~
Gabi na nag makauwi sa resort sina Gail at Yiohan, saktong pagdating nila ay may tumawag sa phone ni Gail. Sinagot naman niya agad yun.
"Hello? Oh Emon, bakit napatawag ka?" Tanong ni Gail.
"Pinapasabi ni Milee kay Yohan na maraming salamat daw dahil success ang operasyon pero, pinapasabi niya rin sayo Gail na mawawala daw muna siya sa work niya at hindi niya alam ang araw ng balik niya." Sagot naman ni Emon sa kabilang linya. Napalitan ng lungkot ang mukha ni Gail pero pinilit niya ang maging okay.
"Pupunta nga pala siya diyan bukas para daw makapag paalam siya sayo ng maayos." Muling sabi ni Emon kaya naman sumagot na si Gail.
"Ah okay sige, pakisabi sa kanya na hihintayin ko siya." Sagot naman ni Gail.
Mayamaya pa ay natapos na ang tawag. Ibinaba na ni Gail ang phone niya saka siya napabuntong-hininga. Napansin naman siya ni Yohan kaya di niya napigilan ang magtanong.
"Sino yung kausap mo?" Tanong ni Yohan.
"Ah, si Emon yung kuya ni Milee tungkol dun sa pagpapaopera sa papa niya ay success naman daw at salamat na rin daw sabi ni Milee." Tipid-ngiting na sagot ni Gail kay Yohan.
"Tulong ko na din sa kanya yun, at hindi na niya ako kailangan bayaran pa." Sagot na lang Yohan, pero si Gail ay hindi maalis ang lungkot sa kanyang mukha.
"Bukas, pupunta na si Milee dito at magpapaalam na siya sakin."
"Magpapaalam?" Takang tanong ni Yohan.
"Ngayon lang mangyayari samin to, ngayon lang kami magkakahiwalay. Sigurado ako na tuluyan na siyang aalis bukas." Hindi maialis ni Gail ang sobrang lungkot dahil yun ang unang pagkakataon na hindi niya makakasama ang best friend niya. Nasanay na siya na lagi silang magkasama.
Napansin na lang ni Gail na tumutulo na pala ang mga luha niya. Agad niya yung pinunasan.
"Sigurado ka ba na aalis siya? Di ka ba sanay na wala siya?" Tanong ni Yohan.
"Oo, sure ako dun. Sa nangyari ngayon sa pamilya niya ay sigurado akong kailangan nila si Milee doon. At oo, tama ka. Hindi nga ako sanay ng wala sa tabi ko si Milee." Sagot naman ni Gail.
Naisipan ni Gail ang umupo sa may isang malaking bato malapit sa kubo at pinagmasdan ang dagat. Kitang kita doon ang kalinawan ng kalangitan sa sobrang dami ng stars.
"Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko." Pigil sa sariling sabi ni Gail kaya naman lumapit sa kanya si Yohan at hinawakan siya sa balikat.
"Alam mo, naiintindihan ko ang nararamdaman mo Gail pero hindi sa lahat ng oras kailangan kasama mo siya. Siguro eto na yung panahon para magkaroon kayo ng sari-sariling buhay." Sagot naman sa kanya ni Yohan, nilingon ni Gail si Yohan at nginitian.
Tinitigan naman ni Yohan sa mga mata niya si Gail na para bang gusto niyang ipahiwatig na tanggapin niya sana ang pagbabagong ito sa pagitan nila ni Milee.
"Pero, si Milee lang ang mapagsasabihan ko ng mga problema ko, siya na ang nagsilbi kong sandigan sa lahat ng bagay. Kailangan ko si Milee." Sagot anamn ni Gail.
Napabuntong-hininga si Yohan saka niya pinantayan si Gail at muli ay tiningnan sa mga mata niya.
"Okay lang ba sayo kung sakaling, hingin ko na sakin ka magtiwala?" Tanong ni Yohan na ikinagulat ni Gail.
Natagalan si Gail bago sumagot. Sa totoo ay nabigla siya at hindi niya inakalang si Yohan ay hihingin ang isang bagay na minsan mahirap ibigay. Nagiisip siya kung ano nga ba dapat ang maging sagot niya.
"Yohan..." Ang tanging nasabi ni Gail dahil medyo naguguluhan siya.
"Gail, kung sakaling ibibigay mo sakin ang tiwala mo. Ipapangako ko sayo na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang binigay mo." Sincere na sabi ni Yohan.
Nakaramdam ng kaba at pagkalito si Gail. "Magtitiwala nga ba ako sa kanya?"
Matapos ang ilang minuto ay naisipan na nilang pumasok sa mga kwarto nila. Hinintay muna ni Yohan na pumasok si Gail sa kwarto nito bago siya dumiretso sa bahay niya.
"Pasensya na Gail kung hindi dahil sakin malamang sasama ka uli kay Milee hindi ko alam kung bakit mas gusto pa kitang makilala." Sa isipan ni Yohan. "Good Night." Huling sabi ni Yohan bago siya pumasok ng tuluyan sa bahay niya.
Samantala, napasandal si Gail sa likod ng pintuan ng kwarto niya at napasip.
"Susundin ko ang sasabihin ng puso ko, susubukan kong pagkatiwalaan ka."
~
REVISED!