Piece by Piece

Door LadyinParis

329K 12.3K 2.8K

Two lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit... Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Le Final
SpΓ©cial

Chapter 5

8.7K 327 19
Door LadyinParis

"We bury things so deep we no longer remember there was anything to bury. Our bodies remember. Our neurotic states remember. But we don't."
—Jeanette Winterson



5





She was trying to walk not minding her trembling knees. She's not drunk but she is tipsy. She tried to sleep but she couldn't so she just decided to stay awake along the shores just to take her mind off of that kiss.

Pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya muna iiyak. Ceasefire muna sila ng lacrimal gland niya. She was just trying to enjoy her view. Mabilis lumipas ang oras at napagpasyahan niyang bumiyahe pabalik ng maynila.

Nahimasmasan naman na siya, hindi na siya lasing kaya sa tingin niya ay safe na siyang makakapagdrive.

Habang binabaybay niya ang daan pauwi ay pinagmamasdan niya ang marahang pagsikat ng araw. For some it is a sign of hope, of new beginnings and of new chances to take. Pero para sa kaniya, sunrise is another sign of prolonged agony.

Si Karylle ay anak sa pagkadalaga ni Esperanza Padilla na siya ngang CEO ng PEC. Ang kaniyang ama ay si Modesto Tatlonghari, na nakilala na lang niya nang siya ay nagdalaga na. She never got his surname dahil inilayo siya ng kaniyang ina dito. It was never an issue for her because she was not fond of her father during those times anyway.

Growing up she was used to having everything her way, nasanay na siyang laging wala ang kaniyang ina sa kaniyang tabi dahil nga busy ito bilang isang singer at bilang isang artista. She never had a problem with it dahil nga kasama naman niyang lumaki ang mga pinsan niyang sila Arianne at Anne and they were all spoiled by their mangga.

It was when her mother told her that she was having a sister and her mom was getting married that she started to find her place in her own family. Yun ngang sila lang ng mommy niya ay kulang kulang na ang oras nito for her, ngayon pa kayang bubuo na ito ng pamilya in which she feels she never belonged to?

Nang lumabas ang mga kapatid niya, she was already about to venture in her teenage years. Kahit dumadating sa punto na nagselos ito, she didn't love them any less. In fact, she grew very fond of them. Paminsan minsang naiinis pero she will always give way for them dahil yun na rin ang turo ng mommy niya. Mabait na bata si Karylle, she was mature for her age. She was very understandable with her busy mom and noisy sisters. Bawing bawi naman kasi siya ng pagmamahal ng Lolo, Lola at mga pinsan niya kaya hindi na niya ininda iyon.

Pero siyempre minsan dumadating din siya sa punto na tinatanong niya ang kaniyang ina tungkol sa kaniyang ama lalo na everytime she sees Zia and Coco with their dad. Zsazsa remains mum about Modesto. May namumuo pa rin kasing galit sa puso nito nang iwan siya ng dating nobyo matapos malaman na buntis nga siya. Nananatili siyang tahimik tungkol sa tatay ni Karylle dahil ayaw naman niyang siraan ito sa sarili niyang anak. She was not that kind of person. Alam naman niyang one day he will come back and decide to be a part of K's life. Hindi naman siya hahadlang rito, she will let Karylle decide and judge her own father. At hindi nga siya nagkamali, he did came back at sa di kalaunan, because of his availability and presence ay mas naging close pa nga si Karylle sa tatay niya. They were inseparable. Laging magkasama, laging magkausap. Mabilis na napatawad ni Karylle ang kaniyang ama.

She was a very jolly individual, napakasayang bata, madalas iniispoil ang mga kapatid, she grew closer with her mom and her step father rin at maaga siyang naging entrepreneur. At a young age of 23 ay nagkaroon na ito ng sarili niyang negosyo, it was her father's gift to her. She was living her life, she is a theater actress, she was about to release her album and she has her own cafe shop na iniregalo ng kaniyang Daddy sa kaniya.

When her stepfather died of Cancer ay naramdaman niya ang sakit ng pagkawala nito, naging isang mabuting ama rin naman siya kay Karylle. And seeing her mom and sisters weep because of their loss is another thing. Hindi pa man siya nakakapagmove on sa pagkawala ng kaniya Papa Dolphy ay  isang masamang balita na nga ang dumating, nahulog sa bangin ang sinasakyang kotse ng kaniyang daddy nang magpunta ito sa isang barrio para sa isang dental mission. He was already dead upon arriving the hospital.

