[2] Closed Fist

5.9K 225 8
                                    

Nakatayo na ako sa tapat ng tinutuluyan ni Astarotte ngayon. Isang tawiran na lamang ay makikita ko na ulit siya. Ang tanging iniisip ko lang ay ang magiging reaksyon niya kapag nagkita muli kami…

Andito na ulit ako, Star.

[2] Closed Fist

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Napasinghap na lamang ako habang nakatingin sa huling alaalang iniwan ni Cifer sa akin. Nararamdaman ko na naman ang pangungulila ko sa kanya. Naiisip ko pa rin siya… palagi.

Apat na taon na ‘yung lumipas pero masasabi kong siya pa rin. Siya pa rin ‘yung laman nitong puso ko. Kahit alam kong malabo nang magkita pa kami ulit. Anong magagawa ko? Hindi ko talaga siya kayang kalimutan –at hindi ko siya pwedeng kalimutan.

Sa loob ng apat na taon na ‘yun, marami ring nagbago. Naka-graduate ako ng business management kasabay ni Farrah. May sari-sarili kasi kaming kompanya. Ako? Trainee pa lang ni Daddy, kapag daw marami na akong natutunan, ipapangalan na sa akin ni Daddy ‘yung company. 

Sa loob din ng apat na taon, marami akong nakilala na nakapagbalik ng ngiti sa labi ko. Kaya kahit papaano naging madali para sa aking maging masaya ulit… kahit wala si Cifer.

“Yan ba ang naka-move on, ha Queen Astarotte?” Bigla na lang sabi ni Farrah nang makapasok sa kwarto ko. 

“Aish! Farrah naman! Inaalala ko lang ‘yung nakaraan.” Tugon ko.

Napailing siya, “Sus! Araw-araw mo kaya ‘yang tinitignan! Paano ka makakapag-move on kung hindi mo mabitaw-bitawan ang nakaraan?”

Napabuntong hininga na lamang ako, “Farrah, Queen Bee ng Sentinel Academy, kailangan ba talagang bitawan ang nakaraan para maka-move on? Hindi ba dapat, isantabi lang?” 

“Queen Astarotte, ang Queen Bitch ng Sentinel Academy, sinasabi ko lang naman eh. At ipapaalala ko sa’yo ha, may b—”

Hindi na naituloy ni Farrah ‘yung sasabihin niya dahil bigla na lamang tumunog ‘yung phone ko. Agad ko naman ‘yung sinagot.

“Hello?” Ako.

(“Astarotte, susunduin kita ngayon okay? Hintayin mo na lang ako sa harap ng gate niyo. Bye!”) Sabay baba ng phone.

Tumingin ako kay Farrah na kasalukuyang nakatingin din sa akin. Haay… makiki-chismis na naman ‘to. Inirapan ko siya.

“Grabe! Hinihintay ko lang na i-chika mo tapos inirapan mo na ‘ko? Walanghiya ‘to! Hindi ka na nga cussing machine pero –masungit ka pa rin!” Sabi niya.

“Kung nagugutom ka, pumasok ka sa ref at dun ka kumain. Aalis na ako ha?” Tapos kinuha ko ‘yung bag ko at lumabas na ng kwarto.

Napansin kong sumunod si Farrah at hinigit niya ang braso ko.

“Bilhan mo ‘ko ng Ferrero ha? Thank you!” Tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ay nako, papabili lang pala ng chocolate, Tsk tsk…

Inirapan ko lang siya at tuluyan nang lumabas ng bahay. Wala pa naman siya pero dito na ako maghihintay. Alam ko namang nandyan na siya eh. 

//Cifer Capulet’s Point of View//

Astarotte? Siya na ba ‘yun? Kita mo nga naman! Tatawid na sana ako para pumasok sa bahay nila at surpresahin siya eh tapos bigla siyang lumabas? 

Grabe, ang ganda niya! Mas lalo siyang gumanda ngayon. Para akong natulala pakshet! Ang ganda niya talaga! Super! Parang ang sarap niyang yakapin ulit at halikan! Miss na miss ko na talaga siya. Sobra-sobrang saya ‘yung naramdaman ko nang makita ko siya ulit. Parang nabuhay ulit ‘yung puso ko nang dahil sa kanya. 

Tatawid na sana ako para hagkan siya ulit nang biglang may dumating na black Porsche at pumarada sa tapat ni Astarotte. Lumabas ang isang lalake na mas matangkad sa akin (pero mas gwapo ako!) at biglang…

PAKINGSHET! HINALIKAN NIYA SI ASTAROTTE! POTA!

Para akong sinemento sa kinatatayuan ko sa nasaksihan ko. Bigla akong napakuyom ng kamao sa nakita ko. Gusto kong lapitan ‘yung lalakeng ‘yun at patayin siya sa suntok. Gago! Sisiguraduhin kong kapag dumapo ‘tong kamao ko sa mukha nung putanginang iyon mapapatay ko siya! Tutustahin ko talaga siya! Bullsht! 

Cifer Lead Me to Hell (My Guardian is Fresh From Hell SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon