The Break Up Planner (Publish...

By erinedipity

42.9M 842K 247K

"Break na 'yan sa Sabado!" More

PROLOGUE
{ TBUP -1: The Reason Why }
{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }
{ TBUP -4: It's a Deal! }
{ TBUP -5: I saw her }
{ TBUP -6: Plan A }
{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }
{ TBUP -8: She's your bride }
{ TBUP -9: This Day is Epic }
{ TBUP -10: Flashbacks }
{ TBUP -11: Devastated }
{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP -13: My Girlfriend }
{ TBUP -14: Crying Shoulder }
{ TBUP -16: Storage Room }
{ TBUP -17: Into the New World }
{ TBUP -18: I'm... }
{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }
{ TBUP -20: It's Now or Never }
{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }
{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP -25: Payback }
{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP -27: Kidnap My Heart }
{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP -30: Doubts }
{ TBUP -31: Teary, February }
{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }
{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP -34: Trial }
{ TBUP -35: Mr. Novocaine }
{ TBUP -36: Call Him Colosseus }
{ TBUP -37: Hating Him }
{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }
{ TBUP -38: Colosseus & Athena }
{ TBUP -39: Us }
{ TBUP -40: Icy Ego }
{ TBUP -41: Pictures }
{ TBUP -42: Huh? }
{ TBUP -43: Or Else }
{ TBUP -44: Selfish }
{TBUP -45: Karma + Meenie }
{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP -47: Strangers }
{ TBUP -48: Strawberry Cake }
{ TBUP -49: Paracetamol }
{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP -52: Hey Meenie }
{ TBUP -53: Long Night }
{ TBUP -54: East Velvet University }
{ TBUP -55: If you ever come back }
{ TBUP -56: Owe }
{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP -59: Warning }
{ TBUP -60: DOTA }
{ TBUP -61: Hindrance }
{ TBUP -62: Design }
{ TBUP -63: I hate you! }
{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP -65: Loud & Clear }
{ TBUP -66: Next Month }
{ TBUP -67: Secret? }
{ TBUP -68: Late }
{ TBUP -69: Long Lost Sister }
{ TBUP -70: Selene }
{ TBUP -71: Hell No! }
{ TBUP -72: Zico the Second }
{ TBUP -73: Let's Just End This }
{ TBUP -74: Yanna }
{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP -76: Best }
{ TBUP -77: Daddy's Girl }
{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP -79: Temporary Happiness }
{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }
EPILOGUE

{ TBUP -15: Back to Normal }

619K 12.6K 2.7K
By erinedipity

{ TBUP –15: Back to Normal }

 

 

 

Pwedeng makiupo?” Tanong ni Carmeen sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama at bumalik sa pag-inom ng juice ko, “H-Hindi mo pa ako sinasagot.

Hindi sa akin ang canteen kaya pwede kang umupo kung san mo gusto.” Tapos inirapan ko siya.

Hindi sa ayaw ko siyang patawarin, gusto ko pero hindi pa ako handa. Sa totoo lang? Itong pagtataray ko sa kanya eh labag sa kalooban ko. Ang sakit-sakit para sa aking pagsalalitaan siya ng mga ganito. Pero anong magagawa ko? Sinaktan niya ako eh, alangan naman na kalimutan ko lang iyon.

Bahala na kung kailan ko siya kakausapin ulit. Pwedeng bukas, sa makalawa, o pwedeng hindi na.

Umupo siya, “Mag-usap naman tayo oh. Please?” Pakiusap niya sa akin.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil baka hindi ko mapigilang mapaiyak, “Nag-uusap naman na tayo ah.

Ericka, sorry na.” Hinawakan niya ang kamay ko.

Sorry na? Sa tingin mo ba Carmeen robot ako? Sana nga robot na lang ako para hindi ako nasaktan sa ginawa mo sa akin.” Inalis ko ‘yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya, “Huwag ngayon, please. Huwag ngayon.” Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kanya.

Sabihin niyo ng matigas ang puso ko, hindi ko lang talaga kayang humarap sa kanya ngayon. Masakit pa eh.

--Carmeen’s Pov--

 

 

Ayaw pa rin akong kausapin ni Best. Haaay, mapapatawad pa kaya niya ako? Miss na miss ko na siya. Ilang beses ko na siyang tinetext pero no reply, tinatawagan ko rin siya pero palagi niyang nire-reject. Ayaw na ba talaga niya sa akin?

Best friend ko siya simula nung grade three kami. Kahit nga sa Hope Academy talaga ako mag-aaral eh talagang umiyak ako ng dugo sa harapan ng mga magulang ko para lang payagan nila akong dito pumasok kasi nandito si Best.

Noong nag-break sila ni Chron, naging ganyan na si Best. Nagsimula na ‘yang manghula ng break-ups. Nagtataka nga ako kung paano niya ‘yun nagagawa eh. Ang galing niya! Pero kung gaano siya kagaling, ganun din kagaling ang mga napapagbreak niyang i-hate siya. Lahat sila halos patayin si Best sa tingin. Lagi siyang sinisisi, eh palagi niya namang sinasabi, “Hindi ko naman sila inutusang magbreak, hinulaan ko lang.” May punto nga naman si Best.

