Cifer Lead Me to Hell (My Gua...

Por erinedipity

100K 3.3K 249

First Installment: http://www.wattpad.com/story/7998990-my-guardian-is-fresh-from-hell Más

PROLOGUE
[1] New Mission... Impossible?
[2] Closed Fist
[3] Dale
[4] Love Affair?
[5] Conscience
[6] Her Guardian Angel
[7] Promise Me a Lie
[8] Reunion of the Bizarre Love Triangle
[9] Decide Now
[10] Bye Cifer
[11] Please Don't
[12] Their Past
[13] Angel's Kiss
[15] Fallen Angel
[16] Unveiling the Truth
EPILOGUE

[14] Satan's Body

3.6K 136 4
Por erinedipity

[14] Satan’s Body

//Cifer Capulet’s Point of View//

“Ano Cifer? Magdesisyon ka na. Tandaan mo, hindi ka hinihintay ng oras.” 

Napatingin ako ng matalim kay Bossing. Bakit ba niya ako pinapakialaman?! 

“Si Astarotte lang ang makakagawa ‘non.” Pahayag ko.

“Hindi Cifer. Nakalimutan mo na ba? Makapangyarihan ako.” Wika nito sabay ngisi, “Kaya kong gawin kahit ano.”

“Bakit?!” Tanong ko rito.

“Dahil ‘yun ang dapat. Cifer, kaaway mo si Dale. Siya ang may kasalanan kung bakit naghihirap ka—kung bakit nasasaktan ka. Hindi ba dapat lang turuan mo siya ng leksyon?” Isang mapanuksong ngiti ang muli ay sumilay sa labi ni Bossing. 

Hindi ko naiintindihan. 

Noong unang beses na umalis ako rito sa underworld, sabi niya kailangan kong sunduin si Astarotte. Sabi niya wala akong magagawa, hindi ko mapipigilan ang pagkamatay niya at dapat daw ay mapunta siya rito—sa impyerno. 

Pero bakit ngayon? Bakit parang iba na ang binabalak niya? 

Inaalok niya akong makita ng lahat. Inaalok niya ako para makita ni Dale. Para makalaban ko si Dale. Para mapatay ko si Dale. Pero hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Kung anong binabalak niya. Hindi naman matulungin si Bossing—alam ng lahat iyon. Pero bakit parang ‘yun ang ginagawa niya ngayon? Anong binabalak niya? 

Habang nakatitig ako sa mapanlinlang na mga mata ni Bossing ay naalala ko ang kasunduan namin ni Ava—hindi namin papatayin si Star at si Dale. Paglalayuin lang. 

Sapat na ang kasunduang ‘yun para hindi ako pumayag sa inaalok ni Bossing kahit gustong-gusto kong patayin si Dale. Dahil tumutupad ako sa pangako. 

“Ayoko. May kasunduan kami ni Ava—” 

“Ava!” Napatayo si Bossing at galit na galit na naipalo ang kanyang kamay sa lamesang nasa harapan niya. Agad na nagliyab ang mesang iyon dahil sa tindi ng galit at kapangyarihan ni Bossing, “Demonyo tayo Cifer! Hindi tayo sumusunod sa kahit anong kasunduan!” Bulalas nito. Makikita ang nagngingitngitan niyang mga ngipin—o pangil. Ang paghaba ng kanyang sungay at ang marahas na paggalaw ng kanyang buntot. 

Bakit ba nagagalit ng ganito si Bossing? Nang dahil sa hindi ako pumayag ay nagagalit siya? O dahil sa hindi ko kayang hindi tumupad sa isang kasunduan? 

“Tandaan mo Cifer—demonyo tayo! Masama! Walang isang salita! Hindi nating ugaling tumupad sa kahit anong kasunduan!” Nag-aalab ang mga mata ni Bossing sa galit. Nakakapanindig balahibo ang pagtingin doon. 

Inayos ko ang upo ko at tumingin muli sa kanya. Habang nakatingin ako sa nag-aalab niyang mga mata at iniisip ko kung anong magiging desisyon ko. Kung tatanggapin ko ba. 

Kung mapapatay ko si Dale, magagalit si Ava—masasaktan siya. Kung mabuti siyang tao, mapupunta siya sa langit pero kung masama… makakasama siya ni Ava. Pero sa nakikita ko, mukhang mabait naman si Dale. Kaya siguradong mapupunta siya run sa langit. Hindi siya makakasama ni Ava. Malulungkot si Ava, masasaktan siya. 

Kahit naman papaano’y may pinagsamahan din kami ni Ava noong nabubuhay pa kami—pero iba na ngayon. Tulad nga ng sinabi ni Bossing—hindi kami tumutupad ng kahit anong pangako o kasunduan. 

Kung papatayin ko si Dale… makukuha ko si Astarotte… babalik na siya sa akin. 

Yun ang gusto ko… demonyo ako, makasarili ako. Tama, kailangang mawala ni Dale…

Tumayo ako, “Tinatanggap ko na. Sige, gawin mo ang lahat para makita ako ni Dale. Lalabanan ko siya. Papatayin ko siya.” 

Nanumbalik ang mapanuksong ngiti ni Bossing at humalakhak ito ng napakalakas kasabay ng pagliyab ng nagbabagang apoy sa paligid namin. 

================

Bumalik ako ng lupa para makita na ako ni Dale. Para matapos na ‘tong lahat. Para makasama ko na ulit si Star. Para bumalik na siya sa akin. 

Sumaglit muna ako sa tapat ng bahay nila Star at pinagmasdan ang bintana sa kwarto ni Star. Wala akong maaninag, wala akong makitang kahit ano—kahit anong pigura—wala ni anino ni Star. 

Nalungkot ako sa pangyayaring iyon. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Star. Sobra-sobra na ang pangungulilang nadarama ko. Gustong-gusto ko na siyang hagkan at yapusin, paulanan siya ng halik at ulit-ulitin sa tapat ng tenga niya kung gaano siya kaimportante sa akin—kung gaano ko siya kamahal. Gusto ko ring iparating sa kanya kung gaano ako naiinis at nagagalit tuwing ibang tao ang gumagawa nun sa kanya—sa tuwing magkasama sila ni Dale. Naiinis ako, nagagalit, nasasaktan… 

Paalis na sana ako’t tutungo na sa kinaroroonan ni Dale nang tumambad sa aking harapan ang pigura ng isang babaeng may dalawang pares ng mapuputi at malalaking pakpak. 

Napangisi ako.

Anj…

“Cifer…” Sambit nito habang papalapit sa akin.

Ngumisi ako, “Hindi pa ba sapat ang nakita mo nung isang araw?” Tanong ko rito.

“Hindi ako naniniwala—”

“Wala akong pakialam kung naniniwala ka man o hindi. Wala. Akong. Pakialam.” Wika ko sa kanya at tuluyan ko na siyang nilagpasan. 

Subalit mabilis niya akong niyakap mula sa likuran. Damang-dama ko ang pagtibok ng puso niya, ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang nanginginig niyang mga daliri habang nakapulupot ito sa akin. Ang punong-puno ng luha niyang mga mata habang nakasandal ang ulo nito sa likuran ko. 

Hindi ako naaawa. Lalong-lalo na sa isang anghel. Wala akong awa pagdating sa mga katulad nila. 

Inalis ko ang kamay nito sa akin at humarap ako sa kanya. 

“Tumigil ka na.” Seryoso kong sabi, “Demonyo ako, Anj. Intindihin mo na lang ‘yun!” 

“Pero mahal kita—mahal na mahal kita!” Bulalas nito sa aking harapan.

Napailing ako. Sigurado akong mapaparusahan siya sa langit kapag bumalik siya run. O siguro, kapag hindi na nakapagtimpi ‘yung ibang anghel ‘dun, baka bigla na lang siyang dagitin dito sa lupa. Una, dahil sa hindi niya binabantayan ‘yung taong naka-assign sa kanya at pangalawa… dahil isang demonyo ang itinibok ng puso niya. 

