Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

116K 4.9K 11.8K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 3

3.1K 115 312
By frosenn

Here's a long Christmas treat. Happy Holidays, embers! :))
---

Chapter 3

Brother

As a student, I wasn't particularly the friendly one. I only have few friends and as a disclaimer, not all of them considered me one.

"Why are you so nervous? We can sit next to Ophelia during the finals anyway."

"Hoy! Ano 'yan? These cheaters. Hindi ninyo bayaran si Riz! Wala nang libre sa mundo ngayon, ano!"

Luckily, during my junior high school journey, I have Apollo who is the total opposite of me.

I pursed my lips and fought the urge to join their argument. Nagpatuloy na lamang ako sa pagre-review.

"Kaya pala lagi mong nililibre ng lunch, Apple?" tukso ng isang kaklase.

"Touché!" tili niya sabay takip sa aking mga tenga, akala mo'y hindi ko alam iyon.

Well, he's not totally copying all my works. Apollo is also a smart and diligent student. Iyon nga lang, mas madalas na inaatake ito ng katam at kalan...

At saka, normal lang naman iyon sa ganitong antas. He's also my friend kaya hindi naman talaga kailangan ng suhol. Minsan, sinasakyan ko na lang dahil sino ba naman ako para tanggihan ang grasya? Lalo na kung ito na mismo ang lumalapit sa akin!

"Omg, she's here. Again!" bulong sa akin ni Apollo habang nasa cafeteria.

Sa kanyang tono at pananalita, kahit hindi ko lingunin ay alam ko na ang kanyang tinutukoy. Natigil ang kaibigan sa pakikipagbatian sa mga college students na kakilala para lang sabihin iyon. After that, we both acted like we're not expecting someone to approach.

I bit on my burger as I glanced at my right hand; I began tapping it on the table while counting in my head.

One... two... three... four...

"Hi, guys! Ophelia..."

Just in time, Mavery Samora materialized before us. Her upturned eyes were directed to me, making her presence more intimidating. Hanggang balikat lamang ang buhok na nakaparte sa kaliwang bahagi.

Her short hair tucked behind her ears, too, so her earrings were dangling at her every move. My gaze lowered, anticipating how loaded she was in the chest department. My lips twitched.

Ah. It was awkward. I couldn't imagine myself carrying those watermelons all the time, but deep inside my most private daydreams, I once wished I have bigger...

Teka, ano ba itong iniisip ko!

"Is this seat empty?"

Natauhan bigla ako nang tinuro ni Mavery ang puwesto sa aming harap. Napakurap-kurap ako, akmang sasagot na sana nang unahan agad ni Apollo.

"Duh, obviously. And this one will be if you dare sit-"

"Ang ibig sabihin niya! Oo, bakante iyan!" mabilis na sapaw ko sa kalapastanganan nito. "A-At ito ring sa amin... dahil paakyat na kami... uh... Mavery."

"Very well. Because this will only be a short chitchat," she said dismissively.

Bago maupo ay nagtaas muna ito ng kilay kay Apollo, bagay na alam kong hinding-hindi papalagpasin ng huli lalo na't bagong thread lamang ang kilay nito kahapon.

I groaned inwardly. Ano ba itong pinasok ko?

Masama ang kutob ko. Tuwing nagtatagal na magkasama sa iisang lugar ang dalawang ito, paniguradong may malalagasan na naman ng buhok at kuko. At maaring ako na iyon ngayon.

Napukaw ang atensiyon ko nang may nilabas siyang tissue. Maingat niyang pinunasan ang ibabaw ng table bago ilapag doon ang kanyang designer bag.

"Orpheus has been ignoring my calls and messages. I can't seem to find him in his usual spots, too," may pinagsamang lungkot at pait na wika nito.

Kumibot na ang ngiting pilit kong binabalandra. Pagak na lamang akong tumawa dahil natantong tama ako. Si Kuya na naman ang pakay nito sa akin. Hindi ko rin naman alam ang isasagot dahil pareho kaming abala ni Kuya ngayong nalalapit na ang finals kaya...

"Maybe his phone's defective na naman... Or is he sick or something?" Her voice seamlessly shifted from annoyed to worried.

"Duh? Kasi umay na sa-"

"Ang ibig niyang sabihin!" putol ko muli kay Apollo. "M-Mukhang umay na si Kuya sa... sa social media kasi uh... alam mo naman, finals na. H-He's getting so worked up over his studies. Kaya hindi mahagilap..."

Mavery wasn't able to respond right away. She paused, stunned, and comprehending. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Nakakahalata na kaya siya? Darn it, Apollo!

Kilalang pamilya ang mga Samora at hindi maipagkakailang hindi pangkaraniwan ang angking ganda ng isang Mavery Feleena Samora. It was visible in her appearance. She likes her makeup done flawlessly and stuffs handled with exquisite delicacy and care. She's kind of finicky.

In a matter of fact, Kuya and I once talked about her. I figured that he's not interested in her, something that I predicted because I know Kuya. He's not comfortable when it comes to overt extravagance, vainglories, and luxuries because, over years of being siblings, kabisado ko na ang kapatid. Reserved iyon. Masyadong humble at down-to-earth na tao. Sa puntong minsan ay binababa na niya ang kanyang sarili kahit karapat-dapat naman siyang hangaan. Hindi siya komportable roon. But it was a different case for this girl.

For years, it's all over the school that she wanted my brother over any other guy who tried to hook up with her. At kung mayroon mang apektado sa kanilang sitwasyon, masasabi kong isa na ako roon. Malinaw naman siguro kung bakit. Tuwing may hindi maintindihan kay Kuya, sa akin ito lumalapit kahit tiyak kong labag iyon sa kanyang kagustuhan.

Maaaring si Apollo rin. Anito'y inaagaw sa kanya ang kanyang Orpheus.

"Perhaps, are you trying to hide him from me?"

Gulantang akong napabaling sa babaeng kaharap. Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang kagustuhang sumagot ni Apollo para sa akin ngunit pinigilan ko ito sa pamamagitan ng pagtapik sa kanyang binti.

Mavery snarled and looked at me with disbelief.

"You think I would waste my time talking to you because I'd like to? You think so highly of yourself, Ophelia. For your information, you're just a loser and being here with you dishonors my reputation."

Napatayo na si Apollo at pinanlisikan ng mga mata ang aming kaharap. Dahil doon ay nakalikha ito ng munting eskandalo sa paligid.

"Hey, bitch! What did you just say?"

Inis na inis na ito. Ilang beses na akong bumulong at sinubukang hilahin ang kanyang braso ngunit hindi ko na siya mapigilan ngayon.

Mavery just looked at him. Sa paraan pa ng titig ay para bang hindi ito imbitado sa usapan at nanghimasok lang bigla.

"You were the one who disturbed our peaceful lunch to ask for something, and you ended up talking shit in return? The audacity!"

Being unable to stomach the unwanted attention, Mavery stood up with flaring eyes and nose before taking a gander at me.

"I can't believe I have to deal with a pathetic sister. Be thankful enough that you're related to Orpheus. Otherwise, you've been rotting to hell right off the bat, the two of you!"

Umambang susugurin na ito ni Apollo nang kumapit na ako sa kanyang uniporme. Marahas siyang dumungaw sa akin, baon pa rin ang matinding muhi para sa kaaalis lamang na babae. Ngunit nang nasilayan ang aking mukha, unti-unti itong lumambot at umalalay sa akin.

"I should've plucked every strand of that narcissist's hair until she's just nothing but a mofugly bitch, Riz!"

Binitawan ko na ang singsing na kanina ko pa kusang hinahawakan. Umiling ako sa kanya at kinuha na lamang ang aking bag.

"Let's just get out of here."

Hiyang-hiya akong lumabas sa cafeteria, tinitiis ang nanunuyang tingin ng mga tao.

That's my almost everyday life in junior high school at Rouxton Academy. People here regarded me as a pushover, cheap scholar, and a good-for-nothing sister of Orpheus Rizieri Mallari.

Kaya naman pagkalipas ng final examination week, parang unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko sa kaisipang nalalabi na lamang ang araw ng kalbaryo ko sa eskuwelahang ito.

"Totoo! Batch Valedictorian na naman ang panganay ko! Naku, syempre! Imbitado kayong lahat sa handaan kaya pumunta kayo, ha!" maligayang balita ni Mama sa mga kaanak namin, kausap sa telepono.

Nagkatinginan kami ni Kuya sa hapag habang kumakain ng almusal. Siya ang unang bumawi ng tingin upang dagdagan ng nuggets ang pagkain ko.

"Heto nga't tuwang-tuwa ang mga kapitbahay sa husay nyan! Nagbigay nga ako ng discount sa panaderya bilang kasiyahan na rin!"

"Ano pang hinihintay mo, Riz? Bilisan mo nang kumain. Nilalamig na 'yan," si Kuya nang napansing paunti-unti lang ang subo ko.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Alam kong pinapagaan niya lamang ang kalooban ko dahil kabisado na nito ang takbo ng aking isip.

I tilted my head and played with my utensils to lighten the mood. Nagpakawala ako ng munting tawa.

"Alam kaya ni Mama na... Salutatorian lang ako, Kuya?"

Kuya reacted like he disliked what he just heard. He was about to give me a good telling-off for my sullen attitude when Mama spoke in the sala again. Kapuwa kami napadungaw roon.

"Si Ophelia? Salutatorian lang ata. Nag-promise-promise na kaya rin daw mag-top 1, pero bumaba ata sa finals. Ewan ko ba. Isabay na lang din siguro sa graduation ni Oriz ang handa roon."

My breathing hitched. Sa sulok ng mga mata ko, batid ko ang paglingon ni Kuya sa aking reaksiyon kaya binagsak ko na lamang ang tingin sa plato, sumandok nang kaonti at sumubo roon.

