The Break Up Planner (Publish...

By erinedipity

42.9M 843K 247K

"Break na 'yan sa Sabado!" More

PROLOGUE
{ TBUP -1: The Reason Why }
{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }
{ TBUP -4: It's a Deal! }
{ TBUP -5: I saw her }
{ TBUP -6: Plan A }
{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }
{ TBUP -8: She's your bride }
{ TBUP -10: Flashbacks }
{ TBUP -11: Devastated }
{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP -13: My Girlfriend }
{ TBUP -14: Crying Shoulder }
{ TBUP -15: Back to Normal }
{ TBUP -16: Storage Room }
{ TBUP -17: Into the New World }
{ TBUP -18: I'm... }
{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }
{ TBUP -20: It's Now or Never }
{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }
{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP -25: Payback }
{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP -27: Kidnap My Heart }
{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP -30: Doubts }
{ TBUP -31: Teary, February }
{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }
{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP -34: Trial }
{ TBUP -35: Mr. Novocaine }
{ TBUP -36: Call Him Colosseus }
{ TBUP -37: Hating Him }
{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }
{ TBUP -38: Colosseus & Athena }
{ TBUP -39: Us }
{ TBUP -40: Icy Ego }
{ TBUP -41: Pictures }
{ TBUP -42: Huh? }
{ TBUP -43: Or Else }
{ TBUP -44: Selfish }
{TBUP -45: Karma + Meenie }
{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP -47: Strangers }
{ TBUP -48: Strawberry Cake }
{ TBUP -49: Paracetamol }
{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP -52: Hey Meenie }
{ TBUP -53: Long Night }
{ TBUP -54: East Velvet University }
{ TBUP -55: If you ever come back }
{ TBUP -56: Owe }
{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP -59: Warning }
{ TBUP -60: DOTA }
{ TBUP -61: Hindrance }
{ TBUP -62: Design }
{ TBUP -63: I hate you! }
{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP -65: Loud & Clear }
{ TBUP -66: Next Month }
{ TBUP -67: Secret? }
{ TBUP -68: Late }
{ TBUP -69: Long Lost Sister }
{ TBUP -70: Selene }
{ TBUP -71: Hell No! }
{ TBUP -72: Zico the Second }
{ TBUP -73: Let's Just End This }
{ TBUP -74: Yanna }
{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP -76: Best }
{ TBUP -77: Daddy's Girl }
{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP -79: Temporary Happiness }
{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }
EPILOGUE

{ TBUP -9: This Day is Epic }

686K 14.4K 2.9K
By erinedipity

{ TBUP –9: This Day is Epic }

 

 

 

 

Kanina pa ako hinihila ni Psyche papuntang gate ng school. Ano bang tinira nito kagabi? Drugs? Marijuana? Ecstacy? Oh sadyang nakalanghap lang siya ng usok galing sa tambutso? Eh bakit kasi ganito siya makahawak sa kamay ko! Ang higpit-higpit! Tyaka kanina, hinalikan niya ako sa labi!

Oh shet! Ngayon lang nag-register sa utak ko ‘yun ah! Hinalikan niya ako sa… lips? O________O

Hutanghena! Ano reaksyon ni Chron?! Tekaaa! Babalik ako sa booth! Di ko nakita eh! Takte! >.<

Pwede bang bitawan mo ‘ko?!” Sigaw ko kay Psyche.  Hindi niya ginawa ‘yung sinabi ko, sa halip eh mas hinigpitan pa niya ‘yung hawak niya sa akin. “ARAY! Sinabi nang bitawan mo ‘ko eh!” Tapos hinila ko ‘yung kamay ko. “Ano bang problema mo?!

Tangna naman kasi ‘yang bestfriend mo! Ubod ng katangahan! Nang dahil sa kanya bulilyaso ulit ‘tong Plan B na ‘to! Nung nagpaulan ata ang Diyos ng katangahan eh feel na feel niyang lumabas!” Nanggagalaiting pahayag ni Psyche habang nanlilisik ang mga mata.

Nainis at nainsulto ako sa sinabi niya, syempre bestfriend ko si Carmeen! Kaya para maiganti ang bestfriend ko, sinampal ko ng full force si Psyche! Laitin niya nang lahat! Wag lang ang bestfriend ko!

Wala kang karapatang sabihan ng ganun ang bestfriend ko! Wala siyang alam sa deal na ‘to kaya pwede ba, itikom mo ‘yang bibig mo at huwag mo siyang sisihin!” Sigaw ko kay Psyche.

Hinimas-himas ni Psyche ‘yung pisngi niyang sinampal ko, “Tsss! Nakakainis kayong dalawa! Pareho kayong pathetic at useless!

Sinampal ko ulit siya, “Eh gago ka pala eh! Ikaw nga ang nag-offer sa akin ng deal na ‘to eh! Kung ikaw kaya kumilos para makuha ‘yang Selene mo?! Ang bitter mong lalake ka! Pucha!

Kung makapagsalita ka parang hindi ka rin bitter ah?! Tyaka sinong nagsabing hindi ako kumikilos?! Nagkataon lang talaga na tanga ‘yang bestfriend mo!

 “Wag mo sabing sinasabihan ng tanga ang bestfriend ko eh!” Sinuntok ko naman siya ngayon! Namumuro na eh!

Shit! Athena! Aray!” Aba?! Mapapel ‘tong gagong ‘to ah! Tawagin ba naman akong Athena!

Hoy! Wag mo nga akong matawag-tawag ng Athena! Di ka ganun ka-importante sa akin para tawagin mo ‘ko sa pangalan kong iyon!” Sabi ko sa kanya.

Yeah! Whatever. Nakakainis ka!” Ang bakla niya =__________=

Bakit ka ba naiinis?! Nagagalit ka ba dahil hindi kami ni Chron ang nagpakasal? O nagagalit ka dahil ako ‘yung napakasalan mo?” Umiwas siya ng tingin, “…wag kang mag-alala, kasal-kasalan lang ‘yun. Sisiguraduhin ko sa huli na kami ni Chron ang makikita mo sa totoong altar!” Pahayag ko tapos tumalikod na ako para umalis, pero nilingon ko ulit siya, “Kung gusto mo, huwag na nating ituloy ‘yung pesteng date na ‘yun. Hindi rin naman ako interesado!

Teka, parang ano ah… parang nanghihinayang ako? Ewan, para kasing gusto kong ituloy ‘yung date. Para kasing gusto ko siyang makasama? Alam mo ‘yun? Tulak ng bibig kabig ng dibdib?

Ay shet! Ano ba ‘tong lumalabas-labas sa bibig ko. Muntanga tuloy ako! Tsk tsk.

So naglakad na ako papalayo sa kanya pero bigla akong nakaramdam ng kamay sa braso ko.

Halika na…” Pagtingin ko, si Psyche lang pala. So tuloy ang date? Takte, excited ba ako?!

Saan tayo pupunta?” Pa-inosente effect xD

Date. Bopols ka talaga…

Gusto mo ulit lumanding sa mukha mo ‘to?” Sabay pakita ng kamao ko sa kanya.

Tsss… halika na!” Tapos hinila niya ulit ako papalabas ng gate.

***

Nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang, concentrate siya sa pagmamaneho samantalang ako concentrate sa pagtingin sa mga dinadaanan namin.

Pansin ko lang, kada nasa sasakyan kami palaging awkward ang atmosphere namin. Ewan kung bakit? Palitan na lang natin ‘tong sasakyan mo Psyche! Panget ng atmosphere >_____<

Sorry…” Mahina niyang sabi.

Saan?” Tanong ko naman kahit alam ko ang dahilan. Hahaha!

Alam mo bang, ayaw na ayaw ko sa lahat ang nag-sosorry? Bakit kailangan mo pang ipaulit sa akin?” Medyo naiirita niyang tanong.

Hindi ko naman pinapaulit sa’yo ah! Tinatanong ko lang naman kung bakit :3” Nag-pout ako :D

Sorry sa mga nasabi kong masasama sa’yo at sa bestfriend mo.” Kaya naman pala niya eh. Tsk tsk.

Okay. Ikaw kasi eh, maghintay ka lang kasi. Makukuha mo rin ang gusto mo.” Tapos kinindatan ko siya. Pero bakit parang ayaw ko na talagang gawin ‘yung deal?

Minsan talaga nafe-feel ko na parang ayaw ko nang bumalik kay Chron. Pero ginagawa ko naman ang lahat para masabi ko pa rin sa sarili ko na si Chron pa rin. Simula kasi nung nagbreak kami, sinarado ko nang lahat ng bintana at pintuan sa puso ko. Sabi ko sa sarili ko, kung hindi rin lang si Chron ang mamahalin ko eh ‘di mas mabuti pang huwag na lang akong magmahal.

Pero ngayon? Ngayon na may Psyche nang dumating sa buhay ko? Feeling ko unti-unti siyang humuhukay ng butas para makapasok sa puso ko.

 Aish, ano ba ‘to? Bakit ang corny ko?! Eww naman >_____<

Andito na tayo…” Sabi niya tapos lumabas na siya ng kotse.

Binuksan ko ‘yung pinto ng kotse at lumabas. Sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng mall. Haay, ano namang romantic sa loob ng mall na ‘to? Amboring kaya rito! Hindi ito ang ideal date na gusto ko >_________<

Makapag-inarte at reklamo wagas? Buti nga dinate ka eh. –konsensya raw.

K! Ang piling ng konsensya ko! Makiki-ekstra pa rito. Leche!

San mo gustong pumunta?” Kung kanina eh dragon siya, ngayon naman mukhang tupa. Ano ba talagang natira nitong Epiales na ‘to?

Kahit saan basta hindi boring.” Sabi ko naman.

Kain na lang tayo. Alam kong kanina mo pa pinipigilan ang pagka-PG mo.

Yabang mo ah!” Matakaw lang naman ako, di ako PG >_____<

--Psyche’s Pov--

Psyche-iii baby!” Tawag niya sa akin, “Gusto ko nun oh! Masarap ‘yun! Tapos dalawa run oh! Waaah! ‘Yun pa! Ice cream!!” Sabi ko na nga ba, PG siya. Lahat na ata ng menu rito sa restaurant pinili niya.

Tsss, yan ba ang hindi raw PG?” Pabulong kong sabi.

Anong *chomp* sinasabi *chomp* mo?

Wala. Kain ka lang dyan.” Kahit ‘di ko naman sabihing kumain pa siya eh kakain pa rin talaga siya. PG nga eh. Tss, ayoko ng baboy na girlfriend.

Teka, sino bang nagsabing magiging girlfriend ko ‘yang Ericka na ‘yan? Nakuu, patay ako neto kay Selene! Tsk tsk >____<

Kain pa rin siya ng kain. Teka, nakakatatlong baso na siya ng strawberry ice cream ah! Grabe pala ‘tong babaeng ‘to kumain. Parang wala ng bukas! Hindi ba siya pinapakain sa bahay nila? Hindi naman siya mataba, eh bat ang takaw niya? :O

Hoy! Hinay-hinay lang! Ma-impatso ka eh!” Saway ko sa kanya.

Eh kesyo mashuwarap weh!” Tapos subo pa rin siya ng subo. Teka nga lang, isang oras na kami rito sa restau pero kain pa rin siya ng kain. Anong klaseng tyan meron ‘to?

After 10 million years, eto na. Kakalabas niya lang ng washroom at aalis na sana kami ng restau ng bigla siyang dumaing ng pagsakit ng tyan.

Waaaaaaaah! Psyche-iiii!” Bat ba Psyche-ii ang tawag sakin neto? “Ansakit ng tyan ko!” Tapos nag-pout pa siya. Ano ba ‘yan, ang cute niya.

Yan kase! Kain ka ng kain.” Sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya, “Tara, iuuwi na kita sa inyo. PG ka kasi.

Eh masarap talaga eh! Pero waaaaaaaah! Ang sakit ng tyan ko :33” Pout ulit? Pag di ako nakatiis hahalikan ko ‘yan!

Tara na kasi.

Tapos lumabas na kami sa mall, inaalalayan ko siyang maglakad habang siya nakahawak sa tyan niya.

Uyy tignan mo ‘yung dalawang ‘yun oh. Ang sweet naman nila. Inaalalayan niya ‘yung buntis niyang misis.” Narinig kong sabi ng isang babaeng 50+ years old na habang kasama ‘yung asawa niya.

Buntis? Si Athena buntis? Misis? Si Athena misis ko? Ano bang pinagsasasabi nitong mga ‘to?

Oh my gosh! Ang gwapo nung lalake! Swerte naman ni girl at nalahian kaagad ni boy na pogi!” Sabi ng isang teenager kasama ang barkada niyang nagtitilian din.

Okay, we really need to get out of this place. Madudumi pag-iisip ng mga taong nandito.

Kaya isinakay ko na siya sa kotse para ihatid na sa kanila. Medyo maaga pa naman at hindi pa bumababa si Haring Araw pero masakit na ‘yung tyan niya eh. Alangan naman na igala ko pa siya? So ayun, sinuotan ko siya ng seatbelt dahil parang hindi niya nakayang gumalaw sa sobrang sakit ng tyan niya. Habang nilalagay ko ‘yung seatbelt, nagkaroon ako ng chance para makita ang ‘perpektong’ hubog ng mukha niya. Mukha talaga siyang anghel na porcelain doll! Ganda nga niya eh.

Baka naman gusto mo nang mag-drive para makauwi na ako?” Bigla siyang nagsalita. Di ko kasi namalayang ang lapit-lapit na pala namin sa isa’t isa to the point na malapit ko nang maangkin ang labi niya. Takte! Parang gusto kong subukan!

Lumayo ka sa tukso Psyche! Magagalit si Selene sa’yo. Oh well, may pakialam ba siya? Aish. Ano ba ‘tong nangyayari? >____<

Ah sorry…” Sabi ko tapos bigla na lang akong humarap sa manibela at ini-start ang kotse.

Habang nagmamaneho ako, “Grabe Psyche-ii baby! Ang pula mo oh! Mukha kang kamatis! HAHAHAHA!” Nagawa pa talaga niyang tumawa?! Nagblu-blush ba talaga ako? “Uwaaa! Tyan koooooo!” Complain niya.

Tsss. Tawa ka kasi ng tawa eh.

Eh mukha ka kasing kamatis. Gwapong kamatis! WHAHAHA!” Tss, at least gwapo ‘di ba? “Psyche-ii baby, may sakit ka ba?” Tanong niya sa akin.

Agad ko namang kinapa ‘yung leeg ko at dinadama kung may sinat ba ako, pero parang wala naman ah? “Wala naman ah, bakit?

Grabe, ang pula mo kasi! Uyyyy si Psyche-ii nagblu-blush!” Takte, di tuloy ako makatingin sa kanya!

Wag ka ngang maingay! Baka mabangga tayo!” Saway ko sa kanya. Tapos narinig ko na lang ‘yung tawa niya.

Ilang oras din akong nag-drive. Dumaan kasi ako sa long cut. Ewan ko kung bakit. Pagkatingin ko kay Athena, mahimbing na ‘yung tulog niya. Haaay. Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya. Hinawi ko ‘yung ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya tyaka ko hinaplos ‘yung pisngi niya. Tapos napadpad yung mata ko sa labi niya, ewan ba! Namamagnet talaga ako netong labi niya.

Tulog naman siya ‘di ba? Haay, wag! Hindi ko kayang manamantala ng tulog! Tyaka, ano ba? Si Selene pa rin ang mahal ko. Ayokong magtaksil!

Binuhat ko na lang siya at binuksan ‘yung pinto nila. Grabe, mayaman ata sila kaya kahit hindi naka-lock ‘yung bahay eh iniiwan lang? Nang-aakit ata ng mga akyat bahay =______=

Dinala ko siya sa room niya tapos inihiga ko na siya run. Makauwi na nga lang sa bahay… madami pa akong pla-planuhin para sa susunod. Sana naman hindi na epic fail lahat ng plano namin! Nakakainis na!

Advance good night Athe—Ericka pala, sana hindi mo na sirain mga plano ko.” Tapos hinalikan ko siya sa noo.

Continue Reading

You'll Also Like

532K 14.4K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.9K 197 29
Ang pagtanggal ng mga masasamang ispirito ay trabaho ko na, hanggang sa dumating ang oras na may kailangan pa akong dapat pagtuunan ng pansin at 'yun...
6.6K 203 27
Amariah Rylie Castillo the eldest daughter and pressured by his father. Her life was living in misery and forced to be grown up. All she wants is to...
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...