Last Known Surrounding

By FriagneAglia

3.1K 57 2

If all the memories are gone, who can I trust? More

Prologue
LKS 1: Scared and Lost
LKS 2: Getting closer
LKS 3: Once again
LKS 5: Love and Trust
LKS 6: Verity
LKS 7: Devora
LKS 8: Going back to my real home
LKS 9: First human I've ever noticed
LKS 10: Coming back to senses
LKS 11: Do the right thing
LKS 12: Epilogue

LKS 4: Fragments and recognition

177 4 0
By FriagneAglia

Hinihingal akong napaupo sa sofa sa living room pagkabalik namin sa mahabang pagtakbo sa loob ng village. Sila Dylan at Dally ay binigyan kaagad ng tubig na maiinom ni Gideon.

"I'm sweating but I have to rest muna bago maligo." salita ko nang abutan ako ni Gideon ng basong tubig. He agreed on me by nodding his head. Naupo siya sa tabi ko pagkatapos uminom at sumandal sa balikat ko.

"Amoy pawis ako." pagtataboy ko sa kanya. Nakagawian na namin tuwing umaga na tumakbo sa loob ng village. Ganoon naman daw talaga ang morning habits namin noon.

"Okay lang, ikaw lang ba? Ako rin naman." At least mas mabango ka.

Nagkwentuhan lang kami ng halos thirty minutes din saka siya nagpaalam na maliligo na. Kating-kati na raw kasi siya.

Sumandal lang ako sa sofa ng maigi saka pinanuod matulog iyong dalawa naming babies. All of a sudden, pictures keep on flashing on my mind.... No, fragments of my memories.

"Miss, are you okay?" Ang boses niya ay nag-aalala at napaisip kaagad ako. Bakit siya mag-aalala sa isang katulad ko? Isa siyang tao...

"Miss, okay ka lang? Miss--" Huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Madilim ang kalangitan, walang kabituin-bituin at nakatago ang buwan sa ulap. Napatingin sa akin si Gideon. Nginitian ko siya.

"Mahal kita, Gideon. Mahal kita higit pa sa kanino." salita ko habang umiiyak. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Sinuklian ko naman iyon. Mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat makasama lang siya habambuhay. Hindi ko hahayaan na mangyari ang sinabi ni papa.

"Seraphina, I love you. I really do. Please do me a favor of letting you as my only woman in my life. My half..."

"No... You can't, hindi pwede, Gideon. You don't deserve me. I'm sorry. I love you but I can't marry you right now. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Kung ano ako..."

"Does it matter? I don't care. I don't care whoever you are because I love you. All I have been thinking right now is to marry you and as return, you break my heart..."

I bit the back of my palm just to stopped myself from shouting because of pain. Parang hinihiwa ng lagari ang ulo ko. Pero mas higit doon ang sakit sa puso ko ng maalala ang pangyayaring iyon. The pain in his eyes hurts me even more. Bakit hindi ko tinanggap ang kasal na gusto naman namin parehas? What is the reason why I declined his proposal?

Nang umigi na ako ay dumiretso ako at walang alinlangang pumasok sa kwarto ni Gideon. His manly scent stays on his room. Naupo ako sa kanyang kama habang hinihintay siyang lumabas ng kanyang restroom. I need answers.

I badly needed answers.

Just by sitting there makes me realized that his room is the master's bedroom of the house. I wonder if I had slept here before. Maybe many times.

Nang bumukas ang pintuan ay lumabas roon si Gideon ng naka-shorts lang. The white towel was on his shoulder. Nagulat pa siya ng makita akong nakaupo sa kama niya.

"Oh bakit ka nandito, Sera? Nakakagulat ka naman."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Naluluha ang mata ko. "Bakit hindi kita pwedeng pakasalan? Bakit ayokong magpakasal sa'yo?"

Sa lahat ng fragments na bumalik sa akin ay iyong dulo ang natandaan ko. Alam kong totoo ko iyong memorya dahil nararamdaman kong totoo.

Napakunot noo siya. "Nakakaalala ka na ba?"

Umiling ako saka naglakad pabalik-balik. "May naalala na ako pero hindi lahat. Bakit? Bakit hindi tayo pwedeng makasal, Gideon?"

That question is bugging me to be answer quickly. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may malalaman akong hindi maganda.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya ako tinignan sa mata. I know he can see uncertainty in my eyes.

He gave out a heavy sigh. "I am also eager to know the reason but you didn't tell me, Sera. We just end that topic right away."

Nalungkot ako sa sinabi niya at kita ko na naman ang sakit sa mata niya. Niyakap ko siya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. I can feel his pain and sadness. "I'm sorry, Gideon. I'm sorry on hurting you. If only I knew right now..."

"I understand. Naiintindihan kita, mahal..."

------------------

"Hindi na masakit ang ulo mo?"

Umiling lang ako at nag-concentrate sa paglalaro namin ng scribble sa kwarto niya. Nasa kama kaming dalawa. Nandoon naman sa gilid ng kama si Dylan at Dally na para bang pinapanuod kaming maglaro ni Gideon.

"Hindi ba tayo papasok sa trabaho? Di ba model ako, bakit wala akong photoshoots?"

Naglagay muna siya ng tira niya saka nagsalita. "Pahinga ka muna, Sera. Mas makakabuti sa'yo ang tayo muna ang magkasama. Baka mapaano ka pa kapag wala ako."

"Hindi ba tayo magkasama sa mga projects? I mean, you're a photographer while I'm a model. Perfect combination."

"Palagi namang ako ang photographer mo. Kung iba man ay dapat nandoon ako. But it only happened twice. Hindi ka kasi komportable sa iba."

I frowned. "Ang arte ko naman! Una, ayaw ko ng may kasambahay. Pangalawa, ayoko ng maingay. Pangatlo, ayaw ko ng may ibang katrabaho. Pangit ba talaga ang ugali ko noon? Mabuti at sumikat akong model sa ganoon kong ugali."

Tumawa si Gideon sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako sa likuran habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko. "You're just aloof to everyone. You're a good person, Sera. Selosa ka lang talaga. And your beauty and confidence makes them want you as their model."

Napairap ako ng sabihin niyang selosa. Mukha namang totoo iyon dahil ilang araw lang ang nakalipas ay nagselos ako sa babaeng tumawag sa kanya sa phone. Sukat ba namang sabihin ni Gideon ng 'I love you too', mabuti na lang ay pinaliwanag niyang iyong ate pala niya iyon. And speaking of that older sister, iyon pala yung doktor na kumausap sa akin last time na nasa ospital ako. Si Doctor Femina Wenceslao.

"Wait lang, Sera..." Umalis siya sa tabi ko para kuhanin ang phone at sagutin ang tawag. Pinaakyat ko naman ng kama si Dylan para haplusin ang ulo.

"Hindi po ako makakapunta dyan, Nanay..." rinig kong sinabi ni Gideon sa kausap niya sa phone. Nasa labas siya ng kwarto ngunit sa katahimikan ng lugar ay naririnig ko ang sinasabi niya.Napahinga siya ng malalim at napataas ang tingin sa kisame.

My curiosity is killing me. Ano naman kaya iyon?

"Sige po...opo... Pasensya na talaga, nay. Babawi na la--" hindi na niya natapos ang sasabihin at ibinaba na ang kamay na may hawak noong phone niya. Nag-iwas ako ng tingin nang bumalik siya sa kwarto at naupo sa gilid ng kama.

Minasahe ko ang balikat niya. Mukha siyang pagod, pero hindi naman siya nagtrabaho. "What's the prob?"

"Nothing."

Tumaas lang ang kilay ko at saka lumapit sa likuran niya. I started to massage his shoulder with my both hands. He seems stress and I felt that it was all because of me.

"You're stress. I'm sorry."

Hinawakan niya ang braso ko para makita ang mukha ko. I leaned on him. "Why?"

He shrugged. Nangiti siya pero malungkot pa rin. I suddenly want to remove his sadness away. "Bakit ka nagsosorry?"

Naupo na ulit ako at nagharapan kami. Kinuha ko na lang ang kamay niya para imasahe iyon.

He smiled. Napapikit pa siya sa pagmamasahe ko ng kamay niya. "Hmm...that's good. Naalala ko tuloy dati na minamasahe mo rin ako kapag isang araw akong galing sa photoshoot."

"Oh? Ginagawa ko rin ito dati?" He nodded. Mukha namang nasisiyahan siya kaya proud ako na may nagawa akong pampawala ng stress niyang dahil din sa akin. "Instinct ko siguro kaya naisipan kong gawin ngayon. Kabilang kamay..."

He gave it to me then I slowly massage it. Naisip ko tuloy iyong kanina. "Sino ang tumawag, Gideon?" mahina at mabagal ang pagkakatanong ko.

Mukha namang hindi siya nairita o anuman sa pagtatanong ko. "Si Nanay. Pinapauwi ako sa isla."

"Oh bakit ayaw mong umuwi?"

"Hindi naman kasi madali. Isa pa, paano ka?"

Napakunot noo ako. "Bakit? Hindi ba kayo okay ng pamilya mo? I can go. Sasama ako sa'yo kung pwede."

"Or maybe, hindi sila boto sa akin kaya ayaw mong bumisita sa kanila dahil nag-aalala ka sa akin kapag iniwan mo ko rito. Tama ba?"

Napailing na lang siya sa sinabi ko. "Is it right? Tama ako, 'no?"

Tumayo siya sa kama at kinuha ang phone niya. "I'll tell them na uuwi ako —tayo. Get ready. Mamaya na tayo aalis."

Iyon nga ang nangyari kinatanghalian dahil pagkakain namin ng lunch ay umalis na kami sa amin. Bago kami dumiretso sa pier ay inilagak muna namin sa bahay ng kapatid ni Gideon si Dylan at Dally.

"Palagi mo silang patatakbuhin sa umaga, ate." paalala ni Gideon kay Doctor Femina.

"Oh sige. Ikamusta mo na lang ako sa mga kapatid natin. Mag-ingat kayo sa biyahe. Huwag nyo munang alalahanin sila Dylan. Ako na ang bahala."

"Salamat, ate." Tinanguan lang ng kapatid si Gideon. Nalaman kong step sister lang pala niya si Doc Femina. Iisang anak sa unang asawa ng yumaong tatay ni Gideon.

"Wala ka bang nararamdaman na kakaiba, Sera? Dapat pahinga ka muna hanggang next month." salita pa ni Femina habang hinahatid kami sa gate. Dylan barked at us. Siguro ay nagtataka kung bakit namin sila iiwan ni Dally.

"Wala naman, doc. Saka ayoko na ring puro bahay lang. Mabuti nga at nakabili kaagad siya ng tickets."

Femina rolled her eyes at her brother. "If I know, gumamit na naman iyan ng connections niya. Anyway, be safe."

Niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi si Gideon at niyakap. We bid our goodbyes especially to Dylan. He made our trip hard and sad.

"He's gonna use to it. He's just adjusting... again." Gideon comforted me and I just nodded. I'm feeling guilty for leaving Dylan. He's just a dog but I'm very attached to him in an emotional way. Baby ko iyon!

Apat na oras ang kinatagal namin sa dagat bago marating ang sinasabi ni Gideon na isla. Bago pa kami makatapak sa lugar na kinalakihan niya ay sumakay pa kami ng isang bangka mula sa pier na kinahintuan ng barko.

"Isla Sirenia..." naiusal ko nang makatapak na ako sa isla na iyon. Si Gideon naman ay binayaran ang nirentahan naming bangka. Parang nakapunta na ako sa isla na ito.

"Bumalik ho kayo sa ikalawa ng tanghali. Pasusundo kami." rinig kong sinabi ni Gideon sa lalaking naghatid sa amin dito. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako ng tipid.

"Mas mabuti pa ngang tanghali, hijo ng hindi tayo abutin dito ng gabi. Mahirap na..." Napangiwi pa iyong mangingisda. Seryoso lang ang mukha ni Gideon na tumango.

"Sige ho salamat."

Naglakad na kami palayo sa pampang at nagpunta sa kaliwang parte ng isla kung saan maraming mga bahay kubo na nakatayo. Sa likod ng mga bahay kubo ay ang maraming coconut trees.

Dumiretso kami sa isa sa malaking bahay-kubo roon at pumasok sa loob. Inalalayan pa ako ni Gideon sa maliit na hagdang kawayan para makasampa sa kubo kahit kaya ko naman. Doon kami nakita ng kalalabas lang na matandang babae. Siguro ay nasa mid 50s na siya. Nangiti ito ng malaki ng makita si Gideon ngunit nang napansin niya ako ay nawala ang kaninang saya niya. I wonder why.

