Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 21

316K 3.1K 264
By asherinakenza

Chapter 21

KYLE P.O.V

"Saan lakad natin?" sigaw sa akin ni Drake, pinsan ko. Mas matanda ako sa kanya ng limang taon.

"Susunduin ko ang girlfriend ko," sagot ko. Susunduin ko na si Kei, langya kasi apat na araw na pero hindi pa rin siya umuuwi. Okay lang naman sa akin kung gusto niya pang makasama ang pamilya niya, pero hindi ko kasi siya ma-contact, patay yung cellphone niya. Nag-aalala na ako sa kanya. Pati sila Jade tinatanong kung bakit hindi pa bumabalik sa trabaho si Kei.

Isa pa, monthsary namin kahapon. Sobra-sobrang kaba na yung nararamdaman ko. Natatakot ako nang hindi ko alam ang dahilan.

Ang huling pag-uusap namin ay nung dumating siya sa Laguna. Medyo hindi pa nga maayos 'yon dahil nagmamadali siya at parang umiiyak siya habang kausap ako. Dapat kasi sumama na ako sa kanya. Hindi pa naman niya dinala yung sasakyan niya.

"Woa. Hanep, may girlfriend ka na naman! Tangina, sasama ako. Gusto ko makilala 'yan." Para naman siyang namamangha sa sinabi ko. Bago pa ako makapagsalita binuksan na niya yung passenger seat ng kotse ko at sumakay na siya.

Sira ulo 'tong Drake na 'to. Sumakay na rin ako sa sasakyan ko.

"Baba. Gago ka ba? Oras namin 'to ng girlfriend ko." Inis na sabi ko.

"Dude naman, si Tine ba yan?"

"Gago! Ang tagal na naming hiwalay ni Tine." Singhal ko sa kanya.

"Naks! Sayang 'yon! Hot nun ah!" Tinignan ko siya ng masama.

"Wala akong pakialam kung hot or cold yung Tine na 'yon, basta bumaba ka na!" Sigaw ko sa kanya.


"Hahaha! Hanep Kuya Kyle, seryoso na ba ngayon 'yan? Ingat. Mahirap masaktan." Napatingin ako sa kanya dahil biglang naging seryoso ang boses niya.

"Alam mo dude, tayong mga lalaki, minsan na nga lang magseryoso, pero nasasaktan pa tayo ng sobra. Tangina akala ko nga dati mamamatay na ako sa sobrang sakit, pero hindi pala." Para siyang gago na nakangiti habang sinasabi 'yon, pero kita ko sa mukha niya na may halong lungkot 'yon.

Binatukan ko siya.

"Nagdadrama ka ba? Haha. Bumaba ka na baka mahawahan mo pa ako sa kadramahan mo." Natatawang sabi ko.



"O sige na! Sige na! Sinabi ko lang Kuya Kyle, masakit promise." Nakangiwing sabi niya bago bumaba ng sasakyan ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Drake. Naramdaman ko na dati 'yon kay Kei at ayoko nang maulit pa 'yon, nung araw na pinapalayo niya ako sa kanya at sinabi niyang gusto niya si Tom. Masakit nga sa dibdib 'yon, pero napalitan din kaagad ng saya dahil naramdaman ko namang ako talaga ang mahal niya.

Kinakabahan parin ako dahil kanina ko pa paulit-ulit tinatawagan ang cellphone niya pero iisa lang palagi ang sinasabi sa kabilang linya.

Sinubukan ko ulit at halos magwala ang dibdib ko nang may pumindot sa kabilang linya.

"Kei!!" Sigaw ko. Halos mapahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? Pakiramdam ko mababaliw na ako kaiisip kung anong nangyari sa'yo! Susunduin na kita ngayon, okay?" Para akong tanga dahil garalgal at nanginginig ang boses ko.

Pero natigilan ako nang marinig ko ang malamig niyang boses.

"Hindi na kailangan, nandito na ako sa unit ko."

Napakunot ang noo ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kei? May problema ba?" Langya kinakabahan ako.

"Mamaya na tayo mag usap." Halos magmura na ako sa loob ng sasakyan ko dahil sa kaba, dahil sa lamig ng pananalita niya. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa tower ng condo namin.

Binuksan ko ang unit niya at nadatnan kong nakaupo siya sa couch. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Dammit. I really miss her.

"Anong nangyari? Bakit hindi kita matawagan? Nag-alala ako sayo ng sobra." Bulong ko habang yakap-yakap ko siya, pero bumalik yung kaba ko kanina nang hindi ko maramdaman na tinanggap niya yung yakap ko. Sa halip, itinulak niya ako ng mahina.

Tinignan ko siya, at hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Pero parang pagod na pagod siya.

"What happened?" Untag ko.

Matagal niya akong tinignan sa mata. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon.

"Na-miss kita. Sobra." Bulong ko saka ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya.

Napansin kong lumunok muna siya bago nagsalita. At hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"I... I'm breaking up with you, Kyle."

Nabitawan ko ang kamay niya sa narinig ko. Nabibingi lang ako, 'di ba? Tumawa ako ng mahina.

"Baby, that's a bad joke." Pilit akong ngumiti kahit na labag sa loob ko.

Hinawakan ko ulit ang kamay niya, ngayon mas lalo kong hinigpitan ang paghawak d'on.


"Hindi ako nagbibiro. Tapusin na natin 'to." Nagwawala na naman yung puso ko, pero hindi dahil sa saya. Kundi dahil sa kaba.


Mas lalo akong lumapit sa kanya sa pagkakaupo.

"Hindi ba parang ang bilis ng mga pangyayari, Kyle? Hindi pa nga natin sigurado kung tayo talaga." Mapait na sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"No, baby, kung akala mo hindi ako sigurado sayo, ngayon pa lang sasabihin ko na, sigurado na akong ikaw ang gusto kong makasama." Ilang beses ko bang sinabi na siya na talaga? Gusto ko siya ang pakakasalan ko, gusto ko siya ang makakasama ko sa buhay, gusto ko siyang maging ina ng magiging anak ko.


"Pero hindi ako sigurado." Tinitigan ko siyang Mabuti. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Naramdaman kong parang may unti-unting kumikirot sa loob ng dibdib ko.

"Mahal mo naman ako, 'di ba?" Ang gago ng tanong ko.

"Pero hindi sapat 'yon para makasama kita habangbuhay, Kyle."

Hindi sapat? Para sa akin okay na 'yon! Kahit mahal niya lang ako, okay na! Kahit hindi yung tipong mahal na mahal o sobrang mahal! Yung simpleng mahal na lang niya ako magiging masaya na ako d'on!

Pilit niyang binitawan ang kamay ko at tumayo siya. Naglakad siya papunta sa pintuan at binuksan 'yon.

"Umalis ka na, Kyle. Gusto ko nang magpahinga." Malamig na sabi niya. Tangina. May nangyaring hindi maganda. Maayos naman kami bago kami bago siya umalis. Pero bakit biglang naging ganito?

Lumapit ako sa kanya at itinalpak ko yung pintuan, kinorner ko siya sa likod ng pinto at mariin kong pinagtama ang mata naming dalawa.





"Sabihin mo sa akin kung anong problema, Kei." Seryosong sabi ko, pero kahit anong gawin kong titig sa mga mata niya hindi ko na makita yung dating siya, yung dating masayang mata niya kapag nakikita niya ako.

"Wala nga, Kyle. Ang gusto ko lang tapusin na natin 'to!" Sigaw niya. Mariin kong ipinikit ang mata ko. Puta talaga, ayoko ng ganito. Ito ang pinakaayoko, ang palayuin niya ako sa kanya.

"Hindi mo gusto 'yang sinasabi mo Kei! Sabihin mo kung anong problema! Hindi yung bigla ka na lang magsasabi na tapusin na 'to!" Sigaw ko sa kanya. Nakita kong natakot siya sa pagsigaw ko pero kaagad din siyang nakabawi.

"GUSTO KO, KYLE! GUSTO KONG TAPUSIN NA 'TO!"

Mariin kong ikinuyom ang kamao ko at sinuntok ko yung pader sa gilid ng pintuan. Tangina, wala akong pakialam kahit dumugo pa yung kamay ko. Ang gusto ko malaman kung anong problema!

"Nagkamali ako, Kyle! Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko! Hindi ko dapat ipinagkatiwala sayo ang sarili ko! Nagsisisi ako dahil pinabayaan kong mapalapit ka sa akin kahit na una pa lang ang gusto ko lang ay makipaglaro sa'yo!" Sigaw niya sa akin. Ang gago, yung mata ko bigla na lang may tumulong luha. Pinagsisisihan niya lahat? Makipaglaro? Takte hindi ako naniniwala, hindi naman ako tanga para hindi makita at maramdaman na mahal niya ako!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Kei... .mahal na mahal kita. Okay naman tayo, 'di ba? Sabi ko sa'yo magtiwala ka sa akin. Bakit ayaw mong sabihin yung problema?"

"Ako ang problema dito, Kyle. Layuan mo na ako."

Niyakap ko siya. Yung sobrang higpit na yakap na parang ayaw ko na siyang bitiwan.

"Ayoko! Kei, mahal kita. Hindi ka naman siguro manhid para hindi maramdaman 'yon, 'di ba?" Lalong lumalala yung pagkirot ng dibdib ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Nanlalabo yung paningin ko dahil sa luhang tumutulo.

Itinulak niya ako. Ayoko talaga ng itinutulak niya ako palayo sa kanya, dahil parang sinasabi na rin niyang talagang ayaw niya sa akin.

"Hindi ba gagawin mo lahat ng gusto ko, Kyle? Pwes ito yung gusto ko, layuan mo na ako at tapusin na natin 'to! Pagod na ako, Kyle." Halos ibulong na lang niya 'yon dahil parang nagpipigil siya ng iyak.

Marahas kong isinabunot ang dalawang kamay ko sa aking buhok.

"Pagod?! Nak ng putcha naman Kei, ang bilis naman! Bago pa lang tayo nagsisimula tapos sasabihin mo sa akin na pagod ka na kaagad?! Ako, Kei! Matagal na kitang mahal pero kahit kailan hindi ako napagod na mahalin ka!" Langya! Ang sakit nga, tanginang Drake 'yon. Ito ang unang pagkakataon na umiyak ako ng ganito dahil sa babae. Pinapalayo niya ako, paano ako hindi magiging ganito?!

"Sinusumbatan mo ba ako, Kyle?" Dun na nagsimulang tumulo ang luha niya. Damn! Ayokong nakikitang umiiyak siya. Yung mga hikbi niyang nagpapasakit sa dibdib ko. Ayokong marinig ang mga 'yon. Ito, ito yung kahinaan ko eh, yung mga hikbi niya.

"Hindi kita sinusumbatan, Kei! Gusto ko lang malaman mo na kahit kailan hindi ako mapapagod na mahalin ka! Apat na araw akong parang gago na tawag nang tawag sayo pero patay yang lintik na cellphone mo! Sobrang nag-alala ako sa'yo! Halos mabaliw ako kaiisip kung ano bang nangyari sa'yo tapos ngayon na lang tayo nagkita 'yan pa ang ibubungad mo sa akin? Ang tapusin kung anong meron tayo? Ang gago lang kasi pakinggan, Kei! Higit sa lahat sobrang sakit." Yung kaninang kirot ng dibdib ko ngayon parang naninikip na, parang unti-unting may pumipiga sa loob ng dibdib ko. Sobrang sakit. Yung mata ko parang hindi nauubusan ng luha. Ganito yata talaga kapag mahal mo yung isang tao.


Namumula na rin ang mata niya sa kaiiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit din yung iniiyak niya o dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Tangina mahirap kasing manghula lalo na kapag parang walang tiwala sa'yo yung isang tao kahit na gaano mo pa siya kamahal.

"Sobrang sakit, Kei. Ginagawa ko naman lahat para maging masaya tayong dalawa, 'di ba? Pero bakit bumibitiw ka na?" Para akong batang humihikbi sa harapan niya. Kulang na lang lumuhod ako para lang bawiin niya yung mga sinabi niya.

"Hindi ako masaya, Kyle. Lahat nang ipinakita ko sayo hindi totoo." Umiiyak na bulong niya. Alam kong sinasabi niya lang 'yon para layuan ko na siya.

"Kei, tama na, h'wag ka nang magsinungaling. Kung ano man 'yang problema maaayos naman natin 'yan. Di ba nga sabi ko sayo tiwala lang? Pero putcha naman bakit ngayon pa lang parang wala ka ng tiwala sa akin?"

Pero imbis na sagutin niya ako marahas niyang binuksan ang pintuan ng unit niya.

"Lumabas ka na, Kyle!"

Pilit kong hinahawakan ang kamay niya pero pilit din siyang kumakawala sa mga hawak ko. Ayoko nito, ayokong ganito kami...

"No, Kei." Pagmamatigas ko. Pero ang pinakainiiwasan kong h'wag marinig mula sa kanya, narinig ko na.

"Hindi na kita mahal, Kyle."

Continue Reading

You'll Also Like

22.4K 1K 35
"I can't live and stay with you!" Mabilis kong tinalikuran ito. This woman! She's... She's-- "Why?" "Why not?" Marahas kong nilingon ito. "Think of...
439K 1.1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
462K 9.7K 38
Eos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hi...
44M 402K 112
Arranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?