Nung mga sandaling iyon, hindi ko siya iniwan. Hindi ako natakot sa kanya kahit may boyfriend ako nung mga panahong iyon (si Elzid) alam ko naman kasing hindi niya kami huhulaan eh. Hanggang sa isang araw, hinulaan niya ‘yung break-up namin, kesyo raw may ibang babae si Elzid. Well, totoo kaya nga kami nag-break ni Elzid nun eh.

Pero bumalik siya, niligawan niya ulit ako. Sabi niya na-temp lang daw siya run sa babae, ako naman daw talaga ‘yung mahal niya. Everybody deserves second chances naman ‘di ba? Kaya pinagbigyan ko siya. Pero si Best naman ang nawala, natakot kasi talaga ako sa kanya eh. Alam ko namang abot langit ang sama ng loob niya kay Elzid. Pero kahit kailan, never akong naging fake sa kanya. Never ko siyang inayawan. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko!

Kaya hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat para lang maibalik ‘yung friendship namin ni Ericka! Alam kong kaya niya akong patawarin, ang tanong eh kung kailan.

Haaay…

--Chron’s Pov--

 

 

Hindi pa rin tumatawag or sumasagot sa text ko si Selene. Seryoso talaga siya sa pakikipagbreak sa akin. Wala tuloy akong ganang pumasok ngayon,parang gusto kong bumalik ng bahay at humilata na lang dun maghapon kahit nasa harapan na ako ng gate.. =___=

Haay Selene, kung kailan okay na ang lahat tyaka ka aalis? Bakit? Ang tagal-tagal nating hinintay ‘to tapos aalis ka na lang bigla. Nakakainis! Buti pa si Psyche nakasama ka ng isang taon, nayakap, nahalikan! Nakakainis talaga! Ako dapat ‘yun eh…

Habang nasa hallway ako napansin ko si Ericka na nakatulala habang naglalakad. Isa pa itong babaeng ‘to eh, ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikita ko siya palaging gusto kong yakapin siya. Siguro kasi kailangan niya ng comfort at ganun din ako.

Lumapit ako sa kanya, “Good morning.” Tapos nginitian ko siya.

Good morning din.” Napansin ko na lang na nalagpasan niya ‘yung classroom namin.

Uyy, ‘dun ‘yung classroom natin, remember?

Kumunot ‘yung noo niya, “Huh? Hindi mo ba alam? Wala tayong klase sa first period, naka-leave si Ma’am, remember?” Tumango na lang ako tapos naglakad na ulit siya.

Ay oo nga pala. Hindi ko naalala. Napahiya ako run ah! Pero okay lang, kay Athena naman. Psh, makapasok na nga sa classroom. Dun ko na lang itutuloy ang pagtulog ko.

--Ericka’s Pov--

 

 

Bangag ata si Chron? Psh, malamang sugatan ang puso kaya absent minded. Nakakawalang ganang manglandi ngayon, ewan ba =____= Teka, saan ba ako pupunta?

Oo nga pala, hahanapin ko si Psyche. Miss na miss ko na kas—Shet hindi ah! Hahanapin ko siya kase… kase… kase… ANO NGA BA?!

Hahanapin ko siya kasi kakamustahin ko siya! Yun eh! Amf >____<

Pero saan ko naman ‘yun hahanapin? Hindi ko naman kasi alam kung saan siya tumatambay ‘di ba? Bwisit naman ‘yun, kung nasan man siya.

Habang naglalakad ako eh parang may naririnig akong umiiyak, sinundan ko ‘yung tunog at napadpad ako sa stairs ng roof top (makasaysayan talaga ‘tong roof top na ‘to eh!) at nakita ko si Psyche habang umiiyak?

At may hawak na sulat?

Anyare rito?

Lalapitan ko na sana siya pero, “Huwag kang lumapit kung tatawanan mo lang ako.” Bigla niyang sinabi.

Psh. Kung tatawanan kita eh ‘di sana kanina pa.” Tapos lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Iniangat niya ‘yung ulo niya at tumingin sa akin, “Ano bang iniiyak mo rito?” Tanong ko sa kanya.

Kung sasabihin ko ba sa’yo… may magbabago ba?” Tanong nito sa akin. Malamlam ang mga mata niya at para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kitang-kita sa kanyang nasasaktan siya. Ano ba kasing nangyari?

I know that I can’t change the fact that you are hurt, but maybe I could help.” Napapa-english ako ng wala sa oras eh. Ano ba kasing problema nito?

Errr, alam ko na. Si Selene siguro. Kasi nga ‘di ba, sabi ni Chron kahapon umalis si Selene? Baka naman iniiyakan niya ‘yun?

Hindi ko talaga maiwasang mainggit kay Selene. Dala-dalawang lalake ang nagpapantasya sa kanya eh. Seryoso, ganun ba siya kaganda? Eh dyosa na ako! Dyosa na! Putakte talaga >.<

Hindi na sumagot si Psyche sa halip ay iniabot niya sa akin ‘yung sulat na hawak niya. Agad ko naman ‘yung kinuha at binuklat at tumambad sa akin ang,

Psyche,

                        First of all, I want to know your condition now. So, how are you? This is weird because I found my self missing you. Maybe because you’re my friend and we spent so many days together and shared hundreds of memories. I know I’ll be missing you more because I am now here, living in Japan. My parents sent me here to study and help in their business.

