The Break Up Planner (Publish...

By erinedipity

42.9M 843K 247K

"Break na 'yan sa Sabado!" More

PROLOGUE
{ TBUP -1: The Reason Why }
{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }
{ TBUP -4: It's a Deal! }
{ TBUP -5: I saw her }
{ TBUP -6: Plan A }
{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }
{ TBUP -8: She's your bride }
{ TBUP -9: This Day is Epic }
{ TBUP -10: Flashbacks }
{ TBUP -11: Devastated }
{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP -13: My Girlfriend }
{ TBUP -14: Crying Shoulder }
{ TBUP -15: Back to Normal }
{ TBUP -16: Storage Room }
{ TBUP -17: Into the New World }
{ TBUP -18: I'm... }
{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }
{ TBUP -20: It's Now or Never }
{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }
{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP -25: Payback }
{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP -27: Kidnap My Heart }
{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP -30: Doubts }
{ TBUP -31: Teary, February }
{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }
{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP -34: Trial }
{ TBUP -35: Mr. Novocaine }
{ TBUP -36: Call Him Colosseus }
{ TBUP -37: Hating Him }
{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }
{ TBUP -38: Colosseus & Athena }
{ TBUP -39: Us }
{ TBUP -40: Icy Ego }
{ TBUP -41: Pictures }
{ TBUP -42: Huh? }
{ TBUP -43: Or Else }
{ TBUP -44: Selfish }
{TBUP -45: Karma + Meenie }
{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP -47: Strangers }
{ TBUP -48: Strawberry Cake }
{ TBUP -49: Paracetamol }
{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP -52: Hey Meenie }
{ TBUP -53: Long Night }
{ TBUP -54: East Velvet University }
{ TBUP -55: If you ever come back }
{ TBUP -56: Owe }
{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP -59: Warning }
{ TBUP -60: DOTA }
{ TBUP -61: Hindrance }
{ TBUP -62: Design }
{ TBUP -63: I hate you! }
{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP -65: Loud & Clear }
{ TBUP -66: Next Month }
{ TBUP -67: Secret? }
{ TBUP -68: Late }
{ TBUP -69: Long Lost Sister }
{ TBUP -70: Selene }
{ TBUP -71: Hell No! }
{ TBUP -72: Zico the Second }
{ TBUP -73: Let's Just End This }
{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP -76: Best }
{ TBUP -77: Daddy's Girl }
{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP -79: Temporary Happiness }
{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }
EPILOGUE

{ TBUP -74: Yanna }

461K 7.8K 3.5K
By erinedipity

{ TBUP –74: Yanna }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Para lang akong tanga habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Pucha enjoy na enjoy nga ako eh. May paikot-ikot pa akong nalalaman. Sarap pa lang maligo sa ulan lalo na ‘pag wasak ang puso ‘nu? Ay taena! Absent pala ako sa University! Pakshet! May quiz pa naman kami? Yae na, bukas ko na lang iintindihin. Nanamnamin ko muna ‘tong ulan. Sayang eh :3

Naglakad-lakad lang ako, ewan ko kung saan ako pupunta? Nagiging hobby ko na ‘to ngay! Naglalakad kung saan-saan pero hindi alam kung san pupunta. Nako, delikado! Baka mamaya sa mental na ‘ko mapunta. Huhuhu T^T

Lakad-lakad lang—ay takte! Sino ba ‘tong humigit sa akin ng bonggang-bongga at sobrang sakit?!

Lumingon ako—uyy! Si Psyche ulit? Knight in shining armor talaga ang peg niya eh ‘nu? Haaaay… isa rin ‘to eh. Akala ko siya na rin ‘yung the one kaso ayun nga, anak ng pating ginago ako. Pero ayus na, napatawad ko na siya sa ginawa niya pero wala ng second chance. May natutunan kasi ako, kapag binigyan mo ang isang tao ng second chance, binibigyan mo lang ulit siya ng pagkakataong saktan ka, i-disappoint ka at gumawa ng mali. Hindi uso sa akin ‘yung kasabihang lahat ng tao may karapatang mabigyan ng second chance—para sa akin, ‘yang second chance na ‘yan, la kwents eh. Basta!

Hi.” Bati ko sabay ngiti.

Hindi ka naman lasing? Bakit ka ba pagewang-gewang maglakad dito? Halika ka run sa silong!

Hinila niya ako sa isang waiting shed at pinunasan ako ng panyo niya. Ako? Nakamasid lang sa bawat pagpatak ng ulan. Ganyan ba ako umiyak? Hehehe. Ang dami naman. Halos mabaha na ‘tong lugar eh.

Hindi ko alam bigla na pa lang tumulo ‘yung mga luha ko. Hala! Visible na kasi wala na ako sa ulan! Anlaaaa~! Pigilan mo Ericka gaga ka!

Umiiyak ka?” Tanong ni Psyche sa akin.

Ah? Di ah. Ano… ulan lang!” Pinunasan ko ‘yung mata ko syempre.

I know you Ericka. Kahit naman limang buwan lang tayo sapat na ‘yun sa akin para makilala ‘yang side mong hindi marunong magsinungaling.” Tapos natawa siya ng unti.

Ano raw?! Di ako marunong magsinungaling?! UWAAAA?! Ako?! Tengene! Ako kaya valedictorian ‘dun! Marunong ako oy mga tsong! Itong Psyche na ‘to kung anu-anong sinasabi! Amfff >_________<

Tell me…” Tapos ngumiti siya.

I can’t.” Maikli kong sagot.

Okay. Pero pwede ko bang malaman kung… kung… augh! Are we in good terms now?” Tanong nito sa akin.

Tutal, napatawad ko na siya. Wala na sa aking nakipaglaplapan siya sa iba nung kami pa. Wala na akong maramdamang bitterness sa kanya. Kaya siguro oo. Ayus na kami. Pwede na ulit kaming maging magkaibigan. Magkaibigan lang.

Oo? Pagod na rin naman kasi akong takbuhan, murahin at sungitan ka! Tyaka jusme, Psyche! Sabi mo nga, limang buwan! May pinagsamahan tayo eh. Tyaka madali lang namang magpatawad kung gugustuhin mo.” Wika ko.

Thank you.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko, “I won’t ask for another chance ever again.  Ayoko ng matarayan ‘nu! Tyaka, alam ko namang kahit lumuhod ako sa harapan mo para sa isa pang chance—hindi mo na ‘ko bibigyan, kasi si Zico ‘yung mahal mo.

Aww. Zico. Colosseus. Naalala ko na naman <///3 Saklap mga ‘tol! Ang sakit poreber! Pero kung maka-arte ako parang wala na lang ‘nu? Syempre! Tapang ko eh! Ako pa!

Umiiyak ka eh!” Sabi ni Psyche.

Kinapa ko ‘yung pisngi ko… oo nga, umiiyak na naman ako. Haaay buhay parang life. Saklap eh.

Psh. Huwag mong pansinin. Okay lang ako…” Wika ko sa kanya.

Alam mo, nagsisimula na akong maghanap.” Pagmamalaki niya sa akin.

Ng?“ Tanong ko.

Bago—‘yung good na magiging better at makakatalo sa’yo na best.

Ah! Naghahanap na siya ng papalit sa akin :3 Maganda ‘yan! Buti ka pa ginagawa mo na ‘yan! Eh ako? Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa kay Colosseus eh. Kahit sabihin nating nakipaghiwalay na ako, umayaw na ako—umaasa pa rin ako. Umaasa ako na hindi niya anak si Baby Zee, na nagloloko lang si Yanna, ganun ba? Parang teleserye. Sana maayos pa…

Oh ‘di maganda. Pero oy! Huwag mong gawing rebound!” Sabi ko sa kanya.

Psh. Syempre, hindi naman ako kasing sama ni Chron at Selene na pareho tayong ginawang panakip butas. Alala mo pa ‘yun? Yung nag-deal pa tayo para bumalik sila sa ating dalawa?

Oo nga. Naaalala ko! Yun pa ‘yung mga panahong wasted na wasted ako kay Chron eh. Yung mga panahong bulag at tanga pa ako sa kanya. Pero syempre dahil mabait akong dyosa, napatawad ko na. Past is past na. Tyaka hobby ko na atang makipag-friendships sa aking mga ex lol. Ewan ko. Madali lang naman kasi talagang magpatawad—kung gugustuhin mo. Tyaka tagal na nun! Nagkainlaban, nagkagaguhan na kami ni Psyche, tapos na ‘yung mga ‘yun! Sabi ko nga ‘di ba? Andito na tayo sa bagong era ng buhay ko.~

Shet ang korni ko naman. Bakit ba pa-korni na ako ng pa-korni?!

Suuus! Yun makakalimutan ko? Nako, ako pa! Eh ‘dun nagsimula ang labstori nating dalawa eh! Eh malay ko bang maiinlab pala ako sa’yo! Jusme ang saklap! HAHAHAHA!” Pagbibiro ko sa kanya.

Makapagsalita ka parang hindi ka naging masaya ah! Mahal na mahal mo nga ako noon tapos gwapong-gwapo ka pa sa akin!” Hahahaha! Ampiling mo pa rin Psyche :3

Noon po ‘yun! Kung ‘di mo ‘ko ginago eh ‘di sana masaya pa rin tayo! Abnormal ka rin eh! Nilandi ka lang bumigay ka na. Tsk tsk…

It’s very unusual para sa mag-ex na mag-usap tungkol sa naging past nila ‘di ba? Pero nagtataka ako kung bakit nagagawa namin ni Psyche. Siguro nga naging magkaibigan naman kaming dalawa at kahit papano napasaya rin namin ang isa’t isa. Mas maayos pala kami kung magkaibigan lang eh nu? Hahaha! Ayus!