"I told her last night to wait for your moving up before throwing a celebra-"

"Okay lang, Kuya." Tinawa ko na lang ang panginginig ng lalamunan bago tumingin sa kanya. "Kasalanan ko rin naman. Ako rin ang sumira sa sarili kong pangako. N-Nakalimutan kong may Guillen nga pala. Mas magaling sa akin iyon, e."

Sinama ko pa talaga sa palusot ang inosenteng Valedictorian namin.

Kuya scoffed. Matagal bago napailing.

"Riz, hindi sa ganoon-"

"Ayos lang talaga, Kuya," paninigurado ko sa kanya kahit hindi na ako makangiti nang maayos.

Bahagya kong tinulak ang pinggan mula sa akin at kinamot ang pisngi bago isenyas iyon.

"K-Kaso wala talaga akong gana... Sorry, Kuya. Bawi na lang ako mamaya sa break time," tanging nasabi ko na lang bago tumayo.

Hindi ko na hinintay pa ang idudugtong niya at nagmadali na lang para magsipilyo.

Inisip ko na lang, totoo naman ang lahat ng iyon. At tama rin si Mama. Ako ang basta-basta na lang nangako sa kanya na pagbubutihan ko. Sa sobrang determinado ko noon, nakalimutan kong hindi sapat ang pagpupursigi lang kung sadyang may mas natural na mahusay kaysa sayo.

Si Guillen. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya nabanggit sa usapan namin ni Kuya. Pero ang alam ko lang, noong nalaman ko ang resulta, nababawasan ang pait sa dibdib ko tuwing iniisip na mas deserve niya naman talaga ang titulong iyon.

Una pa lang, kilala na itong top student at alam kong hindi ko ito kailanman mahihigitan. Tipong nakaka-proud pa sa sarili na nagawa ko siyang sundan. Kahit hindi ko man mapantayan at malagpasan, isang pribilehiyo na sa aking matabihan man lang ang kanyang pangalan.

Guillen Cassidy Smith. She's the same age as me and I couldn't believe my own eyes when I had the chance to have a word with her for the first time.

Guillen is very humble and kind. Not only is she simple and pretty, but she's also a born intelligent person. Hindi ko lang maintindihan ang tungo sa kanya ng ibang tao. Animo'y limitado lang ang nakikisama sa hindi ko malamang dahilan.

Why? Because she has freckles and pimples all over her face? Because she finds it hard to fit in their social norms? Heck. Everybody has their own flaws and imperfections! No one's born perfect, so why discriminate against someone just because one can't meet their standards?

"Good morning, Ophelia," she smiled at me first thing when I neared the practice venue.

I smiled back, a startled one. "Good morning din, Guillen!"

Marahan siyang tumango at tinuro ang kinagawian naming pwesto.

"Ma'am Silva instructed us to line up. Is it okay if we... uh... go there together?"

Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla pero naghari din ang ngiti kalaunan.

"Huh? Oo naman! Tara!"

Sa totoo lang, hindi ko talaga makuha kung bakit. Every time I look closely at her during our completion practices, I recognized how adorable her face is actually imagining without those glasses and pimples.

Naisip ko, baka naman hindi lang hiyang sa kanya ang awkward adolescence stage kaya nagbe-breakout. Baka pa pagkaguluhan ito sa college kapag nagdalaga na kami.

Natawa pa ako sa naiisip. Siya kasi, may pag-asa pa. Ako, ito na iyon. Sagad na 'to. Ang daya. Mukhang hindi ako makakaranas ng glow-up nito!

"Guillen Smith, stand-by for the valedictory speech," anunsiyo ng organizer sa aming gilid.

Magkakatabi kami sa harapan kasama pa ang ibang honors. Ang mga kaklase ko at si Apollo ay hiwalay sa amin.

Tumango si Guillen sa organizer at nagpaalam muna sa akin bago nakayukong pumanhik sa gilid ng stage.

Wednesday na. Last practice na namin ito at sa Sabado na ang Moving Up. Ang graduation naman nila Kuya, sa Friday na kaya mauuna sila kaysa sa amin. Pareho lang kasi ang venue kaya hindi talaga pwedeng magsabay ng araw lalo na't marami ang batch namin.

Napangiti ako habang pinapanuod maglakad si Guillen patungo sa lectern. Sa ilang araw ng practice, gumaan na rin ang loob namin sa isa't isa. Naroon pa ang pagsisisi na ngayon lamang kami nagkaroon ng ganitong pagkakataong maging malapit kung kailan maghihiwa-hiwalay na.

She told me she's staying here. In Rouxton Academy as Senior High School student. I was quite disappointed because I thought she's going to Mackenzie, too. I thought I could make more friends than Apollo alone.

"It's my honor to introduce the Class of 20xx Valedictorian, Guillen Cassidy Smith..."

