Fide et Amor [TimeTravel Roma...

By justbreathesofie

53K 1K 641

GALING SILA SA MAGKAIBANG MUNDO AT PANAHON. Ang isa ay galing sa nakaraan habang ang sa kasalukuyan naman an... More

Teaser
Fide et Amor [On-going]
PREFACIO
PROLOGO
CAPITULO I
CAPITULO II
CAPITULO IV
CAPITULO V
CAPITULO VI
CAPITULO VII
CAPITULO VIII
CAPITULO IX
CAPITULO X
CAPITULO XI
CAPITULO XII
CAPITULO XIII
CAPITULO XIV
CAPITULO XV
CAPITULO XVI
CAPITULO XVII
CAPITULO XVIII
CAPITULO XIX
CAPITULO XX
CAPITULO XXI
CAPITULO XXII
CAPITULO XXIII
CAPITULO XXIV

CAPITULO III

1.5K 32 19
By justbreathesofie

What a great day to end the day, sabi ni Jordan sa sarili niya.  Kulang siya sa tulog, nakita niya ang dalawang taong kinaiinisan niya, may nambasag ng masterpiece niya at ngayon naman sumasakit na ang ulo niya sa tili ng baliw na babaing nagtrespass sa bahay niya.  Good grief, this is indeed an asshole day!

“Miss, will you please stop?  Naririndi na ako sa tili mo.”  Nakahawak si Jordan sa noo niya at inis na inis sa tili ng babaing nasa sala niya.

“Hindi kita nakikilala, bakit ako andirito?  Ano ang kailangan mo sa akin?”

“A-Ako pa?  Ako pa ang tinatanong mo nyan?  Wow naman!”  Napabuga lang siya ng hangin sa inis.  “Trespassing ka na nga, nambasag ka pa ng gamit dito tapos nakuha mo pang magtanong ng ganyan?” Naiinis na tanong ni Jordan sa babae.  Umupo na si Anthea sa sofa.  Napakunot ang kanyang  noo dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng lalaki.  Alam niyang Ingles ito, ngunit kakaibang salita ang mga sinasabi ng lalaki.  Gayun din ang pagsasalita niya ng Tagalog.  Tinignan niya ang lalaking nasa harapan niya mula ulo hanggang paa.  Iba ang pananamit niya.  Hindi ito barong na kadalasan isinusuot ng mga lalaki.  Mukha itong camisa de chino pero ibang iba pa din ang itsura nito.  Mestizo ang lalaki ngunit hindi niya makita ang kulay ng kanyang buhok dahil may suot itong pantakip sa kanyang ulo na tila isang gora.

Medyo na-conscious si Jordan dahil tinitignan siya ng babae mula ulo hanggang paa.  “Sino ka miss, papano ka nakapasok dito?”  Hindi pa din maintindihan ni Anthea ang mga salita ng lalaki at patuloy pa din ang kanyang pagtitig sa kanya.

“Miss, nakakaintindi ka ba ng tagalog o tanga ka lang?”  Nawawalan na ng pasensya si Jordan dahil antok na antok na siya at gusto na niyang matulog.

“Paumanhin po ginoo, ngunit hindi ko po mawari ang inyong sinasambit.” Taas noong sagot ni Anthea.  Napahagod lang ng buhok si Jordan.

“Dang!  I am stuck with a lady in a looney bin!”  Napabuntong hininga siya.

“Mawalang galang ginoo, alam ko pong pulos mga hangalan ang inyong mga sinabi mula kanina.  Unang una, hindi po ako tanga.  Ako man din po ay naguguluhan kung bakit ako nandirito sa inyong tahanan.  Ang huli ko lang pong naalala ay nasa sahig ako ng aking kwarto at pagmulat ko ng aking mata, natagpuan ko na po ang aking sarili sa inyong sofa.”  Nagtitimpi lamang si Anthea dahil naiinis na siya sa kahangalan ng kanyang kausap.  Hindi niya rin maintindihan ang iba niyang mga sinasabi.

“You think I am gonna buy that?  I wasn’t born yesterday, miss.  At bakit ka pa nakacostume, ikaw ba si Maria Clara?”

Hindi makahabol si Anthea sa bilis magsalita ng kaharap niya. “Hindi po Maria Clara ang aking pangalan!”  Nagulat si Anthea sa sarili dahil unang beses niyang nagtaas ng kanyang boses sa kanyang kausap.  Mariing na ipinagbabawal ito ng kanyang mama sapagkat para dito ang babae ay dapat palaging malumanay magsalita.  Ngunit kanina pa siya nasusuya sa kausap dahi hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang kausap.

“So, Ikaw pa ngayon ang galit?  Talaga naman.”  Napahawak si Jordan sa noo niya.  Napahagod ulit siya ng kanyang buhok at pumameywang. “Maria Clara---”  

“Anthea---po ang aking pangalan.”

“Fine, Anthea---papaano ka nakapasok sa bahay ko?”

“Hindi ko po alam.  Ang alam ko lamang po ay nawalan po ako ng malay sa sahig ng aking kwarto at kanina po magmulat ko po ng aking mga mata, nasa sala na po ako ng inyong bahay.  Nakahiga po ako dito sa inyong sofa.”

Kung akyat bahay siya, sana hindi na siya natulog sa sofa niya at mukhang wala naman siyang nakuha dahil nilock niya ang kwarto niya.  Yun nga lang nabasag ang masterpiece niya.  Malamang pinakielaman ng babaing baliw na nasa sofa niya.  Napalamukos lang siya sa kanyang mukha.

“Nice story, miss.  And please, huwag mo na akong po-in, hindi pa ako ganun katanda.  Mas mukha ka pa ngang mas matanda sa akin eh.  So miss, what is the real story?  Don’t tell me na nagteleport ka dito sa bahay ko.”  Blangko pa din ang tingin ni Anthea sa kanya.

“Ano?!”  Sigaw ni Jordan na kinagulat naman ni Anthea.  Yun pa lang ang unang beses na may sumigaw sa kanya.  Natatakot na siya ng mga oras na yun ngunit hindi niya pinapahalata sa kanyang kausap.

“Hindi ko po maintindihan ang iba ninyong--mong sinasabi.”

“Hindi ka nakakaintindi ng Tagalog?”  Nakangising tanong ni Jordan.

“Hindi po tagalog ang salitang inyong ginagamit.”  Inismiran siya ni Anthea pagsagot nito.  Sobra na ang pagkabaliw nito, isip ni Jordan.  Naisip niya na siguro kasama ito sa isang play ng Noli Me Tangere na hindi na nakamove on sa character niyang Maria Clara kaya ayun nabaliw at kung ano-anu ang sinasabi.  Pero bakit napili niya pang pasukin ang bahay niya?

“Tagalog ang salita ko---and English.  You mean hindi ka nakakaintindi ng Ingles?”  Napatitig lang si Anthea sa kausap.

“Great.  This is great!”  Naiinis na sabi ni Jordan.

“Paumanhin po ginoo,” malumanay na sabi ni Anthea.  “Hindi po ako gaanong bihasa sa Ingles.  Pero ngunit matatas po ang aking pananalita sa Tagalog, Pranses, Español at Aleman.  Kaunting Ingles lamang po ang alam ko.”

“That is… great.”  Jordan sighed.  Hindi na niya alam ang gagawin niya.  Sobrang inaantok na siya at gusto na niyang matulog.  Umupo siya sa katabing upuan ng sofa at pinikit ang mga mata niya.

Nagtataka si Anthea kung anong klaseng Ingles ang sinasambit ng lalaki.  Iba ito sa mga tinuro ng ama niya.  Napag-isip siya kung may mga nagsasalita ng Ingles sa Pilipinas.  Maaring nagbalik na muli ang mga taga Britanya sa Maynila?  Ayon sa kanyang ama, matagal nang umalis ang mga taga Britanya sa Maynila, kulang kulang isang siglo na ang nakakaraan.  Asaan kaya ako?  Nasa Pilipinas pa ba ako?  Tanong niya sa sarili.  Napatingin siya sa kanyang paligid pati na rin sa nayayamot na mukha ng kanyang kausap.  Nakapameywang pa din ito at ngayon ay nakatingin sa kawalan.

“Ginoo, Pilipinas po ba ang lugar na ito?”  Nakatingin pa din ito sa kawalan at hindi siya sinagot.

“Ha?”  Makasalubong na ang kilay ng lalaki nang dumilat ito.

“Paumanhin, ginoo, ngunit, nais ko pong malaman kung nasa Pilipinas pa rin po ba ako.”  Napahagod siya ulit ng buhok dahil pagod na pagod na siya.

“Oo.  Manila, Philippines, August Two-thousand thirteen.  Ano pa?  Hindi ka pa tapos sa trip mo?  Gusto ko na matulog miss.  Kagabi pa ako gising, parang awa mo na, umalis ka na, hayaan mo ako magpahinga.”  Nagmamakaawa na si Jordan sa babae para umalis na ito sa kanyang bahay.  Gusto na niyang magpahinga.

“Nasa Maynila pa din ako at ano nga ang taon na iyong sinabi?”

“Twenty-thirteen.”

Magkadikit na ang noo ni Anthea dahil wala siyang maintindihan.

“Taong dalawang libo at labing tatlo.  Dang! Mahirap mag-Tagalog, Miss!”  Nanlaki ang mga mata ni Anthea dahil hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“Ginoo, nagbibiro ka lamang di ba?”

“Miss, hindi ako marunong mag-joke.  Wala pa akong tulog mula kagabi dahil tinapos ko pa ang binasag mong sculpture.  So please umalis ka na.  Gusto ko na talaga matulog.”

“Taong dalawang libo at labing tatlo?  Por dios!  Ako ay galing pa sa taong Isang libo, walong raan at limampu’t isa.  Ako ay nasa isang daan at anim napu’t dalawa taong makalipas ang aking taon,”  Namamanghang pahayag ni Thea.  Iniisip ni Jordan ang sinabing taon ng baliw na babae, at narealize niyang sinabi nito na Eighteen fifty-one?  What the hell is she saying?

“What?!  That is it!  Now, get out.  Wala na akong panahong makipaglokohan sa’yo miss.  Layas!  Umalis ka na!”  Nagulat si Anthea sa mga sinambit ng lalaki.

“Ano, gusto mong kaladkarin pa kita?”  Hinawakan niya si Anthea sa braso at biglang tinabig naman ito ng dalaga.

“Huwag mo akong salingin!”  Pasigaw na sabi ni Thea.

“Ano?!  Look miss, umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis.”  Lalong nagulat si Anthea sa kalapastanganang ginawa ng lalaki sa kanya.  Hindi niya maintindihan ang sinabi ng lalaking ‘pulis’.

“Aalis ako pero huwag mo akong salingin.”

“Ihahatid kita sa labas baka maligaw ka pa at pumasok ka na naman sa bahay ko.”  Lubusan na ang kalapastanganan ng lalaki sa kanya.  Hindi siya makapaniwala na ganito ang ang ugali ng mga kalalakihan sa kasalukuyang panahon.

“Huwag ka nang mag-atubili pa.  At huwag kayong mag-alala ginoo, hindi ko na kayo gagambalain pa.”  Pagmamalaking pahayag ni Anthea sa lalaki.

“Mabuti naman.  Sige paalam, binibining Anthea.”  Sarcastic na sabi ni Jordan at may kasama pang bow.  Inirapan lang ni Anthea.

Pagsara ng pintuan, tinignan lamang niya ang mahabang pasilyo.  Kakatok sana siya ulit sa pintuan ngunit naalala niyang pinaalis na siya ng lalaki nasa loob ng kwarto.

Ang laki pala ng bahay na kanyang pinuntahan.  Ang kanyang tinuluyan ay isa lamang kwarto sa malaking bahay na iyon.  Nagsimula na siyang maglakad sa mahabang pasilyo at iginala niya ang tingin sa mga kwartong nakita niya habang siya ay naglalakad sa pasilyo.  Hinahanap niya ang labasan mula sa malaking bahay na iyon.  Pagdating malapit sa dulo, nakakita siya ng hagdaan.  Bumaba siya doon at nakita ang isang malaking pintuan.  Marahil ito na ang labasan sa bahay na ito.  May nakita siyang isang lalaking nakaputi na nakabantay sa pintuan ng naturang bahay.  Napatingin ito sa kanya na tila gulat na gulat.  May ka-gulat gulat ba sa akin?  Sa aking pananamit?  Nagpatuloy lamang siya sa kanyang paglabas sa bahay.

Nang makalabas siya ng bahay, mas lalo siyang nagulat sa mga nakita.  Ang ang mga malalaking bagay na tila isang karwahe na may apat na gulong ay rumaragasa sa kalye.  May mga malalaking bahay pa siyang nakita na katabi ng malaking bahay na kanyang pinanggalingan.  Tuluyan na siyang umalis ng naturang bahay at sinubukang tumawid ng kalsada ngunit hindi niya namalayang may isang karwaheng paparating.  May isang malakas na tunog na nagmula rito.  Napatakip lang siya ng tainga at biglang natakot.  Tumalungko siya at nariniig na may sumisigaw sa kanyang paligid.  Tulong, tulungan mo ako, sabi niya sa kanyang sarili pero hindi niya alam kung sino ang maaring tumulong sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...