano ako magalit.

"Paano kapag ayoko?"

"Ako ang makakabangga mo," seryoso kong sabi sa kanya. Yeah, I'm dead serious.

"Why don't you do it then?"

Kung pwede lang, e. But I won't, dahil gagamitin pa kita. "Why would I do it alone when we can do it together?"

He looked dumbfounded.

"Narinig mo na ba 'yong salitang hitting two birds with one stone?"

"Go straight to the point, Kim."

Akala ko naman, ka-level ko siya. Mahina pala siya.

"Gusto mo lang namang makaganti kay Jeydon, 'di ba? And you think hurting him physically your revenge?"

"Ano bang gusto mong mangyari?" He was getting mad, totally impatient. Pinakita lang niya kung gaano siya ka-stupid. Paano ba siya naging leader ng bagong Phoenix?

"Kung gusto mo talagang makaganti kay Jeydon, madali lang naman 'yong kailangan mong gawin. Imbes na si Jeydon 'yong saktan mo, why not Candice?"

"At bakit ko 'yon gagawin? Ikaw lang naman ang may habol kay Candice, so bakit hindi ikaw ang gumawa no'n?"

He really is stupid. "'Yong sakit sa katawan, madaling gumaling. But think of this: Mas masakit makitang nasasaktan 'yong taong mahal mo, right?"

Once again, tumawa siya sa sinabi ko. "Hitting two birds with one stone, huh? Matalino ka nga talaga."

Of course, that's who I am. Hindi ako tangang katulad mo at no'ng Candice na 'yon.

"So, it's a deal?"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Ugh, tsismoso rin pala siya, 'no? And isn't it obvious? I was starting to think na hindi ko rin siya magagamit, e.

"Simple, because I love him."

"But he loves someone else. Si Candice 'yong mahal niya."

Sa sobrang galit ko, naitapon ko lahat ng nakapatong sa table na nasa harap ko. He's mine, at hindi sa babaeng 'yon.

"Jeydon is mine! And after ng plano natin, I'm sure na babalik na siya sa 'kin. Like

"Fine, "

"Good, we'll do it tomorrow."

Jeydon, babalik ka rin sa 'kin, tandaan mo 'yan. Akin ka lang, sa 'kin at hindi sa Candice na 'yon.

MARKY

"Nasaan kang ugok ka?! Mags-start na 'yong mga booth dito! Pumunta ka na!"

"Shut up Charles!" Binabaan ko na agad siya ng phone. Buwiset na matandang 'yon, sobrang sakit sa tenga ng boses niya. Nakalunok yata siya ng microphone.

Inaantok pa ako, leche. Dapat pala talaga, hindi na ako sumali ro'n sa Foundation Day na 'yon. Mas masarap pang matulog sa bahay magdamag, e. Dami kasing alam ng mga classmates namin at ang matindi, si Tanda pa 'yong may pakana no'n.

Tumayo ako tsaka ako tumingin sa salamin. Bakit ang gwapo ko?

Nag-ring na naman ang phone ko. Lintek na Charles 'yon, ang kulit talaga. Kapag nakita ko siya mamaya, sasapakin ko siya, e.

"Ano ba, Tanda?! Papunta na ako!" At kapag nakita kita, humanda ka sa 'kin.

"Ah, Mr. Lim?"

Anak ng—hindi pala si Charles 'yon! Nakakahiya naman.

"This is Dr. Alvarez, 'yong doctor ni Ginny."

"Ah, yes, Doc. Sorry about that. May problema ba?" Lintek, nakakahiya talaga. Mamaya kung ano pang isipin niya sa 'kin.

"Do you have time to visit Ginny?"

"Why, is there something wrong?" Kinabahan tuloy ako. Sana naman walang nangyari sa kanya.

"Lately kasi, palagi siyang umiiyak and masama 'yon sa lagay niya. We don't know what to do, we can't make her stop crying."

"Don't worry, Doc. I'll come over."

"Okay, Mr. Lim, thank you."

Binilisan ko na lang papunta sa ospital para makahabol pa ako sa school. Sisigawan na naman ako ni Tandang Charles kapag hindi ako nagpakita.

Ano kayang problema ni Ginny? Noong huling bisita ko naman sa kanya maayos siya. May nangyari kaya? Kinabahan na talaga ako.

Pagkarating ko sa ospital pumunta agad ako sa kwarto ni Ginny. Pagbukas ko ng pintuan, narinig ko siyang tumatawa. Pagsilip ko, may isang lalaking kausap si Ginny. Hindi ko pa makita ang mukha kasi nakatalikod siya sa 'kin. Sino kaya siya? Siya kaya 'yong kuya niya? Hindi na sana ako magpapakita kay Ginny pero nakita niya na ako.

