Tales of Fright

By iLinaSky

3K 46 15

Ordinaryo lang ako. Pero mula pagkabata, alam kong ang mga nilalang na nakikita ko ay hindi ordinaryo. BAkit... More

Carla's Tales
Class Retreat: Calling the Spirit of the Dead
Manika ni Nicka
Pajama, Birthday Girl Ghost
Blood in The Girl's Comfort Room
Halloween Special: Trick or Treat
Carla's Vacation Part 1
Carla's Vacation 2: Nana Tela

Ang Itim na Aparador

566 10 5
By iLinaSky

Note: May scary music na puwedeng pakinggan habang nagbabasa!

 iLina: Hmmm, itim na aparador. O aparador in general. MEron ba kayong aparador sa loob ng kuwarto nyo? Minsan man lang ba hindi n'yo naisip na baka may nagtatago roon at sa gabi ay sisilip sa iyo? Ever since I was young, hindi na ako naging comfortable sa mga aparador na malalaki. Alam nyo yung type na pwedeng pagkulungan ng malaking tao sa loob?

Minsan, nakitulog sa bahay ng tita ko nung nakatira sila malapit sa amin, eh , may malaking aparador doon na sira iyong pinto! Grabe, nakakatakot yung pagbukas-bukas at pagtunog nung paggalaw ng pinto ng aparador pag tinatamaan ng hangin galing sa electric fan namin. Akala ko noon (since bata pa ako that time), may lumalabas at pumapasok or sumisilip sa akiN! Buong gabi, hindi ako nakatulog!!!!

______________________________________________________________

Ang Itim na Aparador

Hatinggabi, hindi ako makatulog. Pangatlong gabi na ito na hindi maayos ang tulog ko. Nakatagilid ako sa kama, nakaharap ang likod sa malaking aparador sa loob ng kuwarto ko. Tinanong ko si Mama kung bakit hindi niya iyon ipinapalitan. Hindi raw matanggal. Nakadikit ang aparador sa pader.

Kung alam lang ni Mama kung paanong hindi ako pinapatulog ng malaking aparador na ito.

Matapos mamatay ang aking Papa, nagpasya si Mama na lumipat ng tirahan sa isang village na malayo sa siyudad. Maliit lang ang village pero malamig ang klima at nasa gilid ng isang kagubatan.

Simple ang bahay na binili ni Mama. Gawa sa bato at dalawang palapag. Kung ikokompara sa ibang bahay rito village, walang kakaiba sa bahay namin. Marami sa bahay na nandito ay gawa rin sa bato.

Antigo ang dating mga gamit dito sa bahay namin na pinalitan lahat ni Mama ng mga modernong furnitures.

Maliban sa itim at malaking kabinet na nasa loob ng kuwarto ko.

I was thirteen then. Maagang naulila sa ama, walang kapatid. Tanging si Auntie May lang ang kamag-anak na nakilala ako. Kahit nariyan si Mama at alam kong mahal niya ako, pakiramdam ko ay mag-isa ako. Sa batang edad na lima, sensitibo na ako sa maraming bagay. Sa edad na labingtatlo, ang pagiging sensitibo ko na iyon ay tinawag ni Mama na strong imagination.

Bilang nag-iisang antigo sa bahay namin, naging peculiar ang aparador na iyon. Sasabihin ko na ring eerie iyon dahil sa tila buhay na eksistensiya nito sa loob ng aking silid. Parang isang pusong tumitibok sa nananalaytay na dugo. Ramdam ko ang bigat ng isang hininga sa aking buong katawan na tila nagmumula sa aparador.

Minsan ko na iyong sinubukang buksan at hindi ako nagtagumpay. Naka-lock ang aparador mula sa loob. Itinigil ko ang pagpipilit na buksan iyon ngunit sa kaibuturan ng puso ko ay naroon ang kagustuhang makita ang nasa loob niyon.

Nasa ikalawang linggo na kami sa village nang sa wakas a makita kong nakabukas ang dalawang dahon ng pintuan niyon.

Isinama ko ang magiging bestfriend ko sa loob ng maraming taon na si Sarah. Katabi lang namin ang bahay nila ngunit hindi katulad ko ay taal nang taga-village ang pamilya nila. Nagtatakbo si Sarah sa itaas ng hagdan at binuksan ang pinto ng kwartong itinuro ko. Nakasunod ako sa kanya.

“Carla! Ang tagal-tagal mo naman! Wow, may malaking teddy bear! Ang ganda ng room mo! Ang laki-laki!”

Nang pumasok ako sa kuwarto ko ay nakita kong naka-indian seat si Sarah sa kama ko at yakap ang malaking teddy bear. Susunod na ako noon sa kanya sa kama ng mapansin ko iyon.

Nakabukas ang aparador sa silid ko. Finally, nakita ko rin ang nasa loob niyon. Kasing-itim ng gabi ang kulay ng nasa loob niyon. Walang laman ang aparador. Pero may kung ano sa pagkakabukas niyon na nagpapakaba sa akin.

Binalingan ko si Sarah. “Binuksan mo ba ang aparador?”

“Ano?”

“Binuksan mo ba ang aparador?”

“Hindi.” Kumunot ang noo ni Sarah. “Ah. Yung aparador.” Tumingin siya sa akin. “Alam mo ba na matagal nang walang nakatira dito sa bahay ninyo? Lahat ng nauna sa inyo, agad ding umaalis.”

Kumunot ang noo ko. I was aware that we’re living in a very old house. Pero hindi sinabi ni Mama na matagal nang nabakante ang bahay.

“Iyong huling tumira dito... seven years old pa lang ako noon. Alam mo ba kung ano ang kuwento tungkol dito sa bahay ninyo?”

Napasinghap ako. Biglang lumamig ang paligid. “Nararamdaman mo ba? Wala namang aircon pero malamig dito...”

Natigilan si Sarah. “Ewan ko sa iyo.”

Maingat ang hakbang na tinungo ko ang aparador at dahan-dahan iyon isinara. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang mahinang pag-click­  sa loob niyon. Nakakapagtaka dahil maging ang pakiramdam ng kahoy na aparador sa mga palad ko ay napakalamig.

“Alam mo bang may kuwento rin sa aparador na iyan? Usap-usapan iyan sa school. Ang malaki at itiim na aparador...”

Tila napasong lumayo ako roon. “Huwag mong sabihin.”

“Pero nakakatakot ang kuwentong iyon... lahat ng pamilyang tumira rito, namamatayan ng anak.”

“Sarah-”

Pero nagpatuloy lang si Sarah. “Iyong unang pamilya...laging nag-aaway ang mag-asawa. Madalas nagtatago sa aparador sa loob ng kuwarto niya ang anak. Isang gabi, nagtago na naman ang anak nila sa aparador. Tapos, iyong mag-asawa, matapos mag-away, parehong umalis. Umalis iyon nanay at sa mga magulang niya tumuloy at ilang araw doon. Iyong tatay, umalis din. Ilang araw walang umuwi sa kanilang dalawa...”

“Sarah, ayaw kong makinig sabi, eh!”

“Nung nagkabati sila at umuwi, natagpuan na lang nila ang anak nila sa aparador, patay.” Nagkibit-balikat si Sarah matapos ang huling sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita. Maya-maya ay nagtanong ako, “Sa loob ng aparador ko?”

“Sa malaki at itim na aparador...” Saka siya lumingon sa aparador na nakadikit sa dingding.

***

Nang gabing iyon ay pinili kong huwag seryosohin ang sinabi ni Sarah.

Pero naitanim na ang munting butil ng takot sa puso ko sa mga sinabi ni Sarah kanina.

Natatakot akong lumingon at baka makita ko na namang bukas ang aparador. Nakatakip sa ulo ko ang isang unan upang huwag makarinig ng anumang ingay. Ng kakaibang ingay.

Mga hininga ng isang katawang unti-unting tinatakasan ng buhay.

Ang piping paghingi ng tulong ng isang batang nakakulong sa aparador at tinatawag ang kanyang mga magulang.

Mommy... Daddy...

“Tigilan mo ang kakaisip sa sinabi ni Sarah kanina, Carla! Matulog ka na!”

Mommy... Daddy...

No. No. Gumagana na naman ang imahinasyon ko!

Hindi mawala sa isipan ko ang isang blangkong mukha ng isang bata at tinatawag ang kanyang mga magulang!

***

“Are you okay, hon?”

Walang siglang tumango ako kay Mama sa breakfast table.

“Tatlong araw ka nang ganyan, Carla. Next week, you’ll start going to your school. Paano ka papasok kung ganyang mukhang magkakasakit ka?” Nasa boses niya ang tono ng pag-aalala na makikita lang sa mga inang naiinis pero concern sa kanilang anak.

Nanatili lang akong nakayuko sa table, hindi ko pansin ang panonood niya sa akin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntung-hininga.

“Stay inside the house today. Huwag ka munang makipaglaro kay Sarah. Marami akong aasikasuhin ngayon pero uuwi ako mamayang hapon dahil darating na iyong magtatanggal sa aparador na nasa kuwarto mo. Papalitan natin iyon ng study table. Kung sakaling dumating sila na wala ako, tawagin mo ang nanay ni Sarah saka mo sila papasukin.”

“Yes, Mom.”

Hindi nagtagal ay umalis na si Mama. Kahit may namumuong takot sa dibdib ko ay pinilit kong pumunta sa kuwarto ko at humiga.

Alas dos...

Iminulat ko ang mga mata ko para lamang makaramdam alinsangan sa loob ng silid ko. Naaalala kong malamig ang natural na klima dito sa village kaya nagtaka ako. Bumangon ako para buksan ang aircon.

Mahihiga na sana uli ako sa kama nang may kumalampag sa pintuan sa ibaba. Tila nagmamadali ang taong gumagawa niyon kaya tumatakbo akong bumaba.

“Sandali lang po!” Bakit hindi na lang nag-doorbell ang taong iyon? Noon ko  rin naalala na ngayong hapon darating ang mga taong magtatanggal ng aparador sa kuwarto ko. Sila na siguro iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay isang malamig na hangin ang tumama sa aking mukha. Kung gaano kabilis kong binuksa iyon ay ganoon ko rin kabilis na isinara. Walang tao sa labas. Sino ang kumakatok ng malakas kanina?

Pero...

Pagbukas ko ng pinto ay may narinig ako. Boses ng isang lalaki. Isang malalim at makapal na boses na tila nagmula sa kailaliman ng lupa.

Malakas ang tibok ng puso ko na napasandal ako sa likod ng pinto.

“Strong imagination. Tama.” Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-akyat nang marinig kong bumukas ang pinto. Lumingon ako. Nanlaki ang mga mata ko. Bukas nga ang pinto. At nakita ko ang malakas na pagsara niyon.

Tinakbo ko ang silid ko. Ni-lock ko ang pinto. At naghintay.

Halos talunin ko ang kama at umupo sa gitna niyon. Binalot ko ng makapal na kumot ang buong katawan ko.

“Mama! Mama!”

Hindi totoo ang nakita ko. Strong imagination, iyon lang iyon!

Ang buong akala ko ay maililigtas ako ng kumot. Maitatago ako niyon sa kung anumang nangyayari sa loob ng bahay ngayon.

Pero isang bagay ang hindi ko alam. Hindi lamang nasa labas ng silid ang panganib. Nandito rin ito mismo ngayon sa loob ng aking silid.

Nasa malaki at itim na aparador.

Mariin akong pumikit. Ipinagpipilitan ko sa sarili ko na ang langitngit na narinig ko ay hindi nagmula sa nabuksang aparador.

Isang nakakarimarim na ungol ang narinig ko.

Napahikbi ako. Parang may isang kamay na dumaklot sa puso ko, para akong masusuka sa takot na nararamdaman ko .

“Anong makikita ko sa loob ng aparador kapag tumingin ako roon?” Sa kabila ng  takot ay di ko mapigilan ang kuryosidad.

Dahan-dahan kong inilabas ang ulo ko sa kumot at tumingin. Wala akong nakita.

Hindi pa man ako nakakahinga ng maluwag ay narinig ko ang kakaibang kaluskos mula sa labas ng silid ko. May pilit na nagbubukas ng pinto. May kumakalikot sa seradura ng pinto.

Halos idikit ko na ang katawan ko sa dingding, humihiling na sana ay lamunin ako niyon. Na sa pagbukas ko ng aking mata ay nasa labas na ako kung saan maaari akong humingi ng tulong.

Diyos ko! Nagiging desperado na ang nasa labas ng pinto. Halos matanggal na ang pinto  sa kinalalagyan nito.

Hindi na ako nakapag-isip pa. Tinakbo ko ang nakabukas na aparador at isinara iyon. Namaluktot ako sa loob niyon at tinakpan ang bibig upang pigilan ang paglabas ng isang hikbi.

Napapalibutan ako ng kadiliman, nakikinig sa anumang ingay sa loob ng aking silid.

May mga yabag. Tila nagpaikot-ikot iyon sa loob ng silid. Pagkatapos ay huminto sa harap ng aparador.

Nagkaroon ng katahimikan.

Mommy... Daddy...

Sino iyon? Isang batang babae ang naririnig kong humihikbi. Nang lumingon ako sa tabi, nakita ko ang isang batang napapalibutan ng mapusyaw na liwanag.

Paulit-ulit niyang tinatawag ang mga magulang niya. Hawak niya ang kanyang  leeg at sumisinghap ng hangin.

Nagsumiksik ako sa gilid ng aparador. Pinanood ko ang eksena ng isang batang unti-unting nawawalan buhay. Maya-maya pa ay hindi na siya gumagalaw.

Bumukas rin agad ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. Nawala na ang sakit sa mukha niya.

Natulala ako. Hindi ako makagalaw sa takot.

Dahan-dahan akong lumingon nang makita kong nagkakaroon ng liwanag sa loob ng aparador. Liwanag na nagmumula sa labas. May nagbubukas ng aparador...

Itim na roba. Iyon ang unang rumehistro sa utak ko. Nag-angat ako ng tingin upang tingnan ang mukha niya.

Wala siyang mukha!

Wag kang mag-alala... sasama na ako sa kanya...narinig kong boses ng isang bata. Hindi ko siya maintindihan o kung ano ang ibig niyang sabihin.

Pero kasabay ng pagliliwanag ng buong aparador kung saan kinailangan kong pumikit, ay ang pagkawala ng bigat ng negatibong enerhiya. Gumaan ang pakiramadam ko. At ang pagpikit ko ay di ko namalayang nauwi sa isang mahimbing na pagtulgog.

***

Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay ang mukha ni mama ang nakita ko. At alalang-alala siya.

Sabi niya, natagpuan raw ako sa loob ng aparador, walang malay. Nawala ang pag-aalala sa mukha niya nang ngumiti ako at sinabi kong okey lang ako.

Tinanong niya ako kung bakit ako naroon sa loob ng aparador. Sinabi ko ba? Hindi. Hanggang ngayon ay walang alam si Mama sa nangyari sa loob ng bahay habang mag-isa lang ako. Hindi rin niya alam ang tungkol sa kakayahan kong makakita ng mga bagay na hindi dapat nakikita ng ordinaryong mga mata ng tao.

Siyanga pala, hindi rin dumating iyong mga taong magtatanggal ng kabinet. Kinabukasan pa sila dumating. Nagkaproblema yata ang sinakyan nila papunta sa amin.

Nagpapatunay lang na ang mga nangyari nang hapong iyon ay hindi sanhi ng aking strong imagination.

End.

______________________________________________________________

Sana ay magustuhan po ninyo ito. Mag-comment po kayo kung gusto n'yo. Sa mga susunod na araw ay magdadagdag pa ako ng ibang kuwento ni Carla. Thanks!! Mwah! Mwah!!

 _________________________________________________________

ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT! 

You can also try reading my other works:

Midnight Scare (Paranormal/Mystery/Thriller)

Can't Stop Loving You (Adult Romance)

Special Beauty (Romance/Drama)

Clandestine Romance (Romance/Fantasy)

___________

Thanks Again!

Follow me at: http://www.wattpad.com/user/iLinaSky

Please Comment & Vote! Comment & Vote! Comment & Vote!

Continue Reading

You'll Also Like

8K 341 20
๐‘พ๐’‚๐’” ๐’•๐’‰๐’Š๐’” ๐’‹๐’–๐’”๐’• ๐’‚ ๐’๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’•๐’Ž๐’‚๐’“๐’† ๐’Ž๐’‚๐’…๐’† ๐’–๐’‘ ๐’ƒ๐’š ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’Ž๐’†๐’”๐’”๐’†๐’… ๐’–๐’‘ ๐’Ž๐’Š๐’๐’…๐’”? ๐‘ป๐’‰๐’†๐’š ๐’…๐’Š๐’…๐’'๐’• ๐’†๐’—๐’†๐’ ๐’Œ๐’๐’๐’˜ ๐’˜...
6.2K 304 26
"It was a cold, rainy evening. Nightfall was looming, making the surrounding trees cast vicious shadows onto the ground around me. All I wanted was t...
3.4K 352 18
แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏแ€•แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€†แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€แ€ฝแ€„แ€บแ€ทแ€”แ€ฒแ€ทแ€•แ€แ€บแ€žแ€•แ€บแ€œแ€ฌแ€›แ€„แ€บ แ€€แ€ถแ€€แ€ผแ€™แ€นแ€™แ€ฌแ€€แ€ญแ€ฏแ€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€…แ€ญแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ซแ€บแ€•แ€…แ€บแ€™แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บ
498K 15.9K 62
When Stiles was sacrificed to the Nemeton, Lydia was supposed to be his connection to bring him back. But what if their connection wasn't strong enou...