Halos hindi alam ni Karylle kung saan niya pa isisiksik ang sakit na nararamdaman niya. Ang daddy niya ang naging sandalan niya sa lahat, he never had another family kaya naman nakatuon lang lagi ang atensyon niya kay Karylle simula nang bumalik ito. She was his princess and he was her King. Ani mo'y nawalan siya ng pakpak at ng lakas.

And she still misses him.

She still longs for his dad. Lalo na ngayon... Ngayong mas nangangailangan siya ng taong masasandalan.

Patuloy ang pagpapatakbo niya ng sasakyan nang may matanaw siya sa highway. Labis ang takot na naramdaman ni Karylle nang mapagtanto niyang hindi kumakagat ang brake ng kanyang sasakyan. Paulit ulit niya itong tinatapakan ngunit hindi pa rin ito humihinto. Para makaiwas ay ipinihit niya ng pakanan ang sasakyan kung saan walang kotse sa likod niya at ibinunggo ito sa puno. Huli na nang maisipan niyang gamitin ang hand brake niya.

Mabilis ang pag aksyon ng mga pulis. May sugat siya sa noo dahil sa nabasag na salamin, mababaw lang naman ito kaya hindi siya nangamba. She feels fine too. Sa kasamaang palad ay nalaman ng mga pulis na she had an alcohol intake in less than 12 hours before driving. Kahit ipaliwanag niya na hindi na siya lasing ay nadetect pa rin ang alcohol sa katawan niya.

Billy was fast to respond nang tumawag ang mga pulis para ipasundo si Karylle at samahan ito sa ospital.

"What were you thinking?" Galit na sabi ni Billy.

"I'm sorry. I just wanted to go home."

"Hindi ka ba makakapaghintay ng umaga? Alam mong nakainom ka! Ano? Babalik nanaman ba tayo sa ganito Karylle?"

"Hindi ko naman ginusto maaksidente Billy! Nasira nga ang brake ng kotse ko!   I was not beating this time! I'm not lying!" Naiiyak na sagot nito.

"Hindi ko alam kung paano pero nasa balita na to ngayon. I fabricated it para hindi lumabas na nagdrive ka pa rin kahit nakainom ka. Ngayon kailangan na nating bumalik ng manila. Ihahatid na kita."

"Thank you Billy. I'm sorry."

"Sasabihin ko to kay Anne. Hindi ka pwedeng umangal. Atsaka dadalhin kita sa ospital para macheck kung okay ka talaga at walang nangyari jan sa ulo mo."

"Magpapacheck up ako sa Manila pero please wag mo ng sabihin kay Anne. Please please. Ayokong makaabala sa kanila ni Vhong." Pagmamakaawa nito.

"Sana naisip mo yan kanina." Sabi ni Billy.

Napabuntong hininga na lang siya. Alam niyang hindi naman niya mapipigilan ang kaibigan.

It was a sign of over reaction and impulse, while waiting for the tests done, Billy insisted that Karylle gets a room in the hospital para kung may pangit na resulta ay wala ng mahabang pilitan pang magaganap sa pagitan nila ni Karylle. Narinig na rin niyang kausap ni Billy si Anne at sigurado itong pupuntahan siya ng pinsan ngayong araw din.

"Ang sikat na Hollywood pinoy celebrity stylist na si Vice ay diumanong narito sa bansa para dumalo sa kasal ng kaniyang pinsan sa ating kapamilya star na si Anne Curtis. Maraming litrato ang nagkalat na nagpapatunay na narito nga sa Pilipinas ang tinitingalang guru ng hollywood fashion industry. Kung matatandaan, nasangkot sa issue ang Viceral clan nang mapabalitang nagfile ng legal case si Vice upang pormal na tanggalin ang apelyidong Viceral sa pangalan niya. Ang tanong ng lahat, sa family reunion na naganap, nagkita at nagkasundo na kaya sila ng kaniyang ama?"

Isang balita sa TV ang pumukaw ng atensyon nila Karylle at Billy.

Sikat pala siya. Bakit hindi ko alam? Bulong niya sa isip niya.

"Patay. Alam na nilang nandito si Viceral." Sabi ni Billy. "I'll just call them." Dagdag nito at tumango lang si Karylle.

Bumalik nanaman sa alaala niya ang nangyari kagabi. Dahil siguro sa labis na kalasingan kaya hindi na niya nacontrol ang kaniyang sarili. Ramdam pa rin niya ang marahas na paghalik ni Vice sa mga labi niya. Then she felt it again, the same beating of her heart na kagabi'y inakala niyang dala lang ng alak. Pero hindi naman siya lasing ngayon ah?

