I Feel For You (boyXboy) - PU...

By YorTzekai

656K 12.9K 1.2K

BOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan n... More

I Feel For You (boyXboy)
Mission no.01
Mission no.02
Mission no.04
Mission no.05
Mission no.06
Mission no.07
Mission no.08
Mission no.09
Mission no.10
Mission no.11
Mission no.12
Mission no.13
Mission no.14
Mission no.15
Mission no.16
Mission no.17
Mission no.18
Mission no.19
Mission no.20 HE's INLOVE WITH A SEAFAIRY a collab with iLoveOnomatopoeia
Mission no.21 SPECIAL CHAPTER
Mission no.22
Mission no.23
Mission no.24
Mission no.25
Mission no.26
Mission no.27
Mission no.28
Mission no.29
Mission no.30 PRE-FINALE!
GRAND FINALE <3
EPILOGUE: VALENTINES SPECIAL
READ: SOON TO BE PUBLISHED!
READ:: HOW TO ORDER "I FEEL FOR YOU" PAPERBACK!
NOW PUBLISHED!!

Mission no.03

23.9K 508 62
By YorTzekai

Isang linggo na ang nakakalipas ng ilipat ko ng school si Winji,dibale ng malayo,basta ligtas lang sya laban dun sa mga sindikatong tumutugis sa kanya,kahit inis na inis ako sa batang binabae na yon ay wala akong magagawa kundi ang protektahan sya,ayoko naman biguin si Mister M. at ang yumao nyang ama. At saka hanggang ngayon,hindi ko pa din alam ang laman nung chip na sinasabi ni Mister M.,tumityempo pa ako ng magandang pagkakataon para matanong si Winji patungkol dito,pero sa palagay ko ay walang alam ang bata patungkol sa chip na yon,san kaya yun nakalagay?

Ngayon ay nandito ako sa living room,nanonood ng action movie,wala si Winji,namamasyal kasama sina Jewel at Mang Tony.

"Senyorito,may bisita po,isang binatang may puting buhok,nasa labas sya" ani Manang ng lumapit.

May puting buhok? Wala ako kilalang ibang tao na may puting buhok maliban sa mga matatanda sa kumpanya ko.

"Ano daw ang kailangan?" salubong ang kilay na tanong ko. Sino naman kaya yon? Kliyente? Imposible,huli na si Winji at dapat ipapatawag ako sa Agency.

"Hinahanap daw po niya si Winji" sagot ni Manang. At dun ko narealize kung sino yon,ang boyfriend ni Winji.

"Sige,papasukin mo,kailangan ko syang makausap" ani ko,tumango si Manang at lumabas,pinatay ko na ang Tv.

Maya maya pa ay pumasok na si Manang kasunod ito. Tiningnan ko yung binata,gwapo ito,halatang may ibang lahi,pero bakit sya magkakagusto sa isang bakla? Sayang ang lahi nya. Nagpaalam na si Manang para gumawa ng meryenda.

"M-magandang tanghali po Sir"

"Maupo ka" ani ko at ini-muwestra ang couch sa may gilid.

"Anong sadya mo?" deretso kong sabi. Gusto ko kasing kaunti lang ang lumalapit at kaibigan ni Winji para kaunti din nakaka alam kung san sya nakatira,para iwas kapahamakan.

"Hinahanap ko po kasi si Winji,ito po ang address na ibinigay nya,saka isang linggo ko na po syang hindi nakikita eh,gusto ko lang sana sya maka bonding" mahaba nitong sagot.

"Ganon ba? Wala sya eh umalis,pwede kang bumalik sa ibang araw" sagot ko naman.

"Uhm,sir? Kung hindi po nakaka abala,pwede ko ho ba syang hintayin?" anito. Hmmn,determinado ang isang ito.

"Hmm,sige,teka,anong pangalan mo?"

"Leer Jacques Francisco po, Leer for short" anito. Francisco? Pamilyar,isa ata yun sa mga share holders ko sa kumpanya.

"Francisco? Kaanu-ano mo si Matthew Francisco?" pagkuway tanong ko ulit,para makasigurado lamang. Dahil kung anak sya ni Matthew ay papayagan ko syang dumikit dikit kay Winji.

"Uhm,Daddy ko po sya,kilala mo po?" anito. Tumango ako bilang sagot.

"Kaya siguro puti ang buhok mo,nakuha mo sa lolo mo sa tuhod na isang English man" ani ko,bukod kasi sa puting buhok ng binatang ito ay wala ng kakaiba,pinoy na pinoy na ang ibang features nito. Nginitian ko na sya,mabuti at malapit kong kaibigan si Matthew,he was 35 years old I think.