"Marky," pagtawag niya sa 'kin, lumingon 'yong lalaki. "Bakit ka nandito?"

Hindi ako makapaniwalang nandoon siya. Kilala niya si Ginny? Paano? Nalito ako.

"Shawn? Anong ginagawa mo rito?"

Tumingin muna siya kay Ginny bago siya lumapit sa 'kin.

"Usap tayo sa labas." Binalikan niya ng tingin si Ginny. "Ginny, do'n muna kami sa labas." Tumango lang si Ginny tapos lumabas na si Shawn.

"Sandali lang, Ginny, ah." Ngumiti rin siya sa 'kin tsaka siya tumango ulit. Sinundan ko na sa labas si Shawn.

"Kilala mo si Ginny?" 'Yon agad ang bungad ko kay Shawn.

"Marky, siya 'yong susi natin kay Red Dragon."

Natigilan ako sa sinabi niya, paano niya nalaman ang tungkol kay Red Dragon? Anong kinalaman ni Ginny rito? At bakit sinasabi niya 'yon sa 'kin? Nalito na talaga ako, pucha.

"Shawn, pwede bang ipaliwanag mo sa 'kin lahat, hindi ko maintindihan."

"Nakausap ko si Alex, gusto nila akong isama sa bagong Phoenix pero tumanggi ako. Simula noon, inalam ko ang lahat tungkol sa kanila. Narinig kong habol ng leader nila si Jeydon at tinatawag rin siyang Red Dragon."

May inabot siya sa 'king picture, isang family picture. Masayang pamilya, isang lalaki at isang babae 'yong anak no'ng mag-asawa. Matagal na 'yong litratong 'yon pero parang nakita ko na 'yong dalawang anak no'ng mag-asawa.

"Noong nalaman kong kasali pala si Alex sa bagong Phoenix, bigla ko ring naalala 'yong gabing nagkita tayo. Noong binugbog mo siya, nangyari 'yon do'n sa tapat ng bahay ni Red Dragon, at sigurado akong do'n dapat papunta si Alex."

Umupo ako saglit. Nilagay ko muna lahat ng sinabi niya sa utak ko. Kung pupunta si Alex do'n sa bahay kung saan ko siya sinuntok, teka, ibig sabihin lang...

"Kaya ka ba nandito?"

Tumango siya sa 'kin.

"Oo, kaya ako nandito para i-confirm kay Ginny 'yong totoo at hindi naman ako nabigo."

"Ano bang kinalaman dito ni Ginny?" Hindi naman pwedeng may kinalaman siya sa lahat ng nangyari. Hindi ko siya gano'n kakilala pero sigurado akong wala siyang kinalaman sa mga 'yon.

"Kilala ni Ginny kung sino si Red Dragon, kilalang-kilala."

Luminaw sa 'kin ang lahat pero taena, magulo pa rin, e. Hindi ko pa rin talaga naintindihan. Pinagmasdan ko nang mabuti 'yong mga mukha sa picture na binigay sa 'kin ni Shawn. 'Yong babae, kamukha nga siya ni Ginny. So what? Anong meron?

"Pinakita sa 'kin 'yan ni Ginny." Umupo rin siya sa tabi ko. "'Yong lalaking katabi niya, kuya niya 'yan."

Pinagmasdan ko rin nang maigi 'yong mukha no'ng lalaki. Unti-unti ko na siyang nakilala.

"Siya si Red Dragon?! Pero hindi 'yon pwede!"

"Oo, siya nga. Si Ginny 'yong nagpatunay sa 'kin na siya nga 'yan."

Tumayo ako para puntahan si Ginny sa kwarto pero pinigilan ako ni Shawn.

"Bakit?"

"Mas mabuti pang balaan mo na sina Jeydon tungkol dito. Hindi natin alam kung kailan siya aatake. Ako nang bahala kay Ginny."

Sinunod ko na lang si Shawn at pumunta agad ako sa school. Tangina talaga, hindi ko akalaing siya 'yon. Pucha, bakit? Hindi ko naintindihan kung bakit siya. At bakit kailangan maging kapatid pa siya ni Ginny? Kahit anong pilit kong intindihin kung bakit niya 'yon ginawa, hindi ko kaya. Kailangan niyang magpaliwanag sa 'kin and he should give me a damn good reason.

Nag-ring naman ang phone ko.

"Hello... Ano?!"

Taena, nahuli na ako...

Seguir leyendo

También te gustarán

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
130 41 3
Slow- updates// Daughter of the dark, delivered to the light and chosen by the God and Saints. The prophecy about rising of an evil and his seed that...
26K 478 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
645K 14.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...