Eh ikaw eh! Ang taas-taas ng pride mo!

Tama ka rin. Alam mo, na-realize ko pareho lang tayong nagkulang sa relasyon natin eh. Kaya siguro hindi nag-work kasi hindi tayo nagkaisa. Pero alam mo, sayang. Pero nagpapasalamat din ako kasi kung hindi mo nga ako ginago—hindi kami magiging close ni Mama, hindi ko mapagtutuunan ng pansin sina Carmeen at Scarlet, hindi ako matututong maging independent, hindi ako mas tatatag at… hindi ko makikilala si… Colosseus…

Tuwing binabanggit ko talaga ‘yang pangalan ni Colosseus kumikirot ‘yung puso ko! Bakit kasi kailangan pang magkasira ulit kami. Tama na eh. Maayos na. Wala ng barriers. Ang wrong timing lang nung Yanna na ‘yun. Kakainit ng ulo. Sarap pektusan at tadyakan patungong Mars. Tsk tsk. Siguro nung naging sila hindi pa uso ang condom at pills? O talagang hindi na sila nakapagpigil at talagang excited na excited na sila nung gabing ginawa nila si Baby Zee?

O________O

Omegesh! Ang aking precious innocent mind! Gaaash! Kung anu-anong naiisip ko! Erase! Erase!

At hindi ko mare-realize na ikaw ‘yung best, na gago ako. Hindi ko mare-realize na na-take for granted kita. Ganun pala talaga ang buhay, may mga bagay na dapat mangyari kahit ayaw mo para matuto ka, para may ma-realize ka.” Pahayag ni Psyche habang nakatingin sa ‘di kalayuan.

Di nagtagal ay tumigil na rin ang ulan.

Seksi kasi ni Irish eh!” Bigla niyang sabi.

At anong ibig mong sabihin? Hindi ako seksi? Gagu ka talaga Epiales!” Pahayag ko sabay palo sa kanya.

Joke lang. Pero at least, pareho tayong may natutunan sa relasyong ‘yun. Pareho tayong nag-mature. Tyaka buti ka pa may lablayp na! Ganun ba talaga ang karma? Kahit nagsisi ka na ng ilang ulit papahirapan ka pa rin? Bakit wala pa ‘yung the one ko?!” Pagrereklamo ni Psyche.

Haaay Psyche… kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung anong nangyari sa amin ni Colosseus. Kung alam mo lang na hindi pa talaga siya ang the one ko. Kung alam mo lang na sinuko ko na siya parasa mga taong mas nangangailangan sa kanya. Kung alam mo lang, duguan na naman ‘yung puso ko. Kawawa na naman ako.

Pero syempre, hindi mo alam at wala akong balak ipaalam sa’yo. Kilala ko kasi si Psyche eh, ‘pag nakakita siya ng butas hindi siya mag-aatubiling pumasok dun. Lalo na ngayon, ‘pag sinabi kong wala nang ‘kami’ ni Colosseus eh ‘di nagbago ‘yung isip neto! Baka humingi ulit ng chance! Eh ayaw ko na rin naman na siyang saktan :3 Nako-konsensya rin ako oy!

May ire-recommend ako!!” Masigla kong sabi sa kanya, “Bumalik na si Selene, uy!

O tapos?

Grabihan! Makapang-basag naman ‘to parang bading! Langya! Pahiya tuloy ako :33

Eh sinasabi ko lang naman! Malay ko ba kung gusto mo ulit siyang patusin.” Tapos kinindatan ko siya.

Asa ka Artemis! Ayoko na ‘nu! Nadala na ako. Tyaka ayoko na kay Selene. Alam mo naman, ginawa akong panakip butas nun! Tyaka ‘di pa nagso-sorry sa personal ‘yun!” Sabi niya.

Eh? Pero in fairness, iniyakan ni Psyche si Selene ‘di ba? Ang bongga! Minahal niya talaga ‘yung girlash na ‘yun eh. Naalala ko pa nung umiyak siya nang dahil sa sulat. Lol much! Ang bading niya! HAHAHAHAHA! :))))))

Eh malay mo? Iba ang takbo ng isip ng otor natin tapos naisip na pagtagpuin ang landas ninyong dalawa tapos sa hindi inaasahang pagkakataon, matapos magtagpo ang inyong mga mata, matapos—

Aish! Tigilan mo nga ‘yan Ericka! Ang korni mo! Di ka naman dating ganyan ah! Ewww~

Shet maka-eww naman ‘to para talagang bading! Tyaka malay ko ba kung biglang naalog ang isip ni otor at ginawang bading si Psyche! Hehehehe~ syor ako kukuyugin siya ng madla. MWHAHAHAHA! Good luck na lang sa kanya at congrats dahil pulang-pula na ‘yung storya namin, 200K na! Akalain niyo ‘yun? Kahit puro gaguhan ang nangyayari sa storyang ‘to naka-200K pa rin? Hehehe, salamat naman daw! :””>

Ay teka, ang epal naman niyan! Di bagay sa atmosphere! Broken hearted ako tapos kung anu-anong sinasabi ko! Gagu talaga ‘yung otor nito, kung anu-anong sinisingit!

Pero malay mo nga ‘di ba?! Maging kayo ulit ni Selene—ayy alam mo ba! Kapatid ko ‘yun! Anak ng lenggwa, mas dyosa naman ako sa kanya ‘di ba?!” Sabi ko.

Kapatid? Sabog ka ba? Isang anghel magiging kapatid mo?!

At ano na namang gustong palabasin nitong ugok na ‘to?! >___________<

Hoy! Excuse me! Hindi na siya anghel ngayon! Nag-evolve ang loka! Di na siya mukhang anghel pramis! At hoy, kapatid ko talaga siya! Sinabi niya sa akin. Pareho kami ng pudra-bels!

Ganun? Astig ‘yun ah.

Astig?! Wala ka lang masabi eh! Takte ang laos mo!"

Ang totoo niyan, nililibang ko lang ‘yung sarili ko. Alam ko namang nasasaktan ako eh, oo ayaw kong lokohin ‘yung sarili ko pero pwede bang kahit minsan maniwala naman akong hindi talaga ako nasasaktan? Pwede bang kahit minsan magpanggap akong okay lang ako? Kasi nakakasawang sabihing “masakit” eh. Tyaka, wala namang mangyayari kung magpapaka-emo ako at magiging wasted. Bakit pag ginawa ko ba ‘yun babalik si Baby Zee sa pagiging egg cell, sperm cell? Di ba hindi naman? Kaya, hayaan na. Ganito talaga ang kapalaran ko eh. Anong magagawa ko? <///3

Pero seryoso Ericka, sorry ha? Sorry sa lahat-lahat…” Napayuko siya.

Takte! Kakasabi ko lang na ayaw kong maging malungkot bakit mukhang dramahan na naman ang kasunod nito?! Tangina naman! Nakakaloko na ah! Ang bipolar ng otor nito!!

Matagal na nga kasi ‘yun! Yaan mo na! Kalimutan na natin! Tutal naman nagtatawanan at naglolokohan na tayo rito eh ‘di ibig sabihin okay na ang lahat sa atin! Magkaibigan na tayo dre!” Sabay akbay ko sa kanya.

Salamat. Waw ha, mas astig pala tayong dalawa kung magkaibigan lang tayo. Bakit kasi hindi kaagad naisip ni otor na isali sa storyang ‘to si Colosseus para siya ‘yung nakatuluyan mo! Eh ‘di sana ngayon magkaibigan tayo! Hindi na nagkagaguhan pa. Andugas ni otor ‘no?

Oo nga. Tsk tsk…

[A/N: SISIHIN DAW BA AKO?! T^T]

Nagkwentuhan lang kami ni Psyche tungkol sa mga buhay-buhay namin. Akalain niyo ‘yun? Marami pa pala akong hindi alam sa kanya!—Teka, pati si Colosseus din naman ah?

Ayy shit. Siya na naman?! Nalungkot na naman ako. Punyeta kasi. Sana ang love parang tinik na lang sa puso, kapag nasaktan ka, konting opera lang ayus na, tanggal na. Di mo na mararamdaman ulit. Pero hindi eh. Lintek na pag-ibig!

OMAYGAAAAAASH! WHAT’S THE MEANING OF DIIIIZ?! KAKANTA NA BA KAMI NG… ~MULING IBALIK ANG TAMIG NG PAG-IBIG~” Puta, ‘yung dalawang gaga may radar at antenna ata at nagawa akong matagpuan dito =_________=

=___________=  <--Ako ‘yan.

?__________?  <-- Psyche.

O_________O  <-- Carmeen at Scarlet.

K-Kayo na ulit?!” Tanong ni Carmeen.

Haaay… ‘pag malisyoso talaga kung anu-ano pumapasok sa isip eh ‘nu? Sarap bigwasan.

Tunggak! Nag-uusap lang kami na agad?! Ayusin mo utak mo hoy Carmeen!” Sabi ko sa kanya.

Oo nga Carmeen. Kunganu-ano iniisip mo. Tsk tsk…” Si Psyche.

At oyy Scarlet! Nakalabas ka na pala ng ospital?” Tanong ko sa kanya.

Malamang! Nakikita mo na nga ako rito eh! Chosera ‘to naalog ata utak. Inanod ng baha ang talino… =_______=

Shet! Basag na naman ako?! Palagi na lang ah! Bakit baso ba ako?! K, alam ko korni. Pero tengene! Retarded na nga ata ako. Nakakabaliw ba ang pagiging broken hearted? *Q*

Geh, alis na rin ako. May kikitain lang…” Sabi ni Psyche sabay tayo.

Wushu! Kikitain si Selene! NYAHAHAHAHA!” Panunukso ko sa kanya.

Asa. Kung magkikita man kami, syempre ‘di ko siya papansinin.

Ang bading mo!” Sigaw ko sa kanya.

Toot toot toot~ waw ha! Hiyang-hiya naman kami sa inyong dalawang dating magkasintahan! Di kami maka-konek sa wifi niyo! Nao-OP kami!” Pahayag ni Carmeen with matching cross arms pa!

Augh wait—cross arms? Aww, naalala ko na naman si Colosseus <//3 Lahat na lang ba ng makikita at maririnig ko si Colosseus ang maaalala ko? Pero sabagay, hindi naman siya naalis sa isip ko. Haaay! >____<

Sige na! Aalis na ‘ko.

Tapo nag-wave siya at naglakad na papalayo. Mabuti naman ‘di na siya lumingon. Kasi kapag lumingon ka sa isang tao—ibig sabihin curious ka sa kanya o talagang may pakialam ka sa kanya :3 Kekekeke~

Agad namang tumabi sa akin si Carmeen at Scarlet at talagang nasa gitna ako?! Sa bagay… dapat talagang nasa gitna ang DYOSA! :33

Di ka ba magkwe-kwento?! Maygaaaash! Nagde-date na pala ulit kayo?! Sinalawahan mo na si fafa Colosseus? Pwede ko na siyang salakayin—este—” Natigil si Carmeen nang tignan ko siya ng masama.

Ulol. Sabi ko naman sa’yong nag-uusap lang kami! Just prens! Tyaka anong salakayin si Colosseus?! You want sapak with matching tadyak straight to your face?” Pagtataray ko.

Waw possessive much! Ang tanong, eh aprub na ba kayo sa parents niyo?

May balak atang maging reporter ‘tong Carmeen na ‘to eh sa pagkakaalala ko eh ako ‘yung kumukuha ng Mass Communication. Tsk tsk. Palit na lang kaya kami ng course?

Aprub na ho. Kaso may problema…

 

 

Teka nga, ang tahimik naman ata ni Scarlet? Anyaree? Iniisip pa rin siguro niya si Selene. Tsk tsk… ‘yung babaeng ‘yun naman kase kung anu-anong kagagahan ang naiisip. Ang bitter sa buhay! Pati pagkamatay ng kuya niya isisisi rito sa babaitang ito. Haaay nako, buhay talaga ang gulo-gulo!!

Anong problema?

Si Colosseus eh, idol si Angelito…

Tapos nanlaki ulit ang mata ni Carmeen. Haaay… ‘di kaya bukas na bukas din ay ipatapon siya sa Bohol dahil baka mapagkamalan siyang tarsier? Lels, korni much!

Talaga?! Like—omaygaaaaaaash! He’s so bata pa para maging ama! Perooooo~ KYAAAAA! Ericka besh! Ako ninang niyan ha! Nako, syor akong ako ang kamukha niyan!

Huh? Sinasabi nito? O.o

Gaga! Hindi ako ang buntis! May anak na siya sa iba, bobita! Bad trip kasing Yanna na ‘yan! Bumalik pa!” Sabi ko.

Yanna?” Ayun! Sa wakas, nagsalita rin si Scarlet.

Oo ‘teh. Ang dakila niyang ex. Putragis. Bumalik na nga may extra luggage pa! Saklap!!

Ayy, parang pareho tayo ng sinapit. Ang kaibahan nga lang walang extra luggage si Selene. MWHAHAHAHA!” O_______O Tangina akala ko may problema! Patahi-tahimik ‘yun pala kakantyawan ako?! Eh ‘di ikaw na! Ang swerte mo’t hindi nabuntis ‘yang Selene na ‘yan :3

So? Paano na kayo ni fafa Zico?” Tanong ni Carmeen.

Tigilan mo nga ‘yang kakatawag mo sa kanya ng ‘fafa’! Mas lalo kong naaalalang may anak na siya eh!

K, payn. So, paano na kayo ni Zico?

Ewan ko. Bahala na. Dun na siya sa mag-ina niya. Pero tuloy pa rin ang buhay—mamahalin ko pa rin siya.” Malungkot kong sabi.

Alam ko namang hindi ko kayang kalimutan kaagad si Colosseus eh. Syempre mahal ko! Paano ko makakalimutan? Mahaba-habang proseso na naman bago ako maka-move on eh. Saklap ng buhay ko. Parang pang-drama. Hanap na tayo ng director <///3

Okay lang ‘yan btch, hanap ka na lang ng bagong boylet, o kung gusto mo pa-kidnap natin ‘yung bata eh ‘di ebribadi happy!” O______O

Nagugulantang talaga ako sa mga sinasabi ni btch! Eh kasi, hahaha! Naalala ko ‘btch’ po pala ang tawagan namin ni Scarlet. O ‘di ba ang sweet-sweet namin? Lels :””> Ewan ba, ang astig kasi. Tyaka parehas naman talaga kaming btch :P

Shunga! Ginawa mo pa ‘kong kidnapper! Sige na, uuwi na ako. Naligo pa naman ako sa ulan, mamaya magkasakit ako. Mamaya may umagaw ng trono ko sa Mount Olympus! Ba-bye!

At ayun, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.

Medyo gumaan na rin ‘yung pakiramdam ko kasi at least may pangiti-ngiti na akong nalalaman. Salamat kina Psyche, Carmeen at Scarlet. Pero kahit ngumingiti ako, uuwi pa rin ako sa bahay namin, masasaktan ulit ako, malulungkot, iiyak. Haaay… saklap buhay.

Umuwi ako ng bahay syempre. Pagkapasok na pagkapasok ko run sa pinto eh agad na tumambad sa akin ang gwapong-gwapong si Colosseus na kasing lamig ulit ng yelo ang mga mata—matutuwa na sana ako kasi ang pogi ng nasa harap ko, naalala ko may anak na pala <///3

Lalagpasan ko na sana siya pero nahigit niya ‘yung braso ko. Sht, papahirapan na naman niya ako eh! Iiyak ulit ako mamaya neto eh!

I love you Athena, remember that. I love you… so much.” Wika nito sa akin.

Gusto ko siyang yapusin eh! Kaso naalala ko, wala na kami. Naknang pating kasi! Bakit kasi binuntis mo ‘yung babaeng ‘yun Colosseus! Eh ‘di sana masaya na tayo ngayon! Sana nagde-date na tayo! Pero hindi eh! Kabaliktaran ‘yung nangyari kasi hiwalay na tayo! Putek nga eh, isang araw lang na naging tayo! Ang saklap po! Sobra! At once again, hindi ko na naman na-predict ‘yung sarili kong break-up! Bakit ba ang purol ko pagdating sa sarili ko! Pero yae na! Mas litaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh! Pero syempre, mas litaw ‘yung pagmamahal ko sa’yo Colosseus! Sobra!

Mangiyak-ngiyak na ako, “Ako rin eh. Sobra-sobra.

Tumalikod na ako sa kanya at pumasok sa kwarto ko, syempre para umiyak pero paano ako iiyak kung may tao sa kwarto ko?! At sa lahat na nga lang ng nasa kwarto ko, siya pa! Bakeeet?! Pinapahirapan niyo talaga ako eh nu?! Ang sakit na eh! Sobra! Tapos… aish! >_____<

Dito muna raw kami sabi ni Tito Sev, maulan kasi sa labas, delikado. Okay lang ba?” Tanong nito sa akin.

Anong magagawa ko eh si Tito Sev ang nagsabi na dumito ka?! Kahit naman sipain kita papalabas ng bahay na to eh hindi pwede kasi hindi ko naman bahay ‘to! Kaya sige, dyan ka! Ipagdasal mo lang na hindi umatake ang kagagahan ko at baka matadtad kita ng buhay! Makita lang talaga kitang lumalandi sa Baby ko—I mean kay Colosseus <//3 Pucha makikita mo!

Kung sinong nasa kwarto ko? Eh ‘yung babaeng mukhang anghel lang naman. Nakakainis! Lagi na lang kalaban ko rito puro mukhang anghel, inosente, mabait! Di ba nung una si Selene? Eh sobrang bait pa niya nun parang anghel, ngayon ito namang Yanna na ‘to na kung kumilos eh pinong-pino at animo’y palaging may pakpak sa likuran! Jusme! Minsan nga naiisip ko, ako ba talaga ‘yung bida rito o kontrabida? Tignan niyo naman kasi! May bida bang ganito ugali sa akin? Amf!

Sige lang.” Matipid kong sagot sa kanya sabay ngiti ng peke. Amf! Plastik na kung plastik! At least lumulutang, at least kapag may baha napapakinabangan! Che!

Ah teka! Basa ka ah! Nagpaulan ka ba?” Tumayo siya tapos lumapit sa akin. Suus, concern daw. Punyeta ayoko ng mababait eh! “Sige, lalabas muna ako para makapagpalit ka.

Lalabas na sana siya nang makita niya akong nakatitig sa natutulog niyang anak. Hindi ko mapigilang mapatingin dun sa bata eh. Sinusuri ko kung kamukha talaga ni Colosseus. Malay niyo, ‘di niya anak!

Kaso failed—kamukhang-kamukha po kasi niya. Para ngang siya si Colosseus nung bata eh. Haaay…

Napangiti si Yanna, “Kamukhang-kamukha niya ang Daddy niya, ‘nu?

Oo nga. Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa. Amff! Grabihan. Ang imba lang ni Colosseus at sa isang gabi eh nakabuo kaagad! Idol ko na siya! Tengene!

Sige, lalabas muna ako.

Tapos lumabas na siya ng kwarto. Lumapit ako run sa kama ko kung saan natutulog ‘yung batang Colosseus. Pinagmasdan ko ito. Mula sa pilik mata, ilong, labi—lahat, kuhang-kuha niya si Colosseus eh. Ano kaya namana nito run sa Nanay niya? Parang wala na nga eh. Si Colosseus lang ata gumawa nito eh! Haay…

Baby Zee, wala ka namang kasalanan ‘di ba? Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong sisihin ka?

--Zico’s Pov--

 

Napahiga na lang ako sa kama ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung paano ko pa maayos ‘to. Kahit gusto kong isiping hindi sa akin si Baby Zee, alam kong ako talaga ‘yung ama nun eh! Nararamdaman ko tyaka kamukha ko ‘yung bata. Kaya… paano ko pa kaya malulusutan ‘to? Paano pa kaya ako makakabalik kay Athena kung ang laki-laki nitong problema ko?

Isa pa, nakipaghiwalay sa akin si Athena eh. Nakakainis isipin. Pinaglaban na namin ‘yung isa’t isa pero may problema ulit kami. Kailan ba kami sasaya?

Damn this sht. I really love her!

At si Yanna! Bumalik pa talaga siya! Alam ko namang babalik talaga siya eh, pero hindi ko naman inaasahang ganito! May dala siyang responsibilidad! Hindi sa ayaw ko siyang panagutan—iniisip ko kasi si Athena eh! Siya lang! Mahal na mahal ko siya eh, ayoko naman siyang iwanan para lang dun sa bata. Augh sht! Hindi ko na alam! >______<

*creek* [A/N: Sound epek ng pinto! xD]

Napabangon ako ng bumukas ang pinto ko. Nakita ko si Yanna, pumasok siya sa kwarto ko. Aish! Ano na naman ba?!

Wow, hindi mo pa pala tinatapon ‘yang mga ‘yan.” Sabi niya habang nakatingin sa mga stuff toys sa kama ko.

Napangisi ako. Hindi kasi niya alam kung bakit nandyan pa rin ‘yang mga ‘yan. Ang dami na niyang hindi alam. Kaya ayaw ko na siyang makausap eh. Naba-bad trip lang ako.

Tsss… nandyan pa ‘yan para maalala kong iniwan mo ako. Para maalala ko at hindi na ulit ako mahumaling sa’yo.” Biglang nawala ang ngiti sa labi niya, “Sige, papanagutan ko si Baby Zee pero hindi ako magpapakasal sa’yo.

Ilang sandali pa ay naluha na ang mga mata niya. Napaka-fragile niya pa rin. Kailangang ingat-ingatan. Tsss…

Hindi ko naman ‘yun hinihiling eh. Hindi ko sinabing pakasalan mo ako. Oo, nung una akong dumating dito ‘yun ‘yung gusto kong mangyari—pero Zico, hindi ako manhid, hindi ako tanga. Alam kong may iba ka na. Si Athena ‘di ba?

Alam naman niya, bakit kailangan pa niyang itanong sa akin? Gusto ba niyang sabihin ko pa sa harap niyang mahal ko si Athena ? Gusto niya bang isigaw ko ‘yun? Gusto ba niyang saktan ko siya? Tsss…

Pero Zico, matitiis mo ba ‘yung anak natin?

Magpapaawa ka na naman ba, ha Yanna Marie? Tapos na tayo sa ganito eh. Nadala na ako sa ugali mong ‘yan at hindi na ‘yan gagana sa akin. Hindi naman talaga mabait si Yanna Marie. Rebelde siya sa mga magulang niya, at katunayan niyan, hindi ko naman talaga gustong may mangyari sa amin nung gabing ‘yun eh, nakiusap lang siya at ako namang si tanga, naniwala sa kanya. Yun pala, ginamit niya lang ako para makapag-rebelde siya sa mga magulang niya.

Naggamitan lang po kami. Ginamit ko siya para masira ‘yung kasal ni Daddy, ginamit niya ako para makapag-rebelde sa Mommy niya. But I loved her. Sabi niya rin, minahal niya ako.

Hindi. Hindi ko siya kayang tiisin pero hindi ko rin kayang tiisin si Athena. Hindi naman kita tatakbuhan, kayo ni Baby Zee. Sinabi ko naman na ‘di ba? I know how to handle responsibilities.

There. Umiyak na nga siya. Sorry, pero bato na ang puso ko para sa kanya. Hindi ko na siya mahal.

Mahal kita, Zico. Please, tayo na lang ulit…” Pakiusap niya.

Madaling gawin sabihin Yanna Marie, pero sorry, hindi ko kayang gawin—hindi ko gagawin.

Ako na mismo ang lumabas sa kwarto ko. Alam ko namang magmamakaawa lang siya sa akin kaya nilayasan ko na siya. Bahala siya dyan. Wala na akong pakialam sa kanya. Sa anak ko na lang ako may pakialam, kay Baby Zee na lang.