"Tama po kayo sir,its nice meeting you po,sasabihin ko ito kay Dad"

"Okay. Matanong ko nga,boyfriend mo ba si Winji? Kasi alam mo,hanggat maaari ayaw kong nakikihalubilo sya sa iba't ibang tao,its for his safetiness,alam mo naman siguro nangyari sa kanya since I assumed na matagal na kayong magkakilala,ako na kasi ngayon ang guardian nya" mahaba kong sabi. Halatang nabigla ito. Sasagot na sana sya ng dumating si Manang dala ang meryenda,ng makaalis si Manang ay saka sya sumagot.

"Ang totoo po nyan sir,magkaibigan lang kami,but I cant deny the fact that I like him more than friend,hindi ko din po maintindihan nararamdaman ko sir,basta ganun na yon" sagot nito kaya napaisip ako.

Is it really possible? A guy liking another guy,or worse,a guy falling inlove with another guy? Sila siguro,Oo. But me? Never.

"Salamat po Mang Tony at Jewel sa pagsama! Nag enjoy ako!" biglang pasok ni Winji sa main door kasunod si Mang Tony at Jewel kaya sabay kaming napatingin ni Leer sa mga ito at ganun din sila sa amin.

"Leer!" ang gulat na sabi ni Winji sabay ngiti. Nainis ako, sa akin hindi sya ngumingiti ng ganyan. Malditang bata talaga.

-----

WINJI's Point of view

"Sabi mo masama ugali ni sir Uriel? Hindi naman ah?" ani Leer,nandito kami ngayon sa may pool side. Agad na umikot ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Duh? Sa ibang tao siguro mabaet yang matandang yan! Ang sama ng ugali nya sa akin,nako lang talaga! Bwisit sya,grabe kung makapag dikta ng mga dapat at hindi dapat" inis kong sabi.

"Hindi naman sya ganun katanda,mas matanda pa nga si Dad,gwapo nga eh,siguro crush mo si sir Uriel no?" sabi naman ni Leer. Pakiramdam ko namumula ako kasi nag init agad ang mukha ko.

"Crush? Eeww! Ayaw ko sa matatanda no?"

"Sobra ka Winji,tinulungan ka na nga ng tao,the least you can do is to show him your appreciation at ang pasasalamat mo" seryosong bara na sya akin. Ano ba tong lalaking to? Kaibigan ko ba talaga sya?

"Basta. Haay ewan ko ba" nasabi ko na lang at tumitig sa tubig ng pool.

"Nakikita ko naman na kaya ka nyang alagaan at protektahan,higit sa kaya kong gawin,hindi sa lahat ng pagkakataon ay lagi akong nasa tabi mo" seryosong sabi ni Leer kaya nilingon ko sya,ayaw na ayaw ko syang nagiging seryoso ng ganito,kasi,dapat kung ano ang sabihin nya,dapat itatak sa utak at isa-puso. We've been friends since elementary,kaya ganito na lang kami sa isa't isa.

"Okay! Okay! Panalo ka na,you really must love me that much ah? anyways,thanks sa pagpunta ah? Wala talaga akong kaibigan sa bago kong school eh,I really need someone to talk" sumusuko kong sabi.

"Ofcourse,I love you,kaya ayokong mapasama ka,alam mo namang alam ko ang lahat" sabi ni Leer,para akong nakaramdam ng awkward moment sa sinabi nya,parang may ibang ibig sabihin,but thats impossible,bakit ba ako mag iisip ng ganun? Eh alam ko namang Leer is straight as a pole.

"nakakatouch naman dre" biro ko para madivert ang awkwardness. Yeah,he is such a handsome and gorgeous guy,nagkaroon ako ng crush sa kanya before,but it eventually fades away.

"Praning,ayun nga,naisip ko kasi na baka na bo-bored ka,namiss din kasi kita at yayain sana kita gumala at para alamin na din ang katayuan mo dito sa bago mong buhay"

"Masyado mo akong iniisip Leer,kaya ko sarili ko kahit noon pa man,Im old enought to face everything" ang naka ngisi kong sabi pero tinaasan lamang ako nito ng kaliwang kilay,amazing!

"May I remind you Winji that youre just 17,and under age,and still at the last year of junior high school,huwag kang advance oy!" sagot nito sakin na tinawanan ko na lang.

-----

"Salamat Manang sa napakasarap na dinner!" masaya kong sabi ng matapos kumain. Napatingin ako kay kuya Uriel na tinaasan ako ng kilay.

What? Problema nya? Huwag nya akong tinataasan ng kilay. Ba! Baka kalbuhin ko kilay nyang makapal!