"Kamusta na, nanay? Sila kuya Geo?" bati ni Gideon at niyakap ang babaeng ayaw yata sa akin. Binalingan ako ni Gideon. "Oo nga pala, nay, sinama ko si Sera." Halatang iniiwasan akong tignan ng nanay niya.

Ang ngiti niya kay Gideon ay napipilitan na lang. Tumango lang ito sa anak at nagyaya ng pumasok sa loob. Pinauna naman ako ni Gideon pumasok at pinaupo sa sala. Doon kami nagkatitigan ng nanay ni Gideon. Siya ang unang umiwas ng tingin. "Gideon, halika muna sandali sa kusina."

"Sige po. Sera, saglit lang." Hinalikan ako sa noo ni Gideon bago siya sumunod sa nanay niya. Napabungtong hininga ako. Mukha yatang hindi ako gusto ng nanay niya.

Ilang minuto lang ay pinadiretso na ako ni Gideon sa kusina dahil may nakahain na doon na pagkain. Sinigang sa hipon at kanin.

"Kumain ka na, mahal." salita ni Gideon sabay asikaso sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko na napailing ang nanay niya at umalis na lang nang kusina. Sumama ang loob ko.

"What is it?"

Tinignan ko si Gideon. He looked at me sternly. I sighed. "Your mom doesn't like me."

Pati siya ay napahinga ng malalim. "Ganoon lang talaga iyon. Kumain ka na. Masarap 'yan..."

Pagkatapos naming kumain ay pinagpahinga kami ni Gideon sa dating kwarto niya sa bahay kubo na iyon. Papag ang higaan kaya malamig sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog basta lang ay nagising ako ng madilim na ang paligid. Tinignan ko naman ang katabi kong mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Nakatagilid siya at nakayakap sa akin.

Kitang-kita ko ang buong mukha niya. He is indeed a handsome man. I kissed his nose. "I love you, idiot."

Alam ko namang mahal ko na siya. No, naalala ko na ulit na mahal ko siya. I can feel it in my heart. The love I have for him and the chaos inside my body as he stared at me... It's all because of love.

I'm lost because my memories are gone but our love always find a way to make me back to my home. And Gideon is my home. I'm sure of that. He is my home.

"Kukuhanin ko lang yung mallows, babe--- ay shutanginabells! May rated spg!"

Napapikit ako sa biglaang pagbukas ng pintuan at ng ilaw pati na rin ang eskandalosang boses na iyon. She looked at us with her wide eyes open . "Ay hindi pala spg! Sila baby brother lang pala ito! Harhar!"

Napakunot noo ako sa pananalita niya. Nagising tuloy doon si Gideon at napamulat ng mga mata. He automatically smiled at me. "Hi, love." He kissed my lips. Hindi naman ako nakaalma kasi nagulat din ako.

"Ay shutangina talaga! Porn na ba talaga ang masasaksihan ko ditey?!" sigaw na naman nung babae na parang bakla manalita. Gideon froze at that moment. Ngayon lang niya napagtanto na may ibang tao sa kwarto.

Gusto ko siyang batukan ng isa-na ginawa naman para sa akin ng baklang manalita nang pinaupo niya si Gideon sa kama. "Gagi ka talaga! Kinagat kagat mo pa ang ibabang labi nang hindi man lang tumitingin sa paligid kung may nanunuod ba o wala! Shutangina ka talaga!"

"Aray naman ate! Sobra ka na!"

Pinandilatan nung babae si Gideon na nagrereklamo na. Natatawa na lang ako sa kanila. "Sobra ka rin! Uuwi ka rito tapos ipapakita mo pa kahalayan mo sa'kin, aba! Hello, Sera! Huwag ka kaagad bibigay dyan kay Gideon. Gago iyan, tara sa labas kain tayo ng marshmallows!"

Inaya niya ako at bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako paalis ng bahay kaya naiwan ang tsinelas ko sa loob. Nakatapak tuloy ako sa buhangin. Although it feels good.

It feels so good to be back in Isla Sirenia. I know this place. I remembered the place clearly...

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3K 20
Audrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day ev...
83.3K 4.3K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
7.5K 68 52
"Open your eyes. You'll never know who's been looking for you since day one. Open your heart. You'll never know who's been loving you since the story...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...