We Got Haunted (On-Going Stor...

By ramz17

1.2K 47 36

More

We Got Haunted (On-Going Story)
I. Star Struck
II. Plan
III. Section Zeus
IV: Before... (Part 1)
V: Before... (Part 2)
VI: Before (part 3)
VII: Before (Part 4)
VII: PASAKAY... (PART 1)

VIII: My New Found Friend (Liana Aria Jimenez) (Part 2)

12 0 0
By ramz17

VIII: My New Found Friend (Liana Aria Jimenez) (Part 2)

Narration...

FLASH BACK:

Pinarenovate ang buong compound ng orphanage ng mga Morgan at ginawa itong eskwelahan para sa mga batang matatalino na at mga batang walang pang aral.

"Kuya, anong balak nila dad sa Old building na yun?" turo pa ni Moniexien sa Old building na natira nung nasunog ang orphanage.

Halos matupok din kasi ng sunog ang building na yun nung mga oras na yun buti na lang at naagapan pa ng mga bumbero ang sunog. Ang pinagtataka lang naman ng mga bagong may hawak ng school ay bakit hindi yun sinama sa renovation.

Pinuntarahan at inayos ang building pero di gaya ng ibang building ay lahat bago na.

"Laboratory... if I'm not mistaken tambakan din ng mga lumang gamit ngayon yan." Sagot naman ni Bryle sa kapatid.

"Tambakan ka mo ng mga patay nung nasunog ang buong orphanage." Biro naman nitong si Zack.

"-_- kuya naman eh! Marinig ka na naman ni Staycee niyan magiiyak na naman yun." Bulyaw naman ni Moniexien sa kapatid niya.

"saan na nga pala si kambal?" tanong naman ni Axe ng mapansin wala ang kakambal niya.

"nasa Old building... laboratory kasi yun so lahat ng mga experiment doon gagawin alam niyo naman siya ang bagong head regarding sa renovation ng Morgan and yun na lang ang natitirang building na di pa naayos." Sagot naman ni Bryle.

"diba may laboratory sa new buildings natin? Bat pati doon ginagawan pa." curious na tanong naman ni Axe.

"doon daw kasi gagawin lahat ng mga maseselang laboratory experiments para iwas sa nangyari before." Sagot naman ni Moniexien.

"teka, diba may pre. Med. Tayo sa academy... you mean to say yung "MASESELANG LABORATORY EXPERIMENTS" na sinasabi mo eh doon gagawin... to be specific... di lang DISECTING ng HAYOP ang gagawin doon... Cadavers. Etc.." Walang ka arte arteng sabi naman ni Zack na parang wala silang ibang kasamang tao na natatakot :3.

"so it means may morgue doon?" mabilis na balik tanong naman ni Moniexien sa kapatid.

Nagtinginan na lang ang dalawang lalaki na si Bryle and Zack.

Laboratory...

"sir, sure po ba kayong kaya niyo ng magisa dito?" tanong ng isa sa mga nagtatrabaho sa academy kay Terrence.

"Oho, ako na po ang bahala may titignan lang po ako sa mga lumang gamit." Magalang na sagot naman niya dahil may katandaan na rin ang babae.

Nasa stockroom si Terrence ngayon kung saan dinala ang mga lumang gamit ng academy...

*remember the room where Selestine founds the old album from past chapter*

Bigla na lang kasi niyang naisip na maghanap ng mga bagay na natira nung araw na nasunog ang academy... nung mga panahong orphanage pa ang buong lugar.

Ilang taon palang silang mag kakapatid noon ng ipinatayo ng mga Morgan ang orphanage. At sa di malamang kadahilanan ay nasunog iyon at sa kasamaang palad madaming namatay na mga bata at iba pang kinupkop ng orphanage.

"Morgan" basa ni Terrence sa naka sulat sa isang makapal na libro na nakita niya... *photo album na nakita ni Selestine*

Binuksan ni Terrence ang nakita niyang album at doon niya nalaman na isa yun sa mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya nung mga panahong Orphanage palang ang academy.

Natatawa siya sa mga pictures na nakikita sa mga album dahil ang album na yun ay puro kambal niya ang may kuha sa mga pictures, palagi silang nagkukuhahan ng pictures sa lugar na yun noon dahil madalas silang bumisita sa orphanage.

Sunod sunod lang niyang nililipat ang bawat pahina ng mga pictures dahil puro kalokohan lang naman ang mga kuha...

Napatid si Bryle...

Nahulog sa swing si Moniexien...

Madungis ang Mukha ni Jade kakain ng chocolates...

Etc...

Natigilan na lang siya ng mapunta na siya sa pahina na kung saan siya ang nasa mga sumunod na pictures...

Magkatalikuran sila nang isang batang babae...

Nakangiti siya habang nililingon ang batang babae...

Namumula naman ang batang babae na halatang nahihiya sa kanya...

"Aria..." mahinang banggit niya ng Makita niya ang picture.

Sunod sunod din niyang tinignan ang iba pang mga kuha ni Aria kasama sila habang naglalaro.

Unti –unti din bumabalik sa alaala niya kung gaano kasaya noon ang orphanage nung bago pa ito masunog.

Madaming bata silang nakilala at nakalaro, isa na doon si Aria... Liana Aria Jimenez.

Baby pa lang si Aria ng Iwan siya sa mga Madre na nasa orphanage noon, sa kwento ng mga madre noon nawala daw sa tamang pagiisip ang magulang ng bata dahil iniwan siya ng kanyang asawa at sumama sa ibang babae...

Napilitang kunin sa kanya ng mga kamaganak niya si Aria at dinala sa orphanage dahil di rin naman nila kayang tustusan ang bata dahil may mga sarili silang anak.

Gusto din sanang kupkupin nang mga madre ang ina nito pero paulit ulit daw itong tumatakas hanggang sa nakita na lang ang katawan ng ina nito sa puno kung saan siya nagpatiwakal.

Hanggang ngayon, madalas pa rin pinaguusapan ang lugar kung saan nakatayo ang puno na yun. Sa may likurang parte ngayon ng Academy.

Ayon sa mga nagtatrabaho sa academy madalas daw silang may nakikitang babae doon sa tuwing malapit nang lumubog ang araw...

Isang babaeng tila may hinihintay na bumalik...

Pinaniniwalaan ding yun ang Ina ni Aria dahil doon ang puno kung saan ito nawalan ng buhay.

Simula nung mangyari ang insidenteng yun, ni isa wala nang nagtangkang pumunta sa gawing yun ng Orphanage.

Maliban kay Aria...

Palagi daw siyang nakikita sa punong yun at naglalaro magisa... minsan na rin daw siyang nahuling nagsasalitang magisa na para bang may kausap pero wala naman talaga.

Madalas tuloy siyang tuksuin at iwasan dahil naisip nilang baliw din ang bata.

Hanggang sa nagkakilala sila ni Terrence.

Ayaw na ayaw ni Terrence sa ingay o kung ano mang makakapagpairita sa kanya hanggang sa naisipan niyang taguan ang kakambal niya at napunta sa isang lake kung saan nakatayo ang puno.

Naisipan niyang doon na lang muna maglagi sa tuwing pupunta sa orphanage dahil tahimik ang lugar, hindi rin naman kasi siya likas na matatakutin kaya di siya naniniwala sa mga kwento kwento tungkol sa lugar na iyon.

Doon niya nakita si Aria...

Nagdrawing mag isa kaya naisipan niyang itong lapitan.

"lagyan mo ng duyan dito para mas magandang tignan." Sabi pa nito ng makita niya ang dinodrawing ni Aria.

"huh?!" nagtataka at gulat na tanong ni Aria sa kanya.

"amin na nga ako na lang ang maglalagay." Sabay agaw ng lapis ni Aria at sinimulang drawingan ang ginagawa ni Aria. Pinagmasdan lang siya ni Aria at di maiwasang mapangiti.

"oh ayan tapos na." tsaka niya binalik ang lapis at drawing book ni Aria sa kanya. Tinignan naman ni Aria agad ang drawing ni Terrence.

"oo nga mas maganda ang galing." Manghang sabi pa niya... Garden po kasi ang dinodrawing niya at nilagyan yun ni Terrence ng duyan sa may gitna ng mga bulaklak.

"tss" pagsusungit naman nito.

"salamat ^_^" nakangiting sabi niya na para bang di man lang pinansin ang pagsusungit ng kausap niya.

Di lang sumagot si Terrence naglakad lang ito sa may baba ng puno at doon nahiga sa may ugat ng puno at natulog.

"hoy bata..." sabay tusok pa ni Aria sa Pisngi ni Terrence para ibukas ang mga mata.

"wag kang magulo matutulog ako." Antok na sabi naman ni Terrence na hindi man lang binubuksan ang mata. Pinatong pa niya ang braso niya sa mga mata niya.

Tumabi lang si Aria sa kanya at ginaya siya hanggang sa makaidlip silang pareho at di na nila na Malayan na magkadikit na ang mga ulo nila na natutulog.

END OF FLASHBACK.

.................................

Staycee Lemi Morgan...

"Mommy! alis na po ako babye!" kiniss ko na agad ang cheek ni mommy ng mabilis naku dumidilim na ayoko pumasok sa building na yun mag isa baka nandoon na sila lahat.

"Ingat Staycee uwi kayo agad pagkatapos huh?" sigaw pa ni mommy bago ako makasakay sa kotse tumango lang ako at itinaas ang kamay ko para magpaalam ulit sa kanya at madali kong sinabihan ang driver namin para maka alis na.

"nakuha na kaya nina Flynn and Cleaniah yung mga cookies kina Sel?*Q*" tanong ko sa sarili. Naku excited na ko kumain mamaya hihihihi matawagan nga sila.

*dial ng no. ni Flynn*

Operator: "the number you have dial is either unavailable or out of coverage area please check the number and dial again."

"Ay ano ba naman yang si Flynn ngayon pa nakapatay ang phone, si Cleaniah na nga lang."

*dial ng no. ni Cleniah*

Operator: "the number you have dial is either unavailable or out of coverage area please check the number and dial again."

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!! Bakit di ko sila matawagan??? -_- baka kinain na nila yung cookies!

*tawag kay Claire*

"Hello Claire nasa school kana? Nandyan na ba sina Flynn? Di ko kasi sila matawagan eh." Sunod sunod na tanong k okay Claire pagkasagot ng phone niya.

"Ahh ehh wala pa... na iwan kasi ako ni Sam nauna na siya baka papunta pa lang sila Cleniah papunta na rin naman ako eh." Sagot naman nito sa akin.

"ok sige papunta na rin ako kita tayo sa may harap ng Laboratory huh? wait mo ko." Sabi ko naman pano kasi takot ako pumasok doon lalo na sa mga biro ni tito Zack nung isang gabi.

"Ok sige text text na lang." sabay baba na rin niya ng tawag ko.

"Yung totoo... experiments ba gagawin niyo o ghost hunting?"

"Balita ko pinamumugaran na yun ng mga kaluluwang ligaw."

"kung ako sayo magbaon ka ng madaming dasal samahan mo na rin ng rosary."

Sunod sunod ang nagawa kong paglunok ng maalala ko ang mga sinabi ni tito Zack at tita Axe waaaaaa natatakot ako!.

*tinawagan si tito Bryle*

"Hello pretty ^_^" nakangiting sagot ni tito Bryle nang sinagot niya ang tawag ko halata naman sa boses niya na nakangiti siya.

"Tito nasa school ka pa?" nakapout na tanong ko ayaw ko kasing pa halata na natatakot ako baka mapagtawanan na naman ako.

"yes, sa may HR building ako ngayon, nasa school kana ba?" malambing na sagot naman niya.

"I'm on my way now... malapit na rin ako." Tumingin pa ko sa daan para macheck kung malapit na nga ako.

"ok ingat ok? Just call me if you need something."

"Ok tito... Bye." Paalam ko sa kanya at binaba ko na agad ang tawag.

*sigh*

Tinatakot lang siguro talaga ako nila tito kaya ako nagkakaganito...

Bakit ba kasi napaka matatakutin ko...

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makaiglip kahit papano...

............................

"Mam nandito na po tayo." Nagising ako sa driver ko.

Nandito nap ala kami kaagad at ang bilis ko rin nakaidlip.

"salamat po, pwede na po kayong umuwi tatawag na lang po ako mamaya para magpasundo para po makapagpahinga na rin po kayo." Nakangiting sabi ko sa driver naming bago pa ko tuluyang lumabas ng kotse.

Nginitian niya lang ako at yumuko pagkatapos.

Pagalis naman ng driver madali akong pumunta sa may gawi ng laboratory building.

"God... it looks too old... and creepy." Nasabi ko na lang sa sarili ko habang papalapit ako dito.

Wala pa si Claire sa may harap kaya di muna ko pumasok umupo lang ako sa may hagdan sa harap nito para maghintay... wala din yung guard baka nagroround na din sila... may mga ilang ilaw na nakabukas sa may ibang floor baka sina Selestine at Xile yun ayoko nga mangistorbo sa pagaayos nila.

Ilang minute rin akong naghihintay pero di pa rin dumadating si Claire at lalong di siya nagrereply sa akin ano ba naman yan!

Maya maya pa may mga boses ng mga bata akong naririnig na nagtatawanan.

At ginabi pa talaga sila dito.

May nakita akong isang batang babae na parang may hinahabol... isang magandang batang babae.

"uy bata! Wag kayo maglaro dyan nakakatakot dyan!" bulyaw ko pa sa kanila na nagsisistakbuhan sa may hallway sa ground floor.

Lumingon naman yung batang babae at nginitian ako... ang ganda niya talaga. Pero tumakbo rin ito para habulin ulit ang mga kasama niyang bata.

"Uy bata wag kayo maglaro dito bawal kayo dito gabi na!" bulyaw ko pa dahil pumunta sila sa may madilim na part ng building.

Sa sobrang alala ko na baka maligaw pa sila eh sinundan ko na rin sila baka kasi hanapin pa sila wala pa naman silang kasama.

........

NARRATION...

"Staycee!" tawag ni Claire kay Staycee ng makita niya itong nakatayo sa harap ng building na parang may tinitignan sa loob.

"Staycee!!!" sigaw pa nito habang palapit sa building pero mukhang di siya na ririnig ni Staycee kahit medyo malakas na ang boses, naisip na lang niya na baka nakaheadset ito.

Maya maya pa sa di kalayuan...

"Sta----"

Putol na sabi niya dahil narinig niyang nagsalita ang kaibigan.

"Uy bata wag kayo maglaro dito bawal kayo dito gabi na!"

Nagtaka na lang ito dahil meron pala siyang kausap... pero sino naman?

eh sino naman? Eh siya lang namang magisa na nandoon.

"uy!!!! Staycee!!!!!!!!!" sigaw pa nito ng pagkalakas lakas na kahit ilang metro na lang naman ang layo eh di pa rin siya naririnig ng kaibigan niya nang tangkain niya itong lapitan tsaka naman tumakbo si Staycee na para bang may hinahabol.

Nang maisipan niya sana itong sundan kaagad namang nawala doon si Staycee kung saan siya gawing nagpunta.

Cut!.

Continue Reading

You'll Also Like

273K 17.1K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
44.6K 932 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
563K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024