“Pero hindi kita mahal.” Sambit ko. At unti-unting sumilay sa aking labi ang isang ngisi, “Wala akong ibang mamahalin kundi si Astarotte. Si Astarotte lang… wala ng iba.” 

Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot at sakit. Hindi ko maiwasang maalala ang paghihiwalay namin ni Astarotte noon. Nang sabihin niya sa aking may sakit si Dale at mas kailangan siya nito. Nang sabihin niya aking hindi na kami pwede dahil marami ng nagbago simula nang iwan ko siya at mabuhay siya ng wala ako sa loob ng apat na taon. Yung lungkot at sakit na naramdaman ko—nakikita ko kay Anj. Pero hindi kagaya niya—hindi ako anghel. Demonyo ako, lahat ng bagay para sa akin ay kaya kong haluan ng galit at poot lalo na ng kasamaan. 

Galit, poot, iyon ang mga bagay na nakakapagpatigas ng puso ng tao. Iyon ang mga bagay na nakakapagpatatag sa kanila. Iyon ang dalawang bagay na kailangan nila para maging malakas at matapang. At iyon, ang ginagamit ko ngayon para makaya ko pang mahalin si Astarotte. 

Tuluyan ko nang tinalikuran si Anj, subalit muli akong tumingin sa bintana ng kwarto ni Astarotte, doon ay nasilayan ko ang isang pigura—at dalawang lumuluhang mga mata na nakatitig sa akin. 

Astarotte… Star…

Alam kong mahal mo pa rin ako, pero bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Tayo? 

Babalik din tayo sa dati Star… tatapusin ko lang ‘tong laban na ‘to. 

Tatapusin ko lang si Dale.

Para pwede na ulit tayo. Para hindi ka na ulit lumayo. 

//Ava’s Point of View//

Bored na bored ako sa pagbabantay kay Dale. Nakakainis! Kung hindi lang talaga ‘to gwapo at kung hindi ko nga lang ‘to mahal—ahem, eh baka iniwan ko na ‘to. Hmpf! Eh kase naman, umalis kaagad si pareng Cifer eh gusto kong magkwento pa siya ng kung anong nangyari sa kanya habang magkasama sila ni Star niya. You know, I want to know their love story para naman mainggit ako sa kanya =_______=

Pero aish! Ah teka! Saan ba kasi pupunta si Dale? Kanina pa siya palakad-lakad eh may kotse naman siya! 

Tapos… tumigil siya sa isang bahay? Okay, I know this mansion. Kina Astarotte ‘to eh =______= Hmpf! Magseselos na naman ‘yung ganda ko sa babaeng ‘yun! Yae na, alam ko namang mahal nitong babaeng ‘to si Cifer eh. 

Pero imbes na dumiretso si Dale sa bahay nila Astarotte… dumiretso siya sa isang bench sa may ‘di kalayuan kung saan nakaupo ang isang umiiyak na… 

Anak ng pusang gala! Anghel ‘yun ah! Putek! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakakakita ako ng anghel! 

Pero wait… sht! Nakakakita siya ng… anghel?! Tapos… tapos ako hindi niya makita?! O________________O

Nilapitan niya ‘yung anghel tapos umupo siya sa tabi nun pero… nakangisi siya? 

Then as if like he’s on flame… no… 

It’s more like he became… 

“Fvck, Satan!”

Seguir leyendo

También te gustarán

La Bella Dama Por ulan

Ficción histórica

717K 4.5K 10
"If not in the past nor in the present, could it be in the near future?" Yra, a girl from the present, time travelled back to the past and in order f...
61.1K 2.4K 38
(Battle of Manila 1945, Post World War II to Contemporary History) Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mapunta si James Salvacion sa taong 1945...
109K 2.7K 52
What will you do if you end up in someone else body?
71.1K 1.8K 39
Mayroon na talagang nagmamay-ari ng puso ni Aurelia-si Serafin, ang kanyang una at sana'y huli na ring pagsinta. Napakatindi ng pagmamahal niya para...