                        Psyche, I know you loved me too much, and I’m really sorry for breaking up with you. Alam kong alam mo na simula noon si Chron na talaga ‘di ba? But you pushed your luck hoping that I’d love you in return, but once again… I’m sorry. I didn’t. Hindi ko nagawang mahalin ka kahit naka-isang taon tayo. I know, this is painful pero sinabi ko na rin sa’yo para maintindihan mo at para makapag-move on ka na rin.

                        Thank you for being there, for making me happy and for loving me. Alam ko na hindi ko ‘yun nasuklian at hindi ko ‘yun natapatan, but I’m very thankful that God sent you from above to be my friend.

                        Please, take a good care of yourself. Wag mo na akong iisipin, ikwe-kwento, try your best to get me out of your head, stop loving me or in short, move on. Pinagdadasal ko na makahanap ka babaeng magmamahal sa’yo, napaka-swerte mo nga kasi may Ericka kang nandyan sa tabi mo eh. Take care of her, okay?

                        I love you, my friend.

 

You friend,

Selene :)

 

 

Putek! Itong sulat na ‘to? Crap! Pucha! Ang corny! Pwede naman niyang i-message sa facebook or itext. Bat pa niya pinahirapan ‘yung sarili niyang magsulat? Gaga naman nun. Oh well, Psyche, walang mangyayari kung iiyak lang siya =______=

Hinagod ko ‘yung likod niya, “Okay lang ‘yan, move on na lang kasi Psyche! Ano ka ba!

Tinignan niya ako ng masama na ikinagulat ko, “Bakit ikaw? Nagmo-move on ka na ba?

Oo! Kahit papano, sinusubukan ko!

Psh. Nakita ko nga kayong dalawang naglalandian kahapon eh. Yun ba ang nagmo-move on?” Ano ba Psyche! Wag ganyan tumingin, nagui-guilty ako T____T “Sa totoo lang, hindi naman ang mag-move on ang mahirap eh. Sa katunayan nga, nagagawa ko na. Ang mahirap? Tanggapin na nakipagrelasyon siya sa’yo ng halos isang taon pero hindi ka niya minahal. Alam mo ba ‘yun?

Ah –Oo!” Nakakaawa si Psyche :(

Pinagmukha niya akong tanga eh. Yun ang mahirap.

Ano, huwag ka ng mag-alala. Makakalimot ka rin. Tutulungan kita!” Tapos ngitian ko siya.

Napangiti siya. SHET! NAPANGITI KO SIYAA?!

For the last time Ericka, I want you to be happy kaya gagawin ko na lang ‘to para maging masaya ka… kay Chron.” Aww, so he doesn’t want me to be happy with HIM instead? –Shit! What am I saying?

H-Ha? A-Ano naman ‘yan?” I’m puzzled. Ano kaya ‘yun? Baka mamaya ano ah!

Our last plan to get Chron back… for you.” Napatingin siya sa sahig.

So… what’s the plan?” Tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang lumapit at ibinulong sa akin ang plano niya.

--Psyche’s Pov--

 

 

What hurts the most? The thought the you’re not loved by the girl you gave your whole heart to but she made you believe that she did. Fvck! Ang sakit lang sa ego dahil nagmumukha akong tanga ng halos isang taon! Punyeta!

Kung nakipagbreak na lang siya sa akin noon at hindi na pinatagal ang lahat eh ‘di sana walang nasasaktan ngayon. Eh ‘di sana hindi ako nasasaktan! Kung sinabi niya na lang sana sa akin ng mas maaga na mahal niya si Chron, hindi naman ako magagalit eh, tatanggapin ko naman. Pero hindi eh… pinaniwala niya akong mahal niya rin ako.

At ako naman ‘tong si tanga, naniwala ng sobra-sobra hanggang sa sobra-sobra ko na rin siyang minahal.

Pero okay lang naman eh. Okay lang na hindi na umalis na siya, okay lang na hindi na siya bumalik, okay lang na hindi na maging kami. Sumuko na ako. Pero ang hindi okay? Yung pagpapakatanga ko sa kanya.

But what else can I do? What is done is done. Wala na akong magagawa run. Siguro… tutulungan ko na lang si Ericka kay Chron…

Shit. Parang ayaw ko! Parang ayaw kong magbalikan sila!

Bwisit. Ayokong mapunta ulit siya kay Chron!

Pwede bang…

AKIN NA LANG SIYA?

 

 

Shit talaga! Ang bading ko! Pero ewan! Bahala na! Kung maging sila eh ‘di okay! Pero sana… sana talaga. Sana hindi na!

Pucha! Ano bang nangyayari sa akin >______<

Continue Reading

You'll Also Like

39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.
758K 24.2K 78
Eight teens with different dreams in life will experience the test of their friendship. There is a deep love, which will bring pain to all and reven...
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?