Shana's POV
Kung mahal ko siya talaga, handa ba akong kaharapin ang mga bagay-bagay? Ang mga maaaring maireveal sa akin ay kaya ko bang tanggapin?
Si Mommy naman kasi eh puro pag-aasawa agad yung sinasabi. Wala pa ngang boyfriend eh asawa agad?
Papasok na ako sa school ng magtext sa akin yung kaklase ko na mag-audition daw kami sa Cheering sabi ko naman ay titingnan ko. Then pumasok na ako.
Habang nasa loob ng jeep at naghihintay pa ng ibang pasahero ay nakinig muna ako sa music. Headset plug in!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled JUST WANNA SAY BY ISRAEL HOUGHTON.
-------------------->
Pwede itong kantang ito kung sakaling mag-audition man ako mamaya kaso wala naman akong costume paano na iyon? Bahala na nga kung mag-aaudition ako o hindi. Depende na lang kung kakausapin ako ni Jiro para mainspired ako ayan ang sign na kailangan ko.
Nang makarating ako ng school ay agad akong dumiretso sa classroom namin at nilapitan ako ng kaklase namin si Tin yung nagyayaya sa akin na mag-audition.
"Shana! Ano nakapagdecide ka na ba kung mag-aaudition ka mamaya?" Excited na tanong nito.
"Ahm hindi pa eh humingi pa ako ng sign kapag natupad yung sign na hiningi ko doon pa lang ako sasali kung hindi ay hindi tuloy." Sabi ko at ibinaba ang gamit ko sa may desk. Nakatayo kaming nag-uusap.
"Ganun ba? Ang gusto ko kasi ay kasama ka dahil kinakabahan akong mag-audition mag-isa eh. Oo nga pala, ano yung sign na hinihingi mo?" Tanong niya.
"You can do it by your own Tin. Magaling ka, magkaroon ka ng tiwala sa sarili have a self-confidence. Yung sign? Hindi ko maaring sabihin eh." Sabi ko at naupo sa may desk ko.
"Oo nga eh, ewan ko ba palagi na lang akong kinakabahan kapag nandun na. Ok hindi ko na aalamin kung ano man ang sign na hiningi mo. Sige balik na ako sa seat ko." Sabi niya
"Ok, sabihan na lang kita mamaya kung tutuloy ako." At tuluyan na siyang umalis.
Matupad kaya yung sign na hiningi ko? Mukhang masyadong mabigat pero kung pahihintulutan naman ni Lord ade ok kung hindi ok lang din. Gymnastic kasi ako nung high school, gusto ko lang sumali para sa insentive na makukuha hehe.
Maya-maya ay dumating si Krissa sa classroom kasama si Kean nandoon sila sa labas at nagulat ako ng makita ko siya. Sino pa nga ba yung tinutukoy ko? Wala ng iba kundi si Jiro. Bakit kaya nila kasama yung lalaking iyon?
After 5 minutes ay pumasok dito sa loob si Krissa at hinila ako palabas ng classroom. Nagpupumiglas ako kaso hindi ako makawala sa kanya eh masyadong malakas. May binabalak itong dalawang ito sa amin ni Jiro. Oh no! Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nang makarating kami sa may labas ng classroom ay iniwan nila kaming dalawa ni Jiro at mag-usap daw kami. Magkatalikuran kami pawang na nahihiya sa isa't isa ni isa sa amin ay walang umiimik. Hindi siya nakatiis at binasag na niya ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
"Krissa, hindi ko alam kung ano sasabihin sayo eh. Nahihiya pa ako, pero sana tanggapin mo itong ibibigay ko sayo." Binuksan niya ang bag niya at may ibinigay sa Akin. Ngayon ay magkaharapan na kami. Tinanggap ko naman yung regalo niya. Nung binuksan ko ay natuwa ako dahil chocolate na mukha ko ang nakaukit. Sculpture ba na gawa sa chocolate pero nakakain siya.
"Salamat dito ah, I really appreciate it." Nginitian ko lang siya.
"Salamat naman at nagustuhan mo sige aalis na ako see you later." At nagbye siya sa akin at umalis na.
This is it! Mag-aaudition na talaga ako. At ready na rin ako kung ano yung ipeperform ko. Kaya pagkapasok ko ng classroom ay ibinalita ko ito kaagad kay Tin na kanyang ikinatuwa at after 5 minutes ay dumating na si Krissa.
"Oh kamusta naman yung pag-uusap niyo ni Jiro ok ba? Nagwork ba yung plano namin ni Kean?" Sabi niya at tumabi sa akin.
"Oo nakapag-usap naman kami. Sabi ko na nga ba at kayo may balak nito eh." Sabi ko at nagcross-arms.
"Pasensya na, gusto lang naming mapasaya kayo. Ito kasing si Jiro ay torpe at ikaw naman pakipot pa. Medyo nahirapan kami pero successful naman pala yung plano."
"Pakipot ka diyan, nahihiya lang ako dun sa tao syempre babae ako alangan namang ako pa yung umamin sa kanya diba mas nakakahiya? Baka isipin niya desperada ako."
"Eh inamin na ba sayo yung feelings niya?"
"Hindi pa, sa totoo lang ay nagsalita siya saglit tapos may binigay sa akin nung nagpasalamat ako ay tuluyan na siyang umalis."
"Hay, napakatorpe talaga nung lalaking iyon. Basta don't lose hope magiging kayo din someday."
"Hahaha, kulit mo talaga. Oo nga pala, mag-aaudition ako para sa cheering squad panuorin mo ako ah?"
"Naman, ikaw pa? Malakas ka sa akin eh. Oh sige balik na ako sa upuan ko at parating na yung prof natin." Tumango na lang ako as a sign na sige.
After class ay nagrehearse kami ni Tin para sa audition syempre magkaiba kami ng ipeperform.
Mga bandang hapon na kami nakapagperform dahil marami rin ang pumila. Mga 6 pm na kami nakauwi dahil nagrelax muna kami at ipopost na lang daw sa bulletin board yung mga nakapasok.
Nakakapagod dahil ibinigay ko talaga yung best ko para dun. Nainspired kasi kaya ganun. Natutuwa naman ako sa regalo sa akin ni Jiro parang ayoko tuloy kainin dahil nakakapanghinayang kaso sayang kapag natunaw lang kaya kakainin ko siya mamaya pag-uwi.
Ano pa kaya ang magandang mangyayari bukas? Sana aminin na niya haha.
♥♥♥♥♥
Elmo's Note:
This is my last update for the month of August. Hindi ko alam kung kelan ulit next update dahil magfofocus muna ako sa pag-aaral.
Continue reading lang po at huwag kayong magsasawang basahin ang mga ginagawa kong story.
God Bless You All!
Take Care....