The Break Up Planner (Publish...

By erinedipity

42.9M 843K 247K

"Break na 'yan sa Sabado!" More

PROLOGUE
{ TBUP -1: The Reason Why }
{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }
{ TBUP -4: It's a Deal! }
{ TBUP -5: I saw her }
{ TBUP -6: Plan A }
{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }
{ TBUP -8: She's your bride }
{ TBUP -9: This Day is Epic }
{ TBUP -10: Flashbacks }
{ TBUP -11: Devastated }
{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP -13: My Girlfriend }
{ TBUP -14: Crying Shoulder }
{ TBUP -15: Back to Normal }
{ TBUP -16: Storage Room }
{ TBUP -17: Into the New World }
{ TBUP -18: I'm... }
{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }
{ TBUP -20: It's Now or Never }
{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }
{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP -25: Payback }
{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP -27: Kidnap My Heart }
{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP -30: Doubts }
{ TBUP -31: Teary, February }
{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }
{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP -34: Trial }
{ TBUP -35: Mr. Novocaine }
{ TBUP -36: Call Him Colosseus }
{ TBUP -37: Hating Him }
{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }
{ TBUP -38: Colosseus & Athena }
{ TBUP -39: Us }
{ TBUP -40: Icy Ego }
{ TBUP -41: Pictures }
{ TBUP -42: Huh? }
{ TBUP -43: Or Else }
{ TBUP -44: Selfish }
{TBUP -45: Karma + Meenie }
{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP -47: Strangers }
{ TBUP -48: Strawberry Cake }
{ TBUP -49: Paracetamol }
{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP -52: Hey Meenie }
{ TBUP -53: Long Night }
{ TBUP -54: East Velvet University }
{ TBUP -55: If you ever come back }
{ TBUP -56: Owe }
{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP -59: Warning }
{ TBUP -60: DOTA }
{ TBUP -61: Hindrance }
{ TBUP -62: Design }
{ TBUP -63: I hate you! }
{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP -65: Loud & Clear }
{ TBUP -66: Next Month }
{ TBUP -67: Secret? }
{ TBUP -68: Late }
{ TBUP -69: Long Lost Sister }
{ TBUP -70: Selene }
{ TBUP -71: Hell No! }
{ TBUP -72: Zico the Second }
{ TBUP -74: Yanna }
{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP -76: Best }
{ TBUP -77: Daddy's Girl }
{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP -79: Temporary Happiness }
{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }
EPILOGUE

{ TBUP -73: Let's Just End This }

375K 7.4K 1.8K
By erinedipity

{ TBUP –73: Let’s Just End This }

 

 

 

 

--Third Person’s Pov--

//Narration.

Bakas sa mukha ni Ericka ang pagkabigla sa narinig niya mula kay Yanna. Napatingin ito kay Zico na kasalukuyang kandong ang anak nito at iniisip kung anong susunod niyang gagawin. Kahit maituturing na matalino at wais si Zico, ngayon, blangko ang isip niya, wala siyang plano, wala siyang maisip.

Umiwas ng tingin si Zico dahil hindi niya malaman kung anong mukha pa ang ipapakita niya kay Ericka. Hindi naman niya alam na ang isang gabing noon ay pinagsaluhan nila ni Yanna  ay bubuo ng isang malaking problema sa hinaharap. Gustuhin mang magsisi ni Zico alam niyang hindi ‘yun ang dapat. Dahil alam niya sa sarili niyang nasa wasto siyang pag-iisip at ginusto niya ang nangyari sa pagitan nila Yanna noong gabing iyon.

Samantalang hindi pa rin maalis ang ngiti ni Yanna. Hindi dahil sa may binabalak siyang masama kundi dahil sa wakas, ay magkakasama na sila ng lalakeng pinakamamahal niya, ama ng anak niya at ang kukumpleto sa pinapangarap niyang pamilya. Matagal na hinangad ni Yanna ang makasama muli si Zico. Matagal na niyang inasam maiparamdam sa anak na si Zee kung gaano kasarap magkaroon ng ama, kung gaano katamis ang pagmamahal ng isang buong pamilya. Umaasa siya, umaasa siyang ito na ang simula ng masayang pamilyang hinahangad niya, sa piling ni Baby Zee at ni Zico.

Hindi rin naman niya alam kung ano ang namamagitan sa kanila ni Zico at Ericka. Basta ang alam niya –magiging magkapatid na ang dalawang ito—‘yun lamang ang sinabi ni Selene sa kanya.

Ayos ka lang ba?” Tanong ni Yanna kay Ericka na nakatingin pa rin ng matalim kay Zico.

Nilapitan siya ng Mama niya at hinawakan sa braso.

Tara muna sa labas…” Pag-aaya ng Mama nito sa kanya.

Alam ng Mama ni Ericka ang sakit na nararamdaman ngayon ng anak, dama niya ito at hindi niya kayang makita pang nasasaktan siya kung kaya’y dali-dali niya itong ginuyod papalabas ng mansion. Pakiramdam ni Mama Stella ay nabigo siya, nabigo siyang protektahan ang anak niya dahil muli—duguan na naman ang puso nito.

Nang nasa labas na sila ng mansion ay hindi na nakayanan ni Ericka ang magpigil ng luha. Dali-daling umagos ang tubig mula sa kanyang mga mata na tila ba ulan na ayaw papigil. Nasasaktan siya, nahihirapan.

M-Mama, b-bakit g-ganun? O-Okay na ‘di ba? P-Pumayag na k-kayo ‘di ba? A-Ano na naman ‘to?!” Niyakap na lamang siya ng kanyang ina at hinaplos-haplos sa likod. Kahit alam niyang hinding-hindi mapapawi ng simpleng yakap at paghagod na iyon ang sakit na nararamdaman ng anak ay ginawa niya pa rin—dahil sa ngayon, ‘yun lang ang kaya niyang gawin.

Habang hindi pa rin mapakali ang isip ni Zico. Kahit patuloy ang kwentuhan nila Yanna at ng ama nito ay hindi niya magawang makinig at makisali. Paano ba naman niya magagawa iyon eh alam niyang ang babaeng mahal niya ay nasasaktan nang dahil sa kanya. Nang dahil sa kagaguhan niya noong makasarili at masama pa siya. Pati nga ang anak niyang kandong-kandong niya ay hindi niya magawang pansinin dahil ang puso’t isipan niya kay Ericka ang focus.

Zico? Nakikinig ka ba?” Tanong ni Yanna sa kanya.

Noon, ang boses na iyon ang pinakamagandang tinig para sa kanya. Noon, ang mukhang iyon ang pinakaperkpekto. Noon, ang babaeng iyon ang pinakamamahal at halos sambahin niya—pero ngayon, tila ba kahit anong tawag at ngiti ng babaeng iyon ay wala ng epekto sa kanya. Tila ba wala na siyang pakialam. Tila ba wala na siyang maramdaman. Iyon marahil ang mga patunay—na tunay ngang napalitan na ni Ericka ang pwesto ni Yanna sa puso ni Zico. Hindi lang napalitan—nahigitan pa.

Ibinaba ni Zico si Baby Zee at agad na tumayo. Ikinagulat iyon ni Yanna pero parang wala na lang sa ama nitong si Sev dahil inaasahan na niyang gagawin iyon ng anak. Alam ni Sev ang takbo ng pag-iisip ng anak. Alam niyang mahal nito si Ericka at wala itong pakialam sa mag-inang umaasa na nasa harapan niya.

Zico…” Tawag ni Yanna pero bingi si Zico pagdating sa kanya.

Tumalikod na ito, “Anak!” Tawag ng ama nitong si Sev. “Nag-uusap pa tayo! Bumalik ka sa pagkakaupo!” Parang asong inutusan ni Sev ang anak. Subalit, buo na ang desisyon ni Zico.

I know how to handle my responsibilities but at least let me follow where my heart is…” Sambit ni Zico bago tuluyang lumabas ng mansion.

Napahawak na lamang si Tito Sev sa kanyang noo. Hinilot-hilot niya ito. Alam niya na kahit anong utos at sigaw ang ipukol niya sa anak—alam niyang buo ang desisyon nito. Alam niyang na kay Ericka ang puso nito.

Sandaling nabigla si Yanna subalit nanaig ang lungkot sa kanya. Hindi niya maintindihan—o talagang ayaw niyang intindihin—ayaw niyang masaktan.

--Ericka’s Pov--

 

Fvck sht! Bakit ang sakit?! Bakit ang sakit-sakit?! Akala ko okay na eh! Pumayag na si Mama! Pumayag na si Tito Sev! Wala ng forbidden love! Wala ng ‘just siblings’ drama! Pero ano ‘to?! Bakit may bigla na namang susulpot?! Matatanggap ko pa sana kung isa lang sa mga ex niya na naghahabol sa kanya katulad ng mga dramang napapanood ko pero—may anak eh! May kasamang bata! Sa tingin niyo, paano ako lalaban kung alam kong simula pa lang talo na ako?! Putangina, ang sakit!

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap-yakap ako ni Mama. Ano pa bang gagawin ko? Tumawa ng malakas? I-congratulate sila? Tanginang ‘yan! Nasasaktan ako at hinding-hindi ako magpapaka-martyr! Kaya eto, iiyak na lang ako. Pero pucha! Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito ata ang pinakamasakit. Pakshet! Umaasa na ako! Andun na eh! Tapos biglang may eentrada?! Tangina talaga!

Athena…

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Magiging masaya na sana ako nang tawagin niya ako pero naalala ko, may Zico Junior siya. Putangina! Sa lahat na nga lang ng magkakaanak siya pa! Ang dami-daming gustong magkaanak dyan bakit kay Colosseus pa nila binigay?! Hindi ako magpapaka-santo, hindi ako magpapakabait dahil hindi ako ganun—oo, naiinis ako sa bata! Naiinis akong pinanganak siya! Kasi nang dahil sa kanya, hindi na ako sasaya.

Zico please, huwag ngayon.” Sabi ni Mama.

Tita please kailangan ko siyang makausap. Please! Parang awa niyo na!” Pakiuap ni Colosseus kay Mama.

Mama please huwag mo akong iwanan. Please huwag kang pumayag. Ayoko siyang makausap! Ayoko siyang makita! Kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-arte sa harap niya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hilingin ko sa kanyang iwanan niya ‘yung mag-inang ‘yun para sa akin. Natatakot akong maging makasarili.

Huwag ngayon… maawa ka naman sa anak ko…” Wika ni Mama.

Maawa rin po kayo sa akin… hayaan niyo po akong ayusin ‘to. Please…

Bigla ko na lamang naramdamang kumakalas na si Mama mula sa pagkakayakap sa akin—Mama! Huwag! Hinigpitan ko ang kapit kay Mama pero nagawa niya pa ring makaalis. Hinalikan ako ni Mama sa noo atyaka umalis.

Tangina ayokong makita niya akong ganito! Ayokong makita nilang mahina ako! Matapang ako ‘di ba? Ako si Ericka ‘di ba? Break-up planner ng campus, kinakatakutan ng lahat. Matapang ako! Matapang ako!

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Mas lalo akong naiyak sa ginawa niya.

Makinig ka sa akin please—

Ayoko! Hindi ko kailangang makinig sa’yo kasi narinig ko na kanina! Kailangan mo pa bang ulit-ulitin sa aking may anak kayo ni Yanna?! Kailangan mo pa bang ulit-uliting saktan ako, ha?!

Matapang ka… matapang ka Ericka… palagi naman ‘di ba?

Mahal kita…” Sabi niya sa akin.

Pakshet! Mas lalo kong gustong umasa eh! Sa sinabi niyang ‘yan mas lalo akong nabubuhayan ng loob kahit ang totoo wala na. Ang totoo, dead end na. Tapos na. Kahit mahal namin ang isa’t isa, kahit ipilit pa namin, wala na eh. Talo. Kasi may anak sila! May batang madadamay! Hindi ‘yun kakayanin ng konsensya ko dahil ako mismo—ganung-ganun ang sitwasyon. Ayoko naman katulad ko, lumaki ng walang ama si Baby Zee.

Mabibigyan ba ng buong pamilya ng pagmamahal na ‘yan ‘yung anak mo?” Tanong ko sa kanya.

Nakatingin ako sa kanya—hindi tulad ng mata niya noon, hindi na ‘yun kasing lamig ng yelo ngayon. Makikita mong naguguluhan din siya. Makikita mong nahihirapan din siya. Nasasaktan din siya. Ano nang gagawin natin ngayon Colosseus? Kaya pa rin ba nating ipaglaban ang isa’t isa? Ipaglaban ‘yung ‘tayo’ na parehas nating alam na talunan na?

Hindi ko alam… naguguluhan ako. Pero please, huwag ka namang umalis sa tabi ko. Huwag mo naman akong iwanan…” Pakiusap niya sa akin.

Hawak niya ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Nangungusap ‘yung mga mata niya. Anong gagawin ko? Mahal na mahal ko rin si Colosseus eh. At sobrang sakit sa aking makita siyang hawak ng iba. Pero paano ‘yung anak niya? Alangan naman na pabayaan niya ‘yun?

Anak mo si Zee ‘di ba? Paano siya?

Susuportahan ko siya. Pero… hindi ko papakasalan si Yanna kung sakaling hilingin man niya ‘yun sa akin.

Pakasalan mo siya Colosseus. Kailangan ka nung bata—kailangan ka ni Yanna.

Totoo naman ‘di ba? Hindi naman kasi makakaya ng konsensya kong maging makasarili. Hindi ko kayang agawin ‘yung ama ni Baby Zee. Kailangan niya ng ama. Kailangan niya ng buong pamilya. Tignan niyo naman ‘yung nangyari sa akin dahil sa wala akong ama, ayokong mangyari kay Baby Zee ‘yun. Hindi kaya ng konsensya ko.

Kaya ko  namang maging ama sa kanya kahit hindi kami magpakasal ni Yanna!” Bulalas nito.

Pero makakaya mo ba?! Makakaya mo bang hayaan si Yanna habang pinapalaking mag-isa ‘yung anak NIYO?!” Ipinagdiinan ko ang salitang ‘niyo’. “Makakaya mo bang makita si Baby Zee na umiiyak sa school kasi wala siyang mai-presentang tatay sa mga kaklase niya?! Makakaya mo bang araw-araw, pag-uwi ni Baby Zee sa bahay nila wala siyang tatay na makikinig, mag-aalaga at magbibigay sa kanya ng proteksyon?! Colosseus, kaya mo bang makita ‘yung sarili mong anak—dugo’t laman mong ganun?!

Anak pa rin ni Colosseus si Baby Zee, sigurado akong kahit gaano niya ako kamahal hinding-hindi niya makakayang lumaki ng mag-isa ‘yung anak niya. Tyaka kahit masakit—pwede pa rin namang mahalin ulit ni Colosseus si Yanna ‘di ba? Alang-alang kay Baby Zee.

Yung suportang sinasabi mo—‘yung pagsuportang sinasabi mo, hindi lang basta pera Colosseus! Hindi lang basta pera ang kailangan ni Baby Zee! Kailangan niya ng amang makakasama niyang maglaro, kailangan niya ng amang mapagsasabihan niya ng problema niya sa mga babae, kailangan niya ng isang pamilya kung saan may tatay siyang nakikita araw-araw. Kailangan niya ng mga magulang na gigising sa kanya para pumasok, makikita niyang nagmamahalan at sama-samang kumakain sa iisang hapagkainan. Kailangan ni Baby Zee ng isang buong pamilya! Hindi lang suportang pera!

Napayuko na lamang ito. Hindi ko alam pero, bigla na lang tumulo ‘yung mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin at pagaanin ‘yung loob niya pero sigurado akong ‘pag ginawa ko ‘yun, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Mas lalo lang akong mahihirapang pakawalan siya. Mas lalo lang naming sasaktan ang isa’t isa.

Sorry…” Sambit nito.

Ayoko na… tapusin na natin ‘to Colosseus.” Napatingin siya sa akin, “Let’s just end this…

Masakit man sa akin. Halos ikamatay ko man nang sabihin ko iyon, kailangan ko. Kailangang-kailangan ko dahil hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan. Maiipit lang siya sa aming dalawa ni Yanna eh. Mahihirapan lang siyang mamili, mag-prioritize. Mas mabuti na ‘yung ganito. Tapos na ‘yung sa aming dalawa. Hindi na siya mahihirapan, hindi na rin ako mahihirapan. Kailangang tanggapin, hanggang dito na lang.

Kailangan kong tanggapin—epic fail na naman. Hindi pa siya ‘yung the one.

Athena…

Hindi pangalan ko ‘yung dapat mong sinasambit dito. Pangalan ni Baby Zee—pangalan ni Yanna…

Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Papalayo sa kanya. Papalayo sa taong mahal ko. Yung inakala kong ‘the one’. Pucha. Umiiyak na naman ako. Di bale, pagkatapos nito, pinapangako kung hindi na ako iiyak—pipilitin ko. Matapang ako ‘di ba? Ako si Ericka, matapang, mataray, palaban, btch… at syempre makakalimutan ko ba ang tawag sa akin ng sambayanan? The Break-Up Planner.

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...
23.5K 1K 97
Internet Love | epistolary with narration.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.