Sa mga sandaling nagpapang-abot ang mga kamay para sa palakpakan, isang hindi inaasahang realisasyon ang sumagi sa isipan ko.

Right, she's also a Smith. Sa dami ng nakikilalang Smith sa school, naging ordinaryong pangalan na lamang ito para sa amin. Subalit habang pinapanuod ang talumpati ng bagong kaibigan, isang lalaki ang bigla na lamang sumulpot sa alaala ko.

Napaayos ako ng upo at kunot-noong humalukipkip. What the heck is wrong with me, thinking about that man out of a sudden? It's been weeks since that fiasco happened and it's still freaking me out!

Nanindig agad ang mga balahibo ko sa iniisip kaya umiling-iling ako para kalimutan iyon.

"Not only is she the pitiful sister of Orpheus, but she's also uncanny," I heard the Second Honorable Mention murmur to her seatmates.

Parang gusto kong magwala nang narinig ko iyon pero pilit ko na lang kinalma ang sarili. I did a brief breathing exercise before striking a smile and concentrating on Guillen's speech.

Hinaplos ko ang aking singsing. I just want to spend my remaining days in peace before leaving this hellhole.

"Grabe! Congrats, Oriz!"

"Ganda ng speech mo! Angas talaga!"

"Congratulations to your family, Mrs. Mallari."

Kakatapos lang ng graduation ng mga Grade 12 sa Senior High School. Dinumog ng mga tao ang aming banda para magpa-picture kay Kuya at bumati sa aming pamilya. Nagpasalamat din si Mama sa mga professor at iba pang educators na tumulong kay Kuya along the way kaya pansamantala itong naging abala.

Proud kong pinapanuod si Kuya na makisalamuha sa mga kaklase, kaibigan, at mga kaeskuwela na gustong bumati sa kanya.

Even with damp hair and sweats, my brother still looked incredible wearing his toga, cap, Valedictorian stole, honor cords, and medals. He temporarily removed his cap to fix his clean-cut hair.

Heck. Whose brother is this? She must be so damn proud and lucky to have a Kuya like him! Wait, what? It's me?

Lalong lumawak ang ngisi ko sa tindi ng tuwang nararamdaman.

Nang nakahanap na ng tyempong ma-excuse ni Kuya ang sarili, agaran nitong hinanap ang daan patungo sa akin kaya abot-langit ang saya nang ibuka ko ang mga braso para salubungin siya.

"Congrats! I'm so proud of you, Kuya!" gigil kong hiyaw sa kanya.

He chuckled and nodded at me while closing our distance before returning my hug with an unexpected tight embrace.

"Thank you, bunso. Pero mas proud ang Kuya sayo bukas," he then kissed my head.

"Talaga?" I wrinkled my nose as I watched him rummaged my bag where his stuffs were stored during the ceremony.

Tumango-tango siya pero hindi na nakasagot nang maayos. Pagkakuha niya sa kanyang phone, naningkit ang mga mata ko nang bahagya siyang lumayo sa akin at seryoso na roon, para bang urgent ang kung anong meron sa phone.

Sinubukan kong sumunod at sumilip.

"Riz!" But he grunted and gently shoved me away.

"May tinatago ka na, ha?" tukso ko sa kanya.

"It's nothing. Just look out for Mama for the mean time please."

Ngumuso ako, may kaonting suspetya sa kanyang kinikilos pero pinili ko na lang na bigyan siya ng privacy. Binantayan ko na lang si Mama para hindi kami magkaligaw-ligaw tatlo.

I didn't know how Kuya managed to persuade Mama, but she came to terms with him and rescheduled the celebration. It was then set the following day, after my Moving Up.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Plantsadong-plantsado ang aking uniporme. I also applied hair oil to help me tackle my frizzy hair temporarily. Samantalang ang paglalagay naman ng kolorete sa mukha ay ipapaubaya ko na kay Apollo mamaya, tulad ng nakagawian, bago magsimula ang lahat.

"Bakit mas mukha kang ga-graduate ulit, Kuya, kaysa sa akin?" makahulugan kong siko sa kanya nang palabas na kami ng bahay.

"What are you talking about? Isa ako sa parents mo ngayon kaya kailangang presentable, Riz," patay-malisya niyang sagot sabay ayos sa kanyang official ribbon.

"Ganoon ba?"

"Tss. Ikaw rin naman kahapon pero inasar ba kita?"

Natawa ako dahil halatang napipikon na siya. Tinawag na kami ni Mama kaya nagmadali na kaming sumakay ng tricycle.

Gaya ko kahapon, si Kuya naman ang kasama ni Mama bilang mga guardian ko. Natulala ako sa mga ulap at saglit na pinikit ang mga mata.

Kung nasaan ka man ngayon, Papa, ikaw ang isa sa mga rason kung bakit patuloy kong pinagbubutihan. Kung nandito ka man kasama namin, sigurado akong masayang-masaya ka ngayon para sa amin ni Kuya.

Pagkarating namin sa school, kanya-kanya ng pagdadala sa sarili ang mga ka-batch. Medyo awkward nga lang dahil imbes na ako ang binabati, madalas ay si Kuya pa ang dahilan kung bakit kami pinagtitinginan ng mga tao. May ilan din namang kumakaway at bumabati sa akin kaya malaking bagay na sa akin iyon!

"Oh, my god! It's nice to see you again, Tita! Nandito na pala ang escort ko!" si Apollo nang nakalapit na kami sa gymnasium.

Mama greeted back politely. Maayos naman ang pakikitungo niya sa mga kaibigan ko. At least.

Si Kuya naman, nag-aalinlangan pa kung pagbibigyan ang pahiwatig ng kaibigan na makipagbeso. Sa huli, hinila ko na lang ito para masimulan na ang pag-aayos niya sa akin.

"I'm not sure if I have ever told you on a serious note, but I am so happy for what you achieved... and for your forthcoming success, Riz."

After his finishing touches on my light makeup, he held my shoulders and faced me straight in the eyes.

"Apollo..."

"You're not the second-best nor the failed one. If anything, the joke's on them because they failed to see your worth and how special you truly are."

A faint smile crept into my lips as he embraced me. Sinuklian ko iyon nang mas mahigpit dahil pakiramdam ko'y nalalabi na lang din ang oras naming magkasama nang tulad nito.

Pagtungtong namin sa susunod na yugto ng aming mga buhay, tiyak kong marami na siyang makikilalang ibang tao. At maaaring maging parte na lang ako, kung ganoon, ng kanyang nakaraan.

"I'm gonna miss you..." I admitted painfully.

He then withdrew from the hug.

"I'm not."

"What?" gulantang kong asik, hindi inaasahan ang sagot niya.

"Because I'm going to Mackenzie with you!"

My eyes widened. "N-No way..."

"Anong no way ka riyan? Naroon ang mga Adonis ko, hindi ba!"

"Akala ko ba, mahaba man ang prusisyon na mangyari, kay Kuya ka pa rin uuwi?" I mimicked his line.

"Touché!" He laughed before pinching my side. "Of course, it's decided because I also want to study at Mackenzie and support my best friend!"

Apollo is the best friend ever! Or at least for me, palibhasa, minsan lang magkaroon ng tunay na kaibigan.

Hindi na rin kami nagsayang ng oras at pumunta na sa venue. Malapit na rin kasing magsimula ang processional kaya kailangan nang pumila nang maayos.

"What's happening?" takang tanong ni Apollo.

Iyon din ang tanong ko sa sarili habang sinusuot ang stole ko. Laking gulat namin dahil mukhang aligaga ang mga tao at may pinagkakaguluhan sa harapan.

Apollo stretched his neck to check the commotion and in no time, his hand landed on his mouth with horror and surprise combined.

"Isn't that the Valedictorian?" tikhim niya.

"Si Guillen? Bakit? Anong nangyari?" Ginapangan ako ng pag-aalala.

Mayamaya pa, lalo akong naguluhan nang nagtatalon at tumili-tili na ang kasama habang papalapit kami lalo roon. Pati ang mga nadadaanang ka-batch, hindi na rin magkandaugaga sa mga pwesto.

"So all this time, they are blood-related?"

"W-Who?" Litong-lito na ako habang hinihintay ang sagot nito.

Isang hampas at hinirap na niya ako, bakas pa rin ang matinding pagkamangha sa hitsura.

"Nagbalik ulit ang Adonis ko, dear! The Valedictorian is with Giovanni Smith!"

Para akong nabingi sa balitang iyon. Kaya naman nang nagparte na kami ni Apollo para pumunta sa kanya-kanyang linya, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakumpirma ang tinutukoy ng kaibigan.

Imbes na sina Mama at Kuya ang una kong mahanap, isang agaw-pansing lalaki ang pangunahing nakapukaw ng aking atensiyon.

"Ano ka ba namang bata ka? Kanina ka pa namin hinihintay!"

Isang kurot mula kay Mama ang nagpagising sa akin mula sa gulat. Naagaw noon ang pansin nila Kuya, maging ang dalawang tao sa aming harapan.

I flinched when Guillen glanced at me. She seemed quiet and timid than usual but she managed to smile and nod at me as a greeting. She looked prettier today without her glasses. Inayusan din ng buhok at naka-light makeup.

Napakurap-kurap ako. Ngumiti rin ako pero hindi pa rin maalis sa akin ang pagkabigla. Guillen looked stiffed and more reserved than ever, though.

Agad din niyang binalik ang tingin sa harapan pero kusang lumipat ang mga mata ko sa katabi niya, laking gulat ko nang nahuli itong nakatanaw rin sa akin.

My brain malfunctioned in that split second. The man tore his eyes off nonchalantly and I silently thanked the heavens for that. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nagkataon!

But the million dollar question is... what is he doing here? And with... Guillen?