--Ericka’s Pov--

 

SHITNESS! THIS IS LIFEEEE~~~!!

Lels, buti na lang lumabas ako ng bahay! Tengene naglipana ang mga naglalandian sa kalsada! Bakit kaya trip nilang lumabas ‘pag gabi? Hahaha! Pero okay lang, mwhahaha! Nabuhay na naman ang kaluluwa ko mga ‘teh! Makakapag “exercise” na naman ako! If you know what I mean! HAHAHA!

Hula rito, hula roon! YEBAAAAAH~!

Tsk tsk… mukhang bading ‘yung lalake. Hula ko mas malandi pa ‘to sa gelpren niya! Mukhang diring-diri eh! Ganda kaya nung babae! Haay, bukas break na ‘yan! Lalandi na ‘yung lalake bukas pramis!” HAHAHAHAHA! I love this!

O ‘yun pa! Lechugas ang pogi nung lalake! Mukhang may tinatagong chocolate abs! Kaso ayun, mukhang playboy! Hula ko flavor of the week niya lang ‘yan! Next week wala na ‘yan!” Ayy naalala ko si Qaz! Kamusta na kaya ‘yun?

UWAAA! AYUN KAMUKHA NI SELENE! Tekaaaa~ kamukha niya talaga eh! Pero augh, masyadong singkit. Teka, hulaan ko muna may kasamang papable eh—uhmmm, Saturday?

Leche! Ang saya! Ito lang pala ang makakapagpasaya sa buhay kong masaklap! MWHAHAHA! I really love doing this! Nakakagaan ng loob! Nakaka-tuwa :33

Teka, ang daming dumadaan na labers! Takte umaayon sa akin ang kapalaran!

Hah! Yun sa Linggo! Eto naman… uhmmm, mamaya? At ayun! Sa likod ng poste, tangina maglaplapan daw ba? Di bale sa Monday wala na ‘yan! Wushu! Ayun naman sa—

Anong ginagawa mo?

AYY TELEBER!” Ang pangit naman ng nasabi ko. Pasensya gulat lang :3

Ayyy~ si Colosseus baby!—Augh, Colosseus lang pala. Ano namang ginagawa nito rito?

Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya.

Binalik mo ‘yung tanong ko sa’yo.

Eh bakit ba! Kasarapan ng panghuhula ko eh! Dun ka nga sa loob!” Utos ko sa kanya.

Pero sa halip na magtaka, magalit, mainis siya eh biglang ngumiti?! Omaygash! Goodness, gracious! You’re so tempting naman! Pag ‘yan ‘di mo tinigilan baka makalimutan kong hiwalay na tayo’t may mag-ina ka sa loob! Magtigil ka please! Alam mo namang ang hirap iwasan ng kilig na ginagawa mo sa akin eh! >__________<

Do you still believe that we’ll get through this?” Tanong nito sa akin.

Ano raw? Hello~! Google translator! Calling, calling!

Umayos ka nga! Break na kaya tayo.” Sabi ko sabay cross arms.

We broke up but we still love each other.” Tapos ngumiti ulit siya. Aish! Paano ka pa ba nakakangiti eh nasa ganito na nga tayong sitwasyon?!

Hindi ako makasagot. Totoo naman kasi eh. Kahit break na kami, ‘yung puso namin together pa rin. Haaay… ang saklap!

Teka, napapansin ko kanina pa ako sabi ng sabi ng “saklap” –word of the day ko ba ‘yun?

We’ll get through this. I know, I can feel it Athena. We’ll be together until the end. Hold on to that.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi tyaka bumalik na siya sa loob ng bahay.

Haaay… ayoko na munang magsalita, aasa na lang ako. Sana nga kami pa rin… sana nga hanggang sa huli kami pa rin…

//Meanwhile…

 

Nakasilip si Yanna sa bintana habang nag-uusap si Zico at Ericka.

 

You love her that much, huh Zico? You love her more than you loved me? That hurts, but that reason is not enough for me to let go. Hanggang nandito si Baby Zee, hindi ako pwedeng sumuko. You loved me once, you can love me again…

She wiped her tears and went back to her sleeping child.

Baby Zee, hindi naman masama si Mommy eh, alam ko masaya si Daddy Zico mo kay Athena, pero paano tayo? Ayoko namang sila masaya tayo nagdurusa. Baby Zee, love ka ni Mommy kaya gagawin niya lahat para bumalik si Daddy Zico mo sa atin.” Hinaplos-haplos niya ang noo ng anak para mahawi ang buhok na nakatakip doon, “Sa akin naman talaga si Zico eh, sa akin lang…

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
21.8K 1.2K 19
This is a collection of short stories that randomly floating in my mind. It's either I heard a story and wrote it, read the plot somewhere else and g...
1.8M 53.6K 48
Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin...