SA MATA NG MGA SINGLE (REVISI...

By asrah028

5.4M 76.7K 14.7K

*WARNING* Wrong grammar at kung anu-ano pa ang pwedeng makita dito. Please huwag niyo akong i-bash. Bear with... More

SA MATA NANG MGA SINGLE
EPISODE 1 >> the BOYS CODE.
EPISODE 2 >> MEET THE DIFFERENT DOLLS
EPISODE 3 >> WORLD WAR 4
EPISODE 4>> ang pasabog ni ninang BEKI
EPISODE 5 >>> GETTING TO KNOW EACH OTHER Ü
EPISODE 6 >> ANG BALLPEN Ü
EPISODE 7 >>> THE ANNOYING WITCH
EPISODE 8 >>> WAR FREAK MEETS WAR FREAK
Episode 9: JUST DEAL WITH IT ZACH
episode 10: CONCERT QUEEN JASMINE
EPISODE 11 MY HEART HAS A MIND OF ITS OWN
EPISODE 12 >>> ANG PANLILIGAW NI ZACH
EPISODE 13 >>> DUMBFOUNDED
EPISODE 14: >> FIRST KISS =)
EPISODE 15 >>> WAKE UP CALL
EPISODE 16 >> PAYONG
EPISODE 17 >>> Perfect Stranger
EPISODE 18 >>> SOMEONE LIKE YOU
EPISODE 20 >>> JUST ACCEPT IT JASMINE
EPISODE 21 >>>>
EPISODE 22 >> SMALL TALK
EPISODE 23
EPISODE 24
EPISODE 25 >> COUPLE PHONE
SALOOBIN ni MISS A (MUST READ)
EPISODE 26
EPISODE 27
EPISODE 28 >>> no one else come close
EPISODE 29 >>> YOU AND I ♥
EPISODE 30 >>> INTRODUCING COLEEN
EPISODE 31 >>> YOU FIRST BELIEVED ♥
EPISODE 32 FLIRTING PORTION
CHAPTER 33 >>> DANGER ZONE COCO
EPISODE 34 GOODBYE, HELLO MR.CATCHER
EPISODE 35 >>> That's what makes you beautiful!
EPISODE 36 >>> WALANG TITLE
CHAPTER 37 >>> MARRY ME
CHAPTER 38 SORRY TAGAL NANG UPDATE..
EPISODE 39 >>> THE MAJOR FIGHT
EPISODE 40 >>> MASAYA TONG CHAPTER NA TOH
EPISODE 41: ANG PAG LULUKSA NI UNO(BOW)
EPISODE 42 >> MIXED EMOTIONS
EPISODE 43: 12:51
CHAPTER 44: walang title
EPISODE 45: HETO NA
EPISODE 45 : I QUIT
EPISODE 46: CHANGES
EPISODE 47: PROM
FINAL EPISODE

EPISDOE 19 >>> CHOCOLOCO

97.3K 1.2K 102
By asrah028

 

EPISDOE 19 >>> CHOCOLOCO

JASMINE'S POV

masakit yung ulo ko ngayon, parang mabigat. Hindi naman ako uminom pero.. Masakit talaga yung ulo ko.. Nahihilo pa nga ako ee.. Parang sasabog yung mga ugat ko.

Pag naaalala ko yung pag halik sa akin ni zach ee.. Hindi ko alam bat natatawa ako. Wala namang masama kung mag smile ako diba?? =)

dumeretso na ako sa classroom. at aba maaga yata sina zach,xander,mika at pette ngayon.

''oh nandito na pala sya..'' hinila ako ni pette at umupo na sa upuan ko. Para kaming tanga, kase nag pupulong kame.

''ano?'' tanong ko..  E naka tingin lahat sila sa akin.. Para akong nasa hot seat.

''buti nalang at nandun si zach, kamuntik  nang ma rape yang kaibigan natin. Bat kase hindi nyo sinabing mag clu-club kayo??'' himutok ni pette. Ako bang pinag uusapan??

''gusto ko lang naman kaseng mag libang si jasmine, kasalanan ko bang ganun yung mang yari?? Hindi naman diba??!'' depensa naman ni mika..

''mag libang?? kababae nyong tao ee ganun kayo mag libang?? Bat hindi nalang kayo nag shopping?? Bat kailangan sa club pa?? Tsaka bakit lumapit lapit kayo dun sa grupo nina Uno? Alam nyo namang kaaway nang barkada yun diba???'' hindi naman obvious na galit itong si pette. kung maka tingin e parang matutunaw ka.

napapa pikit nalang ako, paano feeling ata nila nag lalaban sila.. pataasan sila nang boses, birit kung birit.

''tapos pinabayaan mopa si jasmine??! E alam nyo namang tarant*do yung mga yun at sumama sama kayo sakanila???'' umagang umaga mainit agad yung ulo ni Pette. Pasalamat sya masakit ang aking ulo.. Kung hinde.. Wala lang.. Mananahimik nalang ako.

''anong gusto mong mangyare?? Break??! Break na tayo??'' itong si zach tumatawa pa.. G*go talaga sya.. Hahayaan nyapang humantong sa break-up yung dalawa.. Kaya ako, kahit hindi ko alam yung mga pinag sasabi ko ee sumabat na ako..

''tama na nga yan.. Past is past na.. Tsaka atleast walang nang yareng masama.. At buti nalang talaga nakita ako ni zach.'' tumingin sya sa akin. Pero hindi na katulad nang date.. Date hindi ako naiilang pag nag kakatitigan kame pero ngayon, may something na..

Na co-consious na ako.. Umiwas ako nang tingin.. Pero na p-feel kong naka tingin pa sya sa akin..

''yeah right..'' tipid na sagot nya..

''kaya kung pwede huwag nalang tayong maingay.. Masakit yung ulo ko.'' hinawakan ni xander yung ulo ko..

''amin na, hugutin natin yung ulo mo nang wala nang masakit sayo..''

''wala ako sa mood makipag biruan.. Kaya kung pwe-pwede lang tantanan mo ako'' sagot ko tsaka itinago ang ulo ko sa bag.

Ikamamatay ko yata itong sakit nang ulo ko. Migrane kung migrane..

Nag start na yung class pero nag do-double vission ako.. nag quiz kame pero wala akong masyadong naisagot.

Kinalabit ako ni zach tinatanong nya kung okay lang ako. Ang sabi ko naman okay lang ako..

ang saket, parang binibiyak yung ulo ko. =(

''miss pwede akong mag excuse??'' nag taas nang kamay si Zach. May recitation ata.. Patay, wala akong alam.

''yes zach..'' sagot naman nang teacher namin..

''pwedeng pumunta nang clinic??'' napatingin lahat sakanya.. Pati ako..

''may masakit ba sayo zach?? Do you want me to send you home??'' gaya-gaya naman tong kumag na toh.. Binalik ko nalang yung ulo ko sa bag ko. Medyo nakakasilaw kase.. Ewan ko ba madali akong masilaw ngayon, sumosobra yata yung kakanuod ko nang twilight.

''Jasmine doesn't feel well... Can i accompany her to go to the clinic?''

tinaas ko yung ulo ko, at tinignan si zach.. Umiikot talaga yung paningin ko. Hindi naman ako humit-hit nang drugs, pero daig ko pa ang naka drugs.

*blink*blink*blink*

paki ulit nga zach.. nabibingi na yata ako. Napatingin ako kay jacob.. Tinatanong nya kung okay ako.. Tumatango lang ako. Kase wala sa tamang katinuan yung utak ko.

''nag aacting lang sya miss'' naririnig ko nananaman yung boses ni Nadine.

''no, hindi maganda yung pakiramdam nya.. Let's go Jasmine..'' inalalayan nya akong tumayo..

ZACH'S POV

Inalalayan ko syang tumayo, halatang halata naman na hindi nya kaya. Para syang tumoma nang sukang sasa. Ang pale kase nang color nya. Kinuha ko yung back-pack nya at isinakbit sa braso ko.

I know nadine is staring at me. At alam ko rin na galit na galit sya. But its part of the plan.

Pagkalabas namin nang classroom, pinipilit nyang mag lakad nang hindi inaalalayan, pero iba yung lakad nya. Parang anytime e babagsak sya. Or lets say para syang lasing na  nag liliwaliw.

''ang kulit mo naman kasi ee, inaalalayan ka na nga e ayaw mo pa.'' tinatanggal nya yung kamay ko.

''ayoko nga kase.. Kaya ko.'' kaya daw, e natotomba kaya sya.

''sige, bahala ka.. Pag ikaw bumagsak.. Huwag mo akong sisisihin hah??'' nag yeah-whatever nalang sya.

Tinitignan ko lang sya..

Pero bigla syang bumagsak..

''jasmine!!!''

jacob is  here..

Binuhat nya si Jasmine..

''jacob ako n-----'' hindi ako pinansin ni jacob, isnabero si jacob sa personal.. Paano ba naman hindi ako pinansin, dire-deretso lang sya sa pag buhat kay jasmine.. Bayani si jacob, hindi gumamit nang elevator. Gumamit nang hagdan. Panibhasa malaki yung muscles.. Samantalang ako..

Next topic!

Whahaha joke lang.

Sumunod ako, napagod ako. Isusumpa ko tong hagdanan na toh. Pero bigla akong napatingin kay jacob habang buhat buhat nya si jasmine.. -_________-“

Nagagalit ako.. At the same time.. Parang, hindi ko gusto na hawak hawak sya ni Jacob. Kase ano ee..

ano ka ba naman zach bat hindi mo pa diretsuhin! Ang dami mo pang pasikot sikot!!

 

 

E kase..

e kase ano??

Manahimik ka ngang utak ka! ginugulo mo nanaman ako!!

(a/n:kausap ni zach si picolo. Joke lang, kausap ni zach yung utak nya.)

napapano ba ako?? Wala naman aa..

*clinic*

''so hindi naman ba sya i-aadmit sa hospital?? I mean, okay lang ba if she stay here in the clinic??'' nako tayo lang ako at si jacob yung kumakausap sa nurse.

''magiging okay din sya jake.. Kailangan nya lang mag pahinga. Pagod lang sya.. or maybe cause din toh nang kulang sa tulog.''

e puyat sya ee.. At kasalanan nya yun.

''paki sulat nalang yung pangalan nya dito sa record book. Kukuha lang akong gamot.''

paalam nung nurse.. Si jacob lahat nang nag asikaso. Si jacob lang.. Samantalang ako na dapat sanay nag babantay sakanya ee.. Walang nagawa...

Kahit na isa.

Naupo muna sya sa upuan na malapit sa kina hihigaan ni Jasmine.

''bro, do you think okay na sya?''

''ahh.. Ee..'' ano ulit ang isasagot koh?? Halatang wala sa sarili ee.

''oo naman.. Malakas pa sa kalabaw yan ee..''

''sabagay..'' sagot nya. Bat hindi pa kaya umalis tong si jacob na toh.. Ako yung nag pa excuse sya yung gumawa nang dapat sanay trabaho ko.

''hmm sige bro, akyat muna ako sa taas. Ang sabi ko kase kay miss mag c-cr lang ako..'' tumayo na sya..

''anyway.. Babalik nalang ako mamaya dito.''

''sige kahit di kana bumalik'' teka nga! Ano ba yung pinag sasabi mo zacheous! Umayos ayos kanga!

''hah??' hay.. Buti nalang hindi nya narinig.. Umalis na si jacob. At ako nandito binabantayan sya.

''hmmm.. Ipainom mo sakanya toh pag gising na sya hah??'' binigay nung nurse yung gamot at umalis na sya..

''ahh sige po..'' umalis na din si nurse. Kami lang dalawa dito sa kwarto..

Pinag masdan ko syang matulog, maganda naman pala sya kahit minsan sumusumpong yung pag ka amazona nya. parang ang bait nya pag naka pikit yung mata nya.. Sana forever nalang syang pumikit.. May kakaiba sakanya na hindi ko makita sa iba.

hinawakan ko yung mukha nya..

sana hindi nalang ako tumupad sa deal namin ni nadine.. Sana wala nalang deal. Hindi na maganda tong na raramdamdaman kong pwedeng mangyare.

Ayokong mainlove sakanya..

Dahil ayokong masaktan ko sya nang dahil lang dun sa walang ka kwenta kwentang deal na yun.. Baka ito na yung sinasabi ni Xander.. Posible nga kayang ma inlove ako sakanya?  Pero diba nga sabi ko hindi ako ma iinlove??

Ang gulo nang utak ko…

Hindi naman siguro.. dahil kung mainlove man ako sakanya pipigilan ko yung sarili ko. Parang hindi rin kase mag wo-work out, hayaan ko nalang nga. Hindi nalang ako mag papakita nang motibo kung sakasakaling meron na nga akong nararamdaman para sakanya..

*tu-tut!*

may nag text sa akin..

from:Nadie Babe <3

babe, where are you? Common lets eat together.

hay nag tetext na sya.. hindi nalang nga ako mag rereply. Babalik ko na sana yung cellphone ko nang mag text nanaman sya.

From:Nadie Babe <3

babe, i'm hungry na. i'm here at the school's cafeteria.

 

Hindi pa rin ako nag reply..

at ayun.. Tinawagan nya na ako.

''hello??'' sagot ko

''where are you now zach?? God! been waiting for you for about a half hour, para akong tangang nag hihintay sayo. Are you coming or not?!''

''sanasamahan ko kase si jasmine dito sa clinic.. She's all alone.. Atsaka hindi pa sya gising'' tumawa lang sya na para bang feeling nya nag jo-joke ako.

''e ano naman kung hindi pa gising yang jasmine girl na yan zach?? Sino bang mas mahalaga? Ako o yang babaeng yan?! Gaaaaaad!! Hayaan mo sya kung mag isa lang sya. Hindi sya mamatay kung mag isa lang sya.. Duhh zach.. Hindi kayo mag ka level.. Huwag ka ngang maging concern sakanya. im telling you hindi kayo bagay.. Dalian mo na pumunta kana dito.'' at inoff nya na yung call. Tinignan ko si jasmine at..

Parang ayokong umalis sa tabi nya..

''i'll be back.'' Bulong ko sakanya….

at tumungo na ako sa cafeteria.. i was about to text nadine nang nakita ko syang kausap nya si Uno. She was laughing with all her heart.

''nadine..'' ngitian nya ako..

'' zach.. Nandito kana pala.''

''hey zach.. How are you??' nakipag shake hands lang ako sakanya..

''i'm good.'' hindi ako compartable na nandito ang mokong na toh.

''well, i just want to invite you guys to my party this coming saturday.'' party.. Inuman nanaman.

''well sure bro..'' sagot ko lang..

''hmm by the way zach.. isama mo na rin sina xander and pette.''

''sure..''

''and mika also..'' yeah yeah yeah.. Lumayas kana dyan Uno.

''and nadine, ask jacob and jasmine to come too hah??'' tssk.. bat hindi nya pa lahat imbitahin?? Talagang isa isa pa..

''okay nadine.. see you'' bumeso sya kay nadine. Ito namang si nadine kung maka ngiti ee.. Parang wala nang bukas.

Pag kaalis ni uno.

''bat kailangan nya pang imbitahin si jasmine??'' tanong ko kay mika.

''she looks so pokpok kase thats why gustong gusto nila sakanya'' sabay roll nang eyes nya.

''i don't think so nadine.. At bakit kausap ka nung uno'ng un??''

''big deal ba na kausapin ako ni Uno?? And besides nag iinvite sya.''

And besides you’re flirting with him…  gusto kong sabihin yun sakanya.. pero wag nalang.. baka umiyak sya…

''invite?? E what's with the beso??''

''nag go-goodbye lang sya zach.. He's being a gentle man. Ano bah..''

''kahit na, ayoko yung ganun.'' tumawa sya at yinakap nya ako.

''nag seselos yung baby ko..'' paanong hindi ka mag seselos e halos lahat na sikat dito sa school e linalapitan sya.

''basta ayokong maulit yun''

''yes babe.. Halika kain na tayo.'' hinila nya ako at bumili na nang pag kain.

JASMINE'S POV

--__--

 

*blink*blink*blink*

''Thank god you're awake.'' napatingin ako sa side para tingnan kung sino yung nag salita baka minumulto na ako.

May humawak sa kamay ko.. Napano ba ako?? Natulog lang naman ako aa..

''jacob??''

hindi ba si zach yung nandito kanina.. Bat..

''nasaan si zach??'' inalalayan nya akong maka upo.

''i think he went home with my sister.'' with your sister..

''ahh i see.. Bakit ikaw? Hindi kapa umuuwi?''

nag smile muna sya bago sumagot.

''because i'm waiting for you.. Ihahatid na kita.. Baka kase mahilo ka nananaman ee, walang sasalo sayo.'' napa smile nalang ako sa sinabi nya.

Inalalayan nya akong tumayo.. Kahit papaano kase e nanlalambot pa ako. Bukas siguro magiging okay na ako.

pumunta kame sa parking lot..

''sakay kana..'' pinag buksan ako nang pintuan nang driver nya at sumakay na kami  sasakyan nila..

pinaandar na ni manong driver yung sasakyan at yun.. Umalis na kame.

''may sundo ka naman pala.. Bat trip mong mag jeep??'' tanong ko sakanya.. Nag smile sya sa akin..

''hmmm.. Dahil wala lang.. Gusto ko lang'' gusto? E kung kami lang may sasakyan na ganto hindi na siguro ako mag je-jeep.

biglang nag ring yung phone ni jacob.

''excuse lang hah jasmine??'' tumango lang ako.. At itinali yung buhok ko.

''ohh nady? Bat napatawag ka??....... Yes, i'm with jasmine..'' naapatingin ako sakanya ano nanaman bang balak nang gagang yun.

''ahh.. Ok.. I will ask her if she want to go with me.. Then pag ayaw nya.. I'm not going nalang siguro.... Okay?? Bye..'' nginitiin lang ako ni Jacob. At inend nya na yung call.

''uhmm.. Si nadine ba yon??''

''yup..''

''anong tinatanong nya??''

''well Uno's inviting you to come'' to come??

''saan??''

''sa birthday party nya this coming saturday.'' birthday party?? ayan nanaman nako. Ayoko na..

''hmm do you want to come??'' pupunta ba ako??

''siguro hindi nalang..'' nag smile nalang ako..

''ee ikaw ba??'' tanong ko..

''kung hindi ka pupunta.. Hindi na rin ako pupunta.'' edi.. Kung pupunta ako.. Parang ako yung date nya ganun ba yun???

''bakit hindi ka pupunta??'' asus, kunware kapa jasmine.. Gusto mo lang marinig na sabihin nyang

'kase hindi ka pupunta' l*ndi!! Hahahah

''kase wala naman akong gagawin dun, kung pupunta kapa sana baka sakaling may pumunta ako.'' sumama kana kase jasmine gusto mo pang pinipilit.

''kung pupunta ba ako?? Pupunta ka??'' parang ang kapal ko kung tatanungin ko sya nang ganun.

''hmm siguro.. Baka pumunta ako.'' at nag smile ulit sya.. Siguro? That means to say hindi pa sya sigurado. Masyado ka kaseng assuming jasmine ee. Yan tuloy..

nanahimik muna kaming pareho..

''susunduin nalang kita nun sa bahay nyo.'' biglang lumaki yung mata ko sa narinig ko..  Totoo ba toh?? Susunduin nya ako? Ano pang hinihintay mo jasmine!

Ibigay mo na ang pagkatamis tamis mong OO!

''oo sige..'' hindi ko na pinag isipan yun.. Basta OO.. Sasama ako.

Pag ka dating ko sa bahay.. umiiyak yung kapatid ko.

''jane.. Napano ka??''

yinakap nya ako..

''sabi kase ni clarkson ayaw nya sa maliit yung mata''

''ano?? Ayaw nya sa maliit yung mata??''  teka nga..

''omygod jane.. Don't tell me.. Nag kakagusto kana dun sa aroganteng batang yun??'' hinampas nya ako sa braso..

''he's not arrogant.. He's...''

nag cross arms ako..

''he's what sister??''

''he's cute.. And i like him..'' napa ngiti nalang ako sa sinabi nya.

''i see.. Don't worry sister pag lumaki ka.. Lalaki na din yung mata mo. Try me.. Tignan mo nga si ate, ang laki nang mata nya.'' kinurot nya naman ako sa braso.

''are you kidding jasmine?? Mas maliit pa nga yung mata mo sa akin e'' tapos tumawa na si jane.

Nag dadalaga na ang kapatid ko.. Hay.. Yinakap ko sya at kinurot yung pisngi nya.

''hoy jane aah.. Bata kapa huwag mong masyadong dibdibin??''

''opo..'' sagot nya.. Diosmaryosep.. May sakit ata sya.. At for the first nag PO sya sa akin.

''jasmine.. ''

''yes sister??'' nag smile ako sakanya, medyo teary eye pa nga ako ee.

''huwag ka ngang o.a'' O.a?? So naging o.a pa ako sa lagay na yun??

''and please.. Don't tell mom about this.. aasarin nya lang ako ee'' tumango lang ako at ginulo yung buhok nya.. Umakyat na ako kwarto at nag hanap nang maisusuot sa kwarto..

Ee wala naman akong isusuot.. Yung binigay ni mika naman.. masyadong maiksi.. Ano ba ang dapat kong isuot??

thursday ngayon.. At bukas.. Friday na.. Bahala na nga. Wla naman akong perang pambili nang damit.

*kinabukasan..*

tinatanong ni zach kung kamusta na ako.

Kung nahihilo pa daw ako.. E ang kulit kulit nya kaya hindi ko nalang sya pinapansin.

''ano ba bat hindi mo ako pinapansin??'' tanong nya

''e ang kulit kulit mo kaya, pag sumakit ulit yung ulo ko ikaw yung sisisihin ko.''

hinilamos nya yung kamay nya sa mukha ko.

''tantanan mo nga ako!'' tinaggal ko yung kamay nya. Pero infairness mabago ang kamay ni zach.

''tara.. Samahan mo ako..'' hinila nya yung kamay ko.

''saan mo nanaman ako dadalhin??'' pag rereklamo ko..

''kakain tayong ice cream.''

ice cream??

''ayokong sumama.. Ayokong mag cutting! Mag ice cream kang mag isa mo.''

''ayaw mo??'' tanong Nyaa.

''ayoko talaga.'' babalik na sana ako sa loob nang classroom nang..

''what the hell are you doing zach!! Ibaba mo ako! Nakakahiya ano ba?!'' wala pa naman ang savior ko.. May practice sila nang basketball.

''zach.. Saan mo sya dadalhin!!'' sigaw ni mika..

''kakain kame nang ice cream'' binuhat nya ako na parang pang prinsesa.. pinag titinginan kame nang mga school mates namin.. 

''ang landi talaga niyang jasmine na yan! May shota na nga si zach linalandi pa nya.''

ang sama agad nang tingin nang mga tismosa noh? Hindi pa nga nila alam yung totoong istorya ee nang huhusga na agad.

''guys! Sabihin natin toh kay nadine'' sabi pa nung isa..

''zach, ibaba mo na ako..''

pero ayaw nya pa rin akong ibaba.

''huwag mo kaseng pansinin yung sinasabi nila sayo..'' hindi papa apekto?? kahit ayokong mag pa apekto e nasasaktan ako sa mga sinsabi nila..

ginamit namin yung elevator..

Hindi nya parin ako binababa..

hindi nalang ako nag salita.. Hinayaan ko nalang sya. Alam ko naman sa pag pasok ko sa lunes ee kalbo na ako.

hanggang sa naka sakay kame dun sa kotse nya ee hindi ko na sya pinapansin. Dada sya nang dada habang ako bad trip na badtrip.

''galit ka??'' tanong nya..

“ay hinde.. ang saya ko nga ee!”

Sino ba namang hindi magagalit sa ganun diba?? e halos laiitin na nga buong pag ka tao ko tapos.. hayyyy!! Nakakainis!!

Tumigil kame dito sa bilihan nang chocolates. Akala ko ba ice cream?? Bat bigla bilihan nang chocolate?? Kakaiba din tong mokong na toh..

''nandito na tayo.. Bibili tayong chocolate''

''alam ko nandito na tayo.. Nakikita ko zach.. Nakikita ko.'' bumaba ako sa sasakyan..

At pumasok sa chocolate shop na yun.

Grabe lang.. Pag kapasok na pag kapasok mo na aamoy mo na yung chocolates..

''ohh kuha kang basket mo.. Piliin mo lahat nang gusto mo. Kahit ilan sige bibilhan kita'' ngumiti lang ako at kinuha yung basket.

pumili ako.. Yung hindi basta basta pumili ako nang mahal.

sigurado ako.. Magugustuhan ni jane lahat nang binili ko para sakanya.. I mean hindi ko pala binili.. dinenggoy ko si Zach. Bagay lang sakanya yun noh..

''ohh ayan.. bayaran mo na.'' ngumiti ako sakanya at binigay ko din yung basket sakanya.. Syempre.

''ano??'' tanong ko.. nakatingin lang kasi sya sa akin..

''ayaw mo yatang bayaran ee??'' tanong ko.. Linabas nya yung makapal nyang wallet.

''ito lang ba ang gusto mo??'' ang hangin talaga ni don ZACH-ZACHAN nang yabang.

''oo yan lang..'' binayaran nya yung pinaamili ko.. At umabot nang 3k yung chocolates. Grabe, ang mahal! Nakaka konsenya naman..

Binibigay nya sa akin yung chocolates.

''parang di ko kayang tanggapin zach'' tumawa sya.

''bakit hinde?? Binayaran ko naman yan ee.. Treat ko don't worry.'' ang yabang talaga e noh?? Nandito ba yung mata nang bagyo?? Super lakas nang hangin!!

''ang yabang mo rin e noh??'' bigla syang nag pogi pose.

''gwapo ee''

binatukan ko nga..

''sir and maam.. May promo yung CHOCOLATE LOVE ngayon.. For every 3thousand worth of chocolates may free po silang picture bali 5shots yun at free t-shirt sir and maam..''

''ahh.. Ilan yung t-shirt nun??'' tanong ni zach.

''isa lang po sir.''

''ahh isa lang..'' sabi nya.

''ulit ulit zach??'' ngumiti sya.

''sige, bibili din akong sa akin. Worth 3k diba?? Para pati ako may free t-shirt''

''hep! Hep! Hep! Sayo nalang yung akin.'' sabi ko..

''gusto ko meron ako.. At meron ka din.'' tinignan ko sya nang masama.

''ayos kalang zach?? Baka isipin nila na mag shota tayo.. Mag isip isip ka nga.'' tumawa lang sya at kumuha nang basket.

''e pake alam nila.. Edi sabihin mo co-insidence na pareho yung damit naten.'' napakamot nalang ako.. hindi mag tatagal mababaliw ako.

nang nabayaran na nya, sinuot nya yung sakanya.

''ohh.. Suot ko na yung sa Akin.. Bat hindi mo pa isuot yung sayo??''

''anong..'' tinapat nya sa akin yung t-shirt.

''suot mo na kase..''

''e naka uniform tayo ee.. Ang pangit naman kung..'' nakataas yung isang kilay nya na para bang sinasabi nya 'ano pa??''

''okay fine whatever.'' pumasok kame dun sa photo booth..

''ohh anong pose yung gagawin natin??'' tanong ko.

''basta kahit ano..'' sabi nya..

Yung unang limang shot e maayos lahat.. SANA.. Kaya lang may sungay ako. grrr! tsaka hindi ako tumatawa. Naiilang kase ako.. Tsaka camera shy ako. Kahit hindi halata.

yung sumunod na apat na shots ee naka akbay na sya.. At yung last na picture ee pinapakita nya na naka holding hands kame. at ang matinde sya naka tingin sa camera at akong mukhang tanga na naka tingin kay zach..

Take note nakatingin ako kay Zach at hindi sa camera.

Nung na print na..

''akin na toh..'' kinuha nya yung isa.. Yung isa na naka peace sign kaming pareho. Yun lang yata yung naka smile ako. The rest.. Pilit ang smile ko.

''tara??'' tara?? Saan nananaman??

''saan??''

''sa mall.. Sabi ko sayo mag a-ice cream tayo''

''pero.. Pupunta tayong mall na naka ganto??'' tumango sya.

''oo?? Ayaw mo nun? Parang couple shirt lang??''

si jasmine nag iinarte pero deep inside kinikilig nang konte =)

Continue Reading

You'll Also Like

375K 8.3K 31
Ano kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo k...
956K 15.3K 43
"...ang isang fan na katulad ko ay hindi naniniwala sa IMPOSIBLE."
21.6K 403 27
Panahon daw ang pinakagamot sa lahat ng sakit.. Panahon daw ang kailangan para tuluyan ng makalimot.. Pero paano mo iyon gagawin kung ang panahon mis...
943K 2.7K 7
Lorraine, an orphan, found herself waking up in a room with people telling her that she's getting engaged to Jordan Fuentabella. The reason? Jordan's...