Nagsimula ng magligpit si Manang at ate Jewel sa pinagkainan namin,tatayo na din sana ako ng magsalita si kuya Uriel.

"Stay.. Mag uusap tayo" kaya agad ulit akong napa upo. Ano naman pag uusapan namin? Grabe daig pa nya mga magulang ko ah!

"Ano naman pag uusapan natin KUYA?" tanong ko at talagang inemphisize ko ang salitang kuya.

"Gusto ko lang malaman mo na,si Leer lang ang kaibigan mong papayagan kong lumapit sayo at dalawin ka dito sa bahay,iwas iwasan mong makihalubilo sa ibang tao,bawal yon" seryoso nitong sabi kaya agad akong nag react.

"Hala sya oh? Sobra ka naman ata? Pati pakikipag kaibigan bawal? My gawd! Sakit mo sa headband ah?!"

"Masakit talaga yang headband mo,masakit sa mata,alis-alisin mo nga yan,ang sagwa! Hindi porket pumayag akong may bakla dito sa bahay ay itotolerate ko na mga kalandian mo!" sabi ulit nya.

"Hoy! Sobra ka na talaga! For your information at ayon na din kay Kuya Kim Atienza,hindi ako malandi! Iyon ay--"

"Yon lang,nagkakaliwanagan ba tayo? Pwede ka ng umakyat sa kwarto mo" at tumayo na sya.

"My gawd talaga!" inis kong sabi. Nakakaloka tong gurang na to! Hindi man lang ako binigyan ng chance makapag speech? Ano to? Walang kalayaan? Martial Law? Pwes! Kailangan ng EDSA People Power Revolution!

Inis na umakyat ako sa kwarto ko,kinuha ang phone ko at nag gm sa mga friendship ko.

'My life is a prison! May gurang na bantay! èê.)

GM/winji :3

Syempre madaming nagtext,at yon ang gusto ko. Super text buong gabi,hindi ko sinend kay Leer,baka tumawag at sermunan ako,hindi ko alam kung anong pinakain dun ni gurang para sya ang kampihan ni Leer! Ugh! Kaloka talaga. I hate that gurang!

Parang ewan ang buhay ko,hindi ko na alam kung san ako dadalhin ng agos,hindi ko na alajm kung magpapatuloy ba ako o titigil na lang. Kung bakit kasi humantong sa ganun ang pamilya ko,sa isang iglap nawala silang lahat sa akin,iniwan nila ako,at isang araw may bago na palang mangangalaga sa akin na sa tanang buhay ko ay dun ko lang nakita,at ngayon nga,nandito na ako. May maayos ngang buhay,pero patago dahil sa panganib daw na naka akibat sa buhay ko. Bakit dinaranas ko ang lahat ng ito? Bakit ako pa?

Hindi ko na namalayang hindi na ako nakapag reply sa mga katext ko at umiyak na lang ako ng umiyak. Hanggang sa nakatulog na ako.

Sunday morning..

5AM pa lang ay gumising na ako,gusto ko kasing mag jogging,wala naman siguro masama dun diba? Kaya pa tip toe akong bumaba,pumunta sa pool para sana mag warm up,pero laking gulat ko ng umahon si kuya Uriel sa pool na naka trunks lang.

Agad akong napatago sa likod ng halaman habang sinisilip sya. Shemay! Ang gwapo talaga nya,at yummy ang katawan. At ang ang bakat,nagmumura! Sheyt! Ang init ng pakiramdam ko!

Wew! Akala ko sa imagination lang yung mga malalaking ano,uhm! Holy shees! Totoo ito! My gawd!

"Aray!" busit tong mga langgam na to! Grr! Baka mahuli at makita ako! Patay na!

"Sinong nandyan? May tao ba dyan? Manang? Mang Tony? Jewel?" ani kuya Uriel at nag bath robe,kinabahan ako,kailangan kong makalusot! Ayokong masabihan at maisipan na baklang pervert!

"Nyaw! Nyaw! Nyaaaww!!" ako yan -__-

"Huh? Pusa? Pusa lang pala" at tumalikod na si kuya Uriel.

Wew! Thank you Lord! Makakahinga na ako ng maluwag!.

"Teka,wala namang pusa dito sa bahay ah?"

0_0

Patay! Im dead!

- Musta? Last update muna,asikasuhin pa namin burol ng tito ko,we are still waiting for the signal. BTW,dont forget to vote and leave a comment :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 80 44
Klent is a cute and simple young man, and a first year student of Sun University. Nathan is a handsome, cold-hearted, and the king of the school. Two...
278K 5.4K 30
Larry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian L...
1M 32.1K 85
Aminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugu...
40.2K 2.4K 26
Ang sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero...