SHOTGUN MARRIAGE (COMPLETED)

By endorphinGirl

4.3M 91.4K 2.3K

Isang shotgun marriage ang nangyaring kasal ni Resha. At ang masaklap, sa ex-boyfriend niya pang nanloko sa k... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
EPILOGUE

CHAPTER 18

80.9K 1.7K 16
By endorphinGirl

Iginala ni Resha ang paningin sa paligid, malaki ang bahay nila David. Victorian style din iyon kagaya ng bahay ng mga magulang ni Ms.Amanda Scott. Nasa isang malawak na garden siya kung saan idinadaos ang selebrasyon ng kasal nila ni David.

Nakilala na niya ang mga magulang ni David. Napakaganda ng mama nitong si Mrs. Alondra de Villa. Mestiza ito at kamukhang-kamukha ni Ms.Amanda Scott. Tantiya niya ay nasa late fifties na ang edad nito. Napakaamo ng mukha nito at napakagaan ng aura. Sa ginang namana ni David ang ngiti nito.

Ang papa naman nito ay nakaupo na sa wheelchair. Na stroke umano ito kamakailan at humina na ang isang tuhod. Mukha itong strikto at masungit ngunit maayos naman ang pagtanggap nito sa kaniya.

Dati umanong notorious na businessman ang papa ni David ayon na rin sa lalaki ngunit nagbago na raw ang matanda. Kamukha ito ni David kapag seryoso ang anyo ng lalaki. Tuwang-tuwa ang matandang lalaki kay Dan-dan habang nag-uusap ang mga ito.

Ayon pa sa Mama ni David, minsan lang daw nitong makitang humalakhak ang matandang lalaki pero napahalakhak agad ito ni Dan-dan. Madaling nakuha ng anak niya ang loob ng mga abuwelo.

Napabuntong-hininga siya habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid. Mag-isa na lang siya doong nakatayo. May nilapitan kasi ang mga magulang ni David na amigo umano ng mga ito at nag-usap, kasama si Dan-dan. Si David naman ay nawala na sa paningin niya dahil iniwan siya nito kanina at nakipag-usap sa mga kaibigan.

Naiilang siya sa dami ng mga tao sa paligid. Hindi siya sanay sa ganoong ka-susyal na pagtitipon. Ayon kay David kanina, piling mga bisita lang ang inimbitahan niti. May nakikita siyang mga tanyag na mga businessman at celebrities na dumalo. Hindi niya lubos akalaing maraming kamag-anak si David na mga kilalang personalidad.

Nalungkot siya nang magtext si Guia na hindi ito makakadalo sa selebrasyon dahil medyo maselan daw ang pagbubuntis nito, laging hindi maganda ang pakiramdam.

Pakiramdam tuloy niya'y mag-isa lang siya. Para siyang karayom na nahulog sa buhangin. Halata ang pagiging iba niya. Hindi siya makasabay sa karamihan. Ika nga, hindi siya fit in. Pinasya niyang hanapin na lang si Dan-dan at bantayan ang anak.

Hahakbang na sana siya nang biglang humarang sa daan si Hector. May hawak itong isang kopita ng alak habang mariing nakatitig sa kanya. Nailang tuloy siya.


"Congratulations, Mrs. De Villa. Welcome to the family," nakangiting sabi nito.


Hindi niya gustong isipin na may halong sarkasmo ang bating iyon ni Hector, pero nahihimigan niya iyon sa boses nito. Ewan ba niya pero parang hindi palagay ang loob niya sa lalaki.


Pilit siyang gumanti ng ngiti. "Maraming salamat, Hector."


Mag-eexcuse na sana siyang aalis nang magsalita uli ito.



"I could have made you Mrs. Sebastian, you know, kaso naunahan na pala ako ng pinsan ko nine years ago."


Napaangat siya ng tingin dito, naguluhan.
"Anong ibig mong sabihin?"


Nailang na naman siya sa uri ng pagkakatitig ng lalaki sa kanya.

"I like you, Resha. The first moment I saw you in my grandparents' house, I fell in love with you straightaway," derektang pahayag nito.


Napatingin tuloy siya sa paligid at baka may nakarinig dito. Nainis na siya sa lalaki ng tuluyan. Tama bang maghayag ito ng pag-ibig sa kaniya sa araw ng selebrasyon ng kasal niya sa pinsan nito?



"S-salamat pero kasal na ako sa pinsan mo, Hector. Kailangan mong igalang iyon," seryosong sabi niya.



Ngumisi ito sa kaniya at sinipat siya mula ulo hanggang paa. Nagtayuan ang mga balahibo niya. Kung makatitig ito ay para siyang hinuhubaran!

Nagulat siya nang bigla na lamang may humawak sa baywang niya mula sa likuran, saka siya pinihit papalapit sa katawan nito upang bigyan ng makapugtong hiningang halik sa mga labi.

Si David!

Naitulak niya ito ng mahina dahil sa kapangahasan nito. Tinitigan siya nito ng mariin, wariy may nagawa siyang hindi nito nagustuhan. Narinig kaya nito ang sinabi ni Hector? Sa palagay niya ay sinadya nitong halikan siya sa mga labi para ipakita sa pinsan nitong ito ang nagmamay-ari sa kaniya.



"Here you are. Kanina pa kita hinahanap," seryosong saad nito sa kanya saka binalingan ang pinsan nito.

Blangko ang mukha ni Hector nang tingnan niya uli ang lalaki.



Ibinalik ni David ang tingin sa kanya. "I believe you've met my cousin Hector," pormal na sabi ni David. Mabilis na tumango siya.



Binalingan uli nito ang pinsan. "Hector, can you excuse us for a while? I need to spend more time with my wife."


Hindi na hinintay ni David na sumagot si Hector at hinila na siya papalayo sa lalaki. Nagulat siya nang ipulupot nito ang braso sa kanyang baywang at iginiya siya sa gitna ng bulwagan kung saan may nagsasayawan. May banda kasing tumutugtog doon ng Slow Jazz music.

Napaigtad siya nang hawakan ni David ang dalawang kamay niya at ipinulupot sa leeg nito. Mariin naman siyang hinawakan nito sa baywang at pinihit papalapit sa katawan nito.

Halos hindi siya makahinga sa lapit ng mga katawan nila. Nang masalubong ang nag-aalab na mga mata nito ay nag-iwas siya ng tingin. Pumipintig ng malakas ang puso niya sa mga titig nito.

Gumalaw ito para sumabay sa sayaw. Nakigaya na rin siya rito.


"What does he want from you?" seryosong tanong nito. Ramdam niya ang marriin pa ring pagtitig nito sa mukha niya.



"H-hindi ko alam. B-bigla na lang niya akong nilapitan," kaila niya. Hindi niya sasabihin dito kung anong ipinagtapat ni Hector sa kanya at baka mabigyan na naman nito iyon ng malisyusong kuwento.



"I don't want to see you hanging around with him. We don't get along well," matigas na sabi nito.



Hindi na siya nakipag-argumento rito at pinasyang tumango na lang. Nanindig ang balahibo niya nang biglang inilapit nito ang bibig sa may tenga niya at bumulong.



"By the way, you look gorgeous tonight..."



Napakagat labi siya. Bakit parang nang-aakit ito sa pandinig niya? Inignora niya ang binulong nito lalo pa't naaamoy niya ang alcohol sa hininga nito. Baka nadadala ito sa alak kaya ganoon ang ikinikilos.

Mayamaya ay naramdaman niyang bumaba ang ulo nito sa leeg niya at kinintilan siya ng munting halik doon. Nanindig na naman ang mga balahibo niya. Sinubukan niyang umiwas ngunit lalo siyang hinapit nito. Bumabangga na ang dibdib niya sa maskuladong katawan nito.



"David, stop it!" mahinang saway niya rito.



"Don't try to resist, Resha, I know you want this too..." nang-aakit na bulong nito sa tenga niya saka hinimas ang naka-expose niyang likuran.



Hindi na magkamayaw ang puso niya. Kinikilabutan siya sa init ng haplos nito. Hindi iyon dapat mangyari. Kinamumuhian siya nito. Baka isipin nitong inaakit niya ito. Kumalas siya sa pagkakahawak sa leeg nito.



"E-excuse me, I need to go to the comfort room..." pagsisinungaling niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at marahas na tinanggal ang mga braso nito sa katawan niya at nagtuloy-tuloy na umalis papalayo rito.



Nang makakita ng comfort room ay agad siyang pumasok doon at nagtago sa loob ng isang cubicle. Pumikit siya't sinapo ang kanyang mukha. Anong nagyayari sa kanya? Bakit siya nadadarang sa mga advances ni David? Dapat niyang iwasan ito! Dapat ay wala siyang maramdaman. Baka bumalik ang matagal na niyang kinalimutang damdamin para sa lalaki.

Huminga siya ng malalim at tinitigan ang kisame. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makaiwas kay David.

Narinig niyang may pumasok sa loob ng Comfort Room. Nanatili siyang nagtatago sa loob ng cubicle.



"Have you seen David's wife?"



Pumanting ang tenga niya nang marinig ang tanong na iyon mula sa mga pumasok.


"Yeah. She's so plain," komento ng isa.


"You bet! I can't see anything special from her!"



"She's nothing compared to our Jessica! Like duh, Jessica is a queen, that woman is a trash!" Naghalakhakan pa ang mga ito sa huling tinuran ng isa.



Nahigit niya ang hininga sa sinabi ng mga ito.

Jessica?

Sino ang babaeng ikinukumpara ng mga ito sa kanya?



"Where did David find her anyway? Is this his wicked plan in making Jessica jealous?"


"Oh, please! Jessica won't get jealous with that fake wife! She is so not fab! I bet she's just using Dave to support her bastard son!"



"Totally!"
Naghalakhakan na naman ang mga ito.



Sinapo niya ang bibig upang pigilan ang paglabas ng kanyang iyak. Kanina pa nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Daig pa niya ang sinaksak ng libo-libong patalim sa dibdib. Anong klase bang pamilya ang napasukan niya? Ganoon ba talaga kung makapanlait ang mga mayayaman? Kapag nanggaling ka sa dukhang pamilya at nakapag-asawa ka ng kasing tayog ng mga ito'y pagbibintangan ka na lang ng kung ano-ano? Anong klaseng prinsipyo iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

455K 3.5K 14
"I don't need your sorry, Gracia. I need you..."
131K 3.3K 25
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na s...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

105K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
286K 5.6K 16
Masakit? Masakit. Lalo na kapag na friendzoned. Tulad ko, frienzoned ako pero akala ko lang pala. Cover by @-euluxuria