Nang makarating na sila sa Resort ay tahimik lang na bumaba ng sasakyan si Gail. Bumaba din si Yohan saka binaba ang mga pinamili nila.
"Gail? Agahan mong gumising bukas ah." Biglang sabi ni Yohan kaya naman napatigil sa paglakad si Gail saka niya nilingon si Yohan.
"Oo. Aagahan ko bukas. Pero, pangako mo muna sakin na walang Paparazzi bukas ah? Wag mo akong papabayaan bukas kung sakaling meron man. Takot ako sa mga Paparazzi." Sagot naman ni Gail. Napaisip naman si Yohan saka bumuntong hininga at sumagot kay Gail.
"Uhmm. Sure ako, wala naman sigurong Paparazzi bukas sa party ni mama." Sagot ni Yohan na parang kahit siya ay hindi sure sa sagot niya. Napataas ng isang kilay si Gail saka tumitig kay Yohan.
"Sure ka? Tapos may siguro? Ang gulo mo." Inis na sagot sa kanya ni Gail saka siya inirapan at tinalikuran.
Lumakad na ito paalis. "Matutulog na ako. Good night."
"Sige na nga, matulog ka na para bukas maganda ka." Sagot ni Yohan kaya naman napatigil sa paghakbang si Gail.
Nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Yohan pero ginantihan niya lang yun ng masamang tingin.
"Matagal na akong maganda. Diyan ka na nga." Inis na sagot sa kanya ni Gail.
"Teka sandali lang! Yung mga gamit mo hindi mo dadalhin?" Putol ulit ni Yohan. Kunot-noo naman siyang nilingon ni Gail.
"Mga gamit ko?" Tanong ni Gail na para bang gusto niyang klaruhin lahat.
"Oo, yung mga pinamili ko. Ano wala ka bang balak dalhin ang mga ito sa kwarto mo?" Sagot naman sa kanya ni Yohan.
"Ikaw na ang magdala. Ikaw naman ang bumili niyan eh." Seryosong sagot sa kanya ni Gail saka na ito tuluyang umalis. Naiwan naman si Yohan na hindi malaman ang gagawin kung maiinis ba siya o hindi na lang papansinin ang ginawa sa kanya ni Gail.
Dahil sa pumasok na si Gail sa kwarto niya at mukha namang seryoso ito na sa kanya ipinadala ang lahat ng mga pinamili niya ay dinala na lang niya ang lahat ng mga pinamili niya sa kwarto niya. Matapos niyang mag-shower ay humiga na siya sa kama niya at napabuntong-hininga.
Bigla na naman niyang naisip si Gail at bahagya siyang naasar sa pinakitang ugali sa kanya ni Gail kanina.
"Tss. Ang daya talaga ng babaeng yun, pero halata mo naman na may gusto sakin. Pakipot pa." Bulong niya sa sarili niya habang naiiling-iling pa.
Mayamaya pa ay naisipan na niya ang matulog para maghanda bukas.
Kinabukasana ay maagang nagising si Gail. Matapos niyang mag-shower ay ang paghahanda ng breakfast ang agad niyang naisip kaya naman pumunta na siya sa kusina. Inakala niyang nandun na si Yohan at gising na pero ng makarating siya sa kusina ay wala naman ito doon.
"Tulog pa ba yun?" Tanong ni Gail sa kanyang sarili saka niya tiningnan ang hagdan pataas kung saan ang daan papuntang kwarto ni Yohan.
Mayamaya pa ay naisipan niya na pumunta sa tabing-dagat dahil baka doon pumunta si Yohan. Pumunta nga siya doon at hindi siya nagkamali. Nakita niya si Yohan na nakatayo lang sa buhanginan habang nakatingin sa agos ng dagat.
"Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?" Tanong ulit ni Gail sa sarili niya kaya naman lumapit na siya ng dahan-dahan kay Yohan.
"Himala at wala ka ata sa kusina ngayon?" Bungad ni Gail kay Yohan kaya napalingon si Yohan kay Gail. Sandaling nakaramdam ng pagkailang si Gail dahil sa direktang tiningnan siya ni Yohan sa mga mata niya at seryoso ang mga tingin na iyon.
"Buti naman at nagisng ka na." Plain na tanong sa kanya ni Yohan saka nito binalik ang tingin sa karagatan.
"Ang layo naman ng sagot mo sa tinanong ko. Maaga talaga akong nagising ngayon kasi nga diba may lakad tayo at yun ang napagkasunduan natin?" Sagot naman ni Gail.
Bumuntong-hininga si Yohan saka humarap kay Gail. "Magbihis ka na. Aalis na tayo." Sabi sa kanya ni Yohan saka ito lumakad at nilagpasan siya. Nagulat naman doon si Gail kaya naman nakabusangot siyang kumapit sa braso ni Yohan at pinigilan ito sa pag-alis.
"Teka, sandali lang naman. Masyado pang maaga ah. Di pa nga ako kumakain eh." Reklamo sa kanya ni Gail.
"Wag ka ng kumain. Sundin mo na lang kaya ang sinasabi ko." May pagkairita sa mga sinabi ni Yohan kaya naman napabitaw si Gail.
"Nakakainis ka naman." Sagot sa kanya ni Gail at tuluyan na itong nawala sa mood niya.
"This is an important matter." Sagot naman ni Yohan.
"Oo alam ko. Pero bakit naman kasi masyado kang nagmamadali? Di mo man lang ba ako papakainin ha? Gusto mo ba akong mahimatay? Di ko kayang kumilos sa loob ng isang araw ng walang pagkain ang tiyan ko. So, tell me! Di ba importante na kumain muna ako diba?" Sagot naman sa kanya ni Gail pero mukhang wala lang epekto kay Yohan. Lumapit siya kay Gail at tinitigan ito ng mata sa mata.
"Just follow me. No more complains. Understood?" Huling salitang binitawan ni Yohan bago niya iniwan doon si Gail. Halo-halong damdamin naman ang naramdaman ni Gail pero dahil sa inis niya kay Yohan ay wala din siyang nagawa kundi ang sundin ang mga sinabi nito.
Matapos ang ilang oras na paghahanda ay sumakay na sila sa sasakyan at naghanda na sa pag-alis. Napansin na lang ni Yohan na nakasimangot si Gail, di niya din natiis ang hindi pansinin si Gail dahil hindi siya sanay na nakasimangot ito.
"Wag ka ngang sumimangot. Ang aga aga." Biglang sabi ni Yohan kaya nanlisik naman ang titig sa kanya ni Gail.
"Wag mo na lang akong pansinin pwede ba?" Pairap na sagot sa kanya ni Gail saka niya binalik ang tingin sa bintana.
"Nagugutom ka?" Pagtatanong ni Yohan na para bang may pag-aalala naman ngayon sa boses niya. Napa-rolled eyes naman si Gail saka niya inirapan si Yohan at hindi sinagot.
"Seriously? Tinanong niya pa ah? Wow!" Sarkastikong sabi ni Gail sa kanyang isipan.
Since hindi na kinakausap ni Gail si Yohan ay nagmaneho na lang si Yohan. Hanggang sa nag-park ng sasakyan niya si Yohan sa isang Fast Food.
"Oh? Bakit ka tumigil dito?" Inis na tanong ni Gail kay Yohan.
"Diba obvious? Diba kapag nasa isang Fast Food ka, kakain ka? Alangan namang mag-sight-seeing lang tayo dito?" Sagot naman sa kanya ni Yohan kaya naman lalong nainis si Gail sa kanya.
"Tss. Kakain ka? Go!" Inis na sagot ni Gail kay Yohan kaya naman napailing si Yohan.
"Nagso-sorry na nga diba? Bakit ba ang arte mo? Kung bumaba ka na lang kaya?" Sagot naman ni Yohan. Pero hindi siya pinansin ni Gail. "Gusto mo ba na buhatin pa kita papasok?" Tanong ni Yohan.
"Do it. As if I care." Seryosong sagot ni Gail. Hindi niya pinaniwalaan ang mga sinasabi ni Yohan kaya naman nagmamatigas pa din siya.
"Hayst. Ang hirap mo namang pakiusapan." Inis na sabi sa kanya ni Yohan.
"Bakit? Kasalanan ko ba? Nakaka-badtrip ka kaya." Sagot naman ni Gail.
"Okay fine. Dare me." Sagot ni Yohan saka siya bumaba ng sasakyan at pinagbuksan si Gail. Agad niyang binuhat si Gail ng pangkasal.
"A-ano ba! Teka! Ibaba mo nga ako!" Gulat na sigaw sa kanya ni Yohan. Pero nginisian lang siya ni Yohan.
"Sabi ko sayo bubuhatin kita. Nag iinarte pa eh, gusto mo lang naman talagang buhatin kita." Sagot sa kanya ni Yohan kaya naman lalong nakaramdam ng inis si Gail sa kanya.
"Hoy! Ang kapal mo ah! Asa ka naman! Ibaba mo nga ako!" Putlang-putla na si Gail dahil marami na ang nakatingin sa kanila.
"Stop being so stubborn then im gonna let you down." Sagot ni Yohan.
"Ayoko nga sabi eh." Matigas na sabi ni Gail. Binigyan naman siya ni Yohan ng isang ngiting nakakaloko na sigurado ni Gail na hindi niya magugustuhan.
"Sure? Then I won't."
Sa huli ay si Gail na din ang sumuko.
"Okay okay fine! Kakain na ako! Now will you please let me down?"
"Bibigay ka rin naman pala kailangan pa ng mahabang usapin." Sagot ni Yohan sa kanya saka siya nito ibinaba.
"I really hate you." Inis na sabi ni Gail saka niya iniwan doon si Yohan at pumasok na sa Fast Food.
~
REVISED!