Nararamdaman nga ni Karylle ang sakit ng ulo niya, not because of the accident but because of the hangover. Hapon na at gusto na niyang umuwi ng bahay. Naiinis siya dahil ayaw pa ring pumayag ni Billy lalo pa't naging visible nga ang pasa sa noo ng dalaga. Ang doctor na rin mismo ang nagsuggest to stay kahit 24 hours lang para ma obserbahan ito.

"Pero pwede pa rin naman daw akong umuwi. Ang oa oa niyo masyado ni Anne!" Pangungulit nito kay Billy.

"Mas okay na dito. Wag ka ng makulit please. O, may charge na yung phone mo. Kanina pa tawag ng tawag ang mommy mo, sagutin mo na nakakaawa na, nag aalala na yun sayo."

Nang buksan niya ang kaniyang  cellphone, nakita nga niya na napakarami ng missed calls ng kaniya Mommy at mga messages rin galing sa napakaraming tao na nagalala sa kaniya matapos makita ang balita.

One particular text message from an unknown number caught her attention.

From: +1805-227-4645
Hoy bruha, heard you got into an accident. Gaano ka kakulit? Hindi ka rin talaga magpapapigil no? Pasalamat ka you're still alive. Seejsushhahah

Napakunot ng noo si Karylle nang makita ang message na iyon galing sa isang unknown number.

"Sino yan?" Tanong ni Billy nang makita ang expression ng dalaga.

"Ha? Ah, unknown number. 1805 eh"

"Southern Cali? Patingin, may kamag anak kayo dun diba?" Sabay umupo sa tabi niya si Billy.

Tama, may kamag-anak sila sa California. Pero bakit hindi iyon ang unang pumasok sa isip niya. She already knew who it was.

"Baka mga pinsan nga nila Mama." Kibit balikat na sinabi nito.

Billy stayed on her bed. Because of boredom, Karylle and Billy both fell into a deep conversation.

And then silence was heard. Billy was looking at her intently. He has always been in love with this woman pero kahit kailan ay hindi ito nagkaroon ng lakas ng loob upang umamin. Sapat nang tawagin siya at pagkatiwalaan siya ni K bilang isang kaibigan. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili.

Habang nagkakatitigan sila ng dalaga ay unti unti niyang inilalapit ang mukha niya rito. He was about to kiss her when...

"Billy." Pagputol ni Karylle sa kung ano man ang balak gawin ng Kaibigan.

"Uhm.... Uh... S-sorry K. Sorry, sorry." Napayuko ito at ipinatong na lang ang noo sa dalaga.

As if on cue naman ay dumating na sila Anne at Vhong. Napatayo si Billy palayo kay K nang biglang magbukas ang pintuan ng kwarto. Laking gulat ni Karylle nang makita niyang naroon si Vice kasama ng dalawa.

Isang makahulugang tingin ang ibinato ni Anne kay Karylle, gayun rin naman ni Vhong kay Billy.

Nang makarecover sa nasaksihan ay bigla na ngang nagsalita si Anne.

"Ano nanaman to Ana? Mama Z has been calling me non-stop! She is worried sick about you! Ni hindi mo nga sinasagot yung telepono mo, lahat kami tinatawagan ka!"

"I ran out of battery on the way here. Sorry."

"And drunk driving? Talaga? Ilang red lights nanaman ba ang hindi mo sinunod ha? Ilang beses ka ba paulit ulit na magpapakamatay, K?!"

"Hindi ako nagpapaka—"

"Lahat kami alalang alala na sayo! Hindi na namin alam kung ano pang gagawin namin makamove on ka lang! How are we even going to do that if you're the one who keeps on resisting to let go?" Pagpapatuloy ni Anne, hindi man lang pinatapos ang pinsan.

"Pwede na ba akong magsalita?" Sagot ni Karylle. Tinignan lang siya ni Anne.

"Nawalan ng brake ang sasakyan ko kaya ako naaksidente. An old man was crossing the street so as not to hit him or anybody, I just decided na ibunggo na lang sa puno yung sasakyan. It was too late for me to use the hand brake. I already lost control."

"I'm sorry if I'm starting to become a burden to everyone. Anne, sorry if I failed you but really, tinry ko. And I think that was a good start. Pero, hindi ko pa rin talaga kaya. I'm sorry Anne. This was supposed to be your happiest days, sorry for ruining it." Nagpipigil iyak na sabi ni Karylle.

"Okay. Okay... Kamusta ka? May masakit ba sayo?" Pag iiba ng topic ni Anne.

Umiling si Karylle.

"2 more hours before the result comes out. But I feel fine. I feel normal." Sagot nito.

"Okay. You want coffee?"

"No thanks."

"I'll just get one for me." At diretsong lumabas si Anne ng kwarto leaving the three... Uh... 2 and a half men inside the room.

"Sobrang nag alala lang yun sayo. Mamaya okay na yung pinsan mo." Sabi ni Vhong.

"Sorry Vhong ha? Nakaabala pa ako."

"Ano ka ba, we're family now. Mas importante ka. Don't even think about it. Mag-iingat ka na lang sa susunod ha?" Tumango su Karylle.

Habang nagkkwentuhan sila ay mag naalala su Vhong.

"By the way, kamusta pala si Snowie mo?"

"Ayun. Dadalhin daw sa casa. 3 months daw and she's gonna be fixed. Magagamit ko na siya ulit."

"Si Snowie ba yung sasakyan mo? Are you really serious? You're still gonna use that car?"

Napatingin ang lahat sa direksyon ni Vice nang magsalita ito.

"Yeah. Wala naman akong choice eh." Casual na sagot ni K.

"I'm pretty sure you have a choice. You just don't want to choose the other. Sabi mo nasira yung brake mo, kahit ilang beses pa ipagawa yung sasakyan mo, paulit ulit na yun ang magiging problema nun and that is very unsafe." Patuloy na sinasabi ni Vice. Maging siya ay gusto niya nang kontrolin ang sarili niya pero hindi niya magawa.

Napatingin lang si Vhong at Billy kay Vice. Yes he was friendly but this was very unusual for him. Ang mangealam. He is the type who always minds his own business.

Vhong just cleared his throat nang hindi sinagot ni Karylle si Vice.

"We will be gone for a month. You can just use Anne's car habang wala kami." Sabi ni Vhong.

"Ano yon? Narinig ko pangalan ko." Masiglang sabi ni Anne.

"Di ba galit ka? Tsaka bat ang bilis mo?" Sabi ni Vice na naaabnormalan na talaga sa asawa ng pinsan.

"Galit pa rin naman ako. Ano pinaguusapan niyo?"

"Sabi ko gamitin niya muna yung sasakyan mo, 3 months pa daw bago maayos si Snowie."

"Yeah. You can use my car but you're definitely not gonna drive. I'll let Manong Edgar drive you for a while. And you stay at my house para mabantayan ka rin ni Manang Elsa." Sabi ni Anne.

"Anne, hindi ko kailangan ng driver at mas lalong hindi ko kailangan ng yaya. I know I've been very self destructive lately but really kaya ko sarili ko."

"Talaga lang? Talaga lang Ana Karylle ha? Bukas ng gabi pupunta na kami ng Maldives. Try mong bumawi sa akin, let me not worry about you kahit ilang araw lang please."

"Annie you don't have to worry about me! Kaya ko. Kayang kaya ko. And Billy is here naman eh. I can just call him anytime. Diba, B?"

"I'm sorry. I have a business meeting in Singapore to attend to tomorrow. Babalik ako after 3 days. By then, yes, pwede." Sabi ni Billy.

Tinaasan ni Anne ng kilay si Karylle at napabuntong hininga naman ang huli.







"I'll do it. I can look after her and drive her around for a few days." Napatingin nanaman ulit ang lahat kay Vice.

"Oh bakit? May nasabi nanaman ba akong mali?" Tanong nito.

"Sigurado wakla?" Nabigla si Anne sa sinabi ng kaibigan.

"Okay fine! Okay fine! Manong Edgar and Manang Elsa it is!" Biglang sabi ni Karylle.

Anne knew Vice, kahit may sariling problema ito, she knew that he can still be that one happy soul who could cheer many up. Why not give it a try diba? Malay naman natin, he could work his magic on Karylle and bring her back that positive aura she had lost.

This sounds like a plan.

"No, I think that's a good idea, Kaykay! Vice still has a few days left bago siya bumalik ng LA. Yun na lang pambawi mo sa amin ni Vhong. You entertain him, show him around. Sige na. He is our guest pero iiwan rin namin siya agad. Ikaw muna proxy namin ni babe!" Excited na sabi ni Anne.













Nalintikan na.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.1K 139 20
Levi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dah...
91.4K 2.4K 53
Xyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...