I get it, alright. They're both Smiths. Guillen Cassidy and Giovanni Clark Smith. The initials are the same. Does that mean they are siblings? What the heck? How did it happen!

I mean, don't get me wrong, but they're total opposites. The latter is the people person, almost admired by everybody, while Guillen is quite a social outca-

Hold on. What are you thinking, Riz? I closed my eyes and heaved a deep sigh to recover my senses.

Why are you questioning their situation? When you are not a different story.

Panay man ang sulyapan at usapan tungkol sa aming banda, salungat noon ang estado rito. Miski ang pakikipag-usap kay Kuya ay hindi ko na nagawa. Dahil bukod sa bigla akong na-conscious sa paligid, napansin ko rin ang kakaibang pananahimik ni Kuya.

Kung mayroon mang pinagmumulan ng ingay sa aming grupo, iyon ay si Mama na paminsan-minsa'y nagrereklamo sa tagal magsimula. Bumuntong-hininga ako.

Syempre, huli kaming papasok sa processional. Pauunahin muna ang graduands bago kaming mga honors. Ganoon din naman kina Kuya kahapon, pero hayy... Si Mama talaga.

Nang hudyat na para magmartsa, napansin ko ang munting pag-uusap ng dalawa sa aming harapan. Para akong baliw na manghang-mangha roon. It's like taking a glimpse of their world that is far different from ours. What's wrong with me!

Kung totoo ngang magkapatid ito, hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang ang taas ng tingin ko kay Guillen. Maybe it runs in the blood. Kung bakit hindi ko maintindihan ang trato sa kanya ng ibang tao ay dahil hindi ko makita ang nakikita nila sa kanya.

For me, there's something in her air that deserves to be honored and respected. Mas malinaw na sa akin ngayon kung bakit.

Hindi na rin nagtagal nang nasa magkabilang gilid ko na sina Mama at Kuya habang naglakad sa aisle. Batid ko ang intrigang titig ng mga ka-batch naming nakapuwesto na sa kani-kanilang upuan.

Napangisi ako, plano sanang tuksuhin ang Kuya para pagaanin ang mabigat niyang timpla. Kaso lang, hindi ko na iyon natuloy nang nahuli ko itong nakatanaw sa aming harapan. Or more particularly, at Guillen...

I gasped and blinked repeatedly. What was that?

Inayos ko ang aking postura at pinasada ang tingin sa buong lugar.

"Good morning, everyone. It gives me great honor to welcome all our special guests here today," I smiled as I expressed my welcome remarks in front of everybody.

I was somehow relieved now that I saw Kuya making a smile.

"From our beloved families, friends, teachers, faculty members, to our principal, school administrators, visitors from partner schools, and especially, to my fellow completers of Class 20xx. Again, I am Ophelia Rizette Mallari to greet you a pleasant morning and welcome to the Moving Up Ceremony of Rouxton Academy."

I held my head high and took full advantage of this opportunity to bid my farewell in disguise to this place.

Sa mga sandaling iyon, halo-halong emosyon ang nag-uunahan upang mabigyang-pansin. Saya, pait, kirot, poot, at ginhawa. I seized every passing moment of the ceremony, thinking that I was then on the threshold of a new beginning after this.

Subalit kung mayroon man akong hindi inaasahan, iyon ay ang paglapit ng buong Section A sa akin pagkatapos ng ceremony.

"Finally! Congratulations to us, Section A!"

"Congrats, Ophelia! You did great!"

"We owe you half of our grades, Riz. The best ka!"

"Nakaka-proud ka kanina, Mallari! Muntik na kami mapasigaw ng kaklase namin 'yan!"

Natulala ako, hindi ko magawang maayos ang reasiyon sa samu't saring papuri at bating natatanggap mula sa mga kaklase, maging sa ibang ka-batch na lumalapit din upang mag-congrats.

Kung hindi pa ako yayakapin at pipisilin ni Apollo, baka pa inugatan na ako sa kinatatayuan.

"Picture naman tayong lahat! Remembrance!"

Iyon na nga ang nangyari. Hindi ko man lubos na inaasahan ang ganitong pagtanggap, pinili ko na lamang na maging masaya para sa huling pagkakataon.

Adjusting my cap and holding my medals, I laughed and smiled at every picture taking with them. Kaming mga honor ay mayroon ding photo op sa stage bago pahintulutan ang bawat section na gamitin iyon para sa picture taking. At masasabi kong maligaya ako sa mga nangyayari.

"Look at Guillen, she's surrounded by a huge crowd!" puna ng isang kaklase habang pababa kami ng entablado.

Napasulyap ako roon.

"Hula ko, dahil 'yan sa usap-usapang kapatid pala niya iyong guwapong student model ng Mackenzie!"

"Totoo pala? Parang ang layo, ha! Aside from the brain, the rest doesn't fit in!"

"Baka ampon?"

Hindi ako naging komportable sa tawanan ng mga kaklase. Kalaunan, nagparte-parte na rin kami para sa personal business ng bawat isa. Ganoon din si Apollo dahil hinahanap na ng pamilya nang napagpasyahan kong hanapin na sina Kuya.

I removed my cap and roamed my eyes around the venue. It was downright crowded and packed.

Mukhang mahihirapan ako nito dahil hindi ko dala ang phone ko. Inuna ko rin ang puwesto nila kanina pero wala na sila roon. Where are they? May salusalo pa mamaya sa bahay. Oh, no!

Mabilisan akong nag-CR dahil kanina pa rin ako naiihi. Nakita kong medyo hulas na ang makeup ko pero bahala na! Mapagtyatyagaan pa rin at ang mahalaga ngayon ay makita sina Mama.

Iyon ang tinatak ko sa isipan habang palinga-linga sa paligid. I was in the middle of casual pleasantries with a faculty member when I excused myself.

Is that Kuya? My forehead puckered.

I think I just saw the same dress shirt he was wearing at the back of the gym. Sa pagbabaka-sakaling siya nga iyon, hinagilap ko agad ang laylayan ng toga para mabilis makarating doon.

The place was low in foot traffic since it was somewhat a remote area. Kaya naman nang nakalapit, mabilis kong nakumpirma na tama ang hinala ko. Pero imbes na si Mama, laking gulat ko nang ibang babae ang kasama ni Kuya.

My jaw almost fell when I realized he was with our Valedictorian, my new friend... Guillen Cassidy Smith.

Sa kaba ay taranta akong napatago sa gilid. Kuya and Guillen were facing each other. The latter's head was down, while Kuya was more controlled and calm but serious. Napatakip ako ng bibig.

By the looks of it, they looked like they were talking about something serious and intimate. I couldn't believe my own eyes, alright! Sinong mag-aakalang magkakilala silang dalawa? Well, definitely not me!

Nanumbalik sa akin ang kakaibang kilos ni Kuya nitong mga nakaraan. Lalo na kanina sa pila, tahimik lang at mukhang may malalim na iniisip lagi. Posible kayang may kinalaman si Guillen dito?

"Oh? Nasaan ang Kuya mo? Anong oras na! Kailangan na nating umuwi!" si Mama nang natagpuan ko sa entrance ng gym.

Wala sa sarili akong napailing. "H-Hindi po ba kayo ang magkasama?"

Lalo lamang itong nainis. "Aba't kanina pa kita pinapahanap sa kanya dahil aalis na tayo! Hay naku! Tawagan mo, o!"

Tawagan?

Inabot ni Mama sa akin ang phone. I swallowed hard because as I dialed Kuya's number, the scene I saw a while back kept on appearing in my head. Hindi pa nakatulong na hindi nito sinasagot ang tawag kaya lalong uminit ang ulo ni Mama.

"Kayong dalawang magkapatid talaga! Bilisan mo na't hanapin mo. Magte-text ako kapag nandito na rin ang Kuya mo. Dalian mo dahil may salusalo pa mamaya!"

Wala na akong choice kundi ang bumalik sa loob ng gym. Kahit alam kong nasa likod sina Kuya, nagbabaka-sakali pa rin akong tapos na sila sa kung anong pinag-uusapan nila at nandito na rin sa loob.

After minutes of searching, I was startled to see Guillen again. But this time, she's not with Kuya anymore. If anything, she's with a number of students tulad ng sitwasyon niya kanina. Bagay na nakakapanibago dahil hindi naman sila ganito sa kanya dati.

I sighed. She looked uncomfortable, the more reason for me to go to her. Nang nagtama ang aming paningin, awtomatikong nagliwanag ang kanyang mukha na animo'y nakakita ng tagapagligtas.

"Hi, uh... Guillen!" I waved.

"Ophelia! Glad to see you here... Uhm, excuse me po," she pulled herself out of the crowd shyly to come to me.

Mukhang kanina pa siya walang magawa sa sitwasyon. Kaya ngayong nakakita na ng dahilan para makawala ay sinunggaban niya talaga.

Come to think of it. Wala naman akong nakikitang masama sa pag-uusap nila ni Kuya kaya okay lang siguro, hindi ba? At saka, mabuti na ring malihis siya sa mga ka-batch naming todo lapit sa kanya. I heard they're just fishing for information about that guy through her.

"Okay ka lang?" Inalalayan ko siyang makalapit sa akin.

"Uhm, yeah. Paalis na rin sana ako kaso..." She laughed softly. "It seems like I picked the wrong path."

Hmm. Nasa labas na siya kanina. Siguro'y iniisip niyang makakabuti kung bumalik dito para walang makahalata na galing siya sa labas?

"Anyway, you're here?" she asked curiously.

Nabalik sa kanya ang aking tingin. Tumango ako. "May itatanong lang sana ako."

Her lips parted, as if she didn't expect it from me but she's used to it.

Sandali, iniisip niya bang gaya rin ako ng mga ka-batch naming lalapit lang dahil sa student model na kasama niya?

Tinawa ko ang kanyang reaksiyon at winagwag ang mga kamay para pabulaanan iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa masikip na daan.

"Wait. Don't get the wrong idea, okay? Hindi ako nandito para sa... uh..." Napakamot ako sa sentido dahil hindi alam kung paano sasabihin nang hindi siya nao-offend.

"Kay Kuya?" she continued with a guess.

Tumpak! Tatango pa lang ako nang nabasa kong muli ang lungkot at dismaya sa kanyang reaksiyon. My pupils dilated.

"I-I mean, hindi para sa Kuya mo. Ni hindi ko alam na related kayo-"

"Yeah. I get that a lot..." matamlay niyang wika. "We're not alike and... I'm different."

"Huh? H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin! What I mean is, wala iyon sa isip ko. At iba ang gusto kong itanong sayo. Ang totoo nyan, tungkol sana sa Kuya-"

"Cass," came a rough and manly voice.

...ko.

Pero hindi ko na iyon natapos pa. Sabay naming hinarap ni Guillen ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.

I was taken aback the moment I saw it with my own naked eyes. The Giovanni Clark Smith was right in front us, who happened to be Guillen's older brother.

"Kuya! I'm sorry, it took me long to go back."

He nodded lightly before drifting his brooding eyes on me. It was overwhelming and too much to take that I was forced to strain a smile.

"H-Hello, Sir! Good afternoon!"

He gave me a nod and a quick smile.

"Congrats," he responded as he glanced at my Salutatorian stole.

Woah. That's new? Hindi ko inaasahang babatiin niya ako sa totoo lang. I wonder if he still remembers me from their COS?

"Thank you!" magalang kong pasasalamat.

Binalik lamang niya ang tingin kay Guillen.

Hmm. Mukhang hindi na. Okay, that's a relief dahil nakakahiya ang mga nangyari noon!

"Mama's looking for you. We should go ahead now."

"Sure, Kuya. But I just want to introduce my friend to you first," lingon sa akin ni Guillen na ikinagulantang ko. "Her name's Ophelia. She's kind to me and funny, too! Siya iyong na-mention ko before."

"You're friends," he said more than ask sabay lingon ulit sa akin, tila nananantya ang titig.

I gasped. "Uh, yes po. I-It's actually nice to see you again!"

"Sure. We met again, huh."

Pagak akong tumawa dahil kung minamalas ka nga naman, mukhang naaalala niya pa pala ako!

Napahimas ako sa aking batok.

"A-About last time, I apologize for..." I trailed off.

Dahil wala pa man sa kalahati ang sasabihin ko, hinila na niya ang manggas ng kanyang dress shirt upang silipin ang kanyang relo bago sulyapan si Guillen.

Pahiya kong naitikom ang bibig at pilit na lang ang ngiti habang nakatanaw sa kanila. That's okay, Riz. At least he's civil now I think?

"We're running late, Cass. You know Papa honors punctuality. Magpaalam ka na."

"Ah, right! Ophelia, I'm very sorry, but we should go now. Congratulations to us again! Until next time!" kaway niya sa akin.

Nauna nang tumalikod ang kanyang Kuya. I was distracted. Matagal tuloy bago ako napatikhim at kumaway na lang din.

Pagkalayo nila nang tuluyan, parang umuusok ang ilong ko sa inis. How can someone be so rude without even trying? 'Yon ba ang sinasabi nilang Mr. Perfect?! Guwapo lang pero ang rude at plastik!

And what's with those eyes? Tuwing napapagawi sa akin, akala mo'y mababang uri ang tinitignan o nanghuhusga lagi!

He learned how to greet back. At least! But couldn't he be more courteous? Bakit ang unfair pagdating sa akin? Kanina naman, nakikita kong ngumingiti at maayos ang tungo sa iba. Pero hindi sa akin.

What are the odds he'd give me that treatment? May kinalaman pa rin ba iyong nahuli ko siya sa storage area? O dahil akala niya, kinuwento ko iyon dati kay Apollo at pinagtatawanan namin siya?

Posible kaya iyon? Ngumuso ako at nagsimula na ring maglakad palabas ng gym.

If that's the case, then it only shows how pathetic he is. Ang tagal na noon pero hindi niya pa rin makalimutan? Kung sa bagay, it must be a stain on his ego. Nakakahiya at nadungisan ang inaalagaang imahe sa publiko. May isang tao sa mundo na tingin sa kanya ay engot. Ako iyon! Kaya naman bukod tangi ang tungo sa akin.

I sneered inwardly.

Iyon na lamang ang tanging posibilidad na nakikita ko kaya lalo akong nakumbinsi na kahit ang pinakasantong tao sa mundo ay may ego pa ring inaalagaan. Na kapag namantsahan ay nakasisira ng dignidad.

Nag-text si Mama na naroon na si Kuya. Isa pa ito. Marahas na lang akong bumuga ng hangin at nagmartsa na paalis.

 

 

December 25, 2020
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...