The Break Up Planner (Publish...

By erinedipity

42.9M 843K 247K

"Break na 'yan sa Sabado!" More

PROLOGUE
{ TBUP -1: The Reason Why }
{ TBUP -2: That Effin' Day }
{ TBUP -4: It's a Deal! }
{ TBUP -5: I saw her }
{ TBUP -6: Plan A }
{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }
{ TBUP -8: She's your bride }
{ TBUP -9: This Day is Epic }
{ TBUP -10: Flashbacks }
{ TBUP -11: Devastated }
{ TBUP -12: F.O }
{ TBUP -13: My Girlfriend }
{ TBUP -14: Crying Shoulder }
{ TBUP -15: Back to Normal }
{ TBUP -16: Storage Room }
{ TBUP -17: Into the New World }
{ TBUP -18: I'm... }
{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }
{ TBUP -20: It's Now or Never }
{ TBUP -21: She's a Flirt }
{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }
{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }
{ TBUP -24: Puzzled }
{ TBUP -25: Payback }
{ TBUP -26: Answer Key }
{ TBUP -27: Kidnap My Heart }
{ TBUP -28: Thank you }
{ TBUP -29: January, Please be Good to me }
{ TBUP -30: Doubts }
{ TBUP -31: Teary, February }
{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }
{ TBUP -33: NEW ERA }
{ TBUP -34: Trial }
{ TBUP -35: Mr. Novocaine }
{ TBUP -36: Call Him Colosseus }
{ TBUP -37: Hating Him }
{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }
{ TBUP -38: Colosseus & Athena }
{ TBUP -39: Us }
{ TBUP -40: Icy Ego }
{ TBUP -41: Pictures }
{ TBUP -42: Huh? }
{ TBUP -43: Or Else }
{ TBUP -44: Selfish }
{TBUP -45: Karma + Meenie }
{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP -47: Strangers }
{ TBUP -48: Strawberry Cake }
{ TBUP -49: Paracetamol }
{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP -52: Hey Meenie }
{ TBUP -53: Long Night }
{ TBUP -54: East Velvet University }
{ TBUP -55: If you ever come back }
{ TBUP -56: Owe }
{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP -59: Warning }
{ TBUP -60: DOTA }
{ TBUP -61: Hindrance }
{ TBUP -62: Design }
{ TBUP -63: I hate you! }
{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP -65: Loud & Clear }
{ TBUP -66: Next Month }
{ TBUP -67: Secret? }
{ TBUP -68: Late }
{ TBUP -69: Long Lost Sister }
{ TBUP -70: Selene }
{ TBUP -71: Hell No! }
{ TBUP -72: Zico the Second }
{ TBUP -73: Let's Just End This }
{ TBUP -74: Yanna }
{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP -76: Best }
{ TBUP -77: Daddy's Girl }
{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP -79: Temporary Happiness }
{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }
EPILOGUE

{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }

843K 18.2K 8.5K
By erinedipity

{ TBUP –3: I’m Psyche and I’m your worst nightmare }

 

 

 

Ang boring-boring-boring talaga!! I love Mathematics! I really love Mathematics! I love Mathematics forever!

Damn! I just CAN’T love Mathematics! Bakit pa kasi may ganung subject pa?! Bakit kapag bumili ka ba sa palengke ng gulay sasabihin mo bang:

“I will buy this for 2x2+ 3y=9”

 

 

Shet lang! Kung ganun din lang naman ang silbi ng Math eh hinding-hindi na ako bibili sa palengke! Bakit ba kasi kailangan nito? Di naman ako kukuha ng Engineering! Hinding-hindi ako kukuha ng course na may kaugnayan sa Math nu!

Okay class, bring out one whole sheet of paper. We’ll have a surprise quiz.” –Teacher.

Waaaaaaaaaah! Anong surprise quiz?! Wala akong naintindihan sa tinuro nila eh! Paano na ako? Ang layo-layo pa naman ni Best sa akin. Kanino ako kokopya?!!

Teka nga at maglalabas muna ako ng papel~

*bukas bag; hanap papel*

Kung mamalasin ka nga naman oh! Nakalimutan kong bumili ng papel! Aish! Bobo mo Ericka!!

Luminga-linga ako sa mga kaklase ko para humingi ng papel. Kaso naalala ko, bawal palang humingi ng papel. May rule kasi kami sa room na bawal maging “parasites”. Parang bawal umasa sa iba, provide your own materials daw or kung hindi, wag ka ng mag-aral.

“Number one. What is the blah blah blah blah-------”

 

 

Lagot na! Paano ako?!!!!

Oh ayan.” Sabay abot sa akin ng one whole sheet of paper ng patago.

Ang nag-abot? ‘Yung dakilang ex ko. Bakit Chron?! Bakit mo ‘to ginagawa? Hindi mo ba alam na mas nai-in love ako sa mga ginagawa mo? Nahihirapan tuloy akong mag-move on! Pakshet ka!

Salamat…” Pabulong kong sabi.

So ayun, nag-quiz kami. Solve dito, solve doon. Pero wala eh! Wala akong ma-solve dahil hindi ko naman talaga alam ‘to. Kaya, wala akong naisagot! >________<

Pagkatapos nun eh may biglang pumasok sa kwarto namin. Isang lalakeng pamilyar sa akin. Tinitigan kong mabuti ‘yung lalake. At confirm! Kilala ko siya!

Siya ‘yung lalake sa food court na hinulaan ko ang break-up! Lagots! Anong ginagawa niya rito?

Mister, you missed my class!” Sabin g teacher namin. What? Ibig sabihin kaklase namin ‘to? Paano naman ‘yun?

I’m sorry Ma’am.” Sabi nung lalake. Tapos napako ang tingin niya sa akin at tinignan ako ng masama. Yikes >_______<

Class, you have a new classmate. Mister, introduce yourself.” –Teacher.

Nakatingin pa rin sa akin ‘yung lalake. As in talagang kung nakakamatay lang ang tingin na ‘yun eh baka nasa funeraria na ako.

I’m Psyche.” Wow kakaibang pangalan! Psyche? Psycho? Lol :)))))

Hindi niya sinabi ‘yung apleyido niya tapos dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko at hinawakan ang cheeks ko. Anong ginagawa niya?! O_________O

… and I’m your worst nightmare.” Sabi niya sa akin tapos nag-smirk siya.

Naramdaman kong nag-goose bumps ako. As in talagang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan na parang nanunood ako ng horror movie.

Tapos ‘yung mga kaklase ko naman nagsimula ng magbulungan. Aish! Kahihiyan! Bakit ka lumapit sa akin?!

So I guess, Psyche is comfortable with you Miss Artemis. So Psyche, sit at the back of Miss Artemis. And you,” Sabay turo sa akin ni Teacher. “… be Psyche’s tour guide in this school since he’s a transferee. Do you understand?

Natulala lang ako nung sinabi ng teacher ko ‘yun. Pero ‘di kalaunan eh natauhan din ako.

Ah. Yes Ma’am!” Sabi ko.

Tapos ayun umupo na si Psyche sa likod ko. Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin sa akin. Galit kaya siya? Aish, malamang? Sino ba namang hindi magagalit kung nakipagbreak sa’yo ang girlfriend mo. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya nung nakipag-break sa akin si Chron noon.

***

 --Corridor.

Natapos na lahat ng klase namin sa umaga tapos free cut na naman namin mamayang hapon. May meeting na naman daw teachers tungkol sa ewan! Lewl, as if I care?

Ikinagulat ko nung bigla na lang akong tapikin ni Psyche sa likod.

Hoy psychotic bitch!” Tawag niya sa akin. What?! Bitch? Gago ‘to ah!

Anong tawag mo sa akin?!” Pagalit na tanong ko sa kanya.

Psychotic bitch?

Sinampal ko siya ng malakas. Agad siyang napahawak sa pisngi niya.

Problema mo?” Tanong niya.

Eh gago ka pala eh! Sasabihan mo ‘ko ng bitch tapos tatanungin mo ‘ko kung anong problema ko?!

Kung tutuusin nga kulang pa ‘yan dahil sa ginawa mo eh.

Ano bang ginawa ko? Hinulaan ko break-up ninyo ng girlfriend mo?” Tanong ko sa kanya sabay tingin ng masamang-masama.

Sabihin mo nga sa akin kung paano mo nalaman ‘yun?

Ewan. Hinulaan ko lang.” Tapos nag-walkout na ako pero hinabol niya ako.

Sandali nga! Di ba ikaw ang tour guide ko rito?” Aww! Oo nga pala. Sige na nga, total free cut naman :|

So ayun. No choice ako kundi i-tour siya rito sa campus. Nakakapagod, bukod sa salita ako ng salita, lakad pa ako ng lakad. Plus! Di pa siya nakikinig, like duh? Naka-earphones siya? Anong maririnig niya rito?

Dahil sa inis ko bigla kong hinablot ang earphone niya mula sa tenga niya.

Hoy! Ano ba?! Bakit mo tinanggal?!” Pagalit na tanong niya sa akin habang nasa harap kami ng school clinic.

Eh hindi mo naman naririnig ‘yung mga sinasabi ko eh! Alam mo bang malaking sakripisyo ‘tong ginagawa ko?! Pagod na pagod na ‘ko eh!” Sabi ko. Drama much?

Naririnig ko naman ah. Just continue.” Sabi niya sabay balik ng earphone sa tenga niya.

Ano ba ‘yan! Miss ko na si Best! Imbis na nakikipag-chikahan ako sa kanya eh ito ang inaatupag ko. Ang malas-malas ko naman >_________<

So nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa harap na kami ng guidance office nang may mga babaeng lumapit sa amin –I mean sa kanya lang pala.

Hi! Psyche? Ito para sa iyo, kakagawa ko lang niyan.” –Girl #1. Sabay abot ng isang card.

Ah. Hi? Anooo, para sa iyo!” Sabi naman ni Girl #2 na with matching papikit-pikit pa at inabot ang isang cupcake at card ulit.

Ah thanks girls.” Sabi ni Psyche tapos hinalikan ‘yung dalawang girls sa cheeks. ‘Yung dalawa naman halos maglupasay na sa kilig.

Wow ha! Wala pa siyang isang araw sa campus na ‘to may mga fangirls na siya? Astig naman neto. Oh well, di ko sila masisisi. Gwapo rin naman kasi ‘tong si Psyche, kaso nga lang.  Di ko siya type. Loyal ako kay Chron :))))

Bigla siyang nagsalita. “Ito…” sabay abot sa akin nung cupcake na ibinigay nung babae kanina.

Anong gagawin ko dyan?” Tanong ko.

Subukan mong gawing cellphone baka gumana,” Aba! Pilosopo ‘to ah! “… Tsk tsk, utak naman!

Eh sorry naman daw ha? Sa akin na ‘to?

Oo. Allergic ako sa chocolates eh.” Sabi niya.

Ah okay? Salamat?

Sa wakas! After 10 years! De joke lang. Uhmmm after 1 hour and 30 minutes eh natapos na naming lubutin ‘tong school. Pagod to the max!!

Umupo kami sa shed para magpahinga.

Tumayo ka nga dyan! Bilhan mo ‘ko ng tubig!” Utos niya sa akin. Aba?! Kung maka-utos parang Don ha! Kapal!

Excuse me? Tour guide mo ako at hindi yaya! May paa ka at tinuro ko naman na ‘yung canteen sa’yo ‘di ba? Pumunta ka mag-isa mo!” Sabi ko sabay punas ng panyo sa mukha ko.

Nakalimutan ko na eh…

Anak ng tokwa naman! Aish! >_______<” Sobrang inis.

Sige na! Dami mong reklamo! Pumunta ka na kasi!” At tinulak-tulak niya ako para tumayo.

Putik naman! Oo! No choice na naman ako at napilitan na akong pumunta ng canteen. Tsk tsk, seriously, mukha na ba akong chimay? Duh?! Sa ganda kong ito? Tangina lang!

***

--Canteen.

Nasa counter na ako at nakabili na ng tubig, papalabas na sana ako nang habulin ako ni Best Carmeen.

Best wait!!” Sigaw ni Carmeen habang papalapit sa akin.

Oh? Problema mo?” Tanong ko.

Nabalitaan mo na ba?

Ang alin?

Hinila ako ni Best sa isang table at umupo kami run at dun niya sinabi ang balita niya.

Si Chron-your love. May nakakita raw sa kanya sa harap ng gate ng Hope Academy. Para raw siyang may hinihintay!” –Best Carmeen.

Hope Academy? ‘Yun  ang school sa kabilang bayan. Siguro mag-jeep ka lang for 25 minutes at andun ka na. ‘Yung school na ‘yun ay for girls only. Ano naman kayang gagawin ni Chron dun? Ooops! Don’t tell me?!

May nililigawan si Chron ‘dun?!” Napalakas ang tanong ko kay Best kaya napatingin ang iba sa akin.

Naka-hood daw siya nun tapos may dalang bulaklak. Ibig sabihin, manliligaw nga siya.” Oh noes!!

Eh baka naman may dinadalaw lang? Baka may relative siya dun? Teacher or student or kahit ano!” Pagpipilit ko. Ayokong maniwala! Ayokong maniwalang may papalit na sa dating pwesto ko kay Chron.

Eh best, paano kapag may nililigawan nga siya run?” Tanong ni Best.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nalungkot. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Dati kasi panatag ako kasi single siya pero ngayon? Ngayon may nililigawan na siya! Hindi ko alam pero ang sakit-sakit sa kalooban.

Nasasaktan ako! Mahal na mahal ko pa rin si Chron!!

Okay lang ‘yun Best. Wala na akong pakialam sa kanya di ba? Ganun naman ang mag-ex eh.

Pinilit kong ngumiti pero bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Masakit talaga eh.

Best, huwag ka ngang umiyak dyan! Nahihirapan ako sa’yo eh! Mag-move on ka na kasi!” Payo ni Best habang hinahagod ang likod ko.

Move on? Ang daling sabihin pero ang hirap gawin Best!” Tapos pinagpatuloy ko ang pag-iyak T.T

--Psyche’s Pov—

 

Full name? Psyche Epiales. Kapatid ko si Chron Epiales, check! Fraternal twins kasi kami kaya magkaklase kami. Nag-aaral ako dati sa Metal Academy, kaso after nung break up namin ng girlfriend ko napag-alaman ko na dito nag-aaral ‘yung babaeng nakialam sa amin. ‘Yung nanghula ng break-up namin.

Oo inaamin ko, nasaktan ako. Sayang kasi eh malapit na kaming mag 2 years tapos nakipag-break siya sa akin. Ewan ko kung bakit, hindi niya sinabi ang dahilan.

By the way, na-research ko dito. Si psychotic bitch daw ay binansagang break-up planner dahil sa kakaibang ability niyang makapag-predict ng break-up dates. Plus! Ex pala siya ni Chron? Small world right? Bakit kaya nakipagbreak sa kanya ang kapatid ko?

Pinuntahan ko si Chron sa library para kamustahin. Although hindi kami masyadong close dahil sa isang bagay  na nangyari noon eh gusto kong makita ang reaksyon niya ngayong nandito na ako.

Nilapitan ko siya sa table habang nagbabasa siya ng isang libro tungkol sa Chemistry.

Dude!” Sabay tapik ko sa likod niya.

Wag ka ngang maingay dito Psyche! Library ‘to!” Pabulong niyang sabi.

So? Ah siya nga pala, ang ganda ng school niyo ah. Tyaka, ‘yung Athena ba ‘yun? Astig siya.

Agad na napatingin si Chron sa akin nung nabanggit ko ang pangalan ni Athena. Pero di kalaunan ay bumalik siya sa pagbabasa.

Ex mo pala siya?” Tanong ko.

Ano bang pakialam mo?” Masungit niyang tanong.

Wala lang. Akala ko kasi gusto mo pa rin si Selene eh.” Dagdag ko.

Hindi umimik si Chron at nag-concentrate lang sa pagbabasa. Tss, bookworm! Ignoring me eh? Wrong move!

Kapatid mo ‘ko pero hindi mo ako pinapansin, ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?” Tanong ko ulit.

Just leave me alone.

Okay? Eh ‘di si Athena na lang ang papakialaman ko.” Then I smirked.

Leave me alone Psyche, and leave her alone.

Ohhhh. May pakialam pa pala siya sa ex niya? Interesting huh? Ano ba talagang sanhi ng break-up nila? I’m so curious! And I don’t believe that curiosity can kill a cat because curiosity is the path to knowledge >:))))

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
2.2M 41.6K 90
Amanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay...
21.8K 1.2K 19
This is a collection of short stories that randomly floating in my mind. It's either I heard a story and wrote it, read the plot somewhere else and g...
47.5M 802K